KABANATA 20 ILANG oras akong napapaisip habang ginagawa ang mga trabaho ko rito sa mansyon ng mga Aragon, dahil pa rin doon sa napag-alaman kong kinausap pala talaga ni Senyorito Raphael ang mga kaibigan kong kapwa kasambahay ko rito para sumama sa pupuntahan kong birthday celebration ng bwisit na ex boyfriend kong si Archie. At mukhang balak din sumama ng Senyorito! Tingin ko talaga ay napasubo lang iyon sa paghahamon o pakikipag-usap noong si Archie, baka naman napipilitan lang ang Senyorito, nakakahiya naman. “Pwe!” Biglang sigaw ng kung sino saka ang sunod na umalingawngaw sa mansyon ay ang sigaw niya. “Nakakadiri! Bakit may buhok sa pagkain ko! Punyeta?!” Nagkatinginan kaming lahat, lalo na ng mga kaibigan kong kasambahay rito sa mansyon saka sabay-sabay na pinanlakihan ng mga mat

