KABANATA 21 “ANONG sinabi mo?!” Singhal niya sa ‘kin. Natauhan naman agad ako sa mismong sinabi ko at mabilis na nag-isip ng ipapalusot. “A-Ah kasi... ‘yun ang sinabi niya sa ‘kin, nagulat lang ako...” ‘Yung kilay niya parang may balak ng lumipad sa sobrang pagtataas, hindi na rin tuloy maipinta ang ekspresyon sa kaniyang mukha dahil sa iritasyon. Siguro totoo kasi at hindi niya matanggap na ganoon siya ipakilala ng Senyorito, parang nagpapakalat tuloy siya ng maling balita at tsismis dahil dine-deny naman ng Senyorito Raphael ang sinasabi niyang fiancee siya nito. Gigil na gigil na kinagat niya ang kaniyang ibabang labi saka mayabang na itinulak ang balikat ko. Napaatras ako ng hakbang nang lumapit ito sa ‘kin. “Sabihin mo sa ‘kin kung nananadya kang mang-inis or what ha? Hindi kita

