KABANATA 11

1668 Words
KABANATA 11 Hindi makapaniwalang natawa ako at nagpunas muna ng kamay bago tinanggap ang hand shake na offer ni Senyorito. Nakakatuwa naman, nakakataba ng puso. Kumindat ito saka inaya na ako sa kung saan. Nagtungo kami sa likurang bahagi ng farm kung saan din kami nakapag-usap kahapon, sinabi niyang dito niya naisipan kumain at isasama niya na rin ako, dahil walang magugulong tao sa lugar na ‘to, at tanging malalamig na lilim lang dahil sa naglalakihang mga puno sa paligid. Inayos ko ang mesa at ang mga dinalang pagkain ng mga inutusan niya kanina rito saka pnaghanda ito ng plato at mga kubyertos. “Have a seat.” Turo niya sa kaharap na upuang kahoy kaya sumunod na rin ako. “Nawalan ako ng ganang mag-agahan sa mansyon, naisip kong ‘wag na lang kumain saka dumiretso na rito nang ganito kaaga, pero may rason pala. Makakasabay pala kita.” Kibit-balikat niya habang inaayos din ang isa pang plato na para sa akin. “Maraming salamat po.” Sambit ko habang pinipigilan ang pagpapaulit-ulit na sinabi ni Archie sa isipan ko. Hindi ako makapaniwala na sa dami ng pwedeng pagpustahan ay ako pa ang nakita nila. “Quit using po and opo, Angeline.” Natatawa niyang sita saka tumigil para pagmasdan ako. “Uh do you want to cry?” “H-Ha?” “I won’t mind, go on...” Hilaw na ngumiti ako at umiling. “Hindi, Senyorito, ‘di naman ako naiiyak!” “Talaga? Saan mo ba kasi nakilala ang lalaking ‘yon, dito ba sa farm?” Tumango ako at nagpatuloy sa pagkukuwento, habang kumakain ay tanong lang nang tanong si Senyorito patungkol sa past namin ng ex kong si Archie, sinasagot ko naman lahat dahil boss ko siya at hindi pwedeng tanggihan at sungitan na lang para matigil gaya ng ginagawa ko kina Marceline, Teresa Marie, Isagani at Jappa. Hanggang sa lumalim na naman ang kwentuhan naming dalawa, namalayan ko na lang na umiiyak na ‘ko habang kumakain kami ng agahan. Ang tagal ko ng hindi nabubuksan ang saloobin kong ‘to dahil ayoko na ngang pasakitin ang ulo ng mga kaibigan ko sa problema ko. Ngayon ay nabuksan ulit pero mas malala. Pero ramdam kong may nakakaunawa sa ‘kin. Nakikinig talaga si Senyorito Raphael at nakakagulat na interesado siya sa kwento ng buhay ng trabahador niyang hindi naman ganoon ka-espesyal. “Hindi niya alam ang sinayang niya.” Kumibit-balikat at nag-angat ng gilid ng labi ang Senyorito. “Sakto lang, Senyorito, bakit nga naman kasi siya magtatyaga sa kagaya ko... hindi naman kagandahan, sayang ang panahon niya.” “Talaga? Hindi ako naniniwalang sayang ang panahon niya.” Umiling lang ako at ngumiti, alam kong pinagagaan lang niya ang loob ko pero na-appreciate kong mabait sa ‘kin nang ganito ang Senyorito, taliwas sa usap-usapan na masama nga raw ang ugali niya. Inaya ako ng Senyorito na maglibot sa farm at pinagturo sa kaniya ng mga ginagawa sa bawat station. Nag-uusap kami patungkol sa buhay ko at buhay rito sa farm habang naglalakad, may mga pagkakataon na nagbibiro ang Senyorito kaya napapatawa ako, nakita iyon ng mga tao at napapatulala na lang sa ‘min para mag-usisa. Nadaanan namin ang mahahalagang sulok ng farm at ipinaliwanag ko sa kaniya ang mga trabaho roon. Ang mga mata ng lahat ng nadaanan naming tauhan dito ay halos hindi na maalis sa ‘kin, pakiramdam ko tuloy iniisip na naman nilang may kung ano sa ‘min ng Senyorito. Nakakahiya naman kung ganoon, ang gwapo ng Senyorito na ‘to para ma-link sa ‘kin. Pasimple akong nag-ayos ng buhok kahit na magulo pa rin naman iyon at tayo-tayo dahil sa pagiging dry, inunat ko rin ang gusot at kupas na blouse ko kahit na wala namang magbabago, mukha pa ring luma. Sana pala sinuot ko na ang pinaka maayos kong damit, ‘yung puti kong tshirt na plain, kung alam ko lang. Pagkalipas ng ilang oras ay biglang may nagpatawag sa Senyorito mula sa labas ng farm kaya naman bumalik muna ako sa station ko, hindi na siya bumalik pa pagkatapos no’n pero sa mga sumunod na araw sa farm ay maaga itong nagpupunta, nagpapasama pa rin sa ‘kin para mapamilyar sa farm ng sariling pamilya. Sa nakalipas na apat na araw na ‘yon ay medyo nakomportable akong kausap ang Senyorito, matanong ito tungkol sa farm at sa buhay ko kaya hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan. Hindi na rin naubos ang tanong sa ‘kin ng mga kapwa katrabaho ko tungkol sa Senyorito, isama pa si Nanay na dinaig ang nanalo sa lotto dahil na-jackpot ko raw ang isang Aragon! Sinasaway ko na lang agad, baka marinig pa ni Senyorito Raphael, nakakahiya. “Alam mo, usap-usapan ‘yung sinabi ng Senyorito kay Carla! Na interesado sa ‘yo ang Senyorito dahil single ka.” Ani Marceline noong break time sa farm at nanananghalian kami. “Akala talaga namin salbahe iyan si Senyorito Raphael pero mukhang mas malala pa rin sila Carla. Soft nga kapag kausap ka ‘di ba?!” Sinimangutan ko ito at kinurot sa tagiliran. “Huwag ka ngang maingay, walang malisya ‘yon.” Pauna ko ng awat. “Anong wala!” Singhal ni Teresa Marie saka humalakhak. “Inosente much? Feeling ko mayroon! Sa tingin niya sa ‘yo, ramdam ko nilalandi ka niyan! Kagatin mo agad!” “Teresa.” Saway sa kaniya ni Jappa. “Lagot ‘yon kay Jappa.” Naiiling na biro ni Isagani habang tinatapik ang muscle ni Jappa, inambaan lang siya ng isa kaya natigil siya. “Trabaho lang. Mabait din naman kaya nakikipagkwentuhan ako, walang malisya.” Dugtong ko pero pakiramdam ko hindi na sila ang kausap ko, parang sarili ko na ang sinasabihan ko. Nang dumating ang Senyorito ay napangiti ako. Sinalubong ako nito at nakangiting bumati saka tinapik ako sa braso. “Sorry for making you wait, may makulit lang sa labas.” Natatawa niyang sambit. Awtomatikong napasulyap tuloy ako sa gate ng farm na tanaw mula rito at nanlaki ang mga mata nang makita ang... babaeng nagpakilalang fiancee niya raw kahit hindi. Si... Maurice! “Pinagpapawisan ka.” Natigil ako sa pag-iisip nang punasan ng Senyorito ang noo ko gamit ang puti niyang panyo, narinig ko ang impit na tili ni Teresa mula sa malayo. “Let’s go to my office now, para makapagpahinga ka.” Umawang ang bibig ko at nag-iinit ang mga pisngi sa hiya na tatanggi sana pero hinawakan niya na ‘ko sa kamay para igiya roon. Nakatulala lang ako roon habang naglalakad kami habang parang nakakita ng multo ang mga tao sa paligid dahil doon. Pagkarating sa opisina na nasa loob ng two-storey house malapit sa farm ay sumunod niyang ipinagawa sa ‘kin ang pag-paperworks ng mga transaksyon ng mga perlas sa farm patungo sa mga kumpanyang bumibili at pag-angkat ng mga mussel mula sa mga supplier. Magandang-maganda ang puro marmol na interior ng opisina at buong kabahayan, matatakot ka na lang gumalaw dahil sa dami ng mukhang mamahalin na vase sa paligid. Airconditioned din kaya ang sarap-sarap sa balat, ang init kasi sa labas. “This will be your new task from now on. Matututunan mo rin ‘to. Kapag may hindi ka ulit naunawaan, ‘wag kang mahiyang magtanong sa ‘kin. All right?” Maagap na tumango ako nang dagdagan niya pa ang sinasabi. “Don’t worry may dagdag din sa sahod. Of course, I got you.” Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at natutuwang yumuko sa harapan niya. “Maraming salamat, Senyorito!” “It’s nothing. You deserve it anyway.” “Diyan po yata ako hindi sigurado, marami po diyan ang mas magaling kaysa sa ‘kin.” Bahagyang natatawa na sambit ko. “Manang Felia po... ilang taon na rito sa farm—“ Naudlot ang mga sasabihin ko pa sana nang may kumatok sa nakabukas ng pinto ng opisina. Sumilip ang isa sa station head ng farm saka nagsalita. “Excuse po, Senyorito Raphael, nariyan po sa labas si Senyorita Maurice. Hanap po kayo...” Tinapunan lang ito ng tingin ni Senyorito Raphael saka dumungaw sa malaking bintana ng opisina niya para silipin siguro ang babaeng tinutukoy ng station head, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbuntonghininga niya. “You want to know why you?” Aniya hindi pa rin naman nag-aalis ng tingin sa babaeng nasa labas ng bahay ngunit parang ako pa rin yata ang kausap. “Po?” “It’s because I don’t like any of them but you.” Aniya. Natameme ako. “Even this woman didn’t catch my attention but you did. Pero alam ko namang wala kang interes sa ‘kin. Obviously.” Namamanghang tumawa ito saka humarap ulit sa ‘kin. “Senyorito...” “But I’m willing to show you that I’m worth your time and attention, I promise.” Dahan-dahan akong umiling at tipid na natawa. “Senyorito, hindi ko po kayo maunawaan sa gusto niyong iparating...” assumera na ba talaga ako o tunog-gusto talaga ng Senyorito ang oras at atensyon ko?! Nagdidilang-anghel yata si Teresa Marie?! “Isipin mo na lang na... what I just said to you awhile ago was some kind of a warning.” Umangat ang sulok ng kaniyang labi at namulsa. “Expect more from me on the following days that will come. I’m sorry in advance. And don’t ever believe what your ex boyfriend’s girlfriend had told you, you’re pretty as you are.” Napakurap-kurap ako at halos walang naisip na isagot sa narinig. Ngumiti lamang ito at itinagilid ang ulo para sulyapan naman ang tao sa pintuan na kanina pa naroon. Nakikitsismis pa yata. “Don’t let her in, pakisabi na lang na busy ako. With my new assistant, Angeline.” Nilingon ko ang station head at nakitang namilog ang mga mata nito na napatingin sa ‘kin saka dahan-dahang tumango. “Assistant? Si Angeline? Ah, s-sige po, Senyorito.” Aniya saka umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD