KABANATA 9

2164 Words
KABANATA 9 KANINA pa nakalubog ang aking mga paa hanggang tuhod dito sa artificial pond ng farm ngunit hindi ko pa rin matapos-tapos ang mga tinatrabaho ko. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kinaroroonan ng Senyorito na kausap pa rin si Manang Felia mula sa ‘di kalayuang distansya. Hindi dahil gwapo siya ha! Pero hindi nga maikakaila na siya ang pinakagwapong lalaki rito sa bayan, para sa ‘kin, kahit sinong babae rin naman siguro rito ay ‘yon ang sasabihin. Makisig ang katawan, litaw na litaw kahit na anong simple at plain ng suot, lalaking-lalaki ang kilos at ang mukha ay halatang may lahing dayuhan. Kung paano siya makipag-usap sa mga tao, seryosong mga ekspresyon at pagmuwestra ng mga plano patungkol sa pag-aari ng pamilya na farm, doon pa lang ay nagsusumigaw na ang awtoridad sa kaniyang awra. Hindi ka magkakamali sa pag-isip na siya ang isa sa dalawang anak ng pinakamaimpluwensyang pamilya sa bayan na ito. Pamilya Aragon. “Tapos mayaman pa.” Hindi na napigilang masambit ko habang nakatanaw roon. Nagulat ako nang may tumulak sa balikat ko mula sa likuran. Nilingon ko iyon at natagpuan si Carla, girlfriend ng ex-boyfriend ko, pati ang dalawa nitong kaibigan sa tabi niya. “Pinagpapantasyahan mo na naman yata ‘yung Senyorito Aragon ano!” Sita niya. Defensive na sinimangutan ko siya at inilingan. “Anong pinagsasabi mo. Hindi iyan totoo.” Hindi ko na siya pinansin at itinuloy ang pagsasabit ng mga nylon bag sa mga bamboo rito sa pond. “Hindi raw totoo pero nagmamayabang na pinansin siya ng Senyorito Aragon kagabi.” Dinig ko pang dagdag niya. “Eh ngayon nga, hindi ka naman pinapansin. Kahit yata tagalan ng ilang seconds na titig sa ‘yo ‘di makayanan ng Senyorito.” “Umaga na raw kasi.” Segunda ng kaibigan niya. “Anong umaga?” “Maliwanag na! Nakita na siya nang malinaw sa liwanag, kagabi kasi madilim.” Saka sila naghalakhakan. “Kahit sino naman kasi walang magtatangka magkaroon ng interes sa ‘yo, Angeline, tignan mo nga ‘yang itsura mo. Para kang sinaunang babae, jologs manamit tapos ang dumi pa ng kutis. Wala kang skincare?” Nagbingi-bingihan lang ako at nagtitimping ginawa ang trabaho. Kung nandito lang sila Marceline at Teresa Marie paniguradong lagot sila ro’n pero sanay na ‘ko sa mga ‘yan, komportableng-komportable na rin silang insultuhin ako araw-araw, may punto naman sila, kapansin-pansin ako sa pagiging ‘iba’ kaysa sa mga babaeng narito pero hindi ko naman siguro kasalanang unahin ang pagbabanat ng buto para sa perang pangkain araw-araw kaysa magpaganda nang magpaganda? Wala rin naman kaming pera para diyan. Hindi rin naman ‘to pagandahan, marurumihan at marurumihan ka rin naman dito dahil ‘farm’ ito. “Naiirita talaga ako kapag nakikita kita, ewan ko ba, parang napaka painosente mo kasi. Boring ka kaya pinagpalit ka ni Archie.” Aniya pa kaya natigilan ako, diretso ang nagtitiim na linya ng mga labi. “Pinagsawaan ka lang sa kama, ‘no?” Natatawang bulong niya pa malapit sa ‘kin. Doon na nag-init ang ulo ko, basta ayan ang usapan mainit talaga agad ang ulo ko pero ngayon lang yata ako hindi makaka kalma dahil sa sinabi niya. “Ano ba! Hindi ka ba titigil!” Hindi na napigilang sita ko sa kaniya saka malakas na naitulak siya. Nawala siya sa balanse dahil medyo madulas ang artificial pond kaya napaupo siya sa tubig, dahilan para mabasa pati ang suot niyang damit na pang-itaas. Napaawang ang bibig niya sa gulat at nag-angat ng nanlilisik na tingin sa ‘kin bago tuluyang sinugod ako. Ang ending ‘yong isang tulak ko sa kaniya na hindi naman talaga sinadyang mapalakas ay napalitan ng ganti nilang tatlo. Nakakahiyang nilapitan pa kami ng iba pang tauhan sa farm para lang awatin sila dahil halos ingudngod at lunudin ako sa tubig ng mga bruha. “IKAW naman, Angeline, sinabihan na kita ng lumayo sa tatlong ‘yon. Pang-ilang ulit ko na bang sinasabi ‘to sa ‘yo?” Mahinahong saway ni Manang Felia. Nakangusong yumuko ako at nagtanggal ng mga algae na dumikit sa blouse at balat ko. “Hindi naman ako lumalapit, Manang. Sila nga ‘yung nauna.” “Ikaw nga raw ang unang nanakit. Ano ba talagang problema ninyo?” Hindi na ‘ko sumagot at yumuko na lang sa hiya. Narito na kami ngayon sa likurang parte ng farm kung saan maraming puno naman ng niyog at mga mangga, sa kabilang banda rin ang poultry at babuyan kaya wala halos katao-tao dahil sa amoy. Tapos na rin niyang pagsabihan ang grupo ni Carla pero sa ibang lugar, paniguradong todo drama na naman ‘yon, hindi naman kasi ito ang unang beses na nagkagulo kami, war freak kasi silang tatlo. “Alam ko na ‘yan.” Ani Manang Felia. “Si Archie na naman?” “Ha? Hindi, Manang, ha! Ano naman hong pakialam ko roon... ang tagal na noon para isipin ko pa...” palusot ko sa pa-hina nang pa-hina na boses. May tumikhim mula sa ‘ming likuran saka nagsalita. “Manang, I just got clean towels for her.” Napadiretso ako ng tingin sa ‘king harapan at agad na nilingon iyon. Si Senyorito Raphael na naman! “And oh, Melida just arrived here in the farm, she’s been looking for you and the other station head. May sasabihin yata.” Napasinghap si Manang Felia pagkarinig pa lang noong pangalan ng Senyora Aragon saka natatarantang binalingan ako. “Magbihis ka o ‘di naman kaya ay magtago ka na lang dito at baka makita ka pa ng Senyora, ang dumi ng suot mo.” Nahihiyang tumango ako. Bumaling siya sa Senyorito saka bahagyang nag-bow. “Salamat, Senyorito, mauuna na ho ako. Gusto niyong sumabay?” Maagap na umiling si Senyorito Raphael at kunwa’y nangingiting nagpatingin-tingin sa matataas at malalagong puno ng mangga sa paligid. “Dito na lang din muna siguro ako, masyadong tirik na tirik ang araw, makakapagpahangin ako rito.” “Sige, sige, Senyorito. Magsabi ka lang kung may kailangan ka, mauuna na muna ako.” “Sure. Thank you.” Nagmamadaling tumakbo na ang matanda palayo rito at patungo sa sentro ng farm, iniiwan akong mag-isa, mukhang basang sisiw kasama ang mabangong Senyorito Aragon na ‘to. Napatalikod ako at nahihiyang nagpikit ng mga mata habang kunwaring busy sa pagtatanggal ng mga algae at iba pang halamang tubig na dumikit sa damit ko. Manang, isama mo kaya ako?! Nakarinig ako ng pagtikhim saka natigilan sa pagkilos nang makaramdam ng tuwalyang ipinatong sa ‘king ulo. “Dry yourself, you might catch cold.” Payuko-yuko at nahihiyang ngumiti ako na nagpasalamat nang hindi nakikipag eye-to-eye contact. “Aren’t you the funny woman last night? Sa veranda.” Sa wakas na asik niya sa ‘kin. “If I am not mistaken. ‘Yung lasing agad kahit dalawang glass pa lang ng wine ang naiinom.” Nahimigan kong nagpipigil siyang tumawa. Kinakabahang umiling ako saka nagpeke ng mahinang tawa. “Um, pasensya na po kayo, wala po kasi akong maalala sa... mga nangyari kagabi. Baka po nagkakamali kayo...” “Ah... is that so? All right. May atraso rin kasi sa ‘kin ang babaeng ‘yon, dinumihan niya ang suot ko kagabi but I didn’t get the chance to know who she is.” Sumusuko na aniya. Pasimpleng napangiwi ako. “I just wanted to meet her again, masaya rin siya kausap.” Nilingon ko siya dahil doon pero agad ko ring pinagsisihan. Nakasalubong ko ang mga mata nito, kahit may multo ng ngiti sa mga labi ay tila nanunusok naman ang intensidad ng mga mata, siguradong makararamdam ka ng ilang pero mararamdaman mo ring parang minamagnet ang mga mata mo para hindi lumisan ng atensyon sa kaniya. Iminuwestra niya ang tuwalya saka ipinatong pa sa ‘king mga balikat nang muntik na ‘yon mahulog mula sa ‘king ulo, naroon pa pala ‘yon kanina pa, halos magising ako sa hiya. Mukha siguro akong tanga. “Maraming salamat po sa tuwalya.” Bahagya rin akong yumuko para humingi ng paumanhin nang maalala ang nangyaring eskandalo kanina. Una ko talagang naisip habang inaawat kami kanina ay baka topakin ang Senyorito na ‘to at ilabas ang pagiging suplado niya gaya ng nakita naming bersyon niya sa mansyon nila noon saka ako tanggalin sa trabaho. “Nakakahiya ‘yung nangyari kanina. Pasensya na po.. ngayon pa talagang una niyong dalaw rito sa farm.” “Honestly, I was actually amazed that you were not fighting back against them earlier.” Lumapit siya sa nakitang mahabang kahoy na upuan malapit sa malaking puno ng mangga saka naupo roon. “Gusto ko tuloy isipin na ikaw ‘yung tipo rito na madaling mapagtulungan dahil sobrang bait.” Nahihiyang tumawa ako. “Hindi, Senyorito. Hindi naman talaga mabait, nagtitimpi lang.” Ani ko. “Kapag naman ginantihan ko ‘yon, baka isipin niyang talagang bitter pa ‘ko sa kanila ng ex ko kahit hindi na, magsama silang masasangsang ang ugali.” Gigil na putak ko habang sinusuklay ang nagulong buhok. Nag-angat siya ng kilay sa narinig at kumurba ang gilid ng labi, tila namamangha sa mga nasasagap mula sa ‘kin. Habang ako naitikom ko kaagad ang bibig ko, wala na ‘kong alak sa sistema ko pero bakit hindi ko mapigilang magkwento ng personal kong buhay sa taong ‘to. “So she’s the current girlfriend.” Tumatango-tango niyang sambit. “I wonder why did he choose her over you, well you do not have to mind her though, your eyes are way prettier than hers anyway.” Natahimik ako at pinag-initan ng mga pisngi. Nagkaroon tuloy ng katahimikan sa pagitan namin, lalo akong nahiya, pero kasi hindi ko naman malaman ang isasagot doon. Hindi naman kasi talaga maganda ang kahit ano sa ‘kin! Nag-alis ng tingin si Senyorito sa ‘kin saka nagpalingon-lingon sa paligid. “This place is so nice. Ako na ang magpapatakbo nito sa mga susunod na buwan kaya kakailanganin kong aralin ang lahat dito.” Tumango-tango lang ako at feel na feel na kumurap-kurap. Maganda ba talaga? Senyorito na ng pamilyang Aragon ang nagsabi! Pero hindi ba may usap-usapang mahilig ito sa mga babae roon sa Maynila? Baka palagi niya ng linya ‘yon sa lahat ng mga babae na nakakausap niya? “And I think I’ll need an assistant. Ayaw ko namang abalahin si Manang Felia...” inilapit niya ang kaniyang daliri sa kaniyang mapupulang labi at bahagyang ngumuso, tila nag-iisip nang malalim. Nang maglipat ito ng tingin sa ‘kin ay agad na nag-iwas ako ng sulyap sa kaniyang mga labi. “Since ikaw na ang nandito... ikaw na lang.” Nag-angat ako ng mga kilay bilang pagpapakita ng nagtatanong na ekspresyon. “A-Ang alin po, Senyorito?” Nakangiting tumayo ito mula sa upuan at nakapamulsa ang mga kamay na hinarap ako. “You’ll assist me whenever I visit this place, I’ll need you to be with me for... let’s say... most of the time na narito ako. Will that be okay with you?” Itinuro ko ang sarili ko. “Ako po talaga?” Nahihiyang nagpilit ako ng maikling pagtawa. “Sigurado po kayo? Baka po kasi wala po kayong mapala sa ‘kin, hindi po ako magaling magpaliwanag o magturo ng mga bagay-bagay rito, si Manang Felia po baka—“ Umiling siya. “I want you.” Diretso ang tingin sa ‘king mga mata na aniya. Napalunok ako at napako ang tingin sa kaniyang mga mata. “Don’t worry, hindi naman kita pahihirapan. Mga basics lang din ang itatanong ko, you’ll just need to guide me since I’m new here in Hermosa. Kahit naman kasi umuuwi ako noon dito, hindi naman ako masyadong nagtatagal.” Dagdag niya. “Kung gagawin mo ang trabaho mo rito sa farm, you’ll just have to show me how everything’s done here, manonood akong mabuti. That’s it.” Ngumiti siya kaya pilit na ngumiti rin ako, wala ng nagawa kung hindi ang pumayag. Siya pa rin ang boss kaya kung mag-iinarte pa ako baka umuwi akong sa mansyon na lang ang trabaho sa buong linggo at hindi na sa farm na ‘to. “O-Okay po.” “Angeline!” Napalingon kami sa tumawag sa ‘kin at nakitang si Teresa Marie iyon, lalapit sana pero natigilan din nang mapansin na ang kausap ko ay si Senyorito Raphael. “Ay, h-hello po, Senyorito... mamaya na lang pala, Angeline.” Makahulugang ngumiti siya bago patakbong umalis ulit. Alam ko na ang iniisip ng kaibigan ko na ‘yon, paniguradong uulanin ako ng tanong ng dalawa mamaya. “So you’re Angeline?” Namamangha siyang ngumisi. Nahihiyang nagkamot ako ng sentido habang unti-unting tumatango. “Angeline. Your name suits you so well.” Naglahad siya ng kamay sa harapan ko. “By the way, I’m Raphael Aragon. Glad to see you again, miss stay put.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD