KABANATA 6
HALOS manigas pa rin ako sa kinatatayuan ko dahil sa lapit ng distansya naming dalawa ngayon ni Senyorito Raphael, idagdag pa na hindi ito nag-aalis ng titig diretso sa ‘king mga mata at ang mga kamay ay nakapahinga pa rin sa ‘king beywang.
Abot-abot ang kaba sa ‘king dibdib kanina sa hindi maipaliwanag na rason kaya bukod sa romantikong instrumental na tugtog sa lugar ay humahalo sa nadidinig ko ang aking dibdib.
“Breathe,” tipid na kumurba ang natatawang mga labi nito.
Isa pa, ang halos lahat ng kababaihan ay nakalihis ng tingin sa ‘ming dalawa!
Lalo akong nahiya at napakurap-kurap na nag-iwas ng tingin patungo na lang sa balikat nito saka nagpatuloy kami sa mabagal na pagsasayaw.
“Hindi ba ikaw ‘yung muntik ng mahulog sa hagdan noong isang araw? Sa mansyon?” Dinig kong asik niya kaya natatarantang nag-angat ulit ako ng tingin at nahihiyang tumango bago yumuko ulit.
Ang height niya ay higit na mas lamang sa akin, hanggang bandang ilong niya lang ang dulo ng aking ulo kaya kinakailangan ko palaging mag-angat ng tingin nang mas mataas. Pakiramdam ko pa isa siyang ginto na bawal gasgasan, kasayaw ko ngayon ang isa sa mga anak ng Senyora Melida!
“Miss?”
Nabalik ulit sa kaniya ang atensyon ko.
“K-Kasambahay niyo lang po ako sa mansyon... kaya nagulat po ako na... na isinasayaw niyo ‘ko ngayon dito.” Mahinang saad ko. Kahit yata ang paglunok nang maayos ay hindi ko na matandaan pa kung paano, naiilang ako nang sobra!
Inaamin kong magaganda ang pares ng mga mata ng Senyorito sa ‘king harapan ngayon pero pakiramdam ko ay tumatagos ang tingin niya hanggang sa ‘king kaluluwa, may kung anong nagpapadoble ng pag-iingay sa ‘king dibdib, seryoso ngunit malalim.
“Naghahanap talaga ako ng maisasayaw, sakto namang nakasalubong kita. Hindi mo ba sinadya ‘yon?” Nahimigan ko ang pagngisi niya.
“Ang... ang a-alin po?”
“You can quit using po and opo to me, hindi pa ‘ko ganoon katanda.” Aniya. “I was talking about us bumping on each other earlier, kasi kanina pa may mga babaeng halatang-halata sa pagbunggo ng sarili nila sa ‘kin, nagtataka tuloy ako kung hindi ba sila nasasaktan sa ginagawa nila.”
Agad na umiling ako nang ilang beses. “Hindi, hindi siyempre! Bakit ko naman gagawin ‘yon.” Hilaw na nangiti ako. “Ang totoo niyan, hinahabol ako no’ng manyak na ‘yon, akala niya yata madadala niya ‘ko sa pa-5 digits per month niya, hinawak-hawakan pa ‘ko sa pwet!—“ naitikom ko ang bibig ko mula sa pagkairitang pagkukuwento at sa walang filter-filter na salita. Kahiya.
“Really? He did that to you?” Curious niyang asik. Nahihiyang tumango lang ako. “Pero isa si Marco Guerillas sa pinakamayayaman na lalaki sa corporate industry, yes I must admit he’s into f*****g numerous bitches, pero kaya kang bayaran ng malaki. Bakit ka pa tumakbo?”
Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo. “Bakit naman hindi ako tatakbo? Nanay ko lang ang tatanggapin kong papalo ng pwet ko! Wala naman akong pakialam kung ubod siya ng yaman, hindi ko kailangan ng pera niya...” nag-aangat ng baba na sambit ko, medyo humina pa ang boses noong sinabi ang huling mga salita.
Joke lang, kailangan ko ng pera, pero huwag naman sa kapalit na aalipinin niya ‘ko sa kama niya na parang bayaran? Wala akong pinag-aralan pero may moral pa naman ako!?
“Ah...” tumango-tango na aniya. “Pero pera ang dahilan kung bakit ka nandito, hindi ba? Wait, don’t tell me you’re waiting for a decent man in this place that would offer huge amount of money in exchange of your love?”
Sumulyap ako sa kaniya ng tingin at nakitang nakatitig pa rin ito sa ‘kin, tila namamangha sa pinag-uusapan at sa mga sagot na nakukuha mula sa ‘kin.
“Hindi rin ako naghahanap ng true love rito. Pinilit lang ako ng nanay at mga kaibigan ko.” Mahinang sambit ko.
“Good.” Mabilis niyang segunda. “Dahil imposibleng makahanap ka ng true love at pera nang walang kapalit na katawan at s*x sa gabing ‘to.”
Suminghap ako sa narinig at halos takpan pa ng palad ang aking bibig. “Talaga?” Naiintrigang tanong ko.
Nakangising tumango siya. “Wanna know some dirty little secret about this event?”
Sunud-sunod ang naging pagtango ko.
Lalong lumawak ang kaniyang ngiti saka inilapit ang mukha sa ‘kin. Natigilan pa ako noong una dahil hindi ko sigurado kung ano ang gagawin niya, nakita kong ganoon din ang ibang mga babae sa paligid namin, pero nagpatuloy si Senyorito Raphael hanggang sa makalapit ang bibig sa ‘king tainga.
Amoy na amoy ko ngayon ang panlalaki niyang pabango. Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan nang hawakan pa nito nang husto ang aking beywang at inilapit ako sa kaniya.
“Every man in this place tonight went here to look for someone that would warm their bed. Some are looking for women that would agree to become their s*x slaves.” Bulong niya, halos makiliti ang tainga ko sa mainit nitong hininga na tumatama roon, kaya hindi ko alam kung saan ako mapasisinghap. Sa mga nalalaman ko ba ngayon o sa nagiging epekto niya at ng distansya niya sa ‘kin! “In exchange of money, you would have to gratify their s****l desires, moan for them while they f**k you or f**k them til they tell you to stop.”
Nag-init ang mga pisngi ko sa naging mga vulgar na salitang ibinulong niya sa ‘king tainga, idagdag pa ang baritono nitong boses na tila... nang-aakit. Mariin kong naipikit ang mga mata ko para matigil ang ganoong ideya sa Senyorito!
“Diyos ko, kahabagan nawa sila kung... kung ganoon, Senyorito!” Natatarantang react ko pagkalayo nito mula sa ‘kin at hinarap ang aking reaksyon. Pakiramdam ko kasing pula na ngayon ng mga kamatis ang pareho kong pisngi.
“Right? There’s no place for love in that setup. Pero kung pera naman ang talagang hanap mo, tatanungin kita...” sumilay ang kurba ng ngisi sa kaniyang mga labi habang diretsong nakatitig sa ‘kin. “would you accept that kind of offer—“
“Senyorito. Alam ko pong mukha akong dukha, hindi kasing yaman ninyo, walang pera, kasambahay lang sa mansyon niyo...” dramatic na pag-eenumerate ko ng mga katangian na ‘yon, proud na proud lang akong sabihin na iba ako sa mga babaeng ganoon. May integridad akong pinalaki ni Nanay at Tatay! Taas-noo tuloy ako habang nagsasalita. “pero hindi po ang isasagot ko, hindi ko po kaya ‘yon! Maghanap na lang po kayo ng iba!” Singhal ko saka nagmamaldita na aalis na sana.
“Wait.” Habol niya sa ‘king beywang. “I didn’t say na ako ang mismong nag-ooffer, why would I do that anyway, right? Tinanong lang kita.” Natatawang aniya.
Napaawang ang bibig ko na parang na-gets siya nang tuluyan saka nahihiyang nag-iwas ng tingin habang hilaw na nakangisi. “Ibig ko rin pong sabihin na... ‘yon po ang isasagot ko kapag may mag-ooffer sa ‘kin ng ganoon. Ganoon na ganoon po ang attitude, kumbaga practice ho iyon, magwawalk out ako...”
Umawang din ang kaniyang bibig saka tumango pero halata pa ring natatawa sa ‘kin.
Kailangan kong kumalma, bago pa maging kahihiyan ang imahe ko sa Senyorito na ‘to dahil panigurado magkikita pa kami nito sa loob ng mansyon nila.
Umayos ka, Angeline Elysiana Estrella!
“So... do you mind if we dance or even talk with each other until this event’s over? Baka lapitan ka ulit ng mga ganoong klaseng lalaki kapag lumayo ka sa ‘kin. Ako naman ay paniguradong hindi tatantanan ng mga babaeng mangungulit kapag iniwan mo ‘ko.”
Natulala ako dahil sa mga sinabi niya saka kunwa’y nangiti.
“S-Sige, Senyorito... wala naman din akong balak na mag-uwi ng lalaking mayaman sa gabing ‘to. Ayoko rin makipag-usap talaga sa kanila, blessing ka ni Lord ngayong gabi...” ngumiti ako ng kunwari ay hindi naiilang sa kaniya.
“Nice to hear that. Magsabi ka lang kung gusto mo na maupo.”
Impit na napatili ako nang biglang may bumunggo sa ‘king likuran dahilan para lalo akong masubsob palapit sa dibdib ng Senyorito. Maingat naman niya ‘kong sinalo at inalalayan pero nilingon ko agad ang may kasalanan.
Natagpuan ko ang kaibigan kong si Teresa Marie habang may kasayaw na lalaki, kunwa’y hindi pa ito nakatingin sa ‘min noong una pero nahuli ko rin maya-maya saka ngumisi nang nakakaloko. Inirapan ko agad siya.
“Sorry...” paghingi ko ng paumanhin.
“It’s fine—“ hindi pa siya tapos magsalita nang may makabunggo naman sa likuran niya dahilan para siya naman ang mapasubsob sa ‘kin!
Nakasimangot na tumingkayad ako para tignan sa likuran ng kaniyang balikat ang may pakana. At halos magmura ako nang makita ang nagpipigil ng kinikilig na ngiti na si Marceline!
“Tara, maupo na lang siguro tayo, Senyorito... kung okay lang sa ‘yo?”
Kumibit-balikat siya at iginiya ako patungo sa bakanteng mesa at silya na pang-dalawang tao lang.
Nauna si Senyorito Raphael na maupo roon at halos magulat ako nang may grupo na ng mga kababaihan na nag-uunahang lumapit sa kaniya, natulak-tulak pa ‘ko ng iba mabuti na lang at nakatabi agad ako sa sulok. Pinalibutan na siya ng mga ito kaya wala na ‘kong nagawa kundi huwag ng makigulo.
Mukhang ayan nga ‘yung sinasabi niya kanina pa, na ayaw niyang mangyari, pero parang kanina pa siya inaabangan ng mga babae. Kung sa bagay, kahit sino mag-aabang sa Senyorito rito, puro ba naman kasi may edad ang mga lalaki dito. Bilang lang sa daliri ang nasa edad 20s o 30s.
Pero para sa ‘kin kahit kaedad ko pa pero pagsasawaan ang katawan mo sa kama niya bilang kapalit? Huwag na lang, hindi ko pala kaya, mission abort. Bakit ba ‘ko pinapapunta rito ng sarili kong ina.
Naglakad ako palayo at kinapa sa maliit na bulsa ng bestida ang cellphone ni Marceline. Tinext ko na lang si Jappa na sunduin ako at kumain kami sa market dahil wala na ‘kong balak na magtagal pa rito. Ilang minuto lang ay narinig ko ulit si Senyorito.
“Please excuse me, hindi na ako interesado sa inyo. I already found someone to drink with tonight.” Nagulat ako nang akbayan ako nito at humarap kami roon sa mga babae.
Napatitig sa ‘kin ang mga babaeng kausap niya kanina lang, ang ilan sa mga iyon ay pamilyar pa sa ‘kin dahil kapitbahay lang namin. Naaamoy ko na ang tsismis sa buong street namin bukas.
“Si Angeline?” Nakangiwing puna nila saka nagkatinginan, mukhang hindi makapaniwala.
Ako rin kung alam niyo lang, hindi rin ako makapaniwala kung bakit sa ‘kin lumalapit ang Senyorito Aragon na ‘to ngayon.
“Si Angeline... pero mas maputi naman ang balat ko kaysa sa kaniya...” dinig ko pang sabi noong iba.
“Mas mukhang naplantsa pa nga ang suot ko kaysa sa kaniya...” hilaw na ngumiti ang babae sa Senyorito pagkasabi noon nang pasimple.
Napababa ako ng tingin sa suot ko. Sa totoo lang nakakahiya nga ang kulay at hitsura ng bestida ko ngayon pero kung alam lang nila... mas gusto kong ganito ‘to, pabor sa ‘kin na mas maganda sila tignan kaysa sa ‘kin, kanila na ang mga lalaki na ‘yan na manyakis.
“Alam ko, you’re way hotter than her.” Dugtong ni Senyorito Raphael habang nang-aakit na hinalikan pa ang kamay noong isa bago binitiwan. Nag-angat ako ng kilay noong nilingon ko siya, revealing nga naman kasi ang suot nila, nanghihikayat aura ganoon, pero wala talagang preno ang bibig? Imbyerna. “But I’m not looking for hot women tonight, so please excuse us.”
“Wine, sir?” Alok ng lumapit na waitress. Ngiting-ngiti sa Senyorito habang nakalahad ang tray na hawak niya.
“Thank you.” Kumindat ito roon kaya halos mapakagat labi ang waitress sa kilig.
Kumuha si Senyorito Raphael ng dalawang kopita saka ibinigay sa ‘kin ang isa.
Huhulaan ko: babaero ang Senyorito na ‘to sa Maynila na pinanggalingan niya?
Nakabusangot na nagpahila ako sa kaniya patungo roon sa veranda ng second floor ng ballroom, isinara niya nang mabuti ang malaking double door kaya natahimik na ang paligid mula sa tugtugan at ingay ng kwentuhan saka kami nagtungo sa railing. Itinukod niya ang parehong siko roon habang ako naman ay tumayo lang sa kaniyang tabi.
Base sa hitsura niya ngayon ay para siyang model ng masculine na brand. Litaw na litaw ang malapad nitong balikat at maskuladong mga braso, siguro may halong dayuhan ang lahi ng mga Aragon?
“That’s what I was talking about earlier. They’re all frustrating.”
Nakalabing inilapag ko sa makapal na square railing ang kopita dahil hindi naman ako masyadong umiinom ng alak. “Kung hindi ka naman po pala interesado sa kanila, bakit ka nagtungo rito?” Pinilit na maging mabait at magalang na tanong ko kahit medyo masama pa rin ang loob ko na sinabi niyang hindi ako hot.
Pero okay lang naman!? Ayoko naman din maging hot!? Pero nakakainis, ewan ko kung bakit!?