KABANATA 7

1168 Words
KABANATA 7 “MAY tinatakasan ako. She’s annoying.” Sagot niya lang saka sinipat ang relo. Naalala ko bigla ‘yong babaeng humahabol nga sa kaniya kanina. “Ah! Si...” pinikit ko ang mga mata ko para alalahanin ang sinabi nito sa ‘min na pangalan niya kagabi. “Maurice! ‘Yung fiancee mo raw?” Nag-angat siya ng kilay. “Not my fiancee. Not even my girlfriend, never had one.” Walang pag-aalinlangan na saad niya. “I’m actually thinking of something on how I would shoo her away.” Hindi ko napigilan ang matawa sa narinig. Tinakpan ko rin agad ang bibig ko nang lumingon sa ‘kin si Senyorito Raphael. “Sorry po...” Kita mo ‘yon, ang yabang sa ‘min kagabi na akala mo kung sino pero ayaw naman pala siya ng Senyorito!? Panigurado hindi nagugustuhan ang ugali niya. Kahit sino hindi magugustuhan ang ugali niya, ang taas ng tingin sa sarili! “How ‘bout you, are you in a relationship, right now?” “Hindi naman po siguro ako pupunta rito kung mayroon ako?” Natatawa pa rin na saad ko. Nagtagal ang titig nito sa ‘kin saka sa ‘king labi kaya natigilan na ‘ko. Tumango siya, namamangha. “Right. Faithful, huh.” Namamanghang ngumisi siya. “Have you ever been in a relationship?” Napasulyap ako sa kaniya nang magbukas siya ng topic tungkol sa ‘kin. Interesado ba siya sa buhay ng kasambahay nila? Baka pampalipas-oras lang namin dito? “Mayroon po, dati.” Feeling strong na sagot ko. “Ilan?” Bahagya akong nahiya at natawa. “Isa lang naman ang nagtangka, Senyorito. At saka last na rin ‘yon, nakaka-trauma siya.” Carried away na pagkuwento ko. Tumayo ito nang tuwid saka pumihit ng harap sa ‘kin ang katawan, halatang nagkainteres sa napag-uusapan. “Talaga? Would you mind if I ask why?” “Ayun ho, typical na babaero! Manloloko! Grabe ‘yun!” Maririin na pagkukuwento ko habang inaalala ang mga masasalimuot na nakaraan. “Kapag naiisip ko nga, gusto ko siya gulpihin bigla. Kapitbahay lang namin ‘yun eh, kapal ng mukha!” Napailing ako ako at naisipan na tumungga ng alak doon sa kopita ko. Mahinang natawa si Senyorito Raphael. “Then?” “Pinagpalit ako sa mas maganda kaya medyo tanggap ko pa naman ho pero sana ‘di ba? Sana naman nagpaalam! Kilig na kilig pa naman ako sa tuwing magkasama kami, eh sweet ho kasi, mabulaklak magsalita.” Humalakhak ako saka tumungga ulit. “Hoo! Ang pait. Parang ‘yung nakaraan.” “You want more?” Inalok ni Senyorito Raphael ang kopita niya, nahihiyang umiling lang ako bilang pagtanggi. “Then what happened?” “Ayon ho, siyempre nakakasalubong ko minsan, eh pareho kasi kaming nagtatrabaho sa farm ninyo.” “The freshwater pearl farm?” “Oo! ‘Yun!” Nailing ako at napairap. “Palagi sila ro’n nagtatampisaw sa tubig, akala mo nasa teleserye!” Tinakpan nang bahagya ni Senyorito ang kaniyang bibig sa pigil na pagtawa. “Bakit hindi ka mag-boyfriend ulit? Para naman malaman niyang may bago ka na.” Saglit akong natameme saka maya-maya ay humalakhak. “Ikaw talaga, Senyorito!” Carried away na naitulak ko ang braso nito. “Wala namang nanliligaw sa ‘kin, ‘di naman ako hot! Isa pa...” tumigil ako sa pagtawa at tumulala. Nag-aalala siyang natigilan. “You okay?” Ngumuso ako at pinigilang maiyak nang maalala ang mga masasayang nakaraan pero hindi na kinaya talaga, nagdrama na ‘ko rito. Hindi naman mukhang tsismosong uri ng tao itong poging Senyorito na ‘to na ipagkakalat na hindi pa ‘ko nakakamove on sa ex ko? “Isa pa?” Aniya habang naglalahad ng panyo. Imbis na panyo ang kinuha ko, ‘yong kopita niya ang dinale ko saka tinungga nang straight! Gulat na gulat si Senyorito pero okay lang ‘yon, broken eh! “Isa pa... siya pa rin po talaga!” Humagulgol ako, madramang-madrama. “Binigay ko naman ang lahat!” Nagpanic si Senyorito pero nakita kong parang nagpipigil pa rin siya ng pagtawa. Sa bagay sabi ni Nanay pangit talaga ako kapag umiiyak. Kaya ayoko na mag-jowa talaga, super last na ‘yon. “Binigay mo ang lahat? You mean... ‘that’?” Nag-iingat niyang tanong saka iminuwestra ang katawan ko. Parang batang umiiyak na tumango ako. Tinakpan niya ang bibig niya, nakikisimpatya. “Oh s**t. Condolences, miss.” “Talaga! Napaka gago niya! Grabe talaga mga ganoong lalaki!” Nagagalit na singhal ko. “Hindi nila alam na ang mga babae ay pure magmahal, bigay pati buong kaluluwa, handa silang alagaan kahit hindi sila ubod ng yaman okay lang! Ni hindi na nga sa panlabas na anyo o ari-arian nakatingin, kahit isang manok lang sa bakuran ang mayroon ka, okay lang!” Pagrereklamo ko na parang may kainuman lang sa kanto. “Hindi lahat pero ikaw, mukhang ganoon ka...” namamanghang aniya sa ‘kin saka nagkaroon ng multo ng ngiti sa mga labi. “Tama, Senyorito. Pero siya, saka ‘yung ibang lalaki... puro toot lang ang alam sa buhay! Iyong toot lang din nila ang pinaiiral imbis ulo nila sa taas na may utak!” Mariing muwestra ko sa pants niya kung saan naroon ang ari kaya halos nagulat pa siya. “Toot? Oh God.” Doon na siya napahalakhak. Nagulat pa ako sandali, hindi kasi siya ‘yong tipo ng mukhang palatawa sa mansyon, ibang-iba ang aura niya roon lalo na noong kinakausap siya ng Senyor Philip. “Trust me, ang kailangan mo lang gawin ay palitan siya ng mapagkakatiwalaang lalaki. Makakausad ka.” Maayos na advice niya. Pero napadighay ako nang malakas kaya napalayo siya bigla. “Umiikot ka...” turo ko sa kaniya nang makitang umiikot siya sa paningin ko. Nagbaba ako ng tingin sa kopita ko at nakitang nagiging dalawa na ‘yon. “Ito rin...” “You’re drunk. That fast?!” Sasagot pa sana ako nang makaramdam ng paghilab ng tiyan ko. Hindi pa kasi ako kumakain kanina pa, si Nanay naman kasi super handa na ibugaw ang anak niya. Maya-maya ay humila ang lahat sa sikmura ko at nasuka, tumalsik ang iba sa coat ng Senyorito! Napatakip ako ng bibig. Diyos ko. “Angeline!” Pagtingin ko si Jappa ‘yon sa ibabang palapag, sa harap ng nitong mansyon ng mga Portugal. Sumesenyas na alis na kami. “The hell.” Usal niya. “Sorry po! Sorry po!” Nakangiwing paghingi ko ng paumanhin pero nakaramdam ulit ako ng paghilab sa tiyan ko kaya naisip kong magpatulong na kay Jappa. “Balik po ako, stay put ka diyan Senyorito! Stay put! Stay put!” Turo ko sa mga paa niya saka gegewang-gewang na tumakbo palayo. “Wait, miss! What’s your name?!” “Stay put!” Sigaw ko pabalik saka nahihilong tumakbo na palayo. Nauntog pa ‘ko sa nakasarang pinto kaya nahihiyang lumayo na talaga ako roon. Shuta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD