KABANATA 23 “ANGELINE! Masaya ‘ko na nagpunta ka, akala ko talaga iindianin mo ‘ko eh!” Bumungad sa ‘kin ang maraming-maraming lalaki na kaniya-kaniyang nakaupo sa mga silya na nakapaikot sa bawat mesa, ang mga mesa naman ay puno ng mga nakapatong na alak at mga baso. Maingay sila dahil sa energetic na kuwentuhan, ang iba ay maririnig pang nagmumurahan habang ang iba naman ay kumakanta pa sa karaoke kahit basag-basag na ang speaker no’n. Agaw-pansin lang din ang mga babae sa maliit na entablado sa bandang unahan, puro babae iyon na hindi naman nakahubad totally pero sobrang iiksi at hahalay ng mga suot na tube top, kitang-kita tuloy ang naglalakihang mga dibdib, saka maiiksing palda na halos magpasilip ng suot nilang underwear. Sumasayaw sila sa harapan habang tila pinagkakatuwaan ng mga

