CHAPTER 12

1907 Words
CHAPTER 12 Nakalagay na naman sa loob ng kanyang magkabilang bulsa ang kanyang kamay. “Kap. . .” kinakabahang sabi ko sabay atras ngunit nabangga lang ako sa lababo niya. “Kanina ka pa ba nakayuko? Halos maputol na ang leeg ng mga lalaking nandoon habang nakatingin sa dibdib mo, Eleanor. Kung hindi lang ako nagpigil kanina ay baka may nasuntok na akong tao.” “Hindi ko alam, kap. Masyado akong busy kanina para mapansin na kanina na pala lumalabas ang bra ko.” paliwanag ko sa kanya. Biglang namawis ang aking noo. Bakit naman kinakabahan ako ngayon? Napayuko ako at doon ko nakita ang kanyang nakakuyom na kamao. Ang mga buko't-buko nitong mga kuko ay tila handang sumugod. Galit ba siya? Nang tingnan ko ang kanyang mga mata, doon ko nakumpirmang galit nga ito, isang galit na tila handang sumabog at lamunin ang lahat ng nasa paligid. Hindi ko namalayan ang paglaylay ng aking damit. Hindi ko na napansin ang pagkaluwag ng aking damit, ang paglabas ng aking dibdib. Ano ang dapat kong gawin? Nangyari na 'yon at wala na akong magagawa pa. Isang malalim na hinga ang kanyang ginawa. Tumalikod ito sa akin, ang kanyang kamay ay nasa bewang na niya at mukhang problemadong- problemado sa nangyayari. “Kukuha ako ng jacket sa taas. Hintayin mo ako rito, babalik agad ako. Simulan mo ng buksan 'yang mga karton.” naglakad na ito palabas ng kusina at iniwan akong may kaba sa dibdib. Inayos ko ang aking damit at tiningnan ko ang aking sarili. Sanay akong magsuot ng mga sleeveless na damit. Kahit nga 'yong ibang mga t- shirt ko ay pinuputol ko pa para gawing sleeveless. Mabilis kasi akong makaramdam ng init at pawisin ako. Sa isang araw, kapag mainit ang panahon ay ilang beses akong magbihis ng damit dahil nababasa ang damit ko. Naalala ko na ilang beses akong yumuko kanina at hindi ko man lang naisip na lumalabas na pala ang dibdib ko. Kaya ba ako pinapunta ni Kap dito sa kusina dahil iyon din ang una niyang napansin nung pumasok siya? Nakaramdam ako na parang uminit ang aking mukha. Pumunta ako sa harap ng mga karton at sinimulan ko iyong buksan. Mga groceries naman pala itong binili niya. Ngayon lang ako tumulong sa pamimigay. Kadalasan kasi ay si tiya ang tumutulong dito. Nilabas ko lang ang iba. Umupo na lang muna ako sa sahig dahil malinis naman. Nilabas ko na ang ibang mga laman ng karton. Ngayon ay naging conscious na ako sa damit ko. Panay na ang taas ko rito kahit na wala namang ibang tao sa kusina kundi ako lang mag- isa. Dumating si Kap sa kusina na may bitbit na itim na hoodie. Tumingala ako sa kanya. Inilahad nito sa akin ang hoodie na kulay itim. Walang nakasulat o kahit anong disenyo, plain na black lang talaga. “Isuot mo na muna itong jacket ko, Eleanor.” tinaas ko ang aking kamay at tinanggap iyon. Sinuot ko na sa aking sarili ang hoodie. Nalanghap ko ang mabangong amoy, parang kayakap ko na rin si Kapitan habang suot- suot ko ang kanyang hoodie. “Paano po ba 'to, Kap? Anong ilalagay ko sa isang plastic?” nagpaliwanag ito sa akin kung ano ang mga ilalagay ko sa bawat isa. Umupo na rin ito sa sahig katulad ko. Dalawa kaming nandito sa kusina at nagpapack ng mga groceries para sa mga tao. Hindi man lang siya nagpatulong sa iba, ilang tao na ang pumunta rito kanina at tumanggi siya. Kaya na raw naming dalawa ito. “Hi, Eleanor! Hello, kap!” napatingin kaming dalawa sa b****a ng pintuan. Nandoon si Joefel at nakangisi na agad ito kahit hindi pa nakakalapit sa aming dalawa. 'Yong ngisi niya na halatang mang- aasar lang dito. “Mukhang hindi n’yo naman pala kailangan ng tulong dito. Nakakahiya namang tumulong at istorbo lang yata ako sa inyong dalawa.” pinanlakihan ko ito ng mata at tiningnan ng masama. “Anong pinagsasabi mo d’yan? Umalis kana nga!” pagtataboy ko sa kanya. Napahawak ito sa kanyang dibdib at umaarteng nasaktan sa sinabi ko. “Tinataboy mo na ako ngayon! Ayaw mong maistorbo ko kayong dalawa ni kap, ‘no? Kap, gusto ka yatang masolo ni Eleanor ngayon.” Lumipad sa kanya ang isang de lata. Iyon ang nahawakan ko, nasalo niya naman ito at hindi siya natamaan. “Ito na nga, aalis na ako. Mukhang may kasalan ng magaganap sa susunod na mga buwan. Maghihintay ako at kakain na naman ako ng masarap na letchon! Salamat naman,” tumakbo na ito palabas ng kusina nang umamba akong itatapon ulit sa kanya ang de latang nahawakan ko. “Kung ano- ano na lang talaga ang pinagsasabi ng taong ‘yon,” umiiling na sabi ko. Nakakailang na paligid ang iniwan ni Joefel sa aming dalawa. Siya talaga ang may gawa ng lahat ng ito. Inaasar- asar niya ako kay Kap kaya ngayon naiilang na ako sa kanya. Tinatamaan na ako ng hiya. “Hayaan mo na siya. Inaasar ka lang nun, alam mo naman ang ugali ni Joefel.” Napahawak ako sa aking likod. Kumikirot na iyon dahil kanina pa ako nagtatrabaho rito. Patapos na rin naman kami at mukhang kaunti na lang naman ang mga tao sa labas. “Pagod kana? Magpahinga ka muna, ako na rito. Patapos na rin naman tayo.” Inagaw sa akin ni Kap ang plastic na hawak ko. Hindi na ako umangal dahil kanina pa ako nangangalay. Umatras ako ng kaunti hanggang sa lumapat ang aking likod sa dingding. Sumandal ako doon at sandaling pinikit ko ang aking mga mata. Kumakalam na ang sikmura ko at nahihiya lang akong magsabi sa kanya na nagugutom na ako. Malapit ng maghapunan. Maypa letchon daw siya mamaya at doon kami sa bakuran niya kakain. Ang galante talaga nito. Kulang na lang buhayin niya lahat ng mga tao rito sa barangay namin. Sa aking pagpikit ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising na lamang ako nang makaramdam ako na parang may humahaplos sa aking pisngi. Nang unti- unti kong binuksan ang aking mga mata ay napaatras agad ako. Pumikit lang naman ako pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ilang minuto ba akong nakatulog? “Aray!” napangiwi ako habang hawak- hawak ang aking ulo na nabangga sa dingding dahil sa ginawa kong pag- atras. Ang lapit ng mukha ni Kapitan Anatalio sa akin. “Sorry, gigisingin sana kita para kumain. Masakit ba?” naramdaman ko ang lakas ng t***k ng aking puso nang hawakan niya ang aking ulo. “Dito masakit?” magaan ang kanyang kamay habang hinahaplos niya iyon. Ang paraan ng kanyang pagsasalita ay may hala iyong lambing. Para akong isang batang tumango sa kanya. “Lumayo ka ng kaunti, kap. Ang lapit mo sa akin,” tinulak ko ang dibdib nito. Dumistansya naman agad ito sa akin at mabilis na tumayo. “Kumain na tayo, hinihintay na tayo sa labas.” Inilahad nito sa akin ang kanyang kamay at tinanggap ko naman iyong ng walang halong pag- aalinlangan. Pinagpag ko ng kaunti ang aking pwet bago siya inayang umalis. “Tara na, kap! Nagugutom na ako!” May ilang nakapansin sa suot kong hoodie at nagtatanong ito kung bakit nagsuot ako bigla ng hoodie ni Kapitan. Sinabi ko lang sa kanila na nilalamig ako. May ibang mayroong mapanuring mga tingin pero mas pinili na lamang na manahimik at hindi na nagtanong pa. Nagsimula na kaming kumain. Ang paligid ay napuno ng kwentuhan at tawanan ng mga taong tumulong kanina sa pamimigay ng mga bigas. Pinilit ko ang aking sarili na kumausap ng iba at makihalubilo sa kanila para makapagbigay ako ng kaunting distansya sa aming dalawa ni Kapitan. Madalas ay si Joefel lang ang nakakaasaran ko. Ngunit kahit magkalayo kami sa isa’t- isa, patuloy kong nararamdaman ang kanyang presensya. Ramdam ko ang pag- init ng aking pisngi nang ilang beses ko itong mahuli na nagnanakaw ng tingin sa akin. Kumakain pa ako ngayon at nagkakamay lang ako. Tiningnan ko siya, may kausap itong tatlong lalaki at nagtatawanan sila. Nang mapunta ang tingin niya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin at kunwari ay abala ako sa pagkain ng kanin at ulam. Pero sa gilid ng aking paningin ay nakikita ko na hindi pa rin nito inaalis ang mga titig sa akin. Ganoon lang ang ginagawa naming dalawa. Sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay umiiwas agad ako. Sa pamamagitan ng mga titig na iyon ay parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. Na para bang may isang bagay na hindi sinasabi. Isang damdamin, isang damdamin na hindi pa nalalabas dahil natatakot ang isa’t- isa sa posibleng mangyari. Walang nagtatangkang gumawa ng unang hakbang. Ano ang pumipigil sa mga taong may tinatagong lihim? “Maraming salamat dito, kap! At sa masarap na pagkain!” “Busog na busog po kaming lahat, kap!” “Sa susunod na ani ulit!” “Maraming salamat, kap!” Isa- isa ng umalis ang mga tao at kaunti na lang kaming naiwan dito. Si Joefel ay nandito pa at nakikipag- inuman. Hinatid na ni Kapitan Anatalio ang mga tao at lahat ng umuwi ay may bitbit na isang plastic na punong- puno ng grocery. At isang plastic din na may lamang mga bigas. Pumasok ako sa loob ng banyo para umihi, mabilis lang ang aking pag- ihi. Nang lumabas ako ng banyo, handa ng bumalik sa ibang mga taong nandoon pa sa labas ay may isang malaking katawan ang humarang sa aking daan palabas. Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang kanyang mga kamay. Ang isang kamay ay humawak sa aking pulupulsuhan at nilagay iyon sa taas ng aking ulo. Ang isang kamay naman ay parang isang baka na hawakan na pumulupot sa aking bewang at hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na makaalis. “Kap. . .” tanging nasabi ko. Napatingala ako, sinalubong ako ng kanyang mga matang punong- puno ng emosyon. Pagnanasa- nag- aalab na apoy na hindi ko maintindihan. Isang matamis na amoy na humahalo sa kanyang natural na bango, kaunting amoy iyon ng alak. Marahil ay nakainom ito kanina sa kanila ni Joefel. “Kap. . .” ulit ko. Parang isang ungol ang kumawala sa aking labi. Walang ano- ano at walang pag- aalinlangan, inatake niya ng isang mapusok at madiin na halik ang aking nakaawang na labi. Hindi ito katulad ng mga halik niya noon sa akin na sa una ay mabagal, ngayon ay agresibo agad at punong- puno ng pagnanasa. Dahil sa aking pagkabigla ay hindi ko agad natugunan ang mga halik niya. Ngunit mapaglaro ang mga labi nito, napilit niya akong tumugon at sumuko. Ang kanyang mga kamay ay humigpit ang kapit sa aking bewang at dinidiin niya ako sa malamig na dingding. Parang saglit akong nawala sa mundo dahil sa mga halik niya. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang mga maiinit nitong mga halik na nagbibigay ng isang mainit na pakiramdam sa aking katawan. Nararamdaman ko na naman ang init na siya lang ang bukod tanging nakabigay sa akin ng ganong pakiramdam. Sa mga sandaling ito, nawalan na ako ng pakialam na baka may taong biglang pumasok at makita kaming dalawa na nasa ganitong sitwasyon. Ang tanging alam ko lang sa mga oras na ito ay ang pagnanais na magpatuloy kaming dalawa sa halikan namin. At naghahangad pa ako ng higit pa rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD