CHAPTER 13

1704 Words
CHAPTER 13 Parang saglit akong nawala sa mundo dahil sa mga halik niya. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang mga maiinit nitong mga halik na nagbibigay ng isang mainit na pakiramdam sa aking katawan. Nararamdaman ko na naman ang init na siya lang ang bukod tanging nakabigay sa akin ng ganong pakiramdam. Sa mga sandaling ito, nawalan na ako ng pakialam na baka may taong biglang pumasok at makita kaming dalawa na nasa ganitong sitwasyon. Ang tanging alam ko lang sa mga oras na ito ay ang pagnanais na magpatuloy kaming dalawa sa halikan namin. At naghahangad pa ako ng higit pa rito. Patuloy lamang ang halikan naming dalawa. Walang sinuman sa amin ang gustong tumigil, parang isang agos na hindi na mapipigilan pa. Ang kamay niyang nasa bewang ko kanina ay hindi na nanatili doon. Parang may sariling buhay, malayang naglalakbay sa aking katawan. Mula sa aking baywang, umakyat ito sa aking likod, ang mga daliri nito ay marahang humahaplos sa aking balat. Naramdaman ako ng kiliti at parang may kuryenteng dumadaloy sa aking ugat. Mula sa aking likod, bumaba iyon sa ilalim ng aking dibdib. Hinaplos niya iyon, muling naglakbay sa mas mataas na parte hanggang sa matunton ng kamay niya ang aking dibdib. Isang impit na ungol ang aking pinakawalan nang bumaba ang kanyang halik mula sa aking mga labi patungo sa aking leeg. Nagdudulot ng kakaibang kiliti ang bawat dampi ng mga labi niya sa aking balat. “Kap. . .” ungol ko sa gitna ng halikan naming dalawa. Parang nasa alapaap ako sa mga panahong ito. Ayaw ko ng tumigil kaming dalawa. Hinahabol naming dalawa ang aming paghinga nang tumigil kami. Magkadikit ang aming mga noo, nakatitig sa mga mata ng isa't- isa. “Lumabas na tayo, baka hinahanap na nila tayo sa labas.” hinihingal na sambit ko sa kanya. Ngunit parang hindi nito narinig ang aking sinabi at muli niyang inatake ng halik ang aking mga labi. Sa pangalawang halik ay mas naging agresibo siya. Kinagat niya ang aking pang- ibabang labi at pinasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Napaungol ako sa kanyang ginawa. Nag- espadahan ang dila naming dalawa. Isang palatandaan na nag- aapoy na ang aking katawan dahil pakiramdam ko ay mayroong namamasa sa akin, sa gitna ng aking hita. Matinding pagnanasa ang aking naramdaman. Muling naglakbay ang kamay nito, naghanap ng pwede niyang hawakan sa aking katawan hanggang sa mapunta iyon sa gitna ng aking hita. Wala ng mas mahalaga pa sa akin sa mga oras na ‘to. Ang gusto ko lang mangyari ay matugunan niya ang init ng aking katawan. Hindi ko na ikinabahala na baka may biglaang pumasok dito sa loob at may makakita sa amin. “I wanna kiss your p***y, Eleanor.” Bulong nito sa akin nang binitawan niya ang labi ko. Gusto ko siyang paunlakan sa kanyang sinabi, gustong- gusto ko. Ngunit hindi ito ang tamang lugar. Baka mahuli kaming dalawa. Kaya mas pinili kong umiling, tinanggihan ko siya na nagmula sa pagpipigil ko sa aking sarili. Habang tumitindi ang init ng katawan ko, ang pagnanasang nararamdaman ko sa kanya ay pilit ko itong nilabanan. Mahina ko siyang tinulak sa kanyang dibdib, isang walang saysay na pagtatangka dahil wala naman na akong lakas, lahat ng ugat ko sa katawan ay nanghihina na dahil sa matinding sensasyon na pinadama niya sa akin. “Bumalik na po tayo sa kanila, kap.” Isa iyong bulong. Dahan- dahan itong tumango habang nakayuko na parang tinatanggap na niya ang naging desisyon ko. “Tara na, bumalik na tayo sa kanila.” Sabi nito sa kanyang mahinang boses. Tila natalo ito dahil sa ginawa kong pagtanggi sa kanya. Inayos ko ang aking sarili. Gamit ang aking mga daliri ay sinuklay ko ang aking buhok na nagulo ng kaunti dahil sa ginawa niyang paghawak kanina. Hindi pa rin humuhupa ang init ng katawan ko. Nandito pa rin, at ramdam na ramdam ko pa rin ang aking pagkababa3 na basang- basa pa rin hanggang ngayon. Nakasandal siya ng pinto ng banyo, ang kamay ay nakakrus sa kanyang dibdib at hinihintay akong matapos sa pag- aayos sa aking sarili. “Mauna na ako sa ‘yo, kap. Sumunod ka nalang mamaya para hindi nila tayo mahalata.” Alam ko hindi pa rin siya sang- ayon. Pero tumango pa rin siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa. Hindi ako kumportableng maglakad palabas ng kusina. Ang lagkit ng gitna ng hita ko. Nakipaghalubilo ako sa mga tao na parang walang nangyari. Hindi nagtagal ay sumunod na rin si Kapitan at doon siya dumiretso sa pwesto nil ani Joefel. Umupo ito at nakisali sa kanilang inuman. Medyo malayo ang pwesto nila sa amin at tanging mga halakhak lang ng mga kasama niya ang naririnig ko. Nakaharap naman ito sa akin, magkatabi silang dalawa ni Joefel. Ang kanyang mga ngiti, kahit paminsan- minsan lang, ay napakagandang pagmasdan. Naging hindi ako kumportable sa aking kinauupuan. May binulong si Joefel kay Kapitan, isang bulong na parang puno ng intensidad, at sabay- sabay silang napatitig sa aking direksiyon. Tinuro pa ako ni Joefel. Parang may isang lihim na sinasadyang ipakita sa akin para guluhin ang utak ko. Tuloy- tuloy kong iniinom ang malamig na tubig sa baso sa aking harapan, na para bang sa pamamagitan nun ay mapapawi ang kakaibang kaba na unti- unting bumabalot sa aking puso. Ako ba ang pinag- uusapan nila? Ang tanong na iyon ay paulit- ulit na gumugulo sa aking isipan, naguguluhan na ako. “Hindi ka pa ba uuwi, Eleanor?” tanong sa akin ng aking kasama, ang kanyang boses ay may bahid na pag- uudyok. Apat kami rito na nakapalibot sa isang mesa na may kaunting mga pagkain na natira. Dalawang dalaga, ako at ang kaharap ko na mas matanda lamang sa akin ng dalawang taon. At dalawang matatandang babae na matiyagang naghihintay sa pag- uwi ng kanilang mga asawa na abala sa inuman na nasa kabilang mesa. Gumagabi na, at ang hangin ay unti- unti ng lumalamig ang bawat hampas. “Mamaya na po siguro, malapit lang naman po ang bahay namin,” sagot ko, ang aking boses ay bahagyang nanginginig nang may pumasok sa isip ko. Bakit parang wala yata akong balak na umuwi ngayon? Parang may isang bagay na pumipigil sa akin, isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Wala akong kasagutan at iyon ang hinahanap ko. Parang ang dating ko rito ay para akong may asawa ring hinihintay. Nang pumasok sa aking isipan ang salitang “asawa” ay wala sa sarili akong napatingin kay Kapitan. Doon ko napagtanto na nakatitig na pala ito sa akin, ang kanyang mga mata ay mukhang may nais ipahiwatig, at may maliit na ngisi sa kanyang mga labi, isang ngisi na puno ng kahulugan, isang ngisi na halos magwala ang aking puso, at bahagyang nagulo ang aking kaisipan. Sa huli, ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko pa rin kayang tumagal sa intesidad ng kanyang mga titig. Ang kanyang mga mata ay parang may sariling buhay, para itong mga bituin na nagniningning sa dilim, at parang binabasa nito ang aking buong ka luluwa. Ilang minuto pa ang tinagal ko doon, nakikipag- usap ako sa aking mga kasama. Pilit kong inaalis ang imahe ng kanyang mga mata sa aking isipan. Hindi na rin ako lumingon pa sa kanyang pwesto. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga pasimpleng ngisi nito sa akin sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa kanya. Pagkatapos ng ilang minute na tila isang habambuhay na para sa akin ay tumayo na ako at nagpasiyang umuwi. “Mauna na po ako sa inyo. Baka kailangan na po ako ni Tiya sa pagsasara ng tindahan niya,” ang aking palusot, isang dahilan na naisipan ko para makaalis ako. “Sige, Eleanor. Mamaya ay uuwi na rin kami. Mukhang malapit na rin naman silang matapos.” Sagot ng aking kasama. Ayaw kong magmukhang bastos. Alangan namang umalis ako gn hindi man lang nagpapaalam sa may- ari ng bahay, ‘di ba? “Magpapaalam na po muna ako kay Kapitan Anatalio,” sambit ko. Sabay- sabay silang tumango. Iniwan ko sila roon sa mesa. Habang naglalakad ako ay ramdam ko na parang lumulutang sa hangin ang aking paa. Nang makalapit na ako kina Kapitan Anatalio at Joefel, narinig ko ang pagtawag sa akin ng mga kasama nila. “Eleanor, isang baso naman d’yan!” tinaas ko ang aking kamay at umiling. “Ayaw ko po munang uminom ngayon. Pasensya na po, sa susunod na lang po.” Minsan kasi ay tumatanggap naman ako kahit isang tagay lang mula sa kanila kapag sa labas sila ng tindahan ni Tiya nag- iinuman. Humarap ako kina Kapitan at Joefel. Tinago ko ang aking kamay sa aking likuran dahil nanginginig ang mga iyon. “Kap, maraming salamat po. Uuwin a po ako,” Ang aking mga tuhod ay tila nanghihina dahil sa labis na kabang aking nadarama sa mga oras na ito. Tumawa si Joefel, ang kanyang tawa ay halatang nang- aasar, isang tawa na nagpabilis lalo sa t***k ng aking puso. Siniko niya ng mahina si Kapitan at tiningnan ito ng may kahulugan. “Uuwi kana, Eleanor? Mamaya kana umuwi, may ipapadala akong mga ulam sa ‘yo para sa tiya Aurelia mo.” Narinig iyon ng mga kasama niya sa mesa at hindi iyon nakaligtas sa pang- aasar. “Kap, baka kayo talaga ni Aurelia ang para sa isa’t- isa. Isipin mo, kap. Magkapit- bahay lang kayong dalawa at parehas pang walang mga asawa.” Nakipag- apir ito sa katabi na tila ba tuwang- tuwa. Tumayo si Kapitan at ilang beses na umiling. “Lasing na kayo, wala akong gusto kay Aurelia.” Mahinahong sabi niya bago ako hinarap. Tumawa lang ang mga kasama niya at inaasar pa rin siya sa aking tiyahin. Hindi ko alam pero bakit biglang nakaramdam ako ng pagkainis. At sa simpleng pang- aasar na iyon ay parang masisira pa yata ang buong gabi ko. Naguluhan ako ng husto kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkainis nang inasar ito sa ibang babae. Parang hindi ko iyon matanggap. “Samahan mo ako sa kusina, nandoon ang mga pagkain na nakabalot para sa ‘yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD