CHAPTER 11
Sana ay 'wag niyang mahalata na galing ako sa pag- iyak.
“Kapitan! Bakit po kayo nandito?” napalunok ako. Pilit kong pinasigla ang aking boses. Hindi niya ako sinagot. Pilit niyang hinuli ang aking titig.
“Halika nga rito. . .”
“Kap!” hinila niya ako papunta sa kanya at hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin. Binalot niya ako ng isang mahigpit na yakap.
“Kap, anong ginagawa n'yo?” kinakabahang tanong ko sa kanya at bahagya itong tinulak papalayo sa akin. Ngunit hindi siya natinag at mas lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
“Kap, bitawan n'yo po ako. Baka may makakita po sa atin,” sa pangalawang subok ko ng pagtulak sa kanya ay nagtagumpay na ako.
“Pasensya na, Eleanor. Nakita ko kasi na parang kailangan mo ng isang mahigpit na yakap. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo. Nabigla ba kita?” marahang tanong nito. Umatras ito ng isang beses para makalayo sa akin.
“Okay lang po ako, kap. 'Wag po kayong mag- alala sa akin.” sumilip ako sa kanyang likod para makita kung may tao ba. Mahirap na at baka mahuli kaming dalawa.
Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. At naroon din ang pag-aalinlangan niyang lumapit sa akin, isang pag-aalinlangan na mas malalim pa sa kanyang mga mata kaysa sa pag-aalala. Kanina lang ay tinulak ko siya. Nadala lang din ako ng aking pagkabigla.
“Pasensya kana talaga, Eleanor. Hindi na mauulit pa ito. Nag- alala lang kasi ako sa 'yo.” Nandoon ang pagsisisi sa kanyang boses, isang malalim na pagsisisi na hindi lang naririnig, kundi nadarama mo rin.
Alam kong nag- aalala lang din siya sa akin. Dapat nga ay magpasalamat ako sa kanya dahil dinamayan niya ako.
“Okay lang, kap. Maraming salamat po, padaan po.”
Dumaan ako sa kanyang gilid at tuloy- tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
Ilang minuto lang ay sumunod din siya sa akin. Naghuhugas na ako ng pinggan. At si Joefel at tiya ay nandoon na sa labas at pinapakita ni tiya ang kanyang mga pananim na gulay kay Joefel.
“Gusto mo bang tulungan na kita, Eleanor?” naramdaman kong nakatayo ito sa aking likuran.
Sumagot ako ng hindi siya nililingon.
“’Wag na po, kap. Kaya ko na po ‘to. Sumunod ka nalang po doon sa kanila ni tiya.” Hindi naman niya ako kinulat pa. Lumabas ito at sumama na sa dalawa doon sa labas.
Hindi pa ako natatapos maghugas ay nagpaalam na silang dalawa sa akin na uuwi na. si Joefel ay may trabaho pa raw mamaya.
Nang matapos akong maghugas ng pinggan ay pumunta na ako sa tindahan. Wala namang masyadong bumibili kaya naglinis na lang ako ng mga pwedeng linisin doon.
F A S T F O R W A R D ( T W O D A Y S L A T E R )
“Namimigay daw ng bigas si kap sa bahay nila dahil bagong ani ito. Pumunta ka doon pagkatapos mo d’yan, kunin mo ang parte natin.” natigil ako sa paglalagay ng mga pinamili ko sa tindahan. Galing akong palengke kanina at kakauwi ko lang. Wala na kasi kaming stocks kaya bumili ako na muna ako.
“Tiya, pinapamigay lang ‘yon ni kap sa mga taong mas mahirap sa atin. ‘Wag na tayong makisali doon. Ibigay na lang natin sa iba ‘yon.” Kahit dati pa, noong hindi pa naging punong barangay si Kap Anatalio ay sa tuwing inaani na ang palay niya ay namimigay talaga ito ng bigas. Nakasanayan na rin ng lahat kaya marami ang pumupunta sa bahay niya upang manghingi.
“Sayang din ‘yon, Eleanor! Kahit dalawang kilo lang!” kumunot ang noo ko. Umiling ako sa kanya.
“Kung ayaw mo, eh, pumunta ka pa rin doon. Sinabi ni kap kanina na magpapatulong daw siya sa pagpapack ng mga bigas. Ikaw na lang ang pumunta sa akin. Masakit pa ang kamay ko.” namamaga kasi ang kamay niya dahil may paso siya.
“Pumunta ka, ah? Pagkatapos mo d’yan doon kana dumiretso. Nangako ako kay kap na tutulong ako kaya aasa iyon sa aking pagpunta. Ikaw na lang ang pumalit sa akin.” Tumalikod na siya at iniwan ako.
Nang matapos na akong maglagay ng mga pinamili ko ay dumiretso na ako sa bahay ni kap. May naririnig na akong mga tao kanina. Nakasuot ako ngayon ng isang kulay itim na sleeveless at jogging pants na kulay green.
At tama nga ako, marami ng mga tao sa loob. At ang haba na ng pila, umabot iyon hanggang sa gate nila.
“Padaan po, excuse me po,” nahirapan pa akong makalusot dahil may mga nakaharang na sa gate pa lang.
Naglakad ako papunta sa unahan. Nakita kong nandoon na rin si Joefel at tumutulong ito sa pagbibigay na ng mga bigas na nasa loob ng plastic. Nasa limang kilo yata ng bigas ang laman nun.
“Joefel, ano ang pwedeng itulong ko rito? Sinabi kasi ni tiya na pumunta ako rito dahil kailangan n’yo raw ng tulong?” tumingin ito sa mahabang pila bago ako sinagot.
“Pumasok ka doon sa loob, Eleanor. Tulungan mo ang iba na magpack ng mga bigas at nauubusan na kami rito. Mukhang dadami pa ang mga taong dadating,” mabilis akong tumango at pumasok na sa loob.
Ilang sako ng bigas ang aking nakita at mayroon ding nagpapack doon.
Ang taong hinahanap ng aking mga mata simula nang tumapak ang aking paa sa loob ng bahay na ito ay hindi ko pa nakikita.
“Tulungan ko na po kayo,” tumulong ako sa pagkikilo ng mga bigas at paglalagay nun sa plastic. Habang ginagawa ko iyon ay pasimple kong hinanap si Kap. Hindi ko rin ito nakita sa labas kanina. Wala ba siya rito?
Hindi na ako nakatiis pa at nagtanong na ako sa katabi ko. Isang matandang babae, puti na ang lahat ng kanyang buhok, at nakasuot ito ng isang kulay pulang bestida. Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko naman maalala ang pangalan nito.
“Nasaan po si kap, Nay?” nakaupo ito sa lapag at siya ang nagtatali ng mga plastic na nalagyan ko na ng bigas.
“Wala pa rito si Kapitan. Bumili pa yata sa bayan ng ipapamigay niya rito sa mga tumulong sa kanya. Kanina pa iyon umalis mga tanghali, baka mamaya ay nandito na siya, ineng.”
Ganyan kabait si Kapitan Anatalio. Kapag nangangailangan ka ay malalapitan mo siya agad at hindi ito magdadalawang isip na tulungan ka. Kaya marami ang nagtulak sa kanya na tumakbo bilang isang punong barangay dito sa amin. Nahulaan ko na agad na mananalo siya kahit sino pa ang itapat sa kanya. Kilala siya ng mga tao at marami na siyang natulungan.
Nagpatuloy lamang kami sa pagrerepack ng mga bigas. Mas dumagsa ang mga nung sumapit na ang dilim dahil dumating na ang iba mula sa kani- kanilang mga trabaho.
Naging abala kami lalo at tahimik na kaming lahat sa loob para mas mapabilis ang mga kilos namin.
“Magandang hapon sa inyong lahat,” napalingon kaming lahat sa b****a ng pinto. Nandito na ang kanina pa hinahanap ng aking mga mata. Nang makita ko itong nakatayo at ilang hakbang lang ang layo sa akin ay parang nagkaroon na agad ako ng lakas. Kanina lang ay pagod na pagod na ang katawan ko, masakit na rin ang kamay ko at parang wala na itong lakas dahil hindi pa ako nagpapahinga simula kanina.
“Magandang hapon, kap!” sabay- sabay na bati namin sa kanya. May nakasunod sa kanyang apat na tao na may hawak na malalaking karton.
“Ipasok n’yo na ‘yan at ilagay n’yo lang doon sa loob ng kusina.” Utos niya sa apat at tinuro ang direksiyon na papunta sa loob ng kanyang kusina. Puno na kasi ng mga bigas ang kanyang sala kaya wala ng espasyo para ilagay ang mga pinamili niyang bagong dating.
Natigil pala ako sa aking ginagawa nang pumasok siya kaya nagpatuloy ako. Tila nawala ako sa aking sarili at parang hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.
“Kumusta kayo rito? Baka pagod na kayo pwede kayong magpahinga na muna at may ibang papalit doon sa labas.” Ang kausap kong matanda kanina ay nandoon na sa kanila ni Joefel sa labas at pinatulong ko na lang sa pamimigay.
“Okay lang kami rito, kap. Kaya pa naman namin!” nakayuko lang ako at hindi ko siya tiningnan. Nakatayo na ako dahil sumasakit na ang paa ko sa kakaupo kanina.
“Eleanor, akala ko ang tiya Aurelia mo ang pupunta rito ngayon?” napaigtad ako at muntik ko ng mabitawan ang bigas na nakuha ko sa loob ng sako nang biglang may nagsalita sa aking harapan. Napaayos ako ng tayo.
“Masakit po ang kamay ni tiya, kap, kaya ako na muna ang pumalit sa kanya.” mula sa aking mukha ay dahan- dahang bumaba ang titig niya sa aking labi. Hanggang sa bumaba ito sa aking dibdib kung saan nakalabas na pala ng kaunti ang aking suot na bra. Mabilis kong tinaas ang aking suot na sleeveless.
“Samahan mo ako sa kusina, Eleanor. Samahan mo akong ihanda ang ipapamigay ko sa inyo.” May ibang pinapahiwatig ang kanyang mga mata. Nandito na naman ako sa puntong nagpapaalipin sa mga salita niya. Wala na naman akong lakas para tumanggi. Parang mayroong kakaibang pwersang nagturo sa akin para sumunod sa kanya.
“Sige po, kap.”
Magkasabay kaming dalawa nang pumasok kami sa kusina niya.
Nang dumating na kaming dalawa sa loob ng kusina niya ay nilapitan ko agad ang mga karton na nandoon. Ngunit hinarang niya ako.
Tumingin muna ito sa paligid bago ako nilapitan.
Nakalagay na naman sa loob ng kanyang magkabilang bulsa ang kanyang kamay.
“Kap. . .” kinakabahang sabi ko sabay atras ngunit nabangga lang ako sa lababo niya. Ano na naman ang balak niyang gawin?
“Kanina ka pa ba nakayuko? Halos maputol na ang leeg ng mga lalaking nandoon habang nakatingin sa dibdib mo, Eleanor. Kung hindi lang ako nagpigil kanina ay baka may nasuntok na akong tao.”