CHAPTER 10

1134 Words
CHAPTER 10 “Umupo kana at kumain.” Akala ko ay sa tabi ko ito uupo. Si Kapitan pala ang uupo sa aking tabi. Kaharap ko si tiya at kaharap naman niya si Joefel. Tipid akong ngumiti sa kanya bago nag- iwas ng tingin. Nagsimula na kaming kumain. Nakikisali naman ako sa pag- uusap nilang tatlo kapag may alam ako sa pinag- uusapan nila. Ngunit ang payapang almusal ko ay nasira nang may kamay akong naramdaman na pumatong sa aking kandungan. Muntik kong mabitawan ang kutsara at tinidor na hawak ko. Dahan- dahan kong nilingon si Kapitan. Tila wala itong reaksiyon, tumatango- tango pa ito kay tiya. Binaba ko ang aking tinidor na hawak. Binaba ko ang aking kamay. Pinatong ko iyon sa likod ng palad niya at sinubukang tanggalin iyon. Dumiin ang hawak ko sa kanyang kamay para mapansin niya ako. Ngunit hindi niya ako pinagbigyan. Nanatili doon ang kanyang kamay kaya wala na akong nagawa pa. Hindi naman iyon mapapansin nina tiya at Joefel dahil mataas at makapal naman ang mantel ng mesa na ito. Tapos ng kumain si Kapitan, siya ang nauna sa aming lahat. Napakalinis nitong kumain, wala kahit isang butil ng kanin na naiwan sa pinggan niya. Ngayon ay umiinom na siya ng kape gamit ang isang kamay niya. Hindi ko na matapos- tapos ang kinakain ko dahil sa ginagawang paghaplos ni Kapitan sa aking hita. Pakiramdam ko ay mabilaukan ako sa ginagawa niya. Tinatanggal ko iyon pero mas malakas siya sa akin. “Hindi talaga maganda ang mga ganyang sitwasyon! Kaya itong si Eleanor ay kinuha ko agad sa nanay niya nang malaman kong sinasaktan 'to nung tatay niya! Muntik ko pa nga 'yong masuntok sa mukha.” Nawala ang aking ngiti nang banggitin iyon ni tiya. Napunta na sa pamilya ko ang pinag- uusapan nila. Ito ang ayaw ko sa lahat. Hindi ako kumportable kapag tungkol na sa pamilya namin ang pinag- uusapan. Naalala ko ang araw na 'yon. Alam kong may alam ang dalawang kasama namin sa nangyari dahil kumalat iyon sa buong barangay namin. Muntik na kasing idemanda ni tiya si tatay. Nung gabing iyon ay ginabi ako ng uwi dahil may project kaming ginawa ng mga kaklase ko. Nakapagpaalam naman ako kay nanay na gagabihin akong umuwi. Kaya lang nung umuwi ako ay lasing si tatay kaya nagalit sa akin. Nagkasagutan kaming dalawa hanggang umabot sa puntong lumapat ang palad nito sa aking pisngi, sinampal ako ng tatay ko. Akala ko ay dahil galit lang siya sa akin nung gabing iyon kaya naman ay binalewala ko lang. Hindi naman bago sa akin na sinasabihan niya ako ng masasakit na salita. Ngunit hindi naman umabot sa puntong sinasaktan niya na ako. Ang isang beses na pananakit nito sa akin ay nasundan pa hanggang sa mayroon ng mga pasa ang katawan ko. Hindi pa gumagaling ang isang pasa ay mayroon na naman. Kahit wala akong kasalanang ginagawa ay sinasaktan niya pa rin ako. Kahit sa harap ng mga kapatid ko, at sa harap mismo ni nanay. Walang magawa si nanay dahil kahit siya mismo ay natatakot din kay tatay. Wala kaming laban sa kanya. Nalaman iyon ni tiya kaya naman ay kinuha niya agad ako. Nung isang beses akong nasa tindahan niya ay nakita niya ang mga pasa ko sa katawan kaya naman ay nagalit ito. Tinanong niya ako kung saan galing iyon. Hindi ako nagsinungaling at sinabi ko sa kanya na gawa iyon ng tatay ko. Ang totoo niyan, hindi ako totoong anak ni tatay. Iba ang tatay ko sa mga kapatid ko. Anak ako ni nanay sa kasintahan niya nung dalaga pa siya at hindi siya pinanagutan. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko kilala ang totoo kong tatay. Hindi ko na rin hinanap dahil hindi din naman niya ako hinanap. “Naglalasing pa rin palagi ang tatay niyang si Eleanor. Naawa na nga ako sa nanay niya. Ang dami ng ginagawang trabaho dumagdag pa sa iisipin 'yang tatay niya.” umiiling na sabi ni Joefel. Iyon din ang naging dahilan kung bakit kahit sinasaktan na ako ni tatay sa bahay ay gusto ko pa ring umuwi doon. Naawa ako sa nanay ko. “Ewan ko ba d'yan sa kapatid ko. Kaya ayaw kong mag- asawa, eh. Kasi dagdag lang sa sakit ng ulo. Mabuti sana kung mapunta ka sa isang lalaki na hindi ka sasaktan at ginagawa ang lahat para mapabuti ang pamilya n'yo! Pero kung gaanong lalaki? 'Wag na lang, uy!” “Hanggang ngayon ba ay nananakit pa rin ang tatay ni Eleanor, tiya Aurelia?” Oo, Joefel. Kahit umalis ako sa bahay na 'yon ay sinasaktan niya pa rin si nanay. Kaya sumama ako kay Tiya kasi pumasok sa isip ko na baka kaya niya sinasaktan si nanay dahil nandoon ako. Pero nung umalis ako ay hindi pa rin ito tumigil. Kapag dumadalaw dito ang mga kapatid ko ay 'yan ang sinusumbong nila sa akin palagi. May magagawa ba ako? Sa ngayon wala pa. Wala pa akong maibubuga para kunin silang lahat sa impyernong bahay na 'yon. Hindi ko pa sila kayang buhayin. Hindi ko na nagugustuhan ang pag- uusap na ito. Kahit hindi pa ako tapos kumain ay tumayo na ako. Nawalan na ako ng gana. “Ilagay ko lang muna 'to sa kusina, tiya. Excuse me po,” napatingin silang lahat sa naging pagtayo ko. Kinuha ko ang isang tasa at ang aking pinggan na pinagkainan at dinala iyon sa kusina. Kapag tungkol na sa pamilya ang pinag- uusapan ay hindi ko na nagugustuhan. Lumaki kasi akong pinamukha sa akin na isa akong sampid sa pamilya. Palagi akong nabubully ng mga kaklase ko rati kasi nga hindi ko naman totoong tatay ang kasama ko sa bahay. Kinuha ko ang mga natitirang pagkain sa aking pinggan at nilagay iyon sa lalagyan ng pagkain ng aso. Nasa likod iyon ng bahay namin. Kakainin 'to mamaya ng aso ng kapit- bahay namin na madalas na pumupunta rito. Habang naglalagay ako sa likod ay pasimple kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Kapag tungkol na sa pamilya ko ang pinag- uusapan ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Sunod- sunod na tumulo ang aking luha. “Eleanor. . .” natigil ang pag- iyak ko nang marinig ko ang boses na iyon. Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay. Ilang beses akong kumurap- kurap bago ko ito hinarap. Sana ay 'wag niyang mahalata na galing ako sa pag- iyak. “Kapitan! Bakit po kayo nandito?” napalunok ako. Pilit kong pinasigla ang aking boses. Hindi niya ako sinagot. Pilit niyang hinuli ang aking titig. “Halika nga rito. . .” “Kap!” hinila niya ako papunta sa kanya at hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin. Binalot niya ako ng isang mahigpit na yakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD