CHAPTER 3

1828 Words
DIYOSA POV Ako nga pala si Diyosa Calytrix “Diyosa” Ferrera dalawampu’t siyam, certified headache ng alta sociedad, walking PR disaster ng mga Ferrera, at isang bilyonaryang hindi kayang ikulong ng pera, posas, o kasal ang kaluluwa. Yes, kasal. Yes, sapilitan. Yes, bukás ang bar at sarado ang puso. Kung tatanungin mo ako kung bakit ako tumatakbo kanina na parang bida sa action movie na walang stunt double simple lang ang sagot: Ayoko ikasal kay Soren Malachi “Chi-Chi” DeRavage. Una sa lahat, Chi-Chi? Pangalawa, ang ngiti niya parang may NDA (Non-Disclosure Agreement). Pangatlo, ang mga plano niya sa buhay ko mas detalyado pa sa city zoning map. At pang-apat pinakaimportante gusto niya akong kontrolin, hindi mahalin. Kaya ayun. Tumakbo ako. At salamat sa lalaking ‘yon oo, ikaw, mister gwapo-when-angry nakalusot ako kanina. Hahaha. Sorry na lang sa kapatid kong si Lieutenant Mashio Yunshen Ferrera, na mas mahigpit pa sa bun ng police academy. Kuya, love kita, pero no means no kahit pa may badge ka. “DI-YO-SAAAA!” Ay, ayan na. Narinig ko na ang boses ng trauma ko. Habang tumatakbo ako sa eskinita, naramdaman ko ang vibration ng lupa hindi lindol. Mga bodyguard ‘yon. Hindi basta bodyguard. Bodyguards ni Mommy at bodyguards ni Chi-Chi. Dalawang uri ng problema, isang goal: ibalik si Diyosa sa hawla. Lumingon ako. Limang lalaki. Matatangkad. Malalaki. Mukhang may sariling protein shake sponsor. “Girl,” sabi ko sa sarili ko, “okay ka lang. Nakapag-heels ka nga sa marble floors, eto pa kaya?” Bigla akong huminto. “HOY!” sigaw ko. Nagulat sila. “Talaga bang limang lalaki ang pinadala para sa isang babae?” tanong ko, nakapamaywang. “Ang insecure naman ng boss niyo.” “Miss Diyosa,” hingal ng isa, “please po, sumama na lang kayo.” Ngumiti ako. Yung ngiting ginagamit ko kapag may balak akong sirain ang araw ng tao. “Sure,” sabi ko. “Pero sagutin niyo muna ‘to.” Nagkatinginan sila. “Anong tanong po?” “Kung hahabulin niyo ako… kaya niyo bang sumabay sa cardio ko?” At doon ako tumakbo ulit. “PUTA_ TAKBO!” sigaw ng isa. Habang tumatakbo ako, nag-text ako habang umaandar multitasking queen. Me: Kuya, relax ka lang. Practice lang ‘to. Love u. Kuya Mashio: DI KA NAKAKATULONG. Tawang-tawa ako. Lumiko ako sa kaliwa diretso sa palengke. “TABIIII!” sigaw ko. May tumalsik na kamatis. May nahulog na bangus. May isang ale na sumigaw ng, “Hoy babae ka!” “Oo po! Babae po akong ayaw ikasal!” sigaw ko pabalik. Tumalon ako sa ibabaw ng fish stall. Nadulas ang isang bodyguard. “AY!” “Sabi ko na eh, dapat naka-rubber shoes tayo!” Huminto ako sandali, humarap sa kanila. “Guys,” sabi ko, hingalin pero naka-smile. “Pwede bang mag-usap?” Tumigil sila. “Bakit ba kayo loyal kay Chi-Chi?” tanong ko. “May benefits ba? Dental? Mental health?” “May bonus po,” sagot ng isa. “Magkano?” “Confidential.” “Doublehin ko,” sabi ko agad. Nagkatinginan sila. “Miss, bawal po.” “Ay ang sad,” pout ako. “Sige na nga.” Tumakbo ulit ako diretso sa construction site. May scaffolding. May buhangin. May semento. Perfect playground. Umakyat ako sa bakal na hagdan, mabilis. Sanay ako sa pag-akyat metaphorically and literally. “MISS! BABABA NA LANG PO KAYO!” sigaw nila. “BAKIT?” sigaw ko pabalik. “MAY ELEVATOR BA KAYO DIYAN?!” Kumuha ako ng helmet, sinuot ko. “Safety first!” sigaw ko. Binato ko ang isang timba ng buhangin pababa. “PUTA, BLINDING MOVE!” sigaw ng isa. “Thank you!” sabi ko. “Galing ‘yan sa YouTube!” May lumapit sa akin na isa pang bodyguard, mas mabilis. Halatang trained. “Miss Diyosa,” sabi niya, kalmado. “Wala kayong takas.” Ngumiti ako sa kanya. “Tingin mo ba?” Tinanggal ko ang high heels ko. “Alam mo kung bakit dangerous ang babae sa heels?” tanong ko. “Bakit po?” “Kasi kapag tinanggal namin ‘to wala na kaming pakialam.” At tinapon ko ang sapatos sa mukha niya. “AY!” Tumalon ako pababa sakto sa truck na puno ng sako ng bigas. “JACKPOT!” sigaw ko. Gumulong-gulong ako pababa, tumalon, at tumakbo papasok sa isang jeep. “KUYA! ANDAR NA!” “San ka, hija?” tanong ng driver. “Kahit saan na may freedom,” sabi ko, sabay abot ng pera. “AYOS!” Umandar ang jeep. Habang papalayo, tumayo ako sa estribo at sumigaw: “PAKI-SABI KAY MOMMY AT KAY CHI-CHI HINDI AKO PROPERTY! TAO AKO! AT MEDYO PETTY!” Tumawa ang mga pasahero. May pumalakpak. Umupo ako, hingalin, pawis, gusot ang buhok pero malaya. Huminga ako nang malalim. “Okay,” bulong ko sa sarili ko. “One problem solved.” Tapos bigla kong naalala. Yung lalaki. Yung ex-convict na sinigawan ko. Yung sinapakin ang pulis para sa akin. Yung ngiti kahit nasa gulo. Napangiti ako. “Oops,” sabi ko. “Mukhang may utang akong problema sa isang tao.” At kung may isang bagay na sigurado tungkol sa akin. Hindi ako tumatakbo sa problema. Dinadagdagan ko pa. Game on. Pagkatapos kong makaligtas sa Olympic-level chase ng mga bodyguard na parang may sariling soundtrack ng Mission: Impossible, dire-diretso akong nagpunta sa condo ko. Hindi basta condo. Condo na ako lang ang nakakaalam. Walang yaya. Walang bodyguard. Walang nanay. Walang fiancé na mukhang may kasamang demonyo sa birth certificate. Pagpasok ko pa lang, hinubad ko ang sapatos ko at tinapon sa sofa. “Ahhh,” humiga ako sa sahig. “Freedom smells like… aircon at katahimikan.” Tatlong araw akong nagkulong. Hindi dahil takot ako kundi dahil nag-iisip ako. At kapag nag-iisip ako, may nadadamay. Usually… maraming tao. Sa ikatlong araw, nagising ako na may clarity. At kape. At lakas ng loob mang-uto. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang pinaka-strict, pinaka-overprotective, pinaka-ubod ng yabang na kapatid sa balat ng lupa. Ring… ring… “Ferrera,” sagot niya. Walang hello. Walang kuya. Trabaho agad. “Kuyaaaa~” pabebe kong sabi. “Nasaan ka,” diretso niyang tanong. “Safe,” sagot ko. “Emotionally… questionable.” “Diyosa,” babala niya. “Wait lang!” putol ko agad. “May sasabihin lang ako. Promise, hindi ako tatakbo pagkatapos.” Tahimik siya saglit. “Speak.” Ngumiti ako. Showtime. “Kuya… pakawalan mo na yung ex-convict.” Tahimik. Too quiet. “Anong sinabi mo?” malamig niyang tanong. “Yung lalaking tumulong sa’kin,” sabi ko. “Wala naman siyang kasalanan. Tinulungan lang niya ako. Please. Palayain mo muna at iurong yung kaso.” “Assault on an officer” “Kuya,” biglang lambing ko. “Fiancé ko ‘yon.” Dead silence. Kahit ang hangin parang napahinto. “…Ano?” sabi niya. “Oo,” dagdag ko agad. “Matagal na kami. Low-key. Secret. Forbidden love. Very Romeo and Juliet pero mas pogi siya.” “Diyosa,” sabi niya, may halong hinala, “hindi ka” “Hindi ako nagbibiro!” mabilis kong putol. “Mahal ko siya. Kaya hindi ako pwedeng pakasal kay Chi-Chi.” Piniga ko ang boses ko, konting drama. “Kuya… may mahal na ako.” Tahimik ulit. Narinig ko siyang huminga nang malalim. “Kung totoo ‘to” “Totoo,” mabilis kong sagot. “Promise. On my credit cards.” Napabuntong-hininga siya. “Putang ina,” mura niya. “Bakit palaging ganito buhay ko.” Ngumiti ako, tagumpay na. “Kaya please,” dagdag ko. “Let him go. Hindi niya deserve ‘to.” Mahabang katahimikan. Saka “Sige,” sabi niya. “Pakakawalan ko. Pero Diyosa” “Opo?” inosente kong tanong. “Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka” “I love you kuya!” mabilis kong sabi sabay end call. Ibagsak ko ang phone sa kama at tumili. “HAHAHAHAHAHA! DIYOSA 1, SYSTEM 0!” Hindi pa ako kontento. Syempre, kailangan kong makita ang fiancé ko. So nagpunta ako sa City Jail. Disguised. Naka-cap. Sunglasses. Hoodie. Feeling ko spy ako, pero mukhang may sipon lang. Nang makita kong palabas na siya Ay. Ay grabe. Mukha siyang pagod. Galit. At halatang ayaw na sa mundo. At nung nakita niya ako Nanlaki ang mata niya. “IKAW?!” Tinuro niya ako na parang multo. Ngumiti ako, buong ngiti. “Surprise?” Lumapit siya, halatang inis na inis. “DIYOSA ka nga,” sabi niya, madiin, “pero DIYOSA PALA NG TROUBLE SA BUHAY KO!” “Teka lang” “ALAM MO BA,” tuloy-tuloy siya, “DAHIL SAYO, DALAWANG RELEASED ANG NATANGGAP KO NGAYONG LINGGO!” Napapikit ako. “Ay… efficiency?” “HUWAG MO AKONG KAUSAPIN,” singhal niya sabay lakad palayo. “Uy wait!” habol ko. “Fiancé mo ‘ko!” Huminto siya bigla. Lumingon. “…Ha?” “Char lang,” sabi ko agad. “Pero muntik ka na.” “PUTANG INA,” mura niya. “LAYO KA SA’KIN.” Naglakad ulit siya. Sinundan ko. “Uy, Evan” “HUWAG.” “Evan” “HUWAG.” “Evan” Bigla siyang huminto. “Ano.” Ngumiti ako. “Nagpapasalamat lang ako.” “Sa ano,” iritado niyang tanong. “Sa pagsuntok mo sa kapatid ko.” Nanlaki ang mata niya. “GAGO KA BA?” “Oo,” proud kong sagot. “Pero grateful.” Naglakad ulit siya. Sinundan ko ulit. “Layuan mo ‘ko,” sabi niya. “Hindi,” sagot ko. “Bakit.” “Wala akong magawa.” “Humanap ka.” “Tinry ko,” sabi ko. “Ikakasal na nga sana ako eh.” Huminto ulit siya. “Kanino.” “Kay Chi-Chi.” “…Sino ‘yon?” “Wag mo nang alamin. Masisira araw mo.” Tumahimik siya sandali. “Ayoko na ng gulo,” sabi niya. “Gusto ko lang ng tahimik.” “Sayang,” sagot ko. “Mahilig ako sa maingay.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Alam mo,” sabi niya, “lahat ng problema ko nagsimula nung tinuro mo ‘ko sa kalsada.” Ngumiti ako. “At lahat ng saya mo, magsisimula ngayon.” “Delusional ka.” “Romantic ako.” Huminga siya nang malalim. “Huwag mo na ‘kong sundan.” “Hindi kita sinusundan,” sabi ko. “Naglalakad lang ako… sa likod mo… sa parehong direksyon… sa parehong bilis.” Tumigil siya. Pinaharap ako. “ANO BA TALAGA GUSTO MO?” Tumingin ako sa kanya. Totoo. Walang biro. “Bayaran ang utang ko.” “Paano.” “Sa pang-iinis.” Napailing siya. “Putang ina,” sabi niya. “Ikaw ang pinakamasamang bagay na nangyari sa’kin.” Ngumiti ako. “Good,” sagot ko. “I’m just getting started.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD