WALANG umiimik at puro kalansing lang ng kubyertos ang maririnig sa hapag-kainan ni Six. Walang gustong magsalita ngunit makikita sa mga mata ng mga lalaking naroon ang malaking katanungan kung bakit sila nagsama-sama ngayong araw. “So, I would like you to meet Dencio and Gibson, Boy.” Huminto si Six sa pagkain at tiningnan ang dalawang lalaking nasa tapat ng binata. “K-kilala ko sila…” Umiwas ito ng tingin habang ngumunguya. “That’s good to know. Hindi ko na pala sila kailangang ipakilala sa ‘yo.” “Bakit sila nandito?” Hindi na napigilan ni Lucas ang magtanong. “Wala lang. Matagal na kasing walang mga bisita sa bahay ko kaya…” Nagkibit-balikat lang ito kasabay ang nakakalokong ngiti. “Now it gets weird,” sabi ni Mikhail na napapailing na lang habang kumakain. “So, let’s talk a

