Chapter 4

1300 Words
SINUBUKAN ni Daniel na ipikit ang mga mata at ituon ang isip sa lugar na pupuntahan. Hindi siya dapat mag-alala. Safe naman daw ang biyahe nila at bukod doon ay halos isang oras lang at mararating na nila ang Manila. He didn't need to panic though he immediately felt something weird the moment he stepped on the airport. Ipinulupot ni Hasmin ang mga braso sa kanyang katawan. She murmured something in his ear and said a lot of things but all that he understood was that he does not need to worry. Siguro'y naramdaman din nito ang takot niya. Steady na ang takbo ng eroplano nang buksan niya ang mga mata. "Honey, relax. We need to do this once and for all. Hindi habang panahon ay mananatili tayong nasa Davao." "I know...sorry, honey. It's just that—" "I understand. Just think positive, okay. We'll be staying in Manila for a good reason. Who knows, baka pagbalik natin ng Davao ay may little angel na tayo?" He nodded. Wala siyang masabi dahil ang totoo ay parang nililindol ang pakiramdam niya. He wanted to divert his attention by talking to his wife but every pulse in his body palpitates. Mabilis na mabilis ang tahip ng dibdib niya. Kasalukuyan niyang mino-motivate ang sarili nang biglang gumewang ang eroplano. Kasabay niyon ay ang sigawan ng mga sakay. Marahas siyang napadilat. He grabbed his wife's arm on instinct. Napadiretso siya sa pagkakaupo nang mabilis na bumulusok ang isip niya sa isang nakakatakot na eksena. Sa isip ay malinaw niyang nakikita ang sarili habang naghahanap ng kahit anong exit sa loob ng eroplano. Walang ano-ano ay biglang bumagsak sa tapat ng mga pasahero ang mga airmask mula sa ceiling ng eroplano. Kasabay niyon ay ang nakakapangilabot na iyakan at pagdarasal ng mga sakay. Nanginig siya sa takot at agad na ginitiwan ng pawis sa noo. Kailangan niyang umuwi kaya't hindi siya puwedeng mapahamak. Hinagilap niya sa isip ang mukha ng taong paulit-ulit niyang tinatawag sa gitna ng trahedya pero hindi siya nagtagumpay na matandaan ito. "Honey, don't panic...it's just a turbulence, okay." Nang dumilat siya ay kalmadong anyo ni Hasmin ang nabungaran niya. Masuyo nitong pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Siya naman ay hinayon ang kabuuan ng eroplano. Wala ni isang palatandaan na nanganganib sila. Payapang natutulog ang ilang pasahero habang ang ilan ay masayang nagkukuwentuhan. Noon lang siya nakahinga nang maluwag. "Honey, are you okay?" Sinulyapan niya si Hasmin at saka marahang tumango rito. "May...may naaalala na naman ako," he said with uncertainty. "What? Are you sure?" Mabilis niyang naibalik kay Hasmin ang mga mata nang maulinigan ang tila galit sa boses nito. "Well, that's good news!" nakangiti naman nitong sabi. "Are you sure you really remembered something? Come on, tell me what it is." Marahan siyang napailing. "Malabo. Hindi ko makitang mabuti ang mga pangyayari. Honey, where were you during the time of the accident?" He looked intently at her eyes but she avoided his stare. Naramdaman niya ang marahang pagtapik nito sa kanyang braso. "Don't worry because everything will soon get back to normal. Huwag mong madaliin dahil baka makasama pa iyon sa iyo." Iyon lang at umayos na ito nang upo. Hindi nito sinagot ang tanong niya pero hindi na rin siya nag-usisa. Baka tulad niya ay ayaw na rin nitong balikan ang nakaraan. Sino nga ba ang gugustuhing balikan ang isang pangyayaring muntik nang maging sanhi ng maaga niyang pagkawala sa mundo? Huminga siya nang malalim at saka muling ipinikit ang mga mata. HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Bernadette ang narinig na kuwento mula sa kaibigang si Roxanne. Paanong nangyaring may mga taong handang magpakasakit para lang magkaroon ng anak? At paanong nagagawa ng ilang mga babae ang magpagamit ng sarili kapalit ng malaking halaga ng pera? Well, that answered her question. May mga taong gagawa ng kahit anong paraan kung kinakailangan. Siguro, ang mga taong iyon ay tulad rin niyang wala nang ibang tatakbuhan kundi ang mga bagay na mahirap at imposibleng gawin kapalit ng malaking pera. Mga taong siguro ay tulad din ng kanyang anak na oras at sakit ang kinakalaban. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sa halos hindi mabilang nang pagkakataon ay pumasok na naman sa isip niya si Leandro. Kung nandito lang ang lalaki ay hindi sana nila dinaranas na mag-ina ang ganitong klase ng paghihirap. At siguro, hindi rin daranasin ni Andrew ang magkaroon ng sakit na tulad ng taglay nito ngayon. Naniniwala kasi siyang nakuha iyon ng anak nang mga panahong labis ang hinanakit niya kay Leandro. Hindi kalabisang sabihing napabayaan niya ang sarili at ang dinadala nang hindi na magbalik ang nobyo. Napakasakit kasi ng pangyayaring iyon sa kanya at siguro, kung hindi dahil sa tulong ng malalapit niyang kaibigan ay tuluyan na siyang sumuko. Baka kung napaano na silang mag-ina at baka hindi na rin niya ito nagawang isilang. Madalas, sa gitna ng gabi ay umiiyak siya kapag tulog na si Andrew. Pinagsisisihan niya na naging mahina siya noon. Kung maibabalik lang ang panahon ay aalagaan na niya ang kanyang pagbubuntis. Mahal na mahal niya ang anak at ito lang ang tanging kayamanan niyang itinuturing sa mundo. Si Andrew ang buhay niya at kung mawawala ito ay tiyak na ikamamatay niya. Ngayon ay kailangan nito ng malaking halaga upang maoperahan. Saan naman siya kukuha ng pera? Gaano lang ba ang naiuuwi niyang suweldo buhat sa trabaho niya gayong kabi-kabila ang mga salary deductions niya? Pero hindi siya mapapanatag nang walang kahit anong gagawin para sa anak. She needed to do something. If that would mean doing the most impossible thing in the world, who was she to protest? Bilang isang ina ay tungkulin niya iyon para sa kanyang anak. Kung kinakailangang ibuwis niya ang buhay para dito ay matamis niya iyong gagawin. Sa puntong iyon ay sumalit sa isip niya si Roxanne. Kaya ba niyang gawin ang sinasabi nito? Nabanggit nito ang isang kakilalang alam daw nitong makakatulong sa kanya pero hindi raw nito ipinapayo ang gayon. Na-curious siya at nagtanong pero nagulat siya sa sinabi nito. "Surrogate mother? Seryoso ka ba, Roxanne?" "Oo pero huwag kang maingay, may sekreto akong sasabihin sa'yo." Namilog ang mga mata niya nang ibulong ni Roxanne ang sekretong sinasabi nito. "What? Totoo ba 'yan?" "Positive. Ako nga ang hiningan nila ng tulong kaya alam ko. Matagal ko nang sekreto ang bagay na iyan dahil kahit ang pagtikom ng bibig ko ay binayaran din ni Ma'am Janice noon." "Hindi pa rin ako makapaniwala, Roxanne." "May problema daw kasi sa matris si Ma'am kaya nag-hire na lang sila ng surrogate mother para siyang magdala ng baby nila for nine months." "Narinig ko na iyan noon pero wala akong kilalang may personal experience tungkol diyan." "Iyan pa lang, nagugulat ka na? Paano pa kapag nalaman mong ang bunsong anak naman nila ay hindi totoong anak ni Ma'am Gonzales?" Hindi na niya kinailangang magtanong dahil mabilis nang dinugtungan ng kaibigan ang sinasabi. "The Gonzales couple hired a babymaker, my friend. Gusto pa kasi nila ng lalaki pero dahil sa health problem ni Ma'am ay hindi na rin posible kahit ang surrogacy. Tuloy ay napilitan silang lumapit sa kaibigan ko." "Kaibigan mo ang babymaker?" "Nope. Kaibigan ko ang may-ari ng secret agency para sa mga ganitong klaseng kaso. Hindi ito legal pero hindi rin naman direktang ibinabawal kaya hanggang ngayon ay bukas pa rin ang opisina niya." "Oh my God! Kaya kong intindihin ang surrogacy but to be a babymaker! That's absurd!" Muli siyang napailing sa sarili sa alalahaning iyon. Bukas na bukas rin ay gagawa siya ng paraan para humanap ng solusyon sa problema nilang mag-ina. Kapag sa loob ng dalawang araw ay wala siyang nagawang paraan, siguro ay kailangan na niyang pag-isipan ang tungkol sa surrogacy. Hindi sinasadyang napahaplos siya sa kanyang sinapupunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD