Mag-aalas syete na ng marating nina Christof at Krystal ang Hospital kung saan naka-admit si Joy. Habang nasa biyahe ay dumaan sila sa isang supermarket para bilihan ang ate niya ng ilang sariwang prutas. Nagpakilala si Christof sa mga nurse na nasa front desk bago nagtanong ng tungkol sa kinaroroonan ni Joy. Hindi kasi pwedeng papasukin ang walang koneksyon sa mga pasyente, para sa safety na din ang mga ito. Agad namang ibinigay ng nurse ang room number ng ate niya nang mapatunayang mga agent sila. Matapos 'yon ay sabay silang naglakad ni Christof patungo sa kwarto nito. Habang naglalakad sa hallway ay hindi maipaliwanag ni Krystal ang kaba. Tila excitement iyon na may kasamang lungkot. Napansin naman ni Christof na parang balisa si Krystal. Agad niyang tinapik ng marahan ang likod ng

