Sunny Nang bandang hapon ay lumabas na sila ng boss niya para pumunta sa lugar na may kalayuan sa bahay ng magulang niya, target talaga niya ay yung puno ng mangga. Dala-dala na rin niya ang bagoong na nakita niya sa kusina, nasa isang malaking garapon, nagdala na rin siya ng kutsara, platito, kutsilyo, at tubig na rin. Lumingon siya sa boss niya na hirap na hirap lumakad sa ilalim ng araw na hindi naman na nakakapaso. "Sir, bilisan mo naman!" Parang batang nagmamadali naman itong lumakad at huminto sa tabi niya. "Kasi naman! Nakita mong mainit pa, bakit ba lumabas na tayo ng bahay!" Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Anong gusto mo sir, sa gabi na tayo pumunta? Aba'y baka puro nakakatakot na nilalang ang makita natin doon dhail walang ilaw. Gusto mo ba? Okay lang naman sa a

