Isang buwan na simula nuong nalaman ko kung nasaan si Rocky, araw araw ako sa pagbisita rito hindi ko rin alintana ang pagod at layo ng ospital.
Ngunit sa pagbisita ko rito ay hindi pa rin ako pumapasok sa loob ng kuwarto nito dahil masaya na akong makita ito sa malayo.
"Hindi ka ba papasok sa loob?" Tanong sa akin ni Ronald na panay ang aya nito sa akin ngumiti ako habang umiiling.
"Hindi kaya hinihintay ka ni Keitlyn para magising siya?" Natigilan ako sa sinabi nito.
"Baka gusto rin marinig ni Keitlyn ang boses mo Caleb." Dugtong pa nito.
Nagpunta ako sa nurse station at nagsuot ng protective items. Dahan dahan ako sa paghakbang na para bang bago lang ito. Nang makarating ako sa pinto ng kuwarto nito ay kaagad na binuksan ni Ronald ang pinto.
Maririnig mula sa kinatatayuan ko ang mga aparato na tumunog, napalunok pa ako ng laway bago pumasok saka naman isinarado iyon ni Ronald.
Lumapit ako kay Rocky at umupo sa tabi nito na nanginginig ang mga kamay ko. Iniikot ko ang mga mata ko sa paligid at pinagmasdan ko pa ang buong kuwarto kung gising lamang ngayon si Rocky ay malamang na magpauwi ito kaagad ng bahay.
"Kumusta ka na Rocky?“ Ang unang salitang lumabas sa aking bibig, napangiti ako habang lumuluha.
Tinignan ko ang buong katawan nito na parang pagod na pagod ngunit ang mukha nito na parang natutulog lang.
"Pasensiya ka na Rocky kung nasaktan kita hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko sa iyo patawarin mo sana ako." Hinawakan ko ang kamay nito habang hinahalikan.
"Mahal na mahal kita, gumising ka na please Rocky, hindi na kita iiwan pa." Dugtong ko habang patuloy ako sa pagluha.
Nang bigla nalamang gumalaw ang kamay nito na hawak ko.
"Rocky?" Napalingon ako sa bintana habang nakangiti at nakatingin kay ronald, gising na ba si Rocky? Naririnig ba nito ako?
Ngunit bigla nalamang tumunog ang ventilator machine at dumiretso ang linya rito napatingin ako kay Rocky na hirap sa paghinga kaya naman sa sobrang taranta ko ay napatayo ako saka lumabas at sinabi kay Ronald.
Kaagad naman na dumating ang mga Dr. ni Rocky at sinuri ito habang si Ronald naman ay nakasunod rito.
"What's going on?" Tanong ni Ronald ngunit pinalabas din ito at pareho na lang kaming nakatayo habang sumisilip sa bintana.
Tumalikod na lang ako dahil ayaw kong makita itong binobomba ng mga doktor.
"Ilang beses na ito Keitlyn, kayanin mo please." Napaluha ito at napaupo nalamang sa sahig.
Ayaw kong makita ito sa ganitong situwasiyon kaya inalis ko ang protective items na suot ko at umalis na kaagad ng ospital.
Ang sabi ni Ronald ay ilang beses na iyon, ang ibig bang sabihin ay hirap na hirap na si Rocky? Kasalanan ko ito hindi ko dapat ito iniwan, hindi ko dapat ito pinabayaan at sinaktan hindi sana ito mangyayari.
Habang patuloy ako sa pagbaba ng ospital at lumuluha ay hindi ko napansin ang isang babae kaya naman nabangga ko ito at mailaglag lahat ng gamit nito sa sahig.
"I am sorry mam." Sabi ko at pinulot ang mga gamit nito habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ko.
"Caleb?" Tumingala ako habang nakakunot ang nuo ko.
"Caleb anak ikaw nga." Dugtong pa nito saka ako tumayo at inayos ang sarili ko.
Hindi ko akalain na sa ganitong lugar kami magkikita at hindi ko ito inaasahan. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at iniwas ang tingin dito.
Siya pa rin ang mama ko kaya kahit na pa gaano kasama ang loob ko rito ay hindi ko ito binastos lalong lalo na sa harapan ng madaming tao.
Nagtungo kami sa isang Coffee shop at duon masinsinang nag-usap.
"Kamusta ka na anak?" Ngumiti ito sa akin habang naluluha pa.
"Marahil ay natupad mo na ang pangarap mo noong bata ka dahil narito ka na sa Australia." Dugtong pa nito kaya naman tumango.
"Teka sandali anong ginagawa mo sa ospital? Bakit umiiyak ka anak?" Bigla ko tuloy naalala si Rocky, ano na bang nangyari sakanya ngayon?
"Naaksidente ang taong mahal ko kasalanan ko kung bakit siya naroon ngayon." Nagulat ito dahil sa sinabi ko.
"Si Julia ba anak? Anong nangyari sakanya? Sabay ba kayong nagtungo rito sa Australia at sabay na natupad ang pangarap ninyo?" Sunod sunod na tanong ni mama, kilala ni mama si Julia nuon pa man at alam nitong nobya ko ito ngunit umiling ako.
"Matagal na kaming wala ni Julia." Natigilan ito at tumango lamang.
"Sana ay gumaling na ang nobya mo anak, hayaan mo't ipagdarasal ko siya." Nang biglang tumunog ang telepono nito.
"Hello Rodolfo." Napangisi ako dahil sa pangalan na binanggit ni mama.
"Aalis na ako." Ang sabi ko ngunit natigilan ako sa mga sumunod na sinabi ni mama.
"Mabuti naman kung narivive muli si Keitlyn, malakas siya at sigurado akong malapit na siyang magising." Keitlyn? Si Rocky ba ng tinutukoy nito? Kung ganun ay buhay si Rocky. Ibinaba na nito ang kanyang telepono at tumayo na rin.
"Sandali anak kuhanin mo ito tawagan mo ako upang makapag-usap tayo muli." Iniabot nito iyon sa kamay ko at nagmadali ng umalis. Naiwan ako roon na nakatayo pakiramdam ko ay parang ako pa ang mayroon kailangan sakanya.
Umuwi na ako sa aming condo at naabutan ko roon si Achilles na umiinum ng alak. Inagaw ko sakanya iyon at mabilis na tinongga ang isang bote ng alak.
"Teka bro sa akin iyan." Ngunit wala na itong nagawa.
"Sandali, bakit hindi ka pumasok sa trabaho kanina? Mayroon bang nangyari?" Dugtong pa nito.
"Madaming nangyari bro." Binuksan ko pa ang isang bote ng alak na nasa mesa at ininum iyon.
"Si Rocky muntik na mamatay mabuti na lang at na survive siya ulit ng mga doktor." Lumagok ako ng alak at nagpatuloy muli.
"Tapos nagkita kami ni mama." Dugtong ko pa.
"Nagkita kayo ni tita Catherine?" Tumango ako.
"Kumusta na si tita? Nakita mo ba ang bago niyang asawa?" Inubos kong muli ang alak na hawak ko bago sumagot.
"Sa tingin ko mukha naman siyang masaya at parang walang nangyari."
Habang nakahiga ako sa kama ay pinagmamasdan ko pa ang calling card na bigay ni mama, bakit kailangan ako ang tumawag sakanya? Hindi ba dapat na ipaliwanag niya sa amin ang ginawa niyang pang-iiwan? Bakit ako?
Dalawang buwan ng hindi nagigising si Rocky ngunit patuloy pa rin ako sa pagbisita sakanya, simula nuong pumasok ako sa loob ng kuwarto niya ay araw araw ko na rin iyong ginagawa katulad ng sinabi ni Ronald ay baka naririnig nito ako kaya gumagalaw ito.
Simula rin nang magkita kami ni mama ay hindi na kami nagkita pang muli.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Rocky dahil umalis si Ronald at Farrah ang sabi din nito ay bukas pa magpupunta si sir Rodrigo at mam Dale dito kaya kahit magdamag akong magbantay kay Rocky ay ayos lang.
Inayos ko ang kumot ni Rocky at pinunasan ko rin ang bibig nito.
"Rocky nandito na naman ako." Ngumiti ako habang inaayos ang buhok nito.
"Sana ay hindi ka magsawa na marinig ang boses ko araw araw." Dugtong ko pa at umupo sa tabi nito.
"Alam mo bang nagkita kami ni mama? Katulad ng sinabi mo sa akin ay pinakinggan ko lang ito sa kanyang sasabihin."
"Ang sabi mo sa akin baka mayroon siyang dahilan kaya niya nagawa iyon kaya maghihintay ako sa pagpapaliwanag niya." Dugtong ko pa.
Lumapit pa ako at tinitigan ang mukha nito.
"Please Rocky gumising ka na alam mo bang dalawang buwan ka ng natutulog? Namimiss ko na ang pagtataray mo sa akin, namimiss ko na ang pagkunot ng nuo mo sa tuwing hindi mo gusto ang ginagawa ko. Rocky gumising ka na mahal na mahal kita, mahal na mahal kita sobra hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Nang biglang marinig ko ang isang boses sa likuran ko at mabitawan ko ang kamay ni Rocky.
"Caleb?" Lumingon ako at nakita ko si mama kaya naman mabilis akong tumayo dahil baka kasama nito si sir Rodolfo o kaya naman ay si sir Rodrigo.
"Huwag mong sabihin sa akin na si Keitlyn ang nobya mo." Dugtong pa nito.
"Hindi ko pa siya nobya pero siya ang babaeng mahal na mahal ko." Sagot ko naman saka lumabas ng kuwarto ni Rocky.
"Hindi ito maari anak." Wika nito habang sumusunod sa akin. Nagtaka ako dahil sa sinabi ni mama, anong ibig niyang sabihin? Sinundan nito ako hanngang sa makalabas ng kuwarto.
"Bakit? Dahil ba ang akala ninyo ay si Julia pa rin ang nobya ko? Alam ko naman na gustong gusto ninyo si Julia para sa akin pero hindi ko na siya mahal matapos niya akong lokohin." Nangingilid ang luha ni mamang hinawakan ang braso ko.
"Hindi naman iyon ang dahilan anak." Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa akin saka ngumisi.
"So anong dahilan ma? Dahil ba sa bago ninyong asawa ang tito ni rocky? Kaya ba hindi kami pwede para sa isa't isa?" Umiling ito habang naluluha.
"Sarili lang naman ninyo ang iniisip ninyo." Dugtong ko.
"Pinsan mo si Keitlyn anak at si Rodolfo ang ama mo." Nagulat ako dahil sa sinabi nito, hindi ito totoo at hindi ito maari.
"Hindi iyan totoo, ano bang pinagsasabi ninyo? Si Rocky, pinsan ko? At si sir Rodolfo ang ama ko?“ Ngumisi ako habang umiiling, hindi ako naniniwala.
"Sinasabi lang ninyo ito para layuan ko si Rocky katulad ng ginawa ni sir Rodrigo pwes hindi iyon mangyayari mahal na mahal ko si Rocky at hindi magbabago iyon." Humakbang ako patalikod ngunit muli nitong hinawakan ang braso ko.
"Anak sandali, maniwala ka sa akin totoo ang mga sinasabi ko." Humarap ako kay mama at muling inalis ang kamay nito.
"Kahit kailan hindi ako maniniwala sainyo, bakit hindi kayo ang magpaliwanag kung bakit ninyo kami iniwan? Kung bakit ipinagpalit ninyo si papa? Ilang taong kaming naghintay sainyo pero tuluyan ninyo kaming ibinandona dahil sumama kayo sa lalaki ninyo." Tuluyan ng tumulo ang luha sa aming mga mukha.
"Tapos ngayon magpapakita kayo at sasabihin na si sir Rodolfo ang ama ko? Wala akong ibang ama kung hindi si papa lang." Dugtong ko pa.
"Sarili lang ninyo ang iniisip ninyo dahil masyado kayong makasarili." At isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Hindi ko inaasahan na masasaktan ako ni mama sa hinaba haba ng panahon, sabagay ay nasaktan ko ito hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko dala lamang iyon ng aking galit.
"Anak hindi ko sinasadya." Ngunit tumalikod na ako dahil ayaw ko ng marinig pa ang mga sasabihin nitong kasinungalingan. Ilang beses pa nitong tinawag ang pangalan ko ngunit dire diretso lang ang pag lakad ko at tuluyan ng makalabas ng hospital.
Naglalakad ako ngunit hindi ko alam kung saan ako papunta, gulong gulo ang isip ko puro kasinungalingan lang ang mga sinabi ni mama. Sa hinaba haba ng panahon na magkasama kami ni papa ay hindi ko maiisip na hindi ko ito ama.
Lalong lalo na nuong sinabi nito na ama ko si sir Rodolfo at magpinsan kami ni Rocky. Ngumisi ako habang malakas na sinipa ang bote ng lata na nasa harapan ko.
"Hindi maaaring magpinsan kami ng taong mahal ko, hindi ako naniniwala." Nagtungo ako sa isang bar ruon at duon nagpakalunod ng alak. Tagay dito tagay duon hanggang sa malasing ako at duon na makatulog.
Naalimpungatan na lang ako ng marinig ko ang boses ni Achilles habang inuuga ako. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at si Achilles nga ang nasa harapan ko.
"Tumayo ka na riyan bro, umuwi na tayo." Tumayo naman ako habang akay akay nito ako palabas ng bar. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na naruon ako ngunit masaya ako dahil narito ito.
Nang makasakay kami ng taxi hanggang sa makarating sa condo ay wala akong narinig ni isang salita mula sa kaibigan ko, hindi kaya galit ito sa akin dahil naistorbo ko ito sa trabaho?
Inalalay nito akong pumasok sa kuwarto ko saka tuluyang isinarado ang pinto.
Alas nueve na ng umaga nang magising ako, mabuti na lamang at wala kaming pasok ngayon kung hindi ay mananagot na naman ako kay Achilles nito.
Dahan dahan ako sa pag bukas ng pinto ng kuwarto at baka tulog pa ang kaibigan ko ngunit bigla na lamang itong magsalita sa may bandang kusina.
"Halika ka na rito, uminum ka matapang na kape para mawala ang hang over mo." Napalingon ako rito habang masarap itong humihigop ng tsaa. Umupo naman ako at sinaluhan ito.
"Baka may balak kang magkwento Caleb?“ Seryoso ang mukha nito.
"Pasenya ka na talaga bro hindi ko sinasadya na maistorbo ka sa trabaho." Ngumisi ito na tila ba may galit nga sa akin.
"Alam mo bang tumawag sa akin ang isang staff ng bar kung saan ka umiinum at pinabayad lang naman sa akin lahat ng ininum mo." Napalunok na lang ako ng aking laway dahil sa kahihiyaan.
"Pasalamat ka wala ako masiyado ginagawa sa trabaho kung hindi pinabayaan na kita ruon, alam mo naman Caleb kailangan natin magdoble kayod dahil sa mga gastusin dito." Dugtong pa nito.
"Pasenya ka na talaga Achilles hayaan mo babayaran kita doble pa saka bukas magtayrabaho na ulit ako." Mabilis kong sagot dito.
"Wala naman problema sa pera bro, ang sa akin lang bakit hindi mo ako inayang uminum? Nuong huling uminum ako inubos mo pa iyong sa akin." Seryoso ba talaga ang kaibigan ko? Akala ko pa man din ay galit na ito sa akin. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit ka uminum mag-isa? Mayroon bang nangyari kay Rocky?" Sunod sunod na tanong nito.
"Nagkita kami ulit ni mama." Maikling sagot ko ngunit hindi ito umimik.
"Madami siyang sinabi ngunit puro kasinungalingan lang ang lahat." Dugtong ko nang biglang mayroon kumatok sa pinto.