Chapter 43

2601 Words
Nang makarating kami sa isang Beach resort ay kaagad kaming sinalubong ng mga staff roon na mayroon pang dala dalang buko juice na ibinibigay para sa mga turista. Sinundan lang namin si Rocky dahil sabi nito ay nakapagpareserve na ito ng kuwarto ngunit nagkaroon ng kaunting problema tungkol sa kuwarto na ipinareserve ni Rocky. Mukhang nagkakaroon pa ng kaunting tensyon at nagtataas na ng boses si Rocky, narinig ko ang bulungan ng mga staff nito. Napalingon naman rito si Rocky at bahagyang nagbaba ng boses saka kinuha ang mga susi ng kuwarto. "Share na lang kami sa room ni Farrah, kayo na ang bahala kung sino ang gusto ninyo makasama sa kuwarto." Iniabot nito ang mga susi at kanya kanya naman ang kuha ng mga ito. "Share na lang kami ng kuwarto ni Caleb." Napangisi naman ako dahil sa narinig ko, ano na naman bang kalokohan ang naiisip ni Tonet. "What?" Napalingon naman ako kay Rocky at nginitian ito ng nakakaloko, akala siguro nito ay papayag ako. "Pasensiya na Tonet pero sa kuwarto na lang ako ng mga staff ni Rocky." Nakipag-apiran naman sa akin si Kevin at si Martin na tila ba gusto rin akong makasama sa kuwarto. Nakita ko naman ang pagmaktol ng mukha ni Tonet. Nagsimula na kaming pumunta sa aming mga silid habang dala dala naman ni Kevin ang maleta ni Rocky, nauna na kami nina Martin, Denise at Larraine na nagtungo sa aming silid. Inayos ko na ang aking mga gamit sa kabinet ganoon din sina Martin, pumasok na si Kevin sa kuwarto at inilapag ang mga gamit nito sa kama, dalawa lang ang kama na naroon kaya naman kaming tatlong lalaki ay sa lapag na lang mahihiga. Nagbihis na kami at nagtungo na sa isang buffet room kung kanilang tawagin dahil tanghalian na, naupo na kami sa hapag kainan at naroon na rin si Tonet at Wilson. Nagsimula na kaming kumain kahit na pa wala pa sina Rocky at si Farrah dahil mag-aala una na ng tanghali. "Caleb aplayan mo ako ng lotion mamaya ha." Bulong ni Tonet sa akin saka naman ako tumango, naiilang akong tignan ito dahil halos nakaluwa na ang dibdib nito. Sakto naman ang pagdating nina Rocky at Farrah, lumipat ako ng upuan para makatabi ni Tonet si Farrah at tumabi naman ako kay Wilson. Umusog naman ng bahagya si Wilson at umupo sa pagitan namin si Rocky. Napangising lumingon sa akin si Wilson nang makita ako nitong nakatitig kay Rocky habang tahimik lang ito sa pagkain. Balak ko sanang lagyan ito ng pagkain sa kanyang plato katulad ng madalas kong ginagawa rito ngunit biglang sinipa ni Tonet ang paa ko, napansin ko ang paglingon ni Wilson kay Tonet. Kaya naman napalingon din ako rito sabay pa ang pagkindat nito sa akin. Tumayo naman si Rocky at nagsimulang maglakad patungo sa dalampasigan. Susundan ko sana ito ngunit mabilis na tumayo si Farrah at sinundan ito. "Mukhang wala pa rin sa mood si boss Rocky." Tumingin naman ako kay Larraine. "Sino ba naman kasi ang magkakaroon ng magandang mood kung ang kaharap ni boss Rocky ay ikaw." Tumawa naman si Martin. "Tignan mo nga tinalo mo pa siya, nakabikini ka pa." Dugtong nito saka muling nagtawanan ang mga ito. Nabanggit sa akin ni Kevin na isang gay si Larraine ngunit hindi naman halatang lalaki ito dahil napakaganda at mukha talagang babae pati na rin ang pagkilos nito. "Tama na, nagpunta rito para mag-enjoy." Suway naman ni Denise Nang matapos kaming kumain ay nagtungo na rin kami sa tabing dagat, hinawakan pa ni Tonet ang braso ko habang naglalakad kami sa dalampasigan dahil puro sipol ng mga lalaki rito. Narinig ko pa ang pagyaya ng mga staff ni Rocky dito para magtampisaw na sa dagat, tumanggi naman si Rocky at nanatiling nakaupo sa buhangin habang kausap si Farrah. Umupo naman kami ni Tonet sa ilalim ng mga malalaking payong. "Caleb hindi ba sabi mo aaplayan mo ako ng lotion." Iniabot nito sa akin ang lotion na hawak nito saka dumapa sa isang Beach chair. Ayaw ko sana kuhanin iyon at baka kung ano ang isipin sa akin ni Rocky ngunit ayaw ko rin naman mapahiya si Tonet. Lumingon itong muli sa akin at itinuro ang likod nito, umupo naman ako saka sinimulang pahiran ito ng lotion. Napansin ko ang paglapit ng ilang mga babae kay Rocky na tila ba nagpapakilala ang mga ito ngunit mabilis naman itong tinataboy ni Farrah, nagsiahunan din ang mga staff nito at nagtungo sa kinaroroonan nina Rocky mayroon silang sinabi rito ngunit hindi ko alam kung ano iyon at kaagad silang nagsaya malamang ay pabor iyon sakanila. Nang matapos ko itong pahiran ng lotion ay umupo na ito sa tabi ko nang mapansin ko naman na nasa likuran na namin si Rocky. "Tara Caleb turuan mo akong mag swimming." Hindi ko alam kung nakita ba nito sa aming likuran si Rocky dahil mabilis nitong hinawakan ang braso ko na halos dumikit na ang hinaharap nito rito. "Sige walang problema." Bahagya akong napalingon kay Rocky at napansin ko ang pagngisi nito samantalang inalalayan ko naman si Tonet hanggang sa makarating kami sa dagat. Nakihalobilo kami sa mga staff ni Rocky na nagbabasaan ng tubig dagat. "May inuman session tayo mamaya bro sagot ni boss Rocky." Sabay ang pagtalsik ng tubig sa mukha ko. "Hindi pwede, bawal si Rocky uminum." Sabat naman ni Farrah nang makarating ito sa kinaroroonan namin. "Pumayag na siya Farrah at minsan lang naman ito habang nasa bakasyon pa dahil paniguradong strikto na naman si boss Rocky pag back to realty na." Kumot naman ang nuo ni Farrah nang marinig ang sinabi ni Denise. "Bakit naman bawal uminum si Rocky? Hindi ba niya nakwento sa iyo na uminum kami nung anniversary nina ng kuya Ronald niya at girlfriend nito?" Tanong ko ngunit hindi naman ito umimik. Nang bigla silang mapalingon lahat sa likuran ko at lumingon din ako, nakita kong nakasakay sina Rocky at Wilson sa jet ski, mukhang naunahan na naman ako ni Wilson. "Boss Rockyyy! Pasakay naman kami!" Sigaw ni Larraine habang nagtatawanan ang mga ito. "Feeling ko mayroon gusto itong Wilson na ito kay boss Rocky."Lumingon ako kay Denise ganoon din si Tonet at si Larraine. "No! Hindi pwede sa akin lang si boss Rocky." Malakas na sabi naman ni Larraine napansin ko naman ang lihim na pagngisi ni Tonet. Nakita kong nagtungo sila sa mga isla kaya naman umahon na ako at nagtungo sa aming silid upang magpalit na ng damit. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito upang hindi aminin kay Rocky ang nararamdaman ko at baka maunahan pa ako ni Wilson. "Ipagtatapat ko na ang tunay kong nararamdaman sa iyo rocky." Sabi ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Kevin at si Martin na nakatapis ng tuwalya at nakatingin sa akin. "Anong sabi mo bro?" Kumunot pa ang nuo ni Kevin saka ito lumapit sa akin. Hindi naman ako nakasagot kaagad, narinig kaya nila ang sinabi ko? "Caleb, sa tingin mo ba hindi namin narinig ang sinabi mo?" Mahina lang naman ang pagkakasabi ko at sa tingin ko naman ay hindi nila narinig iyon. "Ano bang pinagsasabi ninyo? Wala naman akong sinsabi." Pagsisinungaling ko saka ako muling humarap sa salamin. Humakbay naman sa akin si Martin at ngumiti ito. "Ipagtatapat ko na ang tunay kong nararamdaman sa iyo rocky." Bulong nito sabay ang malas na tawa nito. Ganoon ba kalakas ang pandinig ng dalawang ito? "Narinig namin ang sinabi mo Caleb, kanina pa kami nasa labas ng pinto." Paliwanag naman ni Kevin at napayuko na lang ako sa kahihiyan. "At isa pa bro matagal na namin nararamdaman na mayroon kang gusto kay boss Rocky, lalaki din kami bro at matagal na namin napapansin ang pagsulyap sulyap mo sakanya lalo na sa tuwing pinupuntahan mo ito sa shop." Dugtong pa nito. Sinasabi ko na nga ba na masyado na akong halata sa kinikilos ko pero bakit hindi iyon nanapansin ni Rocky? Dahil ba hindi naman nito ako tipo? O baka naman si Tonet at babae lang ang gusto nito. "Mas boto naman kami ni Kevin sa iyo kesa doon sa Wilson na iyon." Ngumiti naman ako dahil kahit papaano'y mas malakas pa rin ako kay Wilson. Tinapik lang nila ang balikat ko at nagsimula na din silang magbihis, hindi ko man sinabi sa kanila na gusto ko si Rocky ay paniguradong alam na rin naman ng mga ito. Sumunod naman na pumasok sina Larraine at Denise na nakabihis na. "Tara punta tayo sa kuwarto nila boss Rocky, remind natin iyong inuman session natin." Pumayag naman ang mga ito at nagsimula ng lumabas ng kuwarto, niyaya pa nila ako ngunit tumanggi na ako. Nang makabalik sila sa aming silid ay pana'y pa ang hiyawan at palakpakan ng mga ito malamang ay tuloy na tuloy na ang inunam mamaya. Dumeretso kami sa isang resto bar pagkatapos ng aming hapunan, walang katao tao roon maliban sa mga staff ng bar. Narinig kong binayaran ng buo ni Rocky ang bar kaya naman pala walang katao tao. Nagsimula na kaming uminum, umikot na ang baso ngunit alalay lang ako dahil gusto kong makausap ngayong gabi si Rocky. Nagpunta ako sa harapan ng video oke para pumili ng kanta. "Marunong ka naman bang kumanta?" Napatawa ako ng bahagya sa tanong ni Tonet, kung hindi nito maitatanong ay dati rin akong singer sa isang bar. "Caleb bro huwag ka magpapakalasing dahil madami tayong aalagaan." Bulong naman ni Kevin at tumango naman ako. Marahil ay madali lang tamaan ang mga kasama namin kaya sinabi nito iyon. Ako na ang susunod na kakanta kaya naman kinuha ko na ang microphone nang bigla itong agawin ni Wilson at siya ang kumanta na dapat ay ako. Nakita ko ang pag bulungan ni Farrah at ni Rocky habang nakatingin kay Wilson. Umupo naman ako at muling umupo sa tabi ni Kevin. "Ang bagal mo naman kasi, hayaan mo lalasingin namin si Wilson."Kumindat ito sa akin at lumingon naman si Martin. Mukhang successfull nga plano nila ngunit hindi lang si Wilson ang nalasing kung hindi pati rin si Tonet at Larraine na halos sa lamesa na matulog. Nang walang ano ano'y tumayo si Wilson at umupo sa tabi ni Rocky sabay ang pag hawak ng kamay nito rito. "Rocky." Nanatili lang akong nakatingin sakanila habang nakaupo. "Rocky I love you." Malakas na bulalas ni Wilson at napatingin pa ang iba rito, nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha ni Rocky at mukhang hindi nito inaasahan ang ang gagawin ni Wilson. "Rocky listen to me, matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ang nararamdaman ko pero hindi ko magawa at ngayon buo na ang loob ko." Tumayo pa ito nang hawakan nito ang kamay ni Rocky, tatayo na sana ako nang senyasan ako ni Kevin. Umiling ito habang si Martin naman ay nakahakbay sa akin. "Wilson let's talk about this when you're not drunk anymore, please." Nagtaas na rin ng boses si Rocky at mukhang hindi nito nagustuhan ang kinikilos ni Wilson. "Rocky hindi ako lasing, I'm fallin love with you." Hindi ko napigilan ang sarili at nakikita kong mahigpit na ang pagkakahawak ni Wilson sa kamay ni Rocky kaya naman tumayo na ako upang puntahan ito at bigyan ng isang malakas na suntok nang sa gayun ay makatulog na ngunit tumayo rin ang dalawa at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Napalingon naman sa amin si Rocky at umiling ito. "Ok Wilson pag-usapan natin ito ngayon pero umupo ka na muna OK?" Kaagad naman na umupo si Wilson nang sabihin iyon ni Rocky. "Kevin, Martin kumuha kayo ng bimpo at palangga na mayroon tubig. Kumuha na rin kayo ng matapang na kape." Sumunod naman ang dalawa nang marinig ang utos ni Rocky. "Denise samahan mo na rin si Larraine alalayan mo siya papunta sa kuwarto ninyo." Inutusan din nito si Denise na dalhin na sa kuwarto si Larraine dahil nakatulog na rin ito sa upuan. "Caleb samahan mo na rin si Tonet para makapagpahinga na rin siya." Hindi ko sana ito susundin ngunit nakita ko ang pag-aalala sakanyang mukha at kasama pa naman nito si Farrah babalikan ko nalang ito pagkadala ko kay Tonet sakanyang kuwarto. Nagsimula na akong buhatin si Tonet at naglakad palabas ng resto bar habang sinusundan ko naman si Denise na akay akay si Larraine. Nang maihatid ko ito sakanyang kuwarto ay nagising ito at kinulit pa ako para lumabas dahil gusto raw nitong makausap si Rocky. Ganito ba talaga kakulit ang mga babae? Isang oras din akong nagtagal sa kuwarto ni Tonet para masiguro itong tulog na at hindi na lalabas ng kanyang kuwarto. Nang masiguro ko itong mahimbing ng natutulog ay lumabas na ako ng kanyang kuwarto. Nalampasan ko na ang kuwarto ni Wilson ngunit bumalik pa ako para silipin kong naroon na ba iyon, pinihit ko ang doorknob at bahagya ko itong binuksan nakita ko na napakasarap na rin ng tulog nito. Papunta na rin ako sa kuwarto ko at malamang ay natutulog na rin ang mga kasama ko. "Saan ka ba galing Caleb?" Tanong ni Kevin na halos pumungay na ang mata. "Sa kuwarto ni Tonet, nagpupumilit kasing lumabas kaya pinatulog ko muna." Narinig ko pa ang pag tsk nito. "Pwede bang silipin mo si Rocky sa kuwarto nila kung nandoon na siya." Kumunot naman ang nuo ko, anong ibig nilang sabihin iniwan nila si Rocky na mag-isa sa resto bar? "Iniwan niyo siyang mag-isa sa bar?" Tanong ko ngunit humiga na ito. "Uminum pa kasi kaming tatlo nina Martin, niyayaya na namin siya sa kuwarto niya pero ang sabi niya maglalakad lakad muna siya." Sagot nito kaya naman mabilis akong lumabas ng kuwarto at pinuntahan ito. Hindi pa man ako nakakalayo ay nakikita ko na itong naglalakad patungo sa akin ngunit tila ba hindi nito ako nakita at nagulat pa ito nang makasalubong ako. "Saan ka pa ba nagpunta? Halos lahat sila mahimbing ng natutulog tapos ikaw pagala gala ka pa." Ngumisi lang ito saka tumalikod at nagsimulang maglakad muli patungo sa dalampasigan. "Rocky tara na ihahatid na kita sa kuwarto mo." Dugtong ko sabay na hinawakan ko ang braso nito. "Hindi pa naman ako inaantok Caleb, kung gusto mo ikaw na ang bumalik sa kuwarto mo." Inihagis nito ang hawak nitong tsinelas sa buhangin at umupo roon, nanatili naman akong nakatayo habang pinagmamasdan ito. "Tignan mo nga ang sarili mo Rocky halos malaglag na ang mga mata mo." Tumingin lang ito sa akin ngunit hindi ito umimik, bagsak na ang mga mata nito at kung ipipikit lang nito iyon ay paniguradong tulog ito. "The Boyish Billionaire and The Queen of MotoRacing ay sobrang pasaway, lasing na nga nakuha pang gumala tsk tsk tsk." Tumawa lang ito dahil sa sinabi ko, umupo naman ako sa tabi ni Rocky. "The Boyish Billionaire and The Queen of MotoRacing? Saan mo naman nakuha ang mga iyan?" Tumawa rin ako saka tumitig rito, nakita ko ang mapupungay nitong mata habang nakatitig din sa akin ngunit inalis ko iyon at tumingin sa dagat. "Caleb." Mahinang sambit nito ngunit hindi ako lumingon. "Rocky." Sabi ko. "Gusto ko sanang sabihin sa iyo na( ngumiti lang ako habang nakatingin pa rin sa dagat) mayroon akong gusto sa iyo, matagal na pero hindi ko masabi kasi.." Lumingon ako rito at mahimbing na itong natutulog habang naka sandal sa kanyang tuhod. Napangiti na lang ako rito habang pinagmamasdan ko ito. Kinuha ko ang ulo nito saka isinandal sa dibdib ko habang ang braso ko ay nakapatong sa kanyang balikat. "Tinulugan mo naman ako Rocky, akala ko pa naman malalaman mo na ngayon." Bulong ko rito saka hinalikan ang nuo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD