Chapter 44

2152 Words
Caleb Point Of View Saglit lang kaming nagtagal sa ganoon posisyon dahil malalim na ang gabi at malamig na rin ang simoy ng hangin. Sisimulan ko na sana itong kargahin ngunit sinukahan nito ang aking damit kaya naman tinanggal ko na muna ito. "Tssk Rocky, kung hindi lang kita mahal malamang kanina pa kita naitulak." Umiling na lang ako habang pinagmamasdan ito. Pinunasan ko pa ang kanyang bibig gamit ang aking damit saka ito sinimulang buhatin. Nang makarating kami sa silid nila ni Farrah ay nakabukas na ang pintuan at naghihintay na roon si Farrah. Tumayo pa ito saka inalalayan si Rocky na humiga ngunit bago ito humiga ay sumuka itong muli kaya naman nagtitili si Farrah habang napapatawa naman ako sa reaksyon nito. Mukhang sa hinaba haba ng kanilang pagkakaibigan ay ngayon palang nito nakita ng nagsuka ang kanyang kaibigan. "Oh my gosh Rocky, nakakadiri ka." Lumayo ito saka tinakpan ang kanyang ilong. Nang maalimpungatan si Rocky ay umupo pa ito sa kama. "O paano ba iyan Farrah, ikaw na bahala sa kaibigan mo aalis na ako." Lumingon ito sa akin saka ako nilakihan ng mata. "What? No! Linisin mo muna itong kalat ng boss mo Caleb bago ka umalis." Tumayo ito saka ako hinila. Umiling na lang ako saka kumuha ng basahan at sinimulang linisan ang mga suka ni Rocky na nagkalat sa sahig. "O ayan malinis na, paano ba iyan ikaw na mamalit ng damit ni Rocky baka utusan mo pa ako." Sabi ko saka ito humalukipkip, tatalikod na sana ako nang biglang tawagin ni Rocky ang pangalan ko. "Caleb, saan ka ba pupunta?" Paislang nitong sabi ngunit naintindihan ko naman iyon kaya humarap lang ako, nakaupo pa rin ito habang naka bukas ang isang mata nito at nakatitig sa akin. Ang cute cute mo talaga Rocky pero nakakainis ka dahil nakainum ka na naman. "May sasabihin pa ako sa iyo Caleb." Dugtong nito saka ito tumayo at nagsimulang maglakad patungo sa akin habang pasuray suray ito kaya naman lumapit na ako at hinawakan ang baywang nito habang siya naman ay nakahawak sa magkabilang balikat ko. Mariing itong nakatitig sa akin at naghihintay lang ako sa sasabihin nito. Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo Rocky at kailangan ngayon na, ngayong nakainum ka pa. Ngumiti ito sa akin habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa pisngi ko, napalunok ako ng aking laway habang napapaisip kung ano ba iyon. "Caleb I know this is very awkward but I just wanna tell you the truth I really." Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito hindi dahil ingles ang pagkakasabi ngunit pabulol na ito. Mabilis naman na lumapit si Farrah saka nito tinakpan ang bibig nito. "She really admires you Caleb dahil napakabait mo raw sa mga kapatid mo, nakukwento kasi niya." Tumango naman ako, nakukwento rin pala ako ni Rocky sa kaibigan niya. "Sige na Caleb ako ng bahala kay Rocky." Inalalayan na namin si Rocky na humiga sa kama at kaagad naman itong nakatulog mukhang lasing lang ito kaya kung ano ano na ang kanyang sinasabi. Tumango akong muli sabay ang paglabas sa kuwarto nila. Mahimbing nang natutulog ang mga kasama ko sa kuwarto at ako na lang ata talaga ang gising mukhang pagod rin ng mga ito sa biyahe at sa paglangoy sa dagat. Kinabukasan ay halos tanghali na kaming magising, naligo, nag-ayos ng sarili at sabay sabay na nagtungo sa buffet room upang mananghalian. Katulad kahapon ay kami kami lang ang kumakain, wala sina Rocky at Farrah malamang ay masarap pa rin ang tulog ng mga ito. "So Wilson matagal ka na pa lang mayroon gusto kay Rocky." Lumingon ako dahil sa tanong ni Tonet ngunit hindi naman lumingon si Wilson at patuloy pa rin ito sa kanyang pagkain, sinipa naman ni Tonet ang paa ko saka ito umirap. Ano bang magagawa ko? May the best man win ika nga nila. Nakita kong paparating na si Farrah habang nakakunot ang kanyang nuo at hindi nito kasama si Rocky malamang ay mahimbing pa itong natutulog. Umupo ito sa tabi ni Tonet at nagsimulang kumuha ng kanyang kakainin. Nakakailang subo palang ito ay dumating na rin si Rocky hinakbayan pa nito si Farrah saka hinalikan sakanyang pisngi ngunit hindi mo man lang makita ang reaksyon sa kaibigan nito. "Boss Rocky ang lakas mo talagang uminum kaya idol ka namin ni Kevin." Napalingon ako kay Martin na nakatitig kay Rocky habang tumatawa. Ang ibig bang sabihin nito ay uminum pa silang tatlo kagabi nina Kevin? "Inubos pa nga namin iyong tirang Tequila kagabi mukhang gusto pa ngang humirit ni boss." Sabat naman ni Kevin at tumawa rin ito. "Tumigil na kayo Kevin Martin, baka sabihin nila lasinggera ako." Suway naman ni Rocky. "Hindi ba?“ Lumingon naman itong si Farrah saka ito pinanliitan ng mata at mukhang mayroon silang tampuhan ni Rocky, sa pagkakaalam ko ay maayos ko naman iniwan ang dalawa kagabi. Katulad ng kahapon, pagkatapos kumain ni Rocky ay nagtungo na ito sa dalampasigan, sumunod na rin ang mga staff nito rito. "Caleb lagyan mo ulit ng lotion ang likod ko." Inilagay nito sa palad ko ang hawak nitong lotion. Nagsimula na rin kaming maglakad ni Tonet sa dalampasigan, umupo kami sa Beach chair saka ito muling nilagyan ng lotion. Matagal na rin naman na kaming magkakilala ni Tonet at magkaibigan naman kaming dalawa kaya walang malisya rito. "Nakakainis talaga itong si Wilson every time na magkukwentuhan kami wala naman siyang nababanggit tungkol kay Rocky tapos ngayon malalaman natin na mayroon siyang gusto." Manhid ka ba talaga Tonet? Kaming lahat napapansin na mayroon siyang gusto kay Rocky tapos ikaw ngayon mo lang nalaman? Patuloy lang ako sa paglagay ng lotion sa kanyang likuran nang mapansin ko na hinila ni Farrah si Rocky pabalik ng hotel. Saan naman kaya sila pupunta? Akala ko ba nagtatampo pa itong si Farrah. Nagsiahunan naman ang mga staff ni Rocky at nagtungo sa aming lugar kung ano ano ang aming mga napagkwentuhan maliban kay Wilson na tahimik lang simula pa kaninang tanghalian. Mukhang mayroon itong sariling mundo, maya't maya rin nitong tinitignan ang kanyang telepono malamang ay mayroon itong hinihintay na tawag. "Guys, gusto kong makilala ninyo si Ms. Rochelle Keitlyn Valdez." Narinig ko ang tinig ni Farrah sa aming likuran at sabay sabay kaming humarap dito halos mamangha kaming makita si Rocky na nakasuot ng two piece ngunit mas gusto ko pa itong nakasuot ng panlalaki kaysa itong ganito na halos lahat ng lalaki na daraan ay nakatingin dito. "Witwiw." Sipol pa ni kevin saka ko siniko ito mabuti na lang at malapit ito sa akin, lumingon naman ito sa akin. "Biro lang bro."Bulong nito. "Kevin hindi na pala natin kailangan maghanap ng chicks dahil may chicks na rito." Lumingon ako rito sabay ang pag tapik ko sakanyang balikat napatingin naman ito sa akin saka napangiwi. "Boss Rocky ang ganda ninyo, ang flawless at napaksexy." Tama ang sinabi ni Denise ngunit ayaw kong madaming lalaki ang nakatingin sa hinaharap nito. "Si boss Rocky ba iyan? Mukhang ibang babae iyan nasaan ba si boss Rocky, naku parang nandidiri na ako." Napatawa naman ang mga kasama nito na hindi rin lingid sa kanilang kaalaman na mayroon itong gusto kay Rocky. Nakatitig lang ako kay Rocky habang pinagmamasdan ito nang mapalingon ito sa akin saka ngumiti akala ko ay hindi nito ako mapapansin, lalapitan ko na sana ito ngunit hinawakan ni Tonet ang braso ko. "Si Rocky ba talaga iyan? Bakit mukhang mas sexy pa siya sa akin?" Lihim naman akong napangiti dahil sa bulong ni Tonet. "Rocky you're so beautiful, you look amazing." Lumapit dito si Wilson na dapat ako ang unang lalapit kung hindi lang hinawakan ni Tonet ang braso ko. Umupo sila pareho sa isang upuan na tila ba mayroon seryosong pinag-usapan saka lang nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Rocky nang puntahan ito ng mga staff nito, lumapit din kami ni Tonet. "Boss pwede ba kitang ligawan." Lumingon sa akin si Kevin saka ito kumindat alam ko naman nagbibiro lang ito pero nakakapikon ang dating sa akin. "Sisante gusto mo?" Tumawa lang ang mga ito sa pagbibiro ni Kevin. "Boss tara na sa dagat sayang naman ang swimsuit ninyo kung hindi kayo mababasa." Hinila ng mga ito si Rocky na tila ba parang hindi nila boss. "Stop this! OK? Or else I will fire you all." Ngunit patuloy lang sa paghila ang mga ito sumusunod lang ako sa kanila at gusto silang pigilan. "Sa pagkakataong ito boss Rocky hindi ka namin boss." Sabay ang malakas na tawanan ng mga ito. Nang makarating ang mga ito sa dagat at masigurong basa na si Rocky ay doon lamang nila ito binitawan muling hinila ni Tonet ang braso ko ngunit sa pagkakataong ito ay gusto kong makasama si Rocky kaya tinanggal ko ang pagkakahawak nito. Lumusong din ako sa dagat, napalamig ng tubig ngunit nag-iinit ang katawan ko kay Rocky. Binasa ko ang likuran ni Rocky at lumingon ito sa akin saka nito ako ginantihan na mayroon malaking ngiti. Nagyaya pa ito ng ibang Beach activities at game na game naman ang ito. Ito ang pinakamasayang araw ng birthday ko kahit hindi niya malaman ay masaya pa rin ako. Natapos ang araw na napakasaya namin pare pareho, nagsibalikan na kami sa aming silid upang maghanda sa aming hapunan. "Caleb bro ikaw na muna bahala rito at sabi ni boss Rocky linisin mo itong kuwarto dahil maaga tayong babalik ng San Antonio bukas." Sabay sabay silang lumabas ng kuwarto na hindi man lang naririnig ang sasabihin ko. "Teka napakadaya naman ata bakit ako lang? Birthday ko pa man din ngayon." Napakamot na lang ako ng aking ulo habang isa isang pinupulot ang mga nagkalat na damit. Maggagabi na ngunit hindi pa rin bumabalik ang mga kasama ko nang biglang tumunog ang telepono ko. "Hello bro Caleb nandito na kami resto bar halika na dito magdidinner na tayo." Napakunot naman ang nuo kung bakit nandoon sila sa resto bar ang ibig bang sabihin nito ay mag-iinuman na naman ba ang mga ito? Hindi pa man ako nakakasagot ay ibinaba na nito ang kanyang telepono sa kabilang linya. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kuwarto, pagkapihit ko ng busol at tuluyan makalabas ay nakita kong nasa labas na rin sina Tonet at Wilson. "Let's go Caleb nasa resto bar na raw sila malamang may inuman session na naman bago tayo bumalik bukas ng San Antonio." Binilisan ko naman sa paglalakad upang makasabay sakanila kahit na hindi man kami nagpapansinan ni Wilson. Nang makarating na kami sa resto bar ay nakasarado naman ito at madilim ang lugar. "Sigurado bang nandito sila? Mukhang wala naman tao sa loob ang dilim dilim pa." Mukhang mayroon mali rito, nasaan na ba sila? "Tatawagan ko ulit si Rocky baka ibang resto bar ang tinutukoy nila." Wika naman ni Wilson. "Excuse me, ang sabi ng friend kong si Ms. Valdez nandito sila sa resto bar." Tanong ni Tonet sa dumaang staff. "Check niyo na lang po sa loob mam." Kumunot ang nuo ni Tonet sa sagot ng staff saka ito nagpatuloy na naglakad palayo sa amin. "Tsk antipatiko kung makasagot parang hindi tayo guest dito." Nginisian nito ang staff. “Prank ba ito? Mukhang pinagkakaisahan nila tayo." Dugtong pa nito sabay na humalukipkip. Pinihit ko naman ang doorknob at hindi naman nakalock iyon, pagka bukas ko ng pinto ng resto bar ay sinalubong ako ng malakas na hiyaw at mayroon pang confetti na nalalaglag mula sa taas. "Happy birthday Caleb!" Bumukas ang ilaw at mayroon ilang mga handa saka mga dekorasyon, paano nila nalaman na ngayon ang kaarawan ko? Tama ba ako ng pandinig? Baka hindi naman ako ang mayroon birthday ngayon. "Paano ninyo nalaman na birthday ko ngayon?" Sabay sabay naman na itinuro nila si Rocky, walang ibang saya ang nasa puso ko ngayon kaya naglakad ako patungo kay Rocky at niyakap ito ng mahigpit. "Happy birthday." Bulong nito kumalas ako sa pagkakayakap saka ngumiti rito. "Salamat pero paano mo nalaman?" Yumuko ito at mukhang naiilang sa pagkakatitig ko. Malamang ay kapakanan na naman ito ni Crissa. "Nabanggit sa akin ni Crissa kanina kaya we decided na surpresahin ka." Ngumiti ako saka muli itong niyakap, hindi mo alam Rocky kung gaano mo ako napasaya ngayon alam kong napakasimple lang nito sa iba pero para sa akin ay napakahalaga nito. "Let's eat, inorder lahat ni Rocky ito kaya ubusin natin lahat ng mga ito dahil bukas uuwi na tayo and back to reality na." Malakas na bulalas ni Farrah at sabay sabay na kaming kumain lahat. Kwentuhan sabay malakas na tawanan ang nangibabaw sa loob ng resto bar, hindi maalis sa aking labi ang ngiti habang nakatitig kay Rocky ginawa niya ang lahat ng ito para sa akin. Kailangan ko na talagang ipagtapat sakanya ang nararamdaman ko, sa San Luis doon ako magtatapat hindi mahalaga sa akin ang sasabihin niya basta malaman niya na gusto ko siya, na mahal ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD