Caleb Point Of View
Pagkatapos ng selebrasyon ay nagtungo na rin kami sa aming mga silid upang magligpit ng aming mga gamit.
"Happy birthday ulit Caleb mabuti ka pa sinurpresa ni boss Rocky samantalang ni isa sa amin hindi pa niya sinusurpresa." Nahiya naman ako dahil sa sinabi ni Denise.
"Mukhang mayroon special treatment." Taas baba naman ang kilay ni Martin.
"Nangangamoy tsokolate ang tamis." Sabat naman ni Kevin, ang ibig bang sabihin nito ay sa akin palang nagawa ni Rocky ang magsurpresa?
Kinaumagahan ay sabay sabay na kaming nagtungo sa parking area habang dala dala namin ang aming mga gamit. Kinausap ni Rocky si Wilson na sa akin na ito sasabay upang makapagpahinga na ng diretso ang aming mga kasama.
Katulad ng pinag-usapan namin ni Rocky ay sa San Luis kami didiretso. Habang kami ay nasa biyahe nakita kong inilagay nito sakanya tenga ang hawak nitong headset kaya naman inalis ko ito mula sakanyang tenga saka kinuha ang kanyang telepono.
"Kwentuhan mo na lang ako para naman hindi ako mainip magdrive, alam mo naman malayo layo ang biyahe natin." Lumingon ito sa akin saka ngumiti.
"Ano naman ang ikukwento ko sa iyo?" Napalingon rin ako rito.
"Kahit ano, hindi naman kasi tayo masiyadong nakapag-usap noong nasa resort tayo maliban noong nasukahan mo ang damit ko." Hindi ito kaagad nakapagsalita, hindi ko na dapat pang binanggit ang tungkol doon.
"I'm really sorry Caleb pero hindi ko matandaan ang nangyari, nabanggit lang din sa akin ni Farrah." Nakita ko ang hiya sakanyang mukha sa tingin ko naman ay hindi nito iyon sinasadya.
"OK lang kasi nakabawi ka naman dahil sa surprised mo para sa akin, thank you Rocky." Ngumiti ito saka tumango.
Nakita kong patingin tingin sa labas ng bintana ng sasakyan si Rocky habang tinitignan ang madaraanan naming mga nagtitinda ng souvenir nang bigla nitong hinila ang damit na suot ko.
"Stop the car." Napalingon ako at kaagad ko naman itinabi ang sasakyan, mabilis itong bumaba at nagpunta sa mga nagtitinda.
Bumaba rin ako ng kotse saka ito sinundan, napakunot ang nuo ko dahil nakabili kaagad ito ng mga key chain at iba pang abubot.
"Sa tingin mo ba magugustuhan ito ni Chelsea?" Nakangiti itong nakatitig sa akin habang hawak hawak nito ang isang maliit na pitaka na nakatutok pa sa mukha ko. Tumingin ako sakanya saka umiling kaya naman sumimangot ito.
"Ito kaya?" Sabi pa niya. Muling kumunot ang nuo ko saka kinuha ang hawak niya at ibinalik ko iyon sa tindera.
Nagtungo na ako sa kotse para sundan nito ako ngunit pagka pasok ko sa loob ng kotse ay naroon pa rin ito at mukhang nakikipagkwentuhan pa. Akala ko naman ay susunod na ito sa akin ngunit nagkamali pala ako.
Pagkapasok na pagkasok nito sa loob ng kotse ay hindi na ako nag-atubiling paandarin ang sasakyan. Tahimik lang din ito habang tinitignan ang kanyang mga pinamili.
"Rocky hindi ka na dapat pang bumili ng mga iyan, mai-spoiled lang ang mga kapatid ko at ayaw ko silang masanay." Lumingon ako rito ngunit abala ito na tila ba ito ang kanyang kauna unahang makakita ng mga iyon.
"Bakit? Dahil ba akala mo pag-umalis ka na at magpunta sa Australia hindi ko na pupuntahan ang mga kapatid mo?" Lumingon ako saglit ngunit muli akong bumaling sa daan.
"Caleb para ko na rin mga kapatid ang kapatid mo lalo na inalagaan ninyo ng mabuti ang mansion sa San Luis." Dugtong pa nito.
"Ayaw ko lang dumating ang panahon na magsawa ka rin sakanila at iwanan mo na lang ng basta basta." Sagot ko. Alam ko naman sa sarili ko na kahit ano pa man ay pwede nitong gawin lalo na't hindi naman kami magkarelasyon at isa lamang akong hamak na driver.
"Anong ibig mong sabihin? Na magiging katulad ako ng mama mo na iniwan kayo basta basta?" Pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon ay bigla ko nalang naramdaman ang kamay nito sa aking tenga habang pinipingot nito iyon.
"Hoy Caleb Francisco hindi ako ganoong klase ng tao at hindi ko gagawin iyon." Mabilis kong hinawakan ang tenga ko hindi naman dahil sa sakit ng pagkakapingot nito ngunit sa init nang hawakan nito iyon, nginisian ko ito habang siya naman ay pigil sa tawa.
Nang makarating kami sa San Luis ay kaagad kaming bumaba ng kotse, sinalubong naman kami kaagad nina auntie Hasmin kasama nito si Cindy.
Kaagad na niyakap ni auntie Hasmin si Rocky na tila ba sabik na sabik itong makita kaysa sa akin.
"Ang dami mong bisita hindi ba nakakahiya?" Bulong nito at lumingon naman ako rito saka itinuro ang mga kamag-anak ng papa ko.
"Mga kamag-anak lahat iyan ng papa ko." Sabi ko sabay hawak sa kamay nito at dinala sa lugar kung saan nagkukwentuhan ang mga tiyahin at tiyohin ko, ipinakilala ko ito sakanila. Ngiti sabay tango lang ang sagot ni Rocky marahil ay naiilang ito o kaya naman ay pagod sa biyahe.
"Sa side ng mama mo bakit wala sila?" Binitawan ko ang kamay nito saka umupo sa bakanteng upuan. Kaya ba tahimik ito dahil gusto nitong tanungin ang bagay na ito? Nakatitig lang ito habang naghihintay ng sasabihin ko.
"Simula ng umalis si mama at iwanan kami hindi na rin kami pinuntahan dito at simula rin noon hindi ko na rin sila itinuturing na kamag-anak." Kumunot ang nuo ko habang sinasabi ang salitang iyon, tumango tango lamang itong nakatitig sa akin.
"Sa kotse muna ako Caleb, nakalimutan ko rin kuhanin iyong cellphone ko." Kaagad itong tumalikod ngunit mabilis ko itong pinigilan.
"Hindi ka pa ba kakain? Hindi ka pa naglunch Rocky, huwag kang mag-aalala dahil wala akong pinalutong gulay." Humarap ito sa akin habang bahagyang napapatawa. Akala ko ay na offend na naman ito dahil sa sagot ko kanina.
"Hindi pa kasi ako gutom Caleb hindi ba't kumain tayo kanina." Ngumiti ito saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sakanyang kotse, hindi ko na ito napigilan dahil baka mayroon na rin importanteng mensahe rito.
Pumasok ako sa loob ng bahay upang ibaba ang mga binili nitong souvenir.
Nang biglang tumunog ang telepono ko.
"Bro Caleb, malapit na kami pero dadaanan pa namin si Julia." Sabi nito sa kabilang linya.
"Bakit kailangan ninyo pang isama si Julia? Kasama ko ngayon si Rocky." Sagot ko naman kay Achilles ang matalik kong kaibigan.
"Mapilit siya bro, pasenya na tsaka matagal na rin nating siyang kaibigan." Hindi ako kaagad nakasagot sa narinig ko, si Julia ang kauna unahang naging nobya ko tumagal ang relasyon namin nang halos anim na taon. Ang buong akala ko ay siya na ang una't huli ngunit nagkamali ako dahil katulad ng ginawa ni mama kay papa ay iniwan din niya ako at ipinagpalit sa ibang lalaki.
Nang biglang maputol ang linya ng telepono at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong tumayo at magpunta sa harapan ng pintuan at makitang tumatakbo sina Rocky at ang kapatid kong si Crissa. Kaagad naman akong nagtungo sa kuwarto upang kumuha ng dalawang tuwalya.
Iniabot ko ang tuwalya sakanila at nagpunas kaagad ang mga ito.
"Bakit biglaan naman ata ang ulan samantalang tirik ang araw kanina." Lumapit ako sa kapatid ko at pinunasan ang ulo nito.
"May malakas na bagyong parating ngayon at mukhang dito sa atin dadaan." Sabi ng kapatid ni Randy na si Roel.
"What? Paano tayo uuwi?" Tanong ni Rocky habang nakapamaywang ito sa akin saka nakakunot ang kanyang nuo ngunit nagkibit balikat lang ako.
Umirap ito sa akin at tumayo sa harapan ng pinto, napansin ko na nilagay nito sakanyang ulo ang tuwalyang ibinigay ko saka aakmang tatakbo palabas ng bahay kaya naman kaagad kong hinawakan ang braso nito.
"Saan ka pupunta?" Huminto ito at muling humarap sa akin.
"Nakalimutan ko iyong cellphone ko sa kotse, teka may payong ba kayo?" Isa isa nito kaming tinignan, umiling naman ako kahit na ang totoo'y mayroon talaga kaming payong.
"What? Wala kayong payong?" Nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas at napahawak itong sakanyang magkabilang tenga habang kami nina Crissa at Roel ay napapatawa habang tinitignan ito.
"Mayroon pala kaming payong sandali kukunin ko." Nagtungo ako sa kusina at kinuha ang payong roon saka ko iniabot rito.
"Oh heto na." Habang pigil ako sa pagtawa, tumitig lang ito sa akin saka ako inirapan pagkatapos ay pabagsak itong umupo sa upuan habang nakahalukipkip pa.
"Lagot kuya, galit na si hipag." Bulong sa akin ni Crissa. Kinuha nito ang hawak kong payong saka nagtungo sa kusina.
Sinarado ko ang pinto dahil sa lakas ng hangin saka ako sumilip sa labas ng bintana, mukhang matatagalan ang paghinto ng ulan dahil mukhang walang katapusan ang pagbuhos nito na sinabayan pa ng mlakas na kulog at kidlat.
Malamang nasa bahay na ni auntie Hasmin sina tiya at tiyo, at ang mga pinsan ko naman ay nagtungo na rin sa likod bahay dahil mayroon maliit na kubo ruon.
"Mukhang galit na ang boss mo insan." Tumingin ako rito at mukha na ngang papatay ng tao si Rocky dahil napasungit ng itsura nito. Ano bang gagawin nito sa labas?
Napaisip tuloy ako na kung sakali na maging nobya ko ito ay malamang puro panunuyo ang abubutin ko rito at puro sapok. Napapailing na lang ako habang naiisip ko iyon.
Tumabi ako rito saka kinurot ang kanyang pisngi, tinignan lang nito ako at pinanliitan nito ako ng mata.
"Kailangan ko ang cellphone ko Caleb, kailangan kong tawagan si kuya." Tumitig ito sa akin at kita ko sa mga mata nito ang panunuyo, mukhang inaakit na naman ako ni Rocky. At ang boses nito na kahit na sinong lalaki ay mapapasunod.
"Iyon lang ba? O para tawagan si Wilson?" Paano ko ba naisingit si Wilson? Nang bigla itong tumayo at binuksan ang pintuan saka sumandal sa rito.
"Kailangan ko makuha ang cellphone ko dahil sasali ako sa racing event bukas, kailangan ko iyon para sa mga bata sa foundation." Ano bang klaseng kahibangan ito Rocky? Ang lakas ng ulan bakit kailangan kong lumabas at magpakabasa.
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ba napapasunod ako sa babaeng ito, kung hindi ko lang ito mahal ay hahayaan ko na itong magpakabasa sa ulan.
Lumapit ako rito saka lumingon sa labas ng bahay, malakas ang ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin. Wala na talaga akong magagawa kung hindi lumabas ng bahay at kuhanin ang telepono ni Rocky sakanyang kotse.
Mabilis akong tumakbo patungo sa kotse at kaagad na kinuha ang telepono ni Rocky, nilagay ko ito sa loob ng aking damit upang hindi ito mabasa. Pagkabalik ko sa bahay ay kaagad kong iniabot kay Rocky ang kanyang telepono, nakita ko sakanyang mukha ang saya ng kuhanin niya iyon.
Tinanggal ko ang aking damit saka ako dumeretso sa aking kuwarto upang makapagpalit, Pagkabalik ko sa sala ay napansin kong wala pa rin sa mood si Rocky kaya naman tumabi ako rito.
"Nakontak mo ba?" Umiling lang ito saka inihagis sa lamesita ang kanyang telepono.
"Walang signal." Sabi nito na mukhang dismayado dahil hindi nito magamit ang kanyang telepono. Napabuntong hininga ako habang iniisip na ganuon na pala talaga kahalaga kay Rocky ang makasali sa karera gayong napakadelikado nito.
"Alam mo Rocky, madami naman paraan e, kung gusto mo talagang makatulong sa mga bata sa foundation hindi mo kailangan makipagkarerahan dahil napakadelikado nu'n." Lumingon lang ito sa akin ngunit hindi ito sumagot alam ko naman mayroon punto ang sinabi ko.
"Nagmomotor ba ang boss mo insan?" Lumingon ako kay Roel saka tumango. "Kaya pala pamilyar ang mukha niya sa akin, minsan ko ng nakita sa diyaryo ang mukha niya." Dugtong pa ng pinsan ko.
"Sa diyaryo? Anong diyaryo?" Napatayo si Rocky nang marinig ang sinabi ng pinsan ko.
"Sandali at kukuhanin ko." Kinuha nito ang diyaryo na nakalagay sa ilalim ng lamesita at iniabot nito iyon kay rocky. Napansin ko ang gulat sa mga mata ni Rocky saka ito umupo habang nakatitig sa diyaryo na hawak nito.
"Anong problema Rocky?" Tanong ko.
"Itong diyaryo na ito ang paboritong basahin ni dad, malamang ay nakita na rin niya ito at alam na niya ang tungkol sa pagre-race ko." Napalunok ako ng bahagya, saka hinawakan ang balikat nito at subukan pagaanin ang kanyang loob. .
"Malay mo naman hindi pa niya nakikita iyan dahil nasa Australia siya hindi ba?" Lumingon ito sa akin saka tumango.
"Sana nga Caleb, sana nga."
Kalahating oras pa ang nakalipas at huminto na rin sa wakas ang ulan, nagsilabasan na ang mga tiyahin at tiyuhin ko habang ang mga pinsan ko naman ay naghahanda na mesa.
Narinig ko pa ang usapan ng mga ito na lubog na sa baha ang mga kalsada at wala ng daraanan pabalik ng San Antonio.
Nagulat na lamang ako nang biglang sinipa ni Rocky ang lamesita saka ito lumabas ng bahay, sinundan ko naman ito kaagad.
"Wala na ba talagang ibang madadanan palabas ng San Luis?" Sabi nito sa mga pinsan ko na tila ba kilala niya ang mga ito. Nakita ko pa sa mga pinsan ko na napahinto sila habang nag-uusap usap.
"Iha Keitlyn wala ng iba pang madadanan papunta ng San Antonio kung ako sa iyo ay dito ka na muna magpalipas ng gabi." Bumuntong hininga ito bago humarap kay Auntie Hasmin.
"Pero Auntie Hasmin kailangan ko pong makauwi ng San Antonio." Mabanayad na sabi nito.
"Huwag na kayong mapilit mam dahil wala talagang madadaanan, pwede naman kayong maglakad at lumusong sa baha kung gusto ninyo." Napatakip ako sa aking mukha dahil sa sinabi ng pinsan ko lalo na nang makitang pinanliitan ng mata ni Rocky iyon, sabay ang pag-abot ni Crissa ng damit sa kamay ko.
"Kuya pagpalitin mo na ng damit si hipag dahil basa ang damit niya at mayroon mantsa sa gilid, hindi ko alam kung kasya na iyan dahil iyan na ang pinakamaluwag na damit ko." Sabi ni Crissa ngunit hindi na ako nakasagot pa.
Pumasok itong muli sa loob ng bahay at sinundan ko ulit ito.
"Huwag ka ng mapilit Rocky narinig mo naman siguro ang sinabi nila, hayaan mo bukas na bukas aagahan natin magbyahe, oh siya magpalit ka na at kakain na tayo." Ibinigay ko rito ang damit na iniabot sa akin ni Crissa kanina, alam kong basa rin ang damit nito at baka magkasakit pa ito.