Chapter 46

2315 Words
Napapakamot na lang ako ng aking ulo habang pinagmamasdan itong naglalakad patungo sa aking kuwarto. Sa tingin ko naman ay maayos ang kuwarto ko dahil palagi kong sinabihan si Crissa na linisin palagi iyon kahit na pa wala ako. Pumasok ako sa kuwarto ni Crissa at kumuha ng ilan pang unan at kumot, siniguro ko rin na mabango iyon upang hindi maturn off si Rocky. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa aking kuwarto kung saan naroon si Rocky, kumatok muna ako bago ko pinihit ang busol ng pinto. "Bakit napakadami naman iyan? Isang unan lang ang kailangan ko." Napangiti ako rito habang ibinaba ang dala kong unan at kumot sa kama saka ako tumabi rito. "Hindi lang naman ikaw ang matutulog dito Rocky, kasama mo ako." Natigilan ito saglit sa sinabi ko pagkatapos ay kumunot ang nuo nito, mukhang hindi ito papayag na makatabi ako. "Bakit hindi ka na lang sa ibang kuwarto matulog Caleb?" Tumayo ito saka dumistansiya sa akin. "Saan pa ako matutulog e, kuwarto ko ito Rocky, alangan naman na hayaan kita na iba ang makatabi mo." Tumitig lang ito sa akin na tila ba mayroon itong gustong sabihin. "Huwag kang mag-aalala Rocky dahil wala naman malisya kaya nga ang dami kong dalang unan dahil ilalagay ko ito sa gitna." Dugtong ko pa saka ko hinila ang braso nito at mapaupo sa tabi ko. "Oo naman walang malisya, diba nga sabi mo hindi mo ako type? Hindi rin nman kita type dahil si Tonet ang type ko." Lumingon ito sa akin at mariing ko rin itong tinitigan, hindi ako naniniwalang mayroon kang gusto kay Tonet, Rocky. Iba ang nararamdaman ko sa sinasabi mo, nagbaba ito ng tingin saka lumingon sa iba na tila ba iniiwasan ang mga mata kong nakatitig rito. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at hinarap ko sa mukha ko, hindi ko maiwasang mapapatig sa mapupulang labi ni Rocky. Ito na ang pagkakataong masabi ko sa iyo na gusto kita, na mahal kita Rocky. "Rocky." Bigkas ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa nasasabi ang mga dapat kong sabihin ay bigla ko na lang inilapit ang mga labi ko sa labi nito at kaagad itong sinuong ng halik. Bahala na si superman kung masampal o maitulak ako nito. Nagulat na lamang ako nang gantihan din ako ng halik ni Rocky, napakatamis at napakalambot ng mga labi nito napakabilis ng t***k ng puso ko hindi ko alam na magagawa ko ito sakanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman napahawak na ako sakanyang beywang. Nang walang ano ano'y itinulak ako ni Rocky at mawalan ng balanse saka ako mapaupo sa sahig, hindi ko ito masisisi dahil alam kong nagulat rin ito nang marinig nito ang boses ng kapatid ko. Kahit kailan talaga ay panira ang kapatid kong si Crissa at sa pagkakataong ito ay ngayon pa. "Kakain na! Teka anong ginagawa mo diyan kuya?" Natatawa na lang ako sa sarili ko kung ano nga ba ang ginagawa ko sa sahig, nagkatinginan pa kami ni Crissa at sa ngiti palang nito ay alam ko na mayroon itong ibig sabihin. "Inaayos ko ang higaan." Nagtinginan rin kami ni Rocky na halatang namumula pa ang pisngi nito pagkatapos ay lumabas na ito ng kuwarto. Mabilis naman akong tumayo nang makalabas na ng kuwarto ko si Rocky habang hawak hawak ko ang mga labi ko at napapangiting maupo sa kama. Lumapit pa sa akin si Crissa at nakangiti rin ito at mukhang alam na nito ang nangyari. "Magsabi ka nga kuya, ano ba kasing ginagawa mo diyan sa sahig? Pareho pa kayong namumula ni ate Rocky." Umupo ito sa tabi ko habang nakahalukipkip ito, ngunit napakalaki ng ngiti nito. Tumingin ako rito habang napapatawa saka ko ito binatukan. "Aray! Kuya naman e." Lumabas na ako ng kuwarto at iniwan roon ang kapatid kong nangungulit pa rin sa akin. Nakita ko si Rocky na nasa hapag kainan na rin at katabi ni auntie Hasmin kaya naman dali dali akong umupo sa tabi nito. Nginitian ko ito nang lumingon ito sa akin pero saglit lang iyon dahil nagsimula na nila akong kantahan ng happy birthday at pagkatapos ay nagdasal na si auntie Hasmin bago kami nagsimulang kumain. Katulad ng palagi kong ginagawa kay Rocky ay ako na ang naglalagay ng pagkain nito sakanyang plato. Nginitian ko itong muli ngunit wala akong nakuhang sagot rito. Abala kami sa pakikipaglwentuhan ng mga pinsan ko dahil ngayon lang kami muling nagkita kita nang mapansin kong nakangiti si Rocky habang sumusubo ng kanyang pagkain. "Masarap ba?" Napahinto ito sakanyang pagsubo at lumingon ito sa akin, hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. "Masarap ba ang luto nila?" Tanong kong muli habang napapatawa akong nakatitig dito. Ano ba sa tingin niya ang tinutukoy ko? "Yes of course." Mabilis nitong sagot saka isinubo ang pagkain na nasa kutsara nito at ito'y masamid. "Kung ano ano kasing nasa isip mo." Bulong ko rito at bigla na lamang nitong kurutin ang tagiliran ko kaya't napalingon sa amin ang mga pinsan ko kasama na rito si auntie Hasmin. "Ayos lang ba kayo mam? Namumula ang mukha ninyo." Napalingon naman ako sa pinsan ko na nasa harapan lang namin ni Rocky. "Oo naman, may maanghang lang akong nakain." Ano bang maanghang ang sinasabi ni Rocky? Alam kong hindi ito mahilig sa maanghang katulad ng sinabi ng kapatid nito na si Ronald, kaya naman napatawa ako dahil halatang nagsisinungaling ito. "Rocky paanong magkakaroon ng maanghang diyan, e wala naman silang nilutong mayroon sili." Muli akong tumawa ngunit saglit lang iyon dahil pinanliitan nito ako ng mata na sa tingin ko ay naiinis na ito sa akin. Nang matapos kaming maghapunan ay nagtungo na kaagad sa loob ng bahay si Rocky samantalang ako naman ay nanatili sa labas kasama ang mga pinsan ko. "Mukhang masungit ang boss mo kuya." Napangiti naman ako sa sinabi ni Lexine, isa sa mga pinsan ko. Hay, kung alam niyo lang kung gaano kasungit si Rocky malamang ay walang tatagal rito. "Nabanggit sa amin ni Roel na racer ang boss mo pinsan, tomboy ba siya?" Ano bang klaseng mga tanong ito, kung naririnig lang ito ni Rocky ngayon ay malamang kanina pa nakakunot ang nuo nito. "Oo racer siya pero hindi siya tomboy." Umiiling ako habang nakangiti ako sakanila. Pagkatapos nu'n ay pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko roon si Rocky na tahimik na nakaupo habang nakatitig sakanyang telepono kaya naman tumabi ako rito. Sumandal ako sa upuan saka ipinikit ang aking mga mata, pagod na rin kasi ako sa maghapong pagmamaneho. Narinig ko ang paglangitngit ng upuan sa tabi ko saka maramdaman ang init ng hangin na dumarampi sa mukha ko. Malamang ay nakatitig sa aking mukha si Rocky at pinagmamasdan ito dahil ganito rin ang nangyari nuong una ko itong dinala rito sa San Luis. "Huwag mo masiyadong titigan ang mukha ko Rocky at baka matunaw." Muling lumangitngit ang upuan na sa tingin ko ay umayos ito ng upo. "Hindi ba't minsan mo na rin akong tinitigan noong nakaraang nagpunta tayo rito sa San Luis?" Dugtong ko pa saka ko iminulat ang aking mga mata. "Ang kapal naman ng mukha mo." Sabi nito, ganitong ganito rin ang sinabi nito noon. "O Hindi ba ganyan din ang sinabi mo sa akin?" Kumunot ang nuo nito saka humalukipkip. "Kuya may bisita ka sa labas." Wika naman ni Christopher nang makapasok sa loob, malamang ay narito na sina Achilles. "Sino?" Tanong ko kahit na alam ko naman na sina Achilles lang ang dumating. "Sina ate Julia kasama iyong mga kaibigan mo kuya." Si Julia? Oo nga pala nabanggit sa akin ni Achilles na dadaanan nila si Julia kaya naman dali dali akong lumabas ng bahay upang puntahan sila. Pagkalabas ko sa bahay ay kaagad akong sinalubong ng mga kaibigan ko na sina Harold, King, Achilles, ang pinsan kong si Randy at si Julia. Inabot nila sa akin ang mga dala dala nilang regalo kabilang na ang state side na alak na iinumin namin, inabot din sa akin ni Julia ang dala nitong cake. "Happy birthday bro!" Bati naman ng mga ito sa akin. "Halika kayo, dito tayo, kumain muna kayo bago natin umpisahan ito." Sabi ko habang nakangiti sakanila, lumapit naman sa akin si Julia saka humawak sa braso ko alam kong hindi na dapat ngunit madalas nitong gawin ito noon kahit na hindi pa kami. "Alright! Let's go! Para makapag-umpisa na tayo dahil gumagabi na." Hirit naman ni King. Pumwesto kami sa ilalim ng kubol habang si Randy naman ay naghahanda ng makakain. "Kasama mo ba si Rocky?“ Tanong ni Achilles habang nakatingin sa kotse ni Rocky na siya naman ikinalingon ni Julia, Harold at King. Ngumiti lang ako saka tumango. "Sinong Rocky? Bagong kaibigan mo bro? Yayain mo dito para makainuman natin." Napalingon naman ako kay Randy at Achilles na halos mailuwa na ang pagkain sa kanilang bibig dahil sa pigil nilang pagtawa. "Speaking of Rocky, ayan si Rocky ang boss ni Caleb." Sabi ni Randy nang bigla akong hakbayan ni Julia at hindi kaagad nakalingon kay rocky. Napalingon lang ako nang marinig kong ang pagbukas at pagsarado ng pinto ng kotse. Anong ginagawa ni Rocky sa loob ng kotse? May gamit ba na kailangan pang ibaba? Muling nabaling ang mata ko sa mga kaibigan ko dahil sa sunod na sunod na tanong nila. "Tomboy ba ang boss mo?" "Mukhang wala sa mood ang boss mo Caleb." "Siya ba si Rocky?" Tumango naman ako sabay lingon muli sa kotse. "Rochelle Keitlyn Valdez ang buong pangalan niya." Sabi ko. "I know her, hindi ba't siya ang CEO ng V. E. M company? At isa siyang event organizer?" Hindi na ako magtataka kung bakit kilala siya ni Julia dahil mahilig itong magbasa ng magazine. "Wow! Hanep ka naman bro." Muli kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse mukhang pabalik na muli ito sa loob ng bahay kaya naman nilingon ko ito saka ko lang napansin na suot niyang muli ang damit nitong tinanggal niya kanina. Nang matapos kumain ang mga kaibigan ko ay sinimulan na naming uminum, mayroon pang pagkakataon na gusto akong kausapin ni Julia ngunit ilang beses ko na itong sinabihan na sa mga susunod na araw na lang. "Bro akala ko ba maayos na kayo ni Julia?" Bulong sa akin ni Achilles, napalingon naman ako dito saka ngumisi. "Maayos kami bro pero hindi na katulad ng dati." Sagot ko rito saka ito tumango. "Bakit pumapayag ka na hawakan ka pa rin niya sa braso mo saka humahakbay pa siya sayo? Hindi ba ang awkward nu'n?" Tinagay ko muna ang alak na nasa baso ko bago ko ito sagutin. "Hindi naman ako ganoon kasamang ex-boyfriend at isa pa magkaibigan pa rin naman kami wala naman nagbago." Ngumisi ito na tila ba hindi kumbinsido sa sinabi ko. Nagdala ng pulutan si Crissa at inilapag ito sa mesa. "Tulog na ba ang ate Rocky mo?" Tanong ko rito. "Si hipag kuya? Hindi pa, ilang beses akong pumasok sa kuwarto mo pero gising pa siya." Sagot nito. "Pagtimpla mo ng gatas Crissa para makatulog siya." Tumango naman si Crissa at kaagad na pumasok sa loob ng bahay samantalang nakatitig naman sa akin ang mga kaibigan ko. "Tama ba ang narinig namin? Hipag ang tawag ni Crissa sa boss mo?" Napangiti naman ako sa reaksyon ng mga ito, masyado bang advance ang kapatid ko at hipag na ang tawag kay Rocky kahit na wala pa kaming label? "At anong ate Rocky mo? Teka bro baka mayroon kang gustong ikwento sa amin ni King?" Kailangan ko ba talagang sagutin ito sa harapan mismo ni Julia? "Sa kuwarto mo siya matutulog?" Sabat naman ni Julia. "Oo sa kuwarto ko siya matutulog." Maikling sagot ko at tumango lamang ito. Hindi ko naman kailangan pang magpaliwanag pa sakanila dahil alam naman na ni Achilles at Randy na mayroon akong gusto kay Rocky. Lumalalim na ang gabi at ganoon na rin kadami ang aming nainum na alak, hindi ko na rin pinuntahan pa si Rocky dahil malamang ay tulog na rin ito. "Caleb mag-usap naman tayo." Malakas na bulalas ni Julia na nagpahinto sa aming masayang kwentuhan. "Sige na bro mag-usap na kayo." Lumingon ako sa mga kaibigan ko at tumango ang mga ito. Dumistansiya kami ng bahagya upang makapag-usap kami ng masinsinan. "Ano pa bang pag-uusapan natin Julia? Matagal na tayong tapos." Alam kong marami rami na ang nainum nito kaya ganito ito kung umasta. "Caleb I am really really sorry, please give me a second chance." Tila ba nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko, ano bang akala ni Julia na ganoon na lang ba lahat ng iyon para bigyan pa siya ng second chance? “Please Julia, matagal na tayong tapos at wala ng second chance." Nakita ko ang pagdismaya nito kasabay ng pagpatak ng luha sakanyang mga mata. "Hanggang kaibigan na lang talaga ang kaya kong ibigay sa iyo." Dugtong ko pa saka ito tumango tango habang pinupunasan ang luha nito. "Kaibigan na lang? Dahil ba sa boss mo? Kay Rocky? (ngumisi ito saka tumawa ng mahina) mahal mo ba siya kaya hindi mo na ako kayang mahalin pa?" Lumakas ang tono ng boses nito kaya alam kong narinig nila Achilles. "Ano Caleb? Sagutin mo ang tanong ko, mahal mo ba si Rocky?" Dugtong pa nito, alam kong masasaktan siya sa sagot ko ngunit ito lang ang nakikita kong paraan para tumigil na siya sa kahibangan niyang maibabalik pa sa dati ang lahat. "Oo Julia! Mahal ko siya, mahal na mahal ko si Rocky." Nang bigla na lamang nito akong sinampal ng malakas at tumakbo palayo sinundan naman kaagad ito ni Harold at King. Niloko niya ako nang sumama siya sa ibang lalaki, ipinagpalit niya ang limang taon naming relasyon sa isang iglap lang pagkatapos ngayon ay aasta ito na tila ba ako pa ang nagloko at may kasalanan ng paghihiwalayan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD