Chapter 47

2213 Words
Nagpaalaam na ang mga kaibigan ko dahil pasado alas dos na ng madaling araw. Alam ko rin na naparami na ang nainum ko kaya naman dahan dahan akong naglakad patungo sa aking kuwarto. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong mahimbing ng natutulog si Rocky, umupo ako ng dahan dahan sa kama para hindi ito magising. Pinagmasdan ko pa ang mukha nito habang nakapikit ang isa kong mata, sayang lang talaga at hindi ko pa nasasabi sakanyang mahal ko siya. Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng kama, dahan dahan ko pang iminulat ang aking mga mata. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rocky habang balot na balot sa kumot ang katawan nito. Napansin ko rin na walang harang na anumang unan sa pagitan naming dalawa, ang ibig bang sbihin nito ay magkatabi kaming natulog buong gabi nang walang harang sa aming pagitan? Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ito. "Good morning gising ka na pala." Iniangat ko ang kamay ko at ipinatong sa beywang nito sabay hila. "Anong ginagawa mo?" Tanong nito sa akin saka dumistansiya muli, napansin ko ang pamumula nito sakanyang mukha kumunot pa ng bahagya ang nuo ko habang pinagmamasdan ito. Palihim akong napapatawa habang tinitignan itong sumisilip sa ilalim ng kumot nito. Ano bang akala ni Rocky? Na mayroon akong ginawang hindi maganda sakanya? Sabagay kahit sino sigurong babae ay iisipin iyon dahil wala akong suot na damit pang itaas at ang kalahati ng katawan ko ay balot din kumot. "Ano bang iniisip mo Rocky? Akala mo ba'y wala kang suot na damit at pinagsamantalahan kita?" Nang walang ano ano'y bumangon ito saka inihagis ang unan sa mukha ko pagkatapos ay kinuha nito ang kanyang rubber shoes sa gilid saka lumabas ng kuwarto, naiwan ako ruon na pigil sa pagtawa. Nag-ayos na ako ng aking sarili bago lumabas ng bahay, naabutan ko naman ang mga kapatid at mga pinsan kong nag-aagahan sa labas. "Insan mukhang nagmamadali ang boss mo, inaaya namin siyang mag-agahan muna pero tumango lng siya sabay deretso sa kotse." Habang itinuturo ni Randy ang sasakyan. "Nag-away ba kayo ni Rocky?" Tanong naman ni Achilles, ngumiti naman ako saka umiling. "Pinsan ano bang pakiramdam ng mayroong boss na bilyonaryo? Tomboy ba siya?" Tanong ni Roel kapatid ni Randy. "Hindi siya tomboy no, Boyish style lang siya kuya. Boyish Billionaire." Sabat naman ni Crissa sabay kindat sa akin. "Saka paano siya magiging tomboy e magiging hipag ko pa siya di'ba kuya? Magkatabi na nga silang natulog kagabi." Dugtong pa nito, tatakpan ko pa sana ang bibig nito ngunit napakalayo nito sa akin. Napatingin ako isa isa sa mga pinsan ko kabilang na si Achilles at Randy na iba ang tingin sa akin. "Sige na mauuna na kami, kailangan pang makabalik agad ni Rocky sa San Antonio." Palusot ko at kaagad na naglakad palayo sakanila. Narinig ko pa ang malakas na pagtawag nila sa akin na kailangan ko pa raw magkwento bago ako umalis, napapangiti akong napapailing habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ni Rocky. Pasipol sipol akong pumasok sa loob ng kotse, nakita kong abala ito sakanyang telepono at nakalagay pa sakanyang tenga ang headset nito kaya naman kinuha ko iyon at ipinatong sa harapan ng kotse saka nagsimulang magmaneho. "Ano ba Caleb amin na ang cellphone ko." Kahit na nakashades ito ay makikita mo pa rin sakanyang mukha ang pangungunot ng nuo nito. "Kwentuhan mo nalang ako para hindi ako antukin sa pagmamaneho." Sabi ko habang pigil sa pagtawa, napakaganda talaga ni Rocky lalo na kung naiinis ito, hindi ko lubos maisip na makakakilala pa ako ng babaeng katulad ni Rocky. "E di makipag-usap ka sa manibela o kaya naman kwentuhan mo ang sarili mo." Napakasungit mo talaga pero hindi ako magsasawang asarin ka para lang magpapakain sa iyo. "Ikaw din pag ako nakatulog habang nagmamaneho madidigrasya tayo, napuyat kasi ako kagabi anong oras na kami natapos uminum ng mga kaibigan ko, kaya dali na magkwento ka na." Paliwanag ko ngunit patuloy pa rin ito sa pagsusungit, ano bang kasalanan ko? Ang pagkuha ko ba ng telepono niya? Ang pag tabi ba namin ng pagtulog? "Alam mo naman na maaga ang biyahe natin pabalik ng San Antonio hindi ba? Bakit kasi nagpakalasing ka pa? Sabagay hindi na ako magtataka dahil kasama mo si Julia, bakit ba naman kasi ako magtatanong pa e alam ko naman na enjoy na enjoy ka kasama siya." Inihinto kong bigla ang kotse dahil sa pangalan na narinig ko, paano niya nalaman ang pangalan ni Julia? Kaya ba siya nagsusungit sa akin dahil kay Julia? "Si Julia? Kaibigan ko lang si Julia." Sabi ko, hay! Bakit ko ba kailangan pang ipaliwanag sakanya hindi naman kami magkarelasyon. Hindi kaya nagseselos siya? "Kaibigan?" Napangisi ito sa akin nang sabihin kong kaibigan ko lang siya, humalukipkip pa ito na para bang hindi kumbinsido. "OK ex-girlfriend ko si Julia at matagal na kaming wala." Ngumisi itong muli sa akin saka inalis ang shades nito. OK fine magkukwento na ako. "Limang taon kaming magkarelasyon ni Julia pero naghiwalay kami dahil sumama siya sa ibang lalaki katulad ng ginawa ni mama kay papa." Dugtong ko, ayaw ko na sana pang ikwento ng tungkol duon dahil maaalala ko lang si mama, ang galit ko kay mama. "Pero mahal mo pa? Nakita ko kayo kagabi ang sweet sweet ninyo pahakbay hakbay ka pa nga sakanya, ganoon ba ang magkaibigan? Ang landi mo may Tonet ka na may Julia ka pa." Napatawa ako sa sinabi nito at tinawag pa nito akong malandi. Sinasabi ba niyang two timer ako? "Hindi ko na siya mahal Rocky OK? Dahil mayroon na akong ibang gusto." Tumango tango lang ito sabay suot muli sakanyang shades. "OK paandarin mo na ang kotse." Nakakainis talaga ito, bakit hindi man lang niya tanungin kung sino? Ayaw ba niyang marinig na siya ang gusto ko? "Hindi mo ba tatanungin kung sino?" Tanong ko pero nginisian lang nito ako. "Bakit ko pa kailangan malaman kung sino, hindi naman ako interesado." Napakunot ang nuo ko, ano bang klaseng pag-uugali ang mayroon ang babaeng ito? Mayroon pa ba itong pakiramdam? "Nagseselos ka ba Rocky? Ganyan na ganyan ka rin nu'n noong nagselos ka sa amin ni Tonet, huwag mong sabihin type mo rin si Julia." Umamin ka na kasi Rocky. "Bakit naman ako magseselos?" Nanatili lang akong nakatitig dito. "Sige na Caleb panaandarin mo na ang kotse." Dugtong pa nito. "Aminin mo na kasi na nagseselos ka." "Paandarin mo na ang kotse." "Nagseselos ka nga, hindi ko papaandarin ito hanggat hindi mo sinasabing nagseselos ka." Ano bang ginagawa mo Caleb? Paano kung hindi naman talaga siya nagseselos? Paano kung masiyado lang talaga akong assuming? "Tsk, Caleb mahuhuli na ako sa race ko." Sa yoni palang ng boses nito ay naiirita na ito sa akin ngunit nanatili akong matigas. "Oo na nagseselos ako." Napangiti ako ng bahagya, totoo ba ang narinig ko nagseselos si Rocky? O sinabi lang niya iyon para paandarin ko na ang sasakyan? Nanatili kaming tahimik pareho sa loob ng sasakyan, may mga pagkakataong gusto ko itong kausapin ngunit nag-aalangan ako dahil tahimik lang itong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Laking ngiti nito nang makarating kami sa bahay sa San Antonio, bababa na sana ito ngunit mabilis akong bumababa at pinagbuksan ito ng pinto ng kotse ngumiti pa ito sa akin saka dumeretso sa loob ng bahay. Ibinaba ko naman ang mga gamit nito at mga gulay na ipinadala ni auntie Hasmin para sa mag-asawang Valdez. Sunod sunod din ang mga mensahe na natanggap ko mula sa pinsan kong si Randy, kay Achilles at sa kapatid kong si Crissa. Natatawa na lang ako habang binabasa ang mga mensahe tungkol sa mga tanong nila sa amin ni Rocky ngunit na tigil iyon nang marinig ko ang boses ni sir Rodrigo, nandirito na ba sina sir Rodrigo at mam Dale? Dahan dahan pa akong naglakad patungo sa loob ng bahay habang dala dala ko ang maleta ni Rocky, napahinto nang makita kong umiiyak ito. "Caleb sumunod ka sa akin sa opisina ko, at ikaw Keitlyn hindi pa tayo tapos." Sabi ni sir Rodrigo at nagsimula na itong maglakad patungo sakanyang opisina. Ano bang nangyayari? Bakit umiiyak si Rocky? Iniwan ko ang mga dala ko sa sala at kaagad na sinundan si sir Rodrigo sakanyang opisina. "Maupo ka Caleb." Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob at maupo sa harapan nito. Inilapag nito sa mesa ang isang diyaryo, tinignan ko naman iyon. "Kailan mo pa nalaman na sumasali sa racing event si Keitlyn?" Keitlyn? Sa pagkakaalam ko ay Rocky na ang tawag nito rito. "Nitong mga nakaraan araw lang po sir Rodrigo." Sagot ko, saka nito iniabot ang isang tseke at kinuha ko naman kaagad iyon. Nagulat nalang ako sa laki ng halaga na nakalagay roon. "Simula sa araw na ito ay hindi ka na magiging driver pa ni Keitlyn, tapos na ang pagiging driver mo sakanya. Sapat na siguro iyan para makapunta ka ng Australia at maipag patuloy muna ang iyong paggaaral." Ano bang dahilan at nagkakaganito si sir Rodrigo? Dahil ba alam ko na sumasali si Rocky sa mga racing event kaya kahit hindi pa tapos ang pagsisilbi ko sakanila ay sinisesante na nito ako? "Napapansin ko rin na madalas kayong magkasama ng anak." Dugtong pa nito, ngunit nanatili lang akong tahimik. "Kilala mo ba si Wilson?" Tumango tango ako saka ito tumayo at naglakad lakad sa loob ng opisina nito. "Si Wilson ang soon to be son in law ko, pero hindi mangyayari iyon kung palagi mo na lang kasama ang anak ko Caleb, si Wilson ang taga pagmana ng Thomas group Inc., hindi nababagay ang anak ko sa kung kani kanino lang." Napalunok ako ng aking laway sa mga narinig ko, sinisesante na nito ako dahil ayaw nitong palagi kong kasama si Rocky. Wala na ba akong karapatan na mahalin siya? Hindi ba talaga pwede ang katulad kong mahirap sa isang mayaman na kagaya ni Rocky? Pigil ang luha ko, kinuyom ko ang aking palad habang tinitignan ang tseke na nagkakahalaga ng 100,000 pesos. Ito ba ang halaga ng pagmamahal ko kay Rocky? "Sige na Caleb, kuhanin mo na iyan at maari ka ng umalis ng aking bahay." Nanginginig ang kamay kamay ko habang kinukuha ang tseke sa mesa, nang makuha ko iyon ay kaagad akong tumayo at nagsimula lumabas ng opisina nito ngunit hinawakan nito ang braso ko saka nito ako niyakap. "Salamat Caleb, magkikita pa naman tayo alam kong darating ang panahon maintindihan mo rin ako." Ano pa bang kailangan kong intindihin? Sapat na sa akin ang marinig na ipinapamukha ninyo sa akin na hindi nararapat na mapunta si Rocky sa isang katulad ko. Naglakad lakad ako nang hindi alam kung saan papunta, ni hindi ko man lang nasabi kay rocky na mahal ko siya. Hindi man lang natapos ang isa pang lingo para makasama ko siya bago ako magtungo sa Australia. Umuwi ako ng San Luis habang dala dala ang isang bote ng alak, umupo ako sa harapan ng bahay habang iniisip ang mga sinabi ni sir Rodrigo. "Kuya kanina ka pa ba nariyan?" Ngumiti lang ako sa kapatid ko saka ako tumango, pumasok na muli ito sa loob ng bahay dahil alam nito ang ugali ko sa tuwing ganito ako. Maya't maya pa ay dumating na sina Achilles at Randy malamang ay tinawagan na ito ni Crissa. "Bro hindi pwedeng ikaw lang ang iinum niyan." Kumuha si Randy ng dalawa pang baso sa loob ng bahay at naglabas na rin ito ng yelo. "Insan mukhang kailangan munang mag-umpisa makikinig kami." Saan ba dapat ako mag-uumpisa? Nagingilid ang luha ko, nagsisisi ako dahil hindi ko man lang nasabi ang totoong nararamdaman ko. Inumpisahan ko na nga ang pagkukwento habang taimtim naman na nakikinig sa akin ang dalawa, hindi ko maiwasang mapahinto sa bawat kwento dahil sa sobrang sama ng loob ko hindi dahil kay sir Rodrigo kung hindi sa sarili ko mismo. "Ang ibig bang sabihin ay binayaran ka ng malaking halaga ng tatay ni Rocky para lang layuan mo ito?“ Napalingon naman ang kaibigan kong si Achilles saka nito binatukan si Randy. "Randy hindi ka ba nakikinig? Suweldo niya iyon para sa pagiging driver niya kay Rocky hindi ba't isang buwan nga lang magtatrabaho roon si Caleb." Tumatango naman si Randy. "Pero malaking halaga pa rin ang 100,000 pesos para sa isang buwang pagtatarabaho mo kay Rocky." Oo, tama ka nga Randy malaking halaga iyon kung tutuusin. "So anong balak mo bro?" Tanong ng mga ito ngunit hindi ako sumagot, magulo pa ang isip ko paano ko ba papatunayan ang sarili ko sakanila? "Kung ano sa iyo insan, tutal naman may pera ka na at pupunta ka na ng Australia mag focus ka na lang doon, mag-aral ka kasabay ng pagtatrabaho." Siniko naman ito ni Achilles na tila ba hindi sang-ayon sa sinabi ni Randy. "Hay, ano ba iyang mga suwestiyon mo sa pinsan mo Randy." Tumayo ito pagkatapos ay lumapit sa akin. "Kung ako sa iyo habang maaga pa, habang may pagkakataon pa sabihin mo kay Rocky ang totoong nararamdaman mo bago ka man lang umalis para hindi ka magsisisi sa bandang huli bro." Napaisip ako sa sinabi ni Achilles dahil may punto ito, ayaw kong magsisi sa huli dahil lang sa mga sinabi ni sir Rodrigo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD