Caleb Point Of View
Lumipas pa ang ilang araw at panay ang miscall ni Rocky, hindi ko naman masagot iyon dahil abala ako sa mga dokumento na inaasikaso namin ni Achilles at hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
Madalas din akong tumulong sa pamimitas ng mga gulay at idinadala ko iyon sa foundation sa San Antonio ngunit hindi sumagi sa isipan ko na puntahan man lang si Rocky nang bigla kong makasalubong ang service company ng shop ni Rocky at makitang inaayos iyon ni Kevin at Martin.
Bumaba ako ng sasakyan saka sila pinuntahan.
"Kevin, Martin anong problema?" Nagulat pa ang dalawa nang makita nila ako.
"Caleb? Long time no see, ano bang nangyari? Bakit hindi ka na namin nakikitang kasama ni boss Rocky?" Tanong ni Kevin saka ito nakipag-apiran sa akin.
"Hindi na ako driver ni Rocky." Maikling sagot ko saka ko tinignan ang makina ng sasakyan.
"Anong ibig mong sabihin? Sisante ka na?" Bahagya akong napatawa sa sinabi ni Martin at napailing ako.
"Hindi, isang buwan lang naman talaga ang kontrata ko sakanila." Tumango tango naman ang dalawa.
Nang matapos kong gawin ang sasakyan ay sa wakas ay umandar na rin ito.
"Salamat Caleb kung hindi ka pa siguro dumating, malamang mamaya pa ito matatapos dahil wala kaming dalang gamit." Ngumiti naman ako at tinapik ang mga balikat nito.
"Bakit hindi ka na lang mag-apply sa shop ni boss Rocky? Sigurado akong hired ka kaagad dahil magaling ka." Suwestiyon naman ni Martin ngunit umiling ako. Kahit gustuhin ko man na makasama si Rocky ay hindi pwede dahil mayroon akong sariling plano bago ko pa man makilala si Rocky iyon ay ang pagpunta ko ng Australia para makausap ang mama at makapag-aral roon.
"Pupunta na ako Australia sa susunod na lingo." Sagot ko at nagulat naman ang dalawa.
"Australia? Ano naman gagawin mo doon bro? Iiwanan mo ang boss namin?" Napalunok ako ng bahagya sa sinabi ni Kevin, alam kong isa lang siya sa mga taong nakakaalam nang tunay kong nararamdaman kay Rocky.
"Pasensiya na Kevin pero matagal ko ng plano ang pag-alis ng bansa." Napatahimik ang dalawa saka nagkatinginan ang mga ito.
"Kung iyan ang plano mo wala naman kaming magagawa pero ang tanong nagtapat ka na ba kay boss Rocky?" Umiling lang ako.
"Aysus Caleb ano pa bang ginagawa mo? Bakit hindi mo pa sabihin sakanyang mahal mo siya? Ikaw din baka maunahan ka pa ni Wilson lalo na ngayon mas focus na si boss Rocky sa V. E. M." Anong ibig sabihin nila? Madalas na ngayon magkita si Rocky at si Wilson?
"Hindi ko pa nasasabi sakanya, sa tingin niyo ba ay kailangan ko pang sabihin gayong aalis na rin naman ako?" Napakamot pa ng ulo ang dalawa.
"Bro mahal mo ba ang boss namin?“ Mabilis naman akong tumango.
"Kung ganoon magtapat ka na sakanya, kung ano mang agam agam ang mayroon diyan alisin mo iyan bro ikaw din baka magsisi ka." Sa totoo lang ay madami ngang agam agam ang mayroon sa dibdib ko, madaming what if?
Tuluyan na ngang nagpaalam ang dalawa at umuwi na rin ako ng San Luis. Kinabukasan ay namitas muli kami ng aking mga kapatid ng mga gulay na dadalhin sa ibang foundation dahil sobra sobra na ang gulay na naaani namin.
Habang nasa kalagitnaan kami ng bukid ay napansin ko ang isang motor na pamilyar sa akin kung hindi ako nagkakamali ay motor ni Rocky iyon.
Napansin din iyon ni Crissa kaya napahinto rin ito.
"Ate Rocky?" Sabi nito at mabilis na ibinaba ang mga hawak nitong gulay at kaagad na tumakbo patungo sa kinaroroonan nito.
Halong saya at sabik ang naramdaman ko parang gusto ko na rin tumakbo at yakapin ng mahigpit si Rocky ngunit naalala kong muli ang sinabi ni sir Rodrigo ang tawagin nitong soon to be son in law si Wilson.
Kalmado lang akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa, tumingin ako kay Crissa at sinenyasan ito na umalis muna sumunod naman ito at bumalik na sa pamimitas.
"Kumusta?" Tanong ni Rocky nang tuluyan akong makalapit. Gusto kong sabihin na masaya ako dahil nandito siya ngunit hindi ko magawa.
"Maayos naman, anong ginagawa mo dito?" Tanging nasabi ko.
"Anong nangyari? Bakit bigla ka nalang umalis ng bahay? Mayroon bang sinabi si dad?" Umiling ako, gusto ko man ikwento ngunit ayaw sabihin na tinanggap ko ang maliit na halaga na iyon.
"Walang nangyari, ibinigay lang ni sir Rodrigo ang buong sahod ko at dahil doon hindi na ako mahihirapan pang ipagdrive ka dahil tapos na ang trabaho ko sainyo." May kung anong lungkot ang naramdam ko nang sabihin ko iyon at makitang madismaya ito.
"Kung wala ka ng sasabihin pa pwede kang umalis dahil madami pa akong gagawin." Dugtong ko pa, ayaw ko itong itaboy nasasaktan ako sa sinasabi ko ngunit wala akong magawa, gusto ko munang may mapatunayan ako kay sir Rodrigo bago ko sabihin na mahal kita. Sa ngayon ay isa lamang akong driver at pipitsuging mekaniko ngunit magsisikap ako para mapatunayang karapat dapat din ako sa iyo Rocky.
"Umalis ka na at baka maabutan ka pa ng ulan." Sabi ko pa, hindi ko hinayaan pa na makasagot ito. Kung dati rati ay nakikipagtalo pa ito sa akin ngunit ngayon ay tahimik lang ito. Tumango tango lang ito kaya naman tumalikod na ako at hindi na ito tinignan pang makaalis.
Bumalik ako sa bukid at nagsimulang mamitas muli ng gulay, lumapit naman sa akin si Crissa sabay abot sa akin ng tiklis.
"Ano bang nangyayari sa inyo ni ate Rocky, kuya? Nag-aaway ba kayo?" Ibinagsak nito sa harapan ko ang tiklis nang hindi ko iyon abutin.
"Bakit hindi mo man lang siya pinatuloy sa bahay o pinagmeryenda man lang katulad nang nakasanayan natin?" Dugtong pa nito.
"Pinauwi ko na siya Crissa dahil baka maabutan pa siya ng ulan." Tumingin naman sa kalangitan si Crissa at ngumisi ito sa akin.
"Akala ko ba mahal mo si ate Rocky? Bakit hinayaan mo siya na salubungin ang ulan sa daan? Alam mo naman na malayo ang San Antonio dito kuya." Tumakbo ito nang biglang bumuhos ang malakas na ulan gayun din ang mga kasama namin na kanya kanya sa pagbuhat ng mga tiklis.
Nang makarating kami sa likod bahay ay hindi ako pinapansin ng kapatid ko at madalas ko rin mahuli itong iniirapan ako.
Malakas nga ang ulan at sa tingin ko ay naabutan na si Rocky sa daan. Nang walang ano ano'y tumakbo ako sa garahe at sumakay sa sasakyan, nagbabaka sakaling maabutan ko pa si Rocky.
Masyadong malakas ang ulan at halos hindi na makita ang daanan ngunit napansin ko ang isang motor na nakahinto, alam kong si Rocky iyon kaya naman lumapit pa ako ng bahagya nang biglang tumirik ang sasakyan ko.
Kahit kailan talaga ay hindi maasahan ang sasakyan ko, bumaba ako ng kotse lalapitan ko na sana si Rocky ngunit mabilis nitong sinuot ang kanyang helmet saka kumaripas ng takbo, hinabol ko pa ito saka tinawag ang kanyang pangalan ngunit sa lakas ng ulan ay hindi nito ako maririnig.
Bumalik ako sa bahay habang basang basa sa ulan, pinahila ko na lang ang kotse at pinadala sa talyer bukas ko na lang aayusin iyon dahil pagod na pagod na ako sa araw na ito.
Umupo ako sa balkonahe, nangingilid ang luha ko hindi ko dapat hinayaan na mabasa ng ulan si Rocky, dapat kinausap ko ito ng maayos katulad ng dati.
Nang biglang may umabot sa gilid ko ng tuwalya, lumingon naman ako at nakita kong nakangiti sa akin ang kapatid ko. Kinuha ko iyon saka pumasok sa loob ng bahay at nag palit ng aking damit.
Lumabas muli ako ng kuwarto at nakahanda na roon ang mainit na kape sa sala at naroon na rin nakaupo si auntie Hasmin.
"Anak Caleb umupo ka rito at mag-usap tayo." Umupo naman ako sa tabi ni auntie Hasmin.
"Kumusta ka na bang bata ka, nuong nakaraang araw lang ay napakasaya ninyo ni Keitlyn bakit tila ngayon nag-iba ata ang ihip ng hangin?" Kinuha ko ang kape sa mesa at humigop muna.
"Alam po ninyo kung gaano ko kamahal si Rocky hindi po ba auntie?" Tumango ito saka ako nagpatuloy.
"Ngunit paano ko po ba sasabihin sakanya na mahal ko siya kung mayroon na pong nakalaan para sakanyang iba?" Dugtong ko pa at lumabas naman ng kuwarto si Crissa saka tumabi rin sa akin.
"Anong ibig mong sabihin anak?" Tanong ni auntie Hasmin.
"Tinapos agad ni sir Rodrigo ang pagiging driver ko kay Rocky dahil napapansin nito na madalas kaming magkasama at ayaw niya iyon dahil raw nakakasagabal ako sakanila ni Wilson ang kanyang magiging manugang." Nakita ko ang reaksyon sa mukha ng kapatid ko.
"Mayroon boyfriend si ate Rocky? Ang ibig bang sabihin nito ay walang tiyansang maging kayo, kuya?" Naluluha ang mata nito, alam kong botong boto ito sa amin at gustong gusto nito si Rocky.
"Dahil lang ba sa sinabi ni Don Rodrigo ay hahayaan mo na ang nararamdaman mo kay Keitlyn ganun ba anak? Sa tingin ko naman ay hindi patas sa iyo iyon." Anong ibig sabihin ni auntie Hasmin?
"Sa pag-ibig ay wala ka dapat hinihintay na kapalit, ang importante ay kung anong laman ng puso mo para sakanya dahil sa bandang huli ikaw rin ang nakakaalam niyan anak. Magtapat ka sakanya caleb kung hindi man parehas ang nararamdaman ninyo para sa isa't isa ay kailangan tanggapin mo dahil ganoon talaga ang nagmamahal." Dugtong pa nito. Tama nga si auntie Hasmin wala dapat akong hilingin na kapalit sa pagmamahal ko kay Rocky ang importante ay masabi ko sakanya na mahal ko siya.
Niyakap ako ng mahigpit ni auntie Hasmin naramdaman ko mayroon pa rin akong tinuturing na ina na handang magbigay ng payo at makinig sa akin.
"Sa susunod na araw na ang alis mo kuya sana man lang masabi mo na kay ate Rocky na mahal mo siya." Lumingon ako kay Crissa saka ako ngumiti tumayo ako sa harap ng mga ito.
"Salamat po auntie, Crissa , handa na akong bumalik ng mansion sa San Antonio at magtapat kay Rocky bago man lang ako magtungo ng Australia at papatunayan ko rin kay sir Rodrigo na nararapat din ako sa anak niya." Ngumiti ang mga ito saka tumayo rin at nagkayakapan kami.
Maaga akong nagising at nagpunta kaagad sa talyer para ayusin ang sasakyan ko at siguruhing hindi ito titirik pag nagtungo na ako ng San Antonio.
Masaya akong sinalubong ni auntie Hasmin at ni Crissa, naroon din si Achilles at Randy na abala sa pag-aagahan.
"Good luck kuya bago man lang ang flight mo bukas ay masabi mo na kay ate Rocky na mahal mo siya." Ngumiti naman ako nang makababa ako sa sasakyan at magtungo sakanila.
"Best of luck of bro." Sabi naman ni Achilles sabay ang pag hawak sa balikat ko.
Ilan beses din akong pabalik pabalik sa aking kuwarto at nag-isip ng sasabihin ko kay Rocky, kinakabahan ako ngunit buo na ang loob ko na magpunta ng San Antonio para kausapin si Rocky.
Nang dumating na ang takdang oras ay nag-ayos na ako ng aking sarili hindi ko rin kinalimutan ang tseke na bigay ni sir Rodrigo sa aking bulsa upang ibalik iyon sakanya.
Nang makarating ako ng San Antonio at makatapat na ang sasakyan ko sa harap ng gate ng bahay nila Rocky ay halos manginig na ang tuhod ko, kinakabahan akong bumababa sa kotse at sa bawat hakbang ko ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Binuksan ko ang gate at hindi naman ito nakalock malamang ay nakalimutan na naman ito ni mang Kanor. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto ng sala ngunit wala naman tao roon pumasok ako sa loob at narinig ko ang malakas na sigawan na nanggaling sa labas ng veranda.
Napahinto ako sa narinig ko dahil sa sinabi ni Rocky, anong ibig nitong sibihin? Napalunok pa ako ng laway saka umabante at gulat nang makita ako ni mam Dale.
Lumingon din sa akin si Rocky habang tumutulo ang luha nito, naawa ako sakanya ngunit mas nangibabaw ang narinig ko, anong nangyayari?
"Anong sinabi mo Rocky? Ang tito mo ang bagong asawa ni mama?" Lumapit ito sa akin habang patuloy pa rin sakanyang pag luha iniwas ko ang sarili ko dahil gusto kong malaman ang lahat.
"Caleb." Ang tanging sambit niya habang humihikbi, naguguluhan ang isip ko. Kilala ba ni Rocky ang mama ko? Papaanong naging asawa ng tito niya ang mama ko? Alam niya kung nasaan si mama.
"Kailan mo pa nalaman ang tungkol diyan? Akala ko ba magkaibigan tayo Rocky, bakit hindi mo sinabi sa akin kung nasaan si mama." Pasigaw na sabi ko, ang galak at saya na nararamdaman ko kanina ay na palitan ng lungkot at galit.
"Sasabihin ko na sana sa iyo noong nagpunta ako ng saan Luis kaya lang." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito, kinuyom ko ang mga palad ko sa gigil. Akala ko ay magkaibigan kami ngunit bakit hindi man lang nito sinabi sa akin ang tungkol dito?
"Kaya lang ano Rocky? Pinagmukha mo akong tanga." Sa sobrang galit ko ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay at sumakay kaagad ng kotse.
Pinagsusuntok ko pa ang manibela hanggang sa dumugo na ang kamao ko.
Ilan beses kong ikwenento kay Rocky ang tungkol kay mama ngunit tikom ang bibig nito hindi ko akalain na mayroon pala itong alam. Mahal ko si Rocky ngunit mas nangibabaw sa akin ang galit, huminga ako ng malalim saka muling bumaba ng kotse at nagtungo sa aking kuwarto naabutan ko roon si mang Kanor at manang ason.
"Caleb anong nangyari sa mga kamay mo? Ano bang nangyayari at nag-aaway na naman ang mag-ama?" Na naman? Anong ibig sabihin ni manang na palaging nag-aaway si Rocky at si sir Rodrigo? Hindi ako sumagot at kinuha ko na ang mga gamit ko sa aparador saka iyon mabilis n inilagay sa maleta.
"Ano bang nangyayari Caleb? Saan ka pupunta? Gabi na, bukas ka na lang umalis." Pigil ni mang Kanor ngunit niyakap ko lang ang mga ito.
"Bukas na po ang flight ko papuntang Australia manang, mang Kanor salamat po sa lahat ng tulong at tinuro ninyo sa akin hindi ko po kayo malilimutan." Gulat ang dalawa sa kanilang narinig nang bumitaw ako sa pagkakayakap.
Nang masabi ko iyon ay umalis na rin ako, hindi na ako nagtagal pa sakanila dahil sa sama ng loob ko.