Chapter 49

2213 Words
Caleb Point Of View Pasado alas nueve na ng gabi nang makarating ako ng San Luis, mugto rin ang mata ko dahil sa kakaiyak namamaga na rin ang mga kamao ko at bakas pa rin ang mga dugo rito. Pumarada ako sa tapat ng aming bahay at naroon na naghihintay sa balkonahe sina auntie Hasmin, Achilles, Randy at Crissa na marahil ay hinihintay nila ang pagbabalik ko. Muling tumulo ang luha ko, ang inaasahan nilang masayang balita ko ay mauuwi lamang sa isang malungkot at masakit na balita. Napalingon sila sa akin ngunit nagtaka sila nang hindi ako bumababa, lumapit si Achilles at kumatok sa bintana saka nito binuksan ang pinto ng kotse. "Bro kamus.." Natigilan ito nang makita ang itsura ko kahit ang matamis nitong ngiti ay naputol din. "Caleb anong nangyari? Teka halika ka rito." Bumaba ako sa kotse habang inalalayan nito ako saka kami nagtungo sa kinaroroonan nila auntie Hasmin at mapatayo ang mga ito. "Anak anong nangyari?" Salubong ni auntie Hasmin sa akin habang naluluha ang mga mata nito, hinawakan pa nito ang mga kamay ko. "Anong nangyari?" Dugtong pa niya. "Niloko ako ni Rocky auntie, pinagmukha niya akong tanga." Sigaw ko habang papaupo. "Niloko tayo ng buong pamilya niya." Tumayo ako ng muli saka inihagis ang mga gamit na nakapatong sa mesa. "Teka insan huminahon ka." Hinawakan ni Randy ang balikat ko ngunit sa sobrang galit ko ay naitulak ko ito. "Bro relax, sandali maupo ka muna." Lumapit sa akin ang kapatid ko saka nito ako niyakap sa likod kaya huminahon ako, bumuntong hininga ako at muling naupo. "Alam ni Rocky kung nasaan si mama dahil tito niya ang bagong asawa ni mama at nilihim ni Rocky iyon sa akin auntie, nilihim niya sa atin iyon." Diin ko, gulat naman nang marinig nila ang sinabi ko. Nakita kong inutusan ni auntie Hasmin si Randy na ipasok muna sa loob ng bahay si Crissa. Muling tumulo ang luha ko, napakasakit na malaman na naglihim sa iyo ang taong mahal mo. "Anak Caleb paano ito nangyari?" Tanong ni auntie Hasmin. "Narinig ko ang usapan ni sir Rodrigo at ni Rocky na ang bagong asawa ng tito niya na si sir Rodolfo ay si mama at matagal na palang alam ito ni Rocky auntie." Gigil na sabi ko kaya napasuntok akong muli sa mesa. "Kung may alam man si Rocky tungkol sa mama mo ay hanggang duon lang dapat iyon bro, hindi mo dapat siya sisihin sa pagkakamaling ginawa ng mama mo at ng tito niya hindi ba?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Achilles. "Tama si Achilles anak, walang kasalanan si Keitlyn kung nalaman o alam man niya ang tungkol sa mama mo at tito niya malamang ay nais rin nitong sabihin sa iyo ngunit hindi nito alam kung papaano." May punto nga naman sila ngunit ang sa akin ay sana man lang ay hindi ito naglihim, lumabas muli ng bahay si Randy na mayroon ng dala dalang kape. "Caleb dahil ba diyan ay hindi mo na nasabi kay Keitlyn ang nararamdaman mo?" Mabilis akong umiling. "Hindi na auntie at kahit kailanman ay hindi ko na sasabihin pa sakanya." Lumabas si Crissa habang dala nito ang pa unang lunas at umupo ito sa tabi ko, kinuha nito ang mga kamay ko saka nito iyon inumpisahan na gamutin. "Alam kong nasasabi mo lang iyan dahil masama ang loob mo kay Keitlyn ngunit malakas ang pakiramdam ko na mas nananaig pa rin ang pagmamahal mo sakanya." Kumirot ang puso sa sinabi ni auntie, tila ba may kung anong tumusok rito na biglang nagpabilis sa pagtibok nito. "Balang araw ay malalaman mo rin ang totoo anak, kaya kung ako sa iyo ay bigyan mo ng pagkakataon si Keitlyn na ipaliwanag ang sarili niya mahal mo siya at sigurado akong maintindihan mo siya." Niyakap ako ni auntie ng mahigpit at umuwi na ito sakanyang bahay. Ano pa bang kailangan kong malaman? Nagpahinga na kaming lahat dahil maaga pa ang alis namin ni Achilles papuntang airport bukas. Kahit na anong gawin ko ay hindi ako makatulog sumasagi pa rin sa isipan ko ang nangyari kanina. Naalala ko ang mukha ni Rocky kanina habang umiiyak sa harapan ko sa totoo lang ay nasasaktan akong makita siyang nagkakaganoon marahil ay tama nga si Achilles na hindi ko dapat ito sisihin. Tumunog na alarm clock, tinignan ko pa ang relo ko at alas kuwatro na ng umaga pakiramdam ko ay hindi naman ako nakapagpahinga at nakatulog dahil sa kakaisip ko kagabi, bumangon na ako kahit na pa sobrang sakit ng ulo ko mabilis akong nagtungo sa banyo at nagbihis. Paglabas ko sa balkonahe ay gising na rin ang mga kapatid ko at nakahanda na roon ang almusal, dumating na rin si Achilles at sabay sabay na kaming nag-almusal. "Kuya mag-iingat ka roon at palagi kang tatawag sa amin." Ngumiti ako kay Crissa at hinalikan ito sakanyang nuo. "Araw araw akong tatawag sa inyo para malaman ko kung nag-aaral ba kayo ng mabuti." Ginulo ko naman ang buhok ni Christopher at ngumiti rin ito sa akin. Nang biglang may bumusina ng malakas sabay sabay naman kaming napalingon at bumaba roon si Randy kasama si auntie Hasmin. Nagprisintang si Randy na ang maghahatid sa amin ni Achilles sa airport. "Ano pa bang ginagawa ninyo Caleb, Achilles oras na mahuhuli na kayo sa flight ninyo." Tumingin naman si Achilles sakanyang relo. "Tara na bro, mag-aalas singko na kailangan nasa Airport na tayo bago mag alas siete." Tumango naman ako at kinuha ang maleta ko sa sala saka inilagay na namin iyon sa sasakyan. Niyakap ko ng mahigpit ang mga kapatid ko, hindi man kami sanay na malayo sa isa't isa ngunit kailangan ko itong gawin at kailangan nila itong intindihin dahil para rin ito sakanilang kinabukasan. Sumakay na kami ni Achilles sa kotse at nagsimula na itong paandarin ni Randy. Tahimik lang ako habang kami ay bumabiyahe pigil ang luha ko, mamimis ko ng sobra ang mga kapatid ko. Bumaba kami at pumasok na sa loob ng airport habang dala dala namin ni Achilles ang aming maleta. Nagpaalaam na rin kaagad si Randy dahil mayroon pa itong trabaho. Nagpaalam muna ako kay Achilles na magbabanyo saglit at babalik din ako kaagad, nang matapos akong gumamit ng banyo ay nagtungo muli ako sa pinag-iwanan ko kay Achilles ngunit wala na ito roon malamang ay naglakad lakad pa ito o di kaya'y nagtungo rin sa banyo. "Caleb bro!" Sabi nito sa likuran ko kaya naman lumingon ako kaagad ngunit hindi ko inaasahan na makitang muli sa huling pagkakataon ang babaeng mahal ko. Nakita kong gulat ito nang makita nito ako, anong ginagawa nito rito? Lumapit naman sa akin si Achilles at nanatili rin nakatayo sa likuran ko habang nakatingin kami pareho kay Rocky. "Caleb, mag-usap tayo please?" Lumapit ito sa akin ngunit nanatili akong nakatayo. "I'm sorry if I didn't tell you right away dahil natatakot ako na baka magalit ka sa akin at ayaw kung mangyari iyon pero nangyari na nga." Dugtong pa nito, mugto na ang kanyang mata halatang wala itong tulog pumayat rin ito at namumutla. Mayroon kayang sakit si Rocky? "Pero nagsinungaling ka pa rin Rocky alam mo bang iyan ang pinaka ayaw ko sa lahat." Seryoso kong wika nang biglang inanunsiyo na ang flight namin ni Achilles. "Bro tara na." Sabi ni Achilles. "Kung wala ka ng sasabihin, aalis na kami." Pasensiya ka na Rocky ngunit kailangan ko ng umalis, gusto ko pa sanang mag-usap tayo pero hindi pa sa ngayon dahil gulong gulo pa rin ang isip ko. "Caleb gusto kita." Nagulat ako sa narinig ko, totoo ba? Totoo ba na mayroon gusto sa akin si Rocky? Masaya ang puso na halos gusto nang lumabas sa dibdib ko. "Bro tara na mahuhuli na tayo." Bulong sa akin ni Achilles kaya naman tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ngunit hinawakan ni Rocky ang braso ko. "Caleb mahal kita." Napahinto akong muli at humarap sakanya habang inaalis ang kamay nito na nakakapit sa aking braso. Mahal ako ni Rocky? Dapat ko na rin bang sabihin sakanya na mahal ko rin siya? O sinasabi lang nito ito sa akin upang mapawad ko siya sa pagsisinungaling niya? Pasensiya na Rocky ngunit kailangan ko rin magsinungaling sa iyo ngayon dahil kailangan ko pang patunayan ang sarili ko sa daddy mo na karapat dapat din ako sa iyo. Kailangan muna kitang saktan Rocky. "Hindi kita gusto Rocky at mas lalong hindi kita mahal, alisin mo na rin ang lahat ng koneksiyon mo sa amin ng mga kapatid ko." Alam kong masakit ito para sa atin Rocky, hindi ko na hinintay pang makasagot ito at ayaw ko rin makita ang kanyang reaksiyon kaya naman naglakad na kami ni Achilles ngunit lumingon akong muli. "Nagkabalikan na pala kami ni Julia dahil mahal pa rin namin ang isa't isa at sa pagbabalik ko magpapakasal na kami." Sabay ang pagtalikod ko dahil tumulo na rin ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Muli akong lumingon nang makapasok na kami ni Achilles sa loob at nakita ko itong nakaupo sa sahig habang umiiyak. Tuluyan ng madurog ang puso ko, ayaw kong makitang ganito si Rocky balak ko pa sanang lumabas muli ngunit pinigilan lang ako ni Achilles. Gumaan lang ang loob ko nang makitang lumapit ang kaibigan nitong si Farrah at alalayan itong tumayo. Alam kong napakatanga ko dahil kung kailan nalamang ko na pareho kami ng nararamdaman ni Rocky ay saka naman ako umalis at sinaktan ko pa ito. Kahit na sino siguro ay maiinis dahil sa katangahan ko. Nang makasakay na kami sa loob ng eroplano ay panay ang tingin sa akin ni Achilles. "Bakit?" Sabi ko nang hindi ako makatiis dahil sa kakatingin nito sa akin. Nang bigla nito akong batukan at ngumisi pa ito. "Ang labo mo din bro, akala ko pa naman magtatatalon ka du'n sa tuwa dahil sinabi ni Rocky na mahal ka niya pagtapos bigla ganoon ang isasagot mo sakanya na hindi mo siya mahal?" Habang pailing iling pa ito. "Kung ako ang nasa katayuan mo yayakapin ko siya ng mahigpit at sasabihin ko na mahal na na mahal ko siya at sa pagbabalik ko papatunayan ko sa lahat na karapat dapat din ako sa iyo, ganoon dapat hindi iyong hinayaan mo siya na umiyak habang nasasaktan." Dugtong pa nito. Napahilamos na lang ako ng aking mukha gamit ang aking mga kamay. Nang walang ano ano'y tumayo ako saka ko kinuha ang aking mga gamit. "Saan ka pupunta?" Habang hawak ni Achilles ang braso ko. "Bababa na ako bro pupuntahan ko na si Rocky." Mabilis kong sabi ngunit hinila nito ako at mapaupo muli sa aking upuan. "Ano bang akala mo sa sinasakyan natin ngayon bro? Bus? Kotse? Traysikel na pwedeng pumara at itatabi na?" Muli nito akong binatukan kaya naman napakunot ang nuo ko. "Nakakarami ka na bro a." Umupo ako ng maayos habang nakahalukipkip ang aking mga kamay. "Ayos lang iyan para matauhan ka." Ngumisi ito sa akin na parang hindi kami magkaibigan. Naiintindihan ko naman ito dahil tama naman ang kanyang mga punto kung tutuusin ay dapat pa nga akong magpasalamat sakanya dahil hindi nito ako kailanman iniwan sa ere. Ipinikit ko ang aking mga mata at sa aking paggising ay nasa Airport na kami ng Australia. Ganoon na ba katagal ang tulog ko? Kung sabagay ay wala nga naman akong tulog sa pilipinas. Hindi ko rin akalain na makakaapak na rin ako sa wakas sa bansang matagal ko ng pinapangarap. Napangiti ako sandali ngunit saglit lang iyon dahil naalala kong nandito nga pala si mama kasama ang tito ni Rocky. Tahimik lang akong sumusunod kay Achilles dahil kabisado na nito ang pasikot sikot dito, minsan na itong sinama ng kanyang ate na nagtatrabaho rin dito sa Australia. Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Ito ang araw araw na gawain namin ni Achilles at hindi rin naman kami naiinip dahil mayroon kaming mga kasamang pinoy na nag-aaral din kasabay ng kanilang trabaho. Tatlong araw palang ako rito sa Australia ngunit mis na mis ko na ang aking mga kapatid kahit na pa panay ang video call namin. Simula rin ng umalis ako ng pinas ay hindi na rin nagparamdam pa si Rocky malamang ay sobrang sama ng loob nito sa akin. Ilang beses na rin nagtanong sa akin si Crissa kung bakit hindi na nagpupunta roon si Rocky ngunit wala naman akong maibigay na sagot. Habang ako ay nasa loob ng aming kuwarto ni Achilles ay inilabas ko sa aking bulsa ang tseke na ibinigay ni sir Rodrigo saka naman ito pumasok sa loob. "Ano bang balak mo diyan?" Tanong nito habang nakasandal sa may pinto. Hindi ko ito pinansin bagkus ay kumuha ako ng papel at panulat, lumapit naman ito at sinilip ang ginagawa ko. Lumingon ako rito saka naman ito ngumiti. "Bakit kailangan mo pang sulatan si Rocky? Ano ka teenager? Kung ako sa iyo tawagan mo na lang siya." Dugtong pa nito at umupo sa tabi ko. "Sa tingin ko ay hindi nito sasagutin ang tawag kaya mas maigi na sulatan ko nalang ito kasabay nitong tseke na ibinigay ni sir Rodrigo." Ipinasok ko sa loob ng sobre ang ginagawa kong sulat at ang tseke. Sana lang ay mabasa ito ni Rocky para malaman nito ang tunay kong nararamdaman at hindi pa sana huli ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD