Caleb Point Of View
Ilang araw pa ang nakalipas ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa sulat na ipinadala ko kay Rocky excited pa naman ako sa tuwing tutunog ang aking telepono. Nabasa na kaya nito ang sulat ko? O baka naman hindi nito iyon natanggap.
Mabigat ang katawan ko at halos ayaw kong bumangon sa araw na ito ngunit kailangan dahil madaming kailangan gawin. Pagkatapos namin pumasok sa paaralan ni Achilles ay diretso kami sa trabaho.
Nang biglang tumunog ang aking telepono, dali dali ko naman iyon sinagot.
"Hello kuya." Masayang bati ng kapatid ko mukhang mayroon itong magandang balita dahil sa tono ng boses nito.
"Hello Crissa napatawag ka? Hindi ba't alas tres pa lamang ng hapon diyan sa atin, kung tutuusin ay nasa school ka pa lamang." Sabi ko naman.
"Kuya hindi ako pumasok dahil masama ang pakiramdam ko pero magaling na ako dahil namasyal na rito si ate Rocky." May sakit pala ang kapatid ko, hindi naman ito papabayaan ni auntie.
"May sakit ka? Dapat ay nagpapahinga ka na teka anong sabi mo? Namasyal diyan si Rocky? Anong sabi niya? Anong ginawa niya diyan?" Dire diretso kong tanong nang mapagtanto ko ang sinabi ng kapatid ko, napatayo pa ako sa aking upuan na ikinagulat naman ni Achilles.
"Teka kuya isa isa lang, Oo namasyal siya dito pero saglit lang iyon iniabot lang niya sa akin iyong mga dala niyang grossary." Napangiti naman ako sa narinig ko akala ko ay tototohanin na ni Rocky ang sinabi ko na alisin niya na lahat ng koneksyon nito sa amin ngunit biglang naging malungkot ang tono ng boses ng kapatid ko sa sinabi nito.
"Anong sabi niya? Mayroon ba siyang sinabi?" Tanong ko habang nanarinig ko ang malalim na paghinga nito bago sumagot.
"Wala siyang sinabi kuya dahil nagmamadali itong umalis sinubukan pa itong pigilan ni auntie Hasmin dahil nailaglag nito ang kanyang helmet na sabi ni auntie ay masamang pangitan ngunit umalis pa rin si ate Rocky." kahit kailan naman talaga ay hindi ito mapipigilan sakanyang gusto kaya hindi na ako magtataka kung hindi ito magpapapigil.
Ang malaman kong bumisita ito sa amin ay lubos na ikinasaya ko dahil mayroon pa rin puwang ang mga kapatid ko sa puso ni Rocky. Nagpatuloy kami ni Achilles sa pagtatrabaho kahit na pa mabigat ang pakiramdam ko.
"Ayos ka lang ba bro?" Tumango naman ako habang pabalik na kami sa aming tinutuluyan. Nang makarating kami ay kaagad nitong binuksan ang pinto saka naman ako pumasok at pabagsak na umupo sa upuan.
"Mukhang napagod ka yata ngaun?" Umiling naman ako.
"Hindi naman Achilles ngunit parang mabigat ang katawan ko." Kinuha nito ang mga gamit ko saka ipinasok sa loob ng aming kuwarto. Paglabas nito ay kumuha naman ito ng tubig saka iniabot sa akin.
"Baka naninibago lang ang katawan mo dahil sa klima rito." Inabot ko naman iyon at ipinatong sa lamesita.
"Salamat, siguro nga bro." Tumango naman ako at isinandal ang ulo ko sa upuan. Tinignan ko pa ang oras sa aking telepono at ala una na pala ng madaling araw.
Nakita kong pumasok na si Achilles sa kuwarto at mukhang matutulog na ito, napatingin ako sa baso ng tubig na nakapatong sa lamesita.
Nang subukan ko iyon abutin ay bigla akong nahilo at matabig iyon kaya naman nabasag ito sa sahig. Napalabas pa si Achilles sa kuwarto at dali daling nagtungo sa akin.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Sabi nito habang nakatapis pa.
"Wala natabig ko lang itong baso." Sisimulan ko na sanang pulutin ang basag na baso ngunit mabilis akong pinigilan ng kaibigan ko.
"Sige na bro ako na bahala riyan pumasok kana sa kuwarto at magpahinga ka na, malamang ay pagod lang iyan." Kaagad naman akong tumango, magsisimula na sana akong maglakad ngunit tumunog ang telepono ko.
Nagkatitigan pa kami ni Achilles na mukhang iisa lang ang nasa isip namin, hindi tumawag ng ganitong oras si Crissa dahil maaga itong natutulog. Muli akong kinabahan at sa pagkakataong ito ay mas malakas pa, huminga ako ng malalim at kinuha ang telepono na nasa bag ko.
Kumunot ang nuo ko dahil si Crissa ang nakalihistro rito, ang buong akala ko pa naman ay si Rocky iyon. Bakit tumatawag pa siya sa ganitong oras?
"Kuya! Kuya." Habang malakas ang hikbi nito sa kabilang linya. Mayroon bang nangyari sa pilipinas?
"Crissa anong nangyayari bakit ka umiiyak?" Malumanay kong sagot at baka namimiss lang ako ng kapatid ko.
"Kuya si ate Rocky." At bigla na itong humagulgol kaya naman mas lalo na akong kinabahan.
"Anong nangyari kay Rocky, Crissa." Ngunit sa sobrang pag-iyak nito ay halos hindi na ito makasagot, ano bang nangyari kay Rocky? Mayroon bang masamang nangyari kay Rocky?
"Crissa huminahon ka, please. Anong nangyari kay Rocky?" Lumapit sa akin si Achilles at hinawakan ang balikat ko.
"Si ate Rocky kuya wala na, wala na si ate Rocky." Halos gumuho ang mundo ko sa narinig ko, hindi! Hindi totoo ang sinabi ng kapatid ko. Nananaginip lang ba ako? Pigil ang luha kong tumingin kay Achilles.
"Hindi totoo iyan Crissa, sabihin mo nagbibiro ka lang!" Sigaw ko. Napaupo na lang ako habang umiiyak dahil sa balitang natanggap ko, paanong wala na si Rocky? Kinuha ni Achilles ang hawak kong telepono at kinausap nito si Crissa.
Bumalik ito at naupo sa tabi ko saka nito binuksan ang kanyang social media account.
"Bro." Mahina nitong sabi at ipinakita sa akin ang laman ng balita.
Balitang Pilipinas: Anak ng bilyonaryong si Mrs. Rodrigo Valdez na si Rochelle Keitlyn Valdez o mas kilala bilang Rocky na isang CEO at kilala rin sa iba't ibang larangan ng negosyo ay dead on the spot matapos umanong sumalpok ang sinasakyan nitong mutorsiklo sa isang barrier.
Dead on the spot? Hindi, hindi totoo ang balitang iyan dahil magaling si Rocky sa pagmomotor.
"Hindi Achilles, hindi totoo iyan!" Tumayo ako at inihagis lahat ng mga bagay na aking makikita dahil sa halong galit at pagkataranta.
"Uuwi ako ng pilipinas at sisiguraduhin ko na mananagot sa akin ang nagpapakalat ng balitang iyan." Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata saka sinubukan ngumiti ngunit nanginginig ang mga labi ko at maya't maya pa ay tumulong bigla ang luha ko.
"Huminahon ka Caleb, ito tignan mo ang balita, tignan mo. Tignan mo si Rocky." Nagulat ako nang banggitin nito si Rocky habang nagigilid ang luha nito. Lumapit ako rito habang nanginginig ang tuhod ko at muling umupo sa tabi nito.
Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan ko habang tinitignan ang balitang iyon kay Rocky. Wasak ang motor nito ngunit wala na roon si Rocky, nakita ko pa roon si Wilson, si Kevin at si Martin na umiiyak kaya naman napahagulgol na rin ako.
"Nasaan si Rocky?" Mahina kong wika dahil para na rin bibigay ang katawan ko.
Sunod na ipinakita si Rocky na nakasakay na sa ambulansiya duguan ang ulo nito, ang dugo sa ilong at bunganga nito ay sapat na sa akin para sabihin na masama ang tama nito ngunit hindi ako naniniwalang patay na ito.
"Kailangan kong umuwi ng pilipinas bro, kailangan kong puntahan si Rocky." Umiiyak ako habang yakap yakap ako ni Achilles at tumatango lang ito sa akin.
"Sandali tatawagan ko si mang Kanor o kaya si manang." Pinunasan ko ang luha ko at mabilis na kinontak ang mga ito ngunit hindi sila sumasagot. Sinubukan ko na rin tawagan si Martin at Kevin ngunit pare pareho lang silang hindi sumasagot sa tawag ko. Lumingon sa akin si Achilles at umiling naman ako.
Hindi ako mapakali halos magdamag akong upo tayo, upo tayo ganoon din si Achilles. Hindi ko na rin makontak ang kapatid ko malamang ay tulog na ito o kaya naman ay wala ng signal sa San Luis.
Kinabukasan ay namumugto na ang mga mata ko, hindi na rin ako makakain dahil si Rocky lang ang laman ng isip ko. Nang biglang may kumatok sa pinto ng condo namin ni Achilles, binuksan naman iyon ni Achilles at nakita kong pumasok ang ate nito na si ate Ayiesha.
Inilapag nito sa mesa ang dalawang sobre at mabilis na kinuha iyon ni Achilles.
"Sige na mag-empake na kayo, kinausap ko na ang school at ang pinagtatrabahuan ninyo." Sabi ng ate nito na ikinagulat ko. Halos hindi ako makapagsalita at tumulo lamang ang luha sa aking mata.
Mabilis naman kaming nag-empake ni Achilles, hindi ko ito inaasahan dahil sa tingin ko ay magiging mahirap ito ngunit mabait talaga ang diyos at gumawa ito ng paraan para makabalik ako kaagad ng pilipinas.
"Salamat bro pero paano ito nalaman ng ate mo?" Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Tumawag ako sakanya kagabi at sakto naman na mayroon siyang kakilala para makauwi tayo kaagad ng pilipinas." Tumango naman ako habang inilalagay ang mga gamit ko sa bag, ang sabi kasi ng ate nito ay isang lingo lang kami sa pilipinas at kailangan makabalik din kami ng Australia.
"Pero hindi mo na kailangan gawin ito bro kaya ko naman bumalik ng mag-isa sa pilipinas, ang tulungan ninyo ako ng ate mo para makauwi ng pilipinas ay sapat na, hindi mo na ako kailangan samahan pa." Tumayo ito at hinakbayan ako.
"Kaibigan mo ako at parang magkapatid na rin tayo bro alam kong kailangan mo ng karamay pagdating sa pilipinas, sasamahan kita." Alam kong kailangan kong patatagin ang loob ko ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.
Nasa Airport palang kami ng pilipinas ay halos mangatog na ang tuhod ko, panay din ang paghaplos ni Achilles sa likod.
"Sa San Antonio po manong." Sabi ni Achilles nang makasakay kami ng taxi.
Hindi ganito ang inaasahan kong pagbabalik sa pilipinas, umiiling ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
Hinawakan ni Achilles ang braso kaya naman napalingon ako rito.
"Relax lang bro." Tumango tango naman ako kahit na hindi ko alam kung paano ang gagawin ko pagdating ng San Antonio.
Nang makababa kami sa harapan ng bahay nila Rocky ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyan ng hindi maihakbang ang aking mga paa, ang puso ko na halos tumalon na sa kaba.
Tahimik ang buong bahay na halos walang katao tao sa loob. Nasaan sila? Nasaan si Rocky? Dumeretso kami sa kusina ni Achilles dahil sarado ang pinto sa harapan ng bahay.
"Manang? Mang Kanor?" Bigkas ko at biglang lumabas sa may dinning room si manang Ason.
"Caleb anak." Gulat ito nang makita ako saka mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Manang nasaan po si Rocky?" Kumalas ito sa pagyayakap sa akin at naupo ito sa may upuan at nagsimulang tumulo ang luha nito.
"Manang sabihin po ninyo sa akin kung anong nangyari sakanya? Nasaan po ba siya? Nasa kuwarto po ba niya?" Tumulo ang luha ko habang pilit na ngumingiti, hahakbang na sana ako papunta sa hagdan ngunit nagsalita ito.
"Masama ang lagay ni Rocky, anak." Anong ibig sabihin ni manang? Ang ibig bang sabihin nito nito ay mali ang kumakalat na balitang wala na siya?
“Mawalang galang na po pero ang sabi sa balita ay dead on the spot ito." Lumingon ako kay Achilles na naroon sa aking likuran.
"Mali ang impormasyon sa kumakalat na balita, walang katotohanan ang lahat ng iyon." Para akong nabunutan ng tinik dahil sa narinig ko, buhay si Rocky buhay ito. Nagigilid ang luha ko sabay ang paghawak ni Achilles sa balikat ko.
"Kung ganoon po, nasaang ospital po ba siya ngayon manang?" Nang biglang marinig ko ang isang pamilyar na boses na nagmumula sa may hagdan.
"Manang? Manang? I have to.." Gulat ito nang makita ako.
"Manang hindi po ba kabilin bilinan ni tito Rodrigo na huwag kayong mag papasok ng kung sino sino?" Dugtong pa ni Farrah ang matalik na kaibigan ni Rocky at sa tono ng boses nito ay mukhang nairita ito nang makita niya ako.
"Pasensiya na po kayo mam." Lumapit ako rito ngunit kumunot ang nuo nito.
"Walang kasalanan si manang, ako ang mismong pumasok dito." Tumalikod ito at nagsimulang maglakad ngunit sinundan ko naman ito.
"Sandali Farrah, nasaan ba si Rocky? Saang ospital ba siya nakaconfine ngayon? OK lng ba siya?" Nang makarating kami sa sala ay humarap ito sa akin habang naluluha ang mata nito.
"Nagpunta ka ba dito para tanungin kung nasaan siya? Kung OK ba siya? Pwes para sabihin ko sa iyo Caleb masama ang lagay ni Rocky, na depressed ang kaibigan ko nang dahil sa iyo. Hindi niya naiinum ang mga gamot niya kaya intake siya sa puso habang nagmamaneho at madisgrasya ito." Umupo ito sa sala habang mabilis na pinusan ang kanyang luha.
"Teka sandali huwag mong sisihin ang kaibigan ko miss." Napalingon ito kay Achilles saka ito ngumisi.
"Anong ibig mong sabihin Farrah? Anong gamot?" Lumapit naman si manang dito at inabutan ito ng tubig.
"Ang ibig niyo po bang sabihin mam ay mayroon sakit si Rocky?" Kahit pala si manang ay wala din kaalam alam sa sitwasyon ngayon ni Rocky.
Huminga muna ng malalim si Farrah bago ito muling nagsalita.
"Yes manang, may mayroon sakit si Rocky. She was diagnosed with stage 2 congestive heart failure." Nagsimula muli itong lumuha.
"Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" Bakit nga ba hindi ko alam? Bakit hindi nito sinabi sa akin ang tungkol sa sakit niya?
"Isang buwan pa lang nuong malaman namin ni Rocky na mayroon itong sakit sa puso pero ang sabi niya sa akin ay matagal na nito itong nararamdaman." Kaya pala palagi nalang itong namumutla at nangayayat din ito nang huli kaming magkita. Tumingin ito sa akin habang galit ang mukha nito.
"Tinatanong mo pa kung bakit hindi mo alam? Manhid ka kasi Caleb kahit sinabi na sa iyo ni Rocky na mahal ka niya iniwan mo pa rin siya hindi mo siya binigyan ng pagkakataong para makapagpliwanag sa iyo." Saka ito humagulgol ng malakas, alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit ito nangyari kay Rocky at hindi ko masisisi ang kaibigan nito kung bakit ganito ang trato nito sa akin ngayon. Kung pinakinggan ko lang sana si Rocky ay hindi ito madideppress at hindi lalala ang sakit nito.