Caleb Point Of View
Pagkarating ko sa kinaroroonan nila Crissa ay kaagad akong sinalubong ng madaming tanong ng mga kaibigan nito.
"Kuya hindi sila naniniwala na balang araw ay magiging hipag ko si ate Rocky." Ano bang kalokohan ang chinichismis ng kapatid ko?
"Hindi ba isa siyang racer kuya Caleb?“ Tanong ng kaibigan ni Crissa at tumango naman ako.
"Alam niyo bang sikat na sikat siya ang bansag sakanya The Queen of MotoRacing dahil sa sobrang galing nito sa pagkakarera." Sabi pa ng isa saka ako ngumiti habang patango tango.
"O siya kumain muna kayo at mamaya ipapakilala siya sainyo ni Crissa." Ngumiti naman ang mga ito na excited makilala si Rocky.
Bumalik ako kung saan ko iniwan si Rocky at nagpatuloy na sa pagkain, hindi naman ito nagtanong at mukhang seryoso ito.
Inaya ko ito sa labas dahil mainit na sa loob ng bahay at para makilala nito ang mga kaibigan ni Crissa. Iniwan ko muna ito roon saka ko pinuntahan si Achilles at si Randy.
"Bakit hindi mo man lang kami pinakilala sa boss mo insan." Itinuro nito si Rocky sa kinaroroonan nila Crissa.
"Ipapakilala ko siya sainyo pagnaging girlfriend ko na siya." Tumawa lang ang dalawa sa sinabi ko.
"Ang tanong, nanliligaw ka na ba?" Napahinto naman ako sa tanong ni Achilles? Paano ko nga ba ito magiging nobya kung hindi naman ako nanliligaw.
"See? Paano mo magiging girlfriend ang boss mo kung hindi ka naman nanliligaw bro." May punto nga ang kaibigan ko.
"Napakatorpe mo kasi insan, ganyan ka rin dati kay Julia." Siniko ko naman ang pinsan ko, si Julia ang una at huli kong naging nobya kung hindi pa dahil sa pinsan kong si Randy ay hindi ko ito magiging nobya.
Napalingon ako sa kinaroonan nila Rocky at nagtungo ako roon nang mapansin ko itong tahimik at seryoso ang mukha.
"May problema ba Rocky?" Tanong ko, lumingon naman ito saka umiling ngunit pakiramdam ko ay mayroon itong malalim na iniisip.
"Wala naman Caleb, tara na umuwi na tayo at baka gabihin pa tayo sa daan." Tumango naman ako kaagad at sinabi ko sa kapatid ko na aalis na kami.
"Salamat ate Rocky sa pagpunta mo rito at sa regalo balik po kayo bukas a." Lumingon pa sa akin si Crissa saka ito kumindat, ano bang ginagawa ng kapatid ko?
"I'm sorry Crissa pero mayroon akong business trip bukas.“ Tumango naman ako dahil tungkol iyon sa outing namin bukas.
"Ganun ba ate Rocky akala ko makakabalik ka bukas kasi birthday ni.." Mabilis akong sumabat sa usapan dahil ayaw kong banggitin nito na birthday ko sa susunod na araw.
"May business trip si Rocky bukas Crissa at kasama naman ako kaya pag balik namin dito kami dideretso." Sagot ko naman saka kumunot ang nuo ni Rocky na tila ba nagtataka sa pinag-usapan namin.
"Sino bang may birthday? Si Chelsea ba o si Christopher?“ Umiling lang ako ngunit nakakunot pa rin ang nuo nito.
"Wala, walang may birthday. Sige na Crissa aalis na kami at baka magabihan pa kami sa daan maaga pa ang alis namin bukas." Nagpaalaam na ang mga kapatid ko sa amin, tumingin din ako kina Achilles at Randy saka naman tumango ang mga ito.
Sumakay na kami pareho ni Rocky sa kotse, sa biyahe namin ay tahimik lang kami pareho napansin ko na binuksan nito ang music sa kotse marahil ay naiilang ito sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
Napansin ko ang pagngiti nito habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Ayos ka lang ba Rocky? Anong iniisip mo?" Lumingon naman ito sa akin na pigil ang pangiti nito ngunit mapapansin sa mga mata nito na nakangiti pa rin ito.
"Wala Caleb mayroon lang akong naalala." Ibinaling nitong muli ang pag tingin sa harapan, sa bawat pagsulyap ko rito ay ang pagngiti nito habang hawak nito ang kanyang labi.
"Naaalala? Anong naalala mo? Teka Rocky baka kung ano na iyang nasa isip mo a." Tinapik nito ang braso ko saka napatawa dahil sa sinabi ko. Ano bang mayroon Rocky at nakangiti ka? Itigil mo na iyan dahil lalo lang akong nahuhulog sa iyo. Ano bang iniisip mo?
"Hoy Caleb ang dumi ng isip mo at mali ang nasa isip mo." Tumawa rin ako dahil sa sagot nito saka ako mapatingin dito at nagtama ang aming mga mata ngunit mabilis nito iyon na inalis na tila ba umiiwas sa mga mata ko.
"Sa daan ka tumingin at baka madisgrasya tayo." Dugtong pa nito, naalala ko naman ang pag halik ko sa kanyang pisngi kagabi, hindi kaya iyon ang dahilan ng pagngiti nito?
"Iyong kiss kagabi." Sabi ko kahit na halos mautal utal ako sa pagbanggit ng salitang iyon.
"Ha?" Mahina ba ang pagkakasabi ko? Ayaw ko na sanang ulitin pa ngunit nakatingin ito sa akin.
"Ang sabi ko hindi ako nagsisisi dahil sa paghalik ko sa pisngi mo kagabi." Hindi ako lumingon at diretso lang ako sa pagmamaneho halos manginig na nga ang tuhod ko.
"A iyon ba? Normal lang naman iyon Caleb, si Wilson nga araw araw akong hinahalikan sa pisngi pero wala naman malisya." Napatingin ako sakanya ngunit abala itong nakatingin sa bintana, Walang malisya? Normal lang? Napalunok ako ng aking laway, ilang beses ko na ngang nakita na hinalikan ito ni Wilson sa pisngi. Masyado lang ba akong assuming na iisipin ni Rocky na mayroon malisya iyon?
"Oo nga, alam ko good night kiss lang naman iyon at isa pa Rocky hindi ba't sinabi ko na sa iyo na hindi kita type noong nasa foundation tayo. " Lumingon ito sa akin saka naman ako ngumiti, tumango ito at muling bumaling sa labas ng bintana at napangiwi naman ako dahil sa sinabi ko.
Hindi na ito muling umimik pa hanggang sa makarating kami sa bahay, mabilis akong bumaba ng kotse saka ito pinagbuksan ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
Napahampas pa ako sa kotse habang iniisip ang sinabi ko kay Rocky, ilan beses ko ba dapat sabihin na hindi ko siya type? Baka imbes na magustuhan niya ako ay lumayo lang ang loob nito sa akin.
Nagsimula na akong naglakad patungo sa aming silid nang makasalubong ko si manang sa labas ng kusina, nakahalukipkip pa itong nakangiti sa akin.
"Madalas yata ang paglabas labas ninyo ni Rocky, ha anak?" Pumasok naman ako sa loob ng kusina upang uminum ng tubig.
"Sinama ko lang po siya sa San Luis manang, hindi ba't nagpaalam po ako sainyo kanina?" Kinuha ko ang baso saka nagsalin ng tubig. Tumango naman ito saka umupo sa harapan ko.
"Anak Caleb, umamin ka nga sa akin mayroon ka bang gusto kay Rocky?" Nakangiting tanong nito sabay ang pagpasok ni mang Kanor.
"Mukhang seryoso yata ang usapan ninyong dalawa." Inagaw nito ang baso ko saka nagsalin din ng tubig at ininum iyon.
"Tinatanong ko lang itong si Caleb kung mayroon ba siyang gusto kay Rocky dahil napapansin ko na madalas ang paglabas nilang dalawa." Lumunok naman ako ng laway dahil sa lakas ng boses ni manang at baka marinig ito ni Ronald.
"Bakit mo pa ba kasi tatanungin ason e halatang halata naman na mayroon gusto itong si Caleb kay Rocky." Mas lalo pa akong napalunok ng laway dahil sa narinig ko, ganoon na ba ako kahalata?
"Teka sandali manang, mang Kanor baka mayroon naman makarinig sa sinasabi ninyo." Napakamot pa ako ng ulo habang papalapit sa kanila, napalingon naman sila pareho sa akin habang nakataas ang pareho nilang kilay.
"A baka kasi marinig ni ronald." Dugtong ko pa.
"Ano naman ngayon kung marinig ni Ronald? Ang sabihin mo baka marinig ni Rocky." Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko, pwede bang pareho? Ayaw kong marinig nilang pareho at baka magbago ang pakikitungo nila sa akin.
"Alam mo Caleb, ayos lang naman magkagusto ka sa boss mo, kay Rocky. Wala naman malisya doon, alam mo ba kung ano ang hindi tama?" Saad ni mang Kanor at seryoso naman akong nakikinig.
"E iyong hindi mo sabihin kay rocky na may gusto ka sakanya o baka naman mahal mo na at sa bandang huli magsisi ka na lang dahil hindi mo nasabi sakanya." Hindi kaagad ako nakasagot, nasa hot seat ba ako? Ano bang klaseng tanong ito? Bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Kung hindi ka pa handa na magkwento sa amin anak, wala naman problema basta nandito lang kami palagi ni Kanor palagi mong tatandaan na kami ang ina at ama mo rito at ikaw ang aming anak." Lumapit sa akin si manang at niyakap ako habang si mang Kanor naman ay tinatapik ang balikat ko.
"Ang totoo po niyan manang, mang kanor gustong gusto ko po si Rocky matagal na(ngumiti ako) hindi ko po alam kung kailan nagsimula basta bigla nalang, isang araw ayon na gusto ko na siya." Huminga pa ako nang malalim bago nagpatuloy.
"At sa tingin ko po mahal ko na siya, mahal ko po si Rocky." Dugtong ko, tumawa lang ang dalawa na tila ba inaasahan na ang isasagot ko. Hindi ko alam na nahahalata na pala nila ang kinikilos ko.
Hindi na maipagkakaila na anak na ang turing sa akin ni manang at mang Kanor dahil alam na alam nila ang nararamdaman at ang ibig sabihin ng mga kinikilos ko.
Nagtungo na ako sa aking silid habang si manang at mang Kanor naman ay naiwan sa kusina, masaya ako dahil nailabas ko rin sa wakas ang itinatago ng puso ko.
Bukas na bukas ay sasabihin ko na kay Rocky ang nararamdaman ko at wala na akong pakialam kung mabasted man ako. Katulad nga ng sinabi ni mang Kanor na mas maganda kung masabi ko ang nararamdaman ko kesa iyong ilihim ko ito at magsisi ako sa huli.
Maaga akong ginising ni manang dahil kailangan ko pa itong tulungan sa paghahanda ng almusal para sa mga staff ni Rocky.
Isa isa ng nagsidatingan ang mga ito, inaya ko naman sina Kevin, Martin, Denise at Larraine sa sala upang doon na lamang hintayin si Rocky.
Sumunod naman na dumating si Wilson kasama si Tonet at Farrah.
Napansin ko naman ang pagbaba ni Ronald sa hagdan mukhang maaga itong nagising upang makita ang makakasama ni Rocky sa bakasyon nito.
Nagulat ako nang yakapin nito si Farrah at halikan sa pisngi marahil ay sobrang close rin ng mga ito.
Iniwan ko na muna sila at muling tinulungan si manang sa paghahanda ng almusal sa lamesa, sinundan naman ako ni Kevin at ni Martin.
"Tagal mo ng hindi nagpupunta ng shop bro." Nakipagfist bumb ito sa akin at tinapik naman ni Martin ang balikat ko.
"Ang tagal na nga, palage kasi ako sa San Luis." Sagot ko naman. Umupo ang dalawa sa kusina at nakipagkwentuhan sa akin, naging kasundo ko ang mga ito simula ng hinahatid ko si Rocky sa kanyang shop. Madalas ko rin tulungan ang mga ito sa pagkukumpuni ng motor at palagi ang kantiyaw sa akin ni Kevin na mag-apply na lang ako bilang mekaniko ni Rocky sa shop.
"Kumusta pala ang deal ninyo?" Bulong ni Kevin, tumawa naman ako dahil naalala pa nito ang tungkol roon.
"Maayos naman, mukhang napuputol ko na ang sungay ng boss ninyo." Tumawa ito saka tumango tango.
Bumalik na ang dalawa sa sala nang marinig nila ang boses ni Rocky, nanatili naman ako sa may kusina habang tinutulungan si manang.
Niyaya na ni manang ang mga ito na kumain ng almusal, hindi na ako nakisabay sakanila dahil kanina pa ako tinitignan ni Wilson ng masama at saka nag-almusal na rin naman na ako.
Nang matapos ang mga ito na kumain ay nagsipuntahan na kami sa garahe, bitbit ko na ang maleta ni Rocky nang bigla itong agawin ni Kevin.
"Ako na rito." Tumawa pa ito habang mabilis na naglalakad.
Nagsimula na ang mga ito na sumakay sa kani kanilang mga sasakyan at ganoon din ako. Nakasakay na kami pareho ni Rocky sa kotse nito nang biglang katukin ni Wilson ang bintana ng kotse.
Ibinaba naman iyon ni Rocky, narinig ko na sinabi ni Wilson na sakanya na sumakay si Rocky at palit na lamang sila ni Tonet. Hindi sana ako papayag dahil kotse naman ito ni Rocky ngunit bumaba si Rocky at sinabi pa nito na walang problema.
Napailing naman ako nang makapasok na si Tonet sa loob ng kotse.
"Kasama na naman ba ito sa trip mo Tonet? Nakipagpalitan ka kay Rocky para pagselosin siya?" Lumingon ito sa akin habang nakakunot ang nuo.
"Wala naman ito sa plano ko, akala ko ang sasabihin niya tatlo na lang tayo dito sa kotse niya hindi ko naman alam na lilipat siya sa kotse ni Wilson." Ibinagsak nito ang hawak nitong telepono sakanyang harapan.
"Sa tingin ko nagselos siya, tatawagan ko na lang siya." Dugtong pa nito saka naman ako napailing, nagseselos nga ba si Rocky? Mayroon ba siyang gusto sa iyo?
"Sh*t! Naka-off ang phone niya." Muli nitong inihagis ang telepono nito, Wala kami pareho sa mood ni Tonet. Ano ba kasing problema mo at kailangan mo pang pagselosin si Rocky?
Nakakainis lang dahil magkasama na naman si Rocky at si Wilson, pahamak lang talaga itong si Tonet kung kailan ako magtatapat kay Rocky ay saka naman ito humahadlang.
Tahimik lang ito sa loob ng kotse habang abala sa pagkakalikot ng kanyang telepono habang nakakunot pa ang nuo nito. Kung ako lang ang tatanungin ay ayaw ko rin itong makasama sa loob ng kotse.
Dahil bukod sa pagtatanung nito tungkol kay Rocky, ay nagpaplano rin ito kung paano nito ito mapagseselos, gayun pa man ay nakikisakay na rin ako dahil malaki ang utang na loob ko rito.