February 14
Wednesday, January 2, 2019.
To my babe,
Hi Babe how are you there? I hope u doing well. Dito ko nalang isinulat ang message ko sayo, pakiramdam ko kasi hindi mo din papansinin ang message ko. Nahihiya din ako, I don't have the courage to send this to to you through text, masyado akong pinanghihina sa status natin ngayon. You know, it’s complicated. Btw. Happy monthsary babe. Sana ok ka lang, sana masaya ka diyan, sana wala kang sakit dahil wala pa naman ako diyan para alagaan ka, sana inaalagaan mo ang sarili mo, sana nakakakain ka ng maayos, sana maayos ang tulog mo, sana ok din ang paggising mo, sana ok ka lagi, sana naaalala mo din ako, but I don’t think so :(… sa nakikita ko kasi alam kong hindi, wala ka nang paramdam, wala na din akong balita sayo, but I’m always praying for you to be always in a good condition.
Babe, I miss you so much :(. Wala atang araw na hindi kita naaalala. I don't want to be swallowed by my sadness, pain and hatred for you. I know in myself that I can handle the pain, so don't mind me, kung sakaling masaktan man ako sa desisyon mo, tatanggapin ko yun. Kesa naman sa makita kitang nahihirapan. Mas masakit lang din para sa akin na hinihintay mo nalang na ako ang makipagbreak sayo, because you know I can't do that kasi mahal kita, and I will always keep on holding to all my promises to you.
Pero…Kung kaylangan ko magparaya para hindi ka na mahirapan dahil alam kong hindi ka na masaya, gagawin ko maging masaya ka lang ulit. I want to fight for you, I want to feel your love again, I want to start again with you no matter how hard it is for me. Pero…para saan pa? Sa kabila ng kagustuhan mong palayain kita, sa huli ay mahihirapan ka lang, mahihirapan lang tayong dalawa.
Wala na sa akin ang desisyon babe. Kasi ako, kaya kong magpatuloy kung ikaw ang kasama. But then love is about sacrifices, loving you with a chain is not love at all. Ayaw ko na ikulong ka sa pagmamahal na ako lang ang may gusto. Kaya kahit na sobrang sakit nito para sa akin, tatanggapin ko maging masaya kalang ulit. I am still so thankful to you for being my friend, for being always there when I needed someone to talk to, for making me happy even in a short span of time. I then realize a lot of things, I learned a lot from you, from all the experiences we shared, from all the pain, regrets, and heartaches. The memories I have with you will always remain in my heart. You will always have a special place in my heart, Red. Just remember, na may isang tao na minsan ng nagmahal sa’yo, at kung sakaling dumating ang araw na iyon… ay maalala mo sana ako.
From your baby babe, Belle.
I closed my Diary while listening to a love song playing on my play list. Inayos ko ang nahuhulog na earphone ko. I was sitting on a bench, feeling overwhelmed while re-reading what I have wrote when I was still so heartbroken with my first love. Sa tuwing binabasa ko ito, ay pakiradam ko ay sobrang mahal na mahal ko siya at sa totoo lang ay hindi iyon tama na maramdaman sa murang edad. Hindi ko akalain na nagawa ko iyong isulat. Hindi ko akalain na may ganuon pala akong nararamdaman, hindi ko na kasi iyon maramdaman ngayon.
Pinagmasdan ko ang iilang estudyante sa dulo na nagsisigawan pagkatapos bigyan ng bouquet ng isang senior year and isang junior student. Today is February 14, 2019. It’s Valentine’s Day but then I cannot feel the happiness. Yinuko ko ang hawak na Diary. I wrote this letter the day when I feel his coldness. The day I felt like he wanted to leave and broke up with me, the day when he suddenly said those words that made my heart so broken...
From: Babe
Ahm. Masaya ka pa ba?
To: Babe
Bakit mo natanong?
From: Babe
Kasi ako hindi na.
It was sent through texts and I can’t believe he said that! Para akong binagsakan ng araw na iyon, hindi ko halos mapangalan ang pakiramdam. Ni hindi man lang kami umabot ng Valentine’s Day. Pakiramdam ko tuloy ay pina-ibig niya lang ako, at pinaglaruan bago tuluyang sinaktan.
That day, I couldn't tell him how I felt so I poured all the pain I felt for him through that letter. Maikling panahon lamang ang aming pinagsamahan, pero seryoso ako sa nararamdaman ko kahit na para sa akin, ay hindi niya iyon sineryoso.
Feeling ko awang awa ako sa sarili ko noon. Halos pagsisihan ko na sinagot ko siya, na hinayaan ko siyang mapalapit sa akin. Akala ko… gusto niya lang makipag break dahil may nagawa akong masama or dahil biglang nawala ang spark at ang nararamdaman niya para sa akin, hindi ko alam na… may iba na pala.
“Belle, kayo na ni Alisha ang susunod. Pinapatawag ka na.” Aniya ni Ate V.
I smiled sparingly and stood up then put my old Diary back in my bag. I have a plan on burning it, I don’t have plans on letting him know about it. It will be useless since he’s happy now and I don’t want to ruin it. It’s like an old part of my memory now, of my teenage years, that I got to experience being broken and got to survived on my first heart break. Dahil hindi naman lahat ay kaylangan sabihin. Though, may isang tao parin namang nakakaalam ng nararamdaman ko. He’s up there, watching me.
Naglakad ako para daanan ang basketball court. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad at ang mga studyante ay nakatayo sa harapan ng basketball court para makinig sa isang spoken poetry. Nasa pinaka likod ako at nasa gilid na ng court, naglalakad, kaya lang ay natigilan ako ng marinig ang boses ni Alisha.
“Ang tulang ito ay para sa isang kaibigan. Actually, I already prepare a poem and it took me weeks to finish it, though last night, I…changed my mind. I decided to write a new poem to convey everything that I wanted to say to a special friend of mine, and I just wrote it last night. I hope you all like it.” Aniya habang nakatayo sa harapan ng stage at nasa likod niya ang banda. At dahil nasa gilid ako naglalakad kung saan walang mga tao, ay kitang kita niya ako.
Tiningnan niya ako ng isang beses at binalingan ang hawak niyang papel.
“Ang pamagat…Kaibigan.” Aniya at tumingin sa kanyang harapan bago nagsalita, habang tinutogtog naman ng banda ang isang instrumentong hindi pamilyar sa akin.
“Para ito sa taong masyado kong pinahalagahan. Yung tipong magkapatid ang turingan, yung parehong nangakong walang iwanan…” Panimula niya sa tula.
Umawang ang labi ko sa unang sinabi niya at tuluyan na akong natigil sa kinatatayuan ko.
“Pero bakit ngayon unti-unti ng nakakalimutan? Siya kasi yung taong nandiyan lagi para sayo. Yung kahit saan pumunta, go lang ng go, yung kaunting bagay lang nagtatawanan kayo pareho, kasi diyan kayo nagkakasundo.” Bumuntong hininga siya at nagpatuloy. “Pero nagkaton na ramdam kong masaya kana sa iba. Wala akong karapatan na magselos sayo diba?”
Narinig ko ang hiyawan ng mga manunuod na para bang apektado din sila o nakaka-relate sa sinasabi ni Alsiha.
“Kaibigan mo lang ako, kaibigan mo siya, kaya siguro kaylangan kong lumayo-layo na muna.” Aniya at sinulyapan ako ng isang beses na muli namang nagpa-ugong sa mga audience niya sa harapan. I looked at her in tears. She averted her eyes and continued. “Dahil naiinis ako sa tuwing magkasama kayong dalawa. Naiinis ako kapag dinedepensahan ka niya, Naiinis ako kapag kinakausap niyo ang isa’t isa. Naiinis ako sa sarili ko na… habang nililigawan ka niya ay nahuhulog din ako sa kanya…”
“Woah!” Aniya ng mga manunuod sa ibinulgar niya.
“Ibahin ko ang istorya, yung ngayon na makasama na kayong dalawa. Yung masaya ka kapag ako ang kasama, pero mas masaya ka kung siya na.” Aniya at tiningnan ako na inilingan ko naman, dahil para sa akin ay hindi iyon totoo. “Yung masaya siya kapag ako ang kasama, pero mas masaya siya kapag ikaw na.” Aniya at binalingan ang taong nakatayo sa kabilang dulo ng court kung saan nakita ko si Nate na nakatayo habang nakatingin sa kanya at nakakunot ang noo. “Yung dating ako ang ‘yong kausap pag may problema ka, ngayon wala na ni isa akong alam sa eksena.” Aniya at bumalik ang tingin sa akin.
Nakagat ko ang labi sa sinabi niya. Dahil alam ko sa sarili ko na may punto siya.
“Nakakatampong isipin, dahil dumating lang siya, kinalimutan mo na ako. Dumating ka lang sa buhay niya, binalewala niya na ako, dahil lang sa gusto ko siya at gusto ka niya.” Umiling siya at natawa ng bahagya na muling nagpaingay sa mga audience. “Aminin natin, gusto ko siya para sa akin, pero mas mahalaga ang pagkakaibigan natin. Aminin natin, nandyan yong iba para sa akin, pero iba parin yung kasiyahang atin.” Aniya at nag-angat ng tingin sa akin. “Yung kahit hinuhusgahang luna mystika kung tawagin, pero hindi nagpapadala sa sabi-sabi dahil mas mahaga ang kaisipang nasa atin.”
Kusang tumulo ang luha sa pisnge ko sa sinabi niya.
Ngumiti siya. “Salamat pala sa lahat ng naitulong mo, salamat sa oras na inilaan mo, salamat sa tiwala at pagmamahal na ibinigay mo, pero patawarin mo ako sa pag-iwas ko sa’yo, sa pagseselos na siya na ang kasama mo na dati’y ako. Patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko, at sa pagseselos na ikaw ang gusto niya at hindi ako… at patawarin niyo ako na hindi ako masaya… na masaya kayong pareho.” Aniya, muli ay sumigaw ang mga audience at natigil naman siya ng ilang saglit at nangunot ang noo para pigilan ang sariling emosyon. “Sana maunawaan mo.” Umiling siya at binalingan si Nate sa kabilang dulo ng court. “Niyo.” Pagdidiinan niya. “Ang nararamdaman ko.”
Aniya at tumingin sa akin. Tumango naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. “Patawarin niyo sana ako dahil ginulo ko kayo pareho.” She said and tearfully looked at me and turned to Nate. I shook my head there.
“Hindi ibig-sabihin na isusuko ko na ang pagkakaibigan nating dalawa,” Aniya at binalingan ako. “Dalawang simpleng taong magkaibigan kung baga. Magkahiwalay man pareho hindi maiiwasan na mamiss ang isa’t isa, kasi ganun ang turingan ng magtropa, diba?” She asked while looking at me and I nodded tearfully. Again, she sighed.
“Kaylangan ko nang wakasan ang tulang ito, pero wag kang mag-alala nandito lang ako. Kaibigang nagmamahal at tapat sa’yo…” Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako. Ibinaba niya ang hawak na papel. “Lagi mo lang tatandaan na may isang taong totoo sa’yo… na ang pangalan niya’y…Alisha.”
Nakagat niya ang labi at kumunod ang noo ng tumulo ang isang luha niya sa pisnge na mabilis naman niyang pinunasan kasabay ng pagpalakpakan ng mga audience. Mabilis akong naglakad ng walang pag-aalinlangan siyang bumaba ng stage at sinalubong ako ng yakap.
Narinig ko ang pagsinghap ng iilan at ang bulungan pero karamihan sa kanila ay nagpalakpakan. I ignored that. I don’t care what anyone else says. I just want to hug my friend and comfort her.
“I’m sorry.” Sambit ko habang naluluhang tiningnan siya, pero umiling lang siya ng humiwalay sa yakap ko.
“Okay lang. Sorry din.” Aniya.
“Ang susunod na kalahok ay si Ms. Bellephine Dannice Alvarina ng Grade 12 STEM student.” Pahayag ng emcee namin.
“Kinakabahan ako.” Sambit ko ng mapagtanto na ako na ang susunod.
“Kaya mo yan. Galingan mo, manunuod ako.” Aniya at nginisian ako. “Nandiyan pa naman si Nate.” Dagdag dahilan ng pagkunot ng noo ko. Umiling siya at natawa. “Joke lang.”
Umiling ako at tumaas ang dalawang kilay saka napabuga ng hininga. Pumalkakpak ang ibang mga audience and iba sa kanila ay nanatiling nagbubulong bulungan. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang hawak kong papel.
“Muli, magandang umaga po sa inyong lahat. Narito ako sa inyong harapan upang ipahayag ang tulang aking ginawa…” Paunang sambit ko sa salitang Filipino at suminghap. “Ang tulang ito ay para sa mga taong nasaktan at nabigo sa pag-ibig.” Napabuntong hininga ako. “Ang pamagat ng tulang ito ay pinamagatang kong… Malaya ka na.”
I sighed again and glanced at Alisha who gave me a thumbs-up.
“Sa loob ng maikling panahaon hindi ko lubos maintindihan, kung pano ta’yo nagkalapit ng lubusan. Higit pa sa kaibigan ang turingan.” I bit my lip and glanced at the audience before continuing. “Sa hindi inaasahang pagkakataon ako ay iyong tinanong… ‘Ako na ba iyang nasa puso mo o siya na dating minahal mo?”
Aaminin ko, hindi si Red ang unang nagustuhan ko. May iba akong nagustuhan noon kaya hindi ko siya masyadong pinapansin. Pero dahil papansin siya, talagang napansin ko nga, at nabaling din sa kanya ang pagkakagusto ko.
“Aking tinig nagbigay pag-asa, matamis kong oo ay nasa’yo na. Nagdala ng ngiti sa’yong labi, pag-aalala mo’y unti-unting napawi.” Aniya ko na nakapag paingay sa mga audience. Tipid akong ngumiti at nagpatuloy. “Ngunit takdang oras ay dumating na, yung tayo noon ay wala na. Inakalang pangmatagalan kung baga ay siyang panandalian lang pala.” Sambit ko at nangunot ang noo. “Nilaan kong effort para sa’yo, lahat ng ‘yun ay hindi sapat sa’yo. Maging pagmamahal ko ay binalewala mo, dahilan para magalit ako.” Sambit ko at nag-angat ng tingin. This time ay nakita ko si Red nakatayo sa dulo kasama ang kanyang girlfriend. Umiwas ako ng tingin at napalunok. Hindi ko alam na naruon sila sa mga audience at nanunuod at mukhang kanina pa sila nanduon. “Sumablay ata ako dun sa isa, hindi ka nakuntento’t naghanap ng iba.” Sambit ko at binalingan ang girlfriend niya na nakaawang ang labi. Umingay naman ang audience.
Napakurap ako at nagpatuloy. “Nagbago na pala ang iyong gusto, Siya na pala at hindi na ako.” Dagdag ko habang nakatingin sa kanya at nilipat sa girlfirned niya.
“Woah!” Sigaw ng mga audience.
“Ouch! Ang sakit naman niyan!” A female student shouted.
“Tagos hanggang kaluluwa!” Another man shouted.
“Nasaan na ang pangako mo? Hanggang dito nalang ba tayo? Sino na ba ako sa buhay mo? Bakit mo ako ginaganito?” Kunwaring naiiyak na sambit ko pero sa totoo lang ay nadadala na talaga ako kaya medyo namuo ang luha sa mga mata ko. “Ubos na ang pasensya ko, hindi na ikaw ‘to…. Babe, asan ka na ba? Si Babe mo ay narito na.” sambit ko ng maalala na ilang beses siyang hindi sumipot sa usapan namin at ilang beses niya akong pinaghintay sa tagpuan namin noon.
I bit my lip and frowned. “Hindi ko lubos maintindihan and sakit sa pakiramdam, ni hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan.” Sambit ko ng maalala kong ilang beses na nagsumbong sa akin ang mga kakalse ko na may iba siyang gusto at nakita nila na may kasama siyang iba. “Nais kong sabihin mo nang maliwanagan naman ako. Baka sakaling maintindihan ko, puot sa puso ko’y maglaho.” I shook my head a few times and looked up at the audience “Wala naman tayong pinag-awayan, wala maging pinagtalunan, ni wala kahit na ano, ngunit bakit tayo nagkaganito?” I asked and glanced at him. Natigilan nga lang ako ng madaanan ng tingin ko ang isang taong hindi ko inaasahan na manunuod ngayon.
Si Ali, nakahalukipkip habang nakahilig sa kanyang sasakyan na nakapark mismo sa may court kung saan nakapark din ang iba pang sasakyan at motor. Kaylan pa siya nariyan? Umiling ako at binaliwala siya saka nagpatuloy.
Napalunok ako. “Ang pagdadaanan nating magkasama, lahat ay dinanas kong mag-isa. Kung saan kailangang kailangan kita, duon mo ko binitawan diba?” sambit ko nung mga araw nagkaproblema kami sa pera, mama left, Alisha and Daddy and I had a fight the past week. If he was there, I would have someone to lean on or even talk to.
“Kahit sa pagtulog ko hindi ka mawala sa isip ko, na hanggang sa pagbangon ko dala ko yung sakit. Gusto kong ipaglaban ka, ngunit para saan pa? Sa kabilang ng kagustuhan mong palayain ka sa huli ay pahihirapan lang kita.” I said and looked up at Red. I looked at him sadly while his eyes were red. “Ramdam kong hindi ka na masaya sa pagsasamahan nating dalawa. Ayaw na kitang pahirapan pa, Kalayaan para sayo’y ibibigay ko na.”
“Aww…” The audience roared again.
Nakagat ko ang labi at napalunok ako bago muling nagsalita. “Ang sakit-sakit na, talagang nakakapagod na, kaya heto na…” I sighed heavily bago nagpatuloy “Babe, Malaya ka na.” sambit ko habang nakatitig sa kanya.
Napakurap ako at umiwas ng tingin ng marinig ang palakpakan at hiyawan ng mga audience. Tumingin ako sa kanila at tipid na ngumiti. “Maraming salamat po sa pakikinig.” Aniya ko at bahagyang yumuko sa kanila. Muli ay nagpalakpakan sila.
Sinalubong ako ng yakap ni Alisha. “Hanggyang ngayon ba naman?” Napapailing na sambit niya. “Hayst, tama na nga yang kahibangan nating dalawa. Mag move-on na tayo. End of the story.”
Natawa ako sa sinabi niya at napailing din.
"I saw Ali, I don't know why he's here." Sambit ko.
“Huh? Saan?” nagugulat din na aniya. Hindi niya siguro nakita kanina. Pero nang ikalat niya ang mga mata sa audience ay agad niya iyong nakita. “Oo nga noh? Ano kayang ginagawa niyan dito.” Aniya at biglang umismid. “Tss. Nakatingin sa’yo ex mo.” Reklamo niya. “Tara na nga!” Aniya at hinila ako pero agad kaming sinalubong ng mga kaklase.
“Kayo ah, kaya pala. Agaw atensyon kayong dalawa ah…” Makahulugang sambit ng bakla naming kaklase. “May gusto ka kay Nate.” Dagdag niya, siniko naman siya ng katabi. Napailing ang bakla at tiningnan ako. “Ganda mo girl. Sayang, ang daming nagkakagusto sa’yo pero hindi ka naman gusto ng taong gusto mo. Tsk tsk. How sad.”
Masama ko naman siyang tiningnan.
“Biro lang pero … totoo naman yun ah.” Nakakunot na aniya.
“Tama na nga. Tumigil kana.” Banta ni Alisha sa kanya na nginiwian naman ni bakla.
I looked around for Ali but I could no longer find him. He was no longer there in his car, but his car was still there. Bumalik naman kaming lahat ng mga kaklase ko sa classroom dahil medyo mainit na.
“Hindi mo sa akin sinabi na nag-resign ka sa book café. Hindi ka pinayagan ni Tito?” Aniya ni Alisha habang nakatapat sa amin ang electric fan at umupo siya sa tabi ko.
I shook my head. “Sinabi sa’yo ni Manager?”
Umiling siya. "Nate told me." Aniya. “Kaya medyo nagtampo ako sa’yo ng malaman sa kanya ‘yon.” Napabuntong hininga siya. “Belle, kaibigan mo ako, pwede mong sabihin sa akin ang problema mo.”
"I know, I can't get close to you because it's kind of awkward." Pag-amin ko. “At hindi ko alam na nagtatampo ka dahil diyan.” Nakangising sambit ko.
Umismid siya. “Napansin ko na yan simula ng maging malapit kayo ni Nate. Akala ko nagseselos lang ako dahil siya na ang madalas na kasama mo even when you went home, at sa kanya mo unang sinasabi ang problema mo. Pero nagseselos din pala ako because apart from being insecure with you, Nate also likes you, I'm jealous every time I saw you two together.”
“Sorry.” Malungkot na sambit ko.
“Ba’t ka naman nag-so-sorry. Hindi mo naman kasalanan.” Aniya.
“At hindi mo rin kasalanan na gusto mo siya, kaya bakit ka din nag-so-sorry sa akin?” tanong ko na nginusuan niya naman.
"Because I feel like I'm betraying you."
I shook my head at what she said. “You’re not, Alisha. Besides, I don't like Nate, he’s not courting me, and we are not in a relationship.”
Ngumiwi siya. “Kahit na.” Aniya. Napailing naman ako.
“At puwede ba. Huwag ka ngang ma-insecure sa akin. You’re looking down on yourself. You’re beautiful, smart, and kind so don't underestimate your qualities.”
"Hindi ko maiwasang maramdaman Belle." Aniya.
"Hindi talaga maiiwasan. But please...don't allow your insecurities destroy all that is beautiful in you." Makahulugang sambit ko na nakapagpatahimik sa kanya. "You know I like you just the way you are." Sambit ko. Ngumuso siya at madrama akong tiningnan.
Nangunot ang noo ko sa reaksyon niya at nagpatuloy. "At some point of our lives we might think less of ourself, that we lack of something. Pero sino ba ang perpekto sa mundo? Wala naman diba? So, it's normal, the only thing we can do is to live our life based on our capabilities. You don't have to compare yourself to me. Human born equally, we all have strength and weaknesses, flaws and all. Just.... "umiling ako ng ilang beses. "Be you... That's all that matters." Pagtatapos ko.
Bumuntong hininga siya ng malalim at tinanguan ako. “Sorry… and thank you for being here.”
Ngumiti ako at tumango. “Anytime.”