Sometimes, it’s okay not to be okay
Today is our graduation pictorial though I look horrible. My eyes are swollen because of crying last night. I am also not feeling well because of lack of sleep. I think I have a fever and a sore throat maybe because I took a while outside last night before finally entering our house because of crying.
“Belle, are you okay?” one of my female classmates asked but I just silently nodded at her. “Sigurado ka? Ang putla mo.” Aniya.
“Okay lang ako.” Sagot ko.
“Nag-away ba kayo ni Alisha? Bakit hindi kayo nagpapansinan?” Dagdag tanong niya at sinulyapan si Alisha sa malayo na nag-aayos ng buhok habang nakatingin sa malaking salamin na nakasabit sa dingding ng classroom namin.
“I don’t know but I think we need space.” Aniya ko at napabuntong hininga.
Ngumuso naman siya at umiling saka pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Everyone at the back of our classroom is busy fixing themselves while the pictorial equipment is set up in front. I don’t even know why the pictorial came earlier than our exam. Maybe because it will take a lot of time to make a year book. Tumingin ako sa kaliwa ko. Nanduon si Red at nagtama ang mga mata namin, umiwas ako ng tingin at pinagmasdan nalang ang mga kaklase na nag-aayos ng sarili.
Naisipan ko na lumabas nalang muna para bumili ng yelo at matakpan ang namamaga kong mata. Nakabili ako sa canteen namin lalo pa’t nagtitinda sila ng palamig. I wrapped my white towel on the ice water and covered my eyes with it. That’s what I did while walking back to our classroom. Ilang beses kong nakita na pinagtitinginan ako ng studyante siguro dahil sa ginagawa ko. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.
“Ate Belle, anong nangyari diyan?” tanong ng isang studyante na kilala ko.
“Wala, namamga lang ng konti ang mata ko kaya tinakpan ko ng yelo.” Aniya ko.
Nangunot ang noo niya pero agad din siyang umalis ng tumingin sa likod ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita si Nate.
“Nate.” Sambit ko at ibinaba ang hawak na yelo.
"What happened to you?" He asked while frowning.
“My eyes are a bit swollen so.” Nagkibit balikat ako. “I'm fine though."
“Bakit?” tanong niya pero umiling ako saka tinakpan ang mata ko.
“Bakit nga?” Tanong niyang muli at nilapitan ako saka hinawi ang kamay ko saka tinitigan ang mga mata ko.
I averted my eyes. “I cried hard last night. Daddy and I had a fight. He wants me to leave the café.” I said weakly.
“Hindi siya pumayag?” tanong niya na inilingan ko. Bumuntong hininga naman siya. “Want me to talk to him?”
“Bakit? You think he will change his mind? His decision is absolute Nate. Kaya huwag mo ng subukan.” Sambit ko.
“I will still try, Belle. Maybe Tito will change his mind.” He said but I shook my head.
“Please Nate. Huwag ka ng mangialam. Ayaw kong mag-away ulit kami ni Daddy.” Sambit ko at tumingin sa likod niya.
My lips parted when I saw Alisha. She was standing a meter away behind Nate and looking at us. I withdrew my hand from Nate and looked at Alisha who was now walking towards us.
“Belle, ikaw na ang sunod na me-make-up-an.” sambit niya. She didn't even glance at Nate who was looking at her as he clenched his jaw before glancing at me.
Umiwas ako ng tingin. “Okay. Babalik na ako.” Paalam ko kay Nate saka binalingan si Alisha na nauna pang naglakad pabalik ng aming classroom.
I just looked behind her as she walked in front of me. I don’t know how I’m going to approach her. Naiilang ako and I feel so awkward with it.
When I entered our classroom, I immediately saw the make-up artist. Someone is already sitting in the chair and the make-up artist are now doing her make-up.
“Belle, nauna na si Sabina. Ang tagal mo kasi.” Aniya ng isa sa mga kaklase ko.
“Okay lang. Sunod nalang ako pagkatapos niya.” Sagot ko at sinulyapan si Alisha na tinutulungan ang isang kaklase ko sa kanyang buhok.
Nanatili naman akong nakaupo duon sa sunod na upuan habang nakalagay sa mata ko ang yelo at kinakausap ako ng isa din sa mga kaklase ko kung ano ba daw nangyari sa mata ko. Gusto kong itanggi at huwag magsalita pero dahil makulit siya ay wala akong nagawa kundi ang ikuwento sa kanya.
“You know what?” Aniya ng kaklase ko pagkatapos kong mag-kuwento sa kanya. “I have once red this quote and it says, We grew up thinking our parents didn’t understand our struggles, but the truth is they made sure we never felt theirs.” Aniya at tipid na ngumiti sa akin.
Napakurap ako duon at bigla ay naalala ang aking Ama.
“I think, ayaw lang ng Daddy mo na maranasan mo ang naranasan nila noon. Kaya naiintindihan ko siya kahit papaano. Even if he scolded you, get mad at you or yell at you, it doesn’t mean he didn’t care about your feelings. He cares, but he just doesn’t want you to feel the struggle, because parents will always want what’s the best for their children. Like giving them a comfortable life, an easy without trouble, normal without struggles, a carefree and enjoyable life.” Aniya at tinitigan ako. “You know what I mean, right?” tanong niya na tinanguan ko naman.
Napabuntong hininga ako. “Thank you.” Sinserong sambit ko, tipid naman siyang ngumiti sa akin.
Hindi nagtagal ay natapos din ang naunang kaklase ko kaya sumunod naman ako habang naiisip ang sinabi ng kaklase. It’s such an inspirational quote at talaga namang tinamaan ako. I sighed at tininganan sa salamin ang aking mata. Mabuti nalang at bumaba ng konti ang pamamaga ng mata ko. Kaya hindi na iyon masyadong halata.
After this, I plan on going to the Book café to give my resignation letter. I haven’t said that to Alisha yet and I don’t know how will I tell her, especially now that every time I look at her, she’s avoiding my eye contact.
Our pictorial ended early in the afternoon, halos hindi ko iyon napansin dahil wala akong gana at masyadong akupado masyado ang isipan ko. I got a simple creative shot. I just wear a business attire outfit; a fitted black short skirt and sleeveless white blouse. I pose a bit in front of the camera. Even my smiles are strained, but I forced myself so I could finish right away.
“Belle, okay ka lang talaga, parang ang tamlay mo kasi. Kanina pa namin napapansin.” Aniya ng kaklase ko kanina na nagtanong. Lumapit din ang isa sa pang kakalse kong babae at malungkot akong tiningnan.
"Are you alright?" Seb asked.
Napabuntong hininga ako at hindi sumagot agad.
“She's not okay, can't you see? Tss.” Masungit na sambit ng isa sa mga mataray kong kaklase.
I smiled sparingly and shook my head. "Don't mind me, guys. I’m fine." Sagot ko.
Instead of staying there, I just went out of our classroom to buy something to eat. I’m still wearing my pictorial outfit and a black heals. I met a few classmates outside, maybe they just got from the restroom or canteen. I walked down the stairs and went straight to the canteen but even before I got there, I passed the faculty room and the principal’s office. My walked slow down when I saw Ali went out from the door while talking to our school principal.
Ali then glanced at me. He looked at me for a while so the principal turned to me as well when she noticed it. I nodded at them and didn’t know what to do. Should I just passed them, stop and greeted or turn around? Of course, I should greet them, it’s the principal!
I continued to walk and bowed my head a little bit. "Good morning, ma'am." I greeted them, making sure they heard me.
Nakangiti naman siyang tumango sa akin. Ngumiti ako ng isang beses kay Appolo bago sila dinaanan. I was about to turn right on the way to the canteen but I immediately stopped when Ali called me.
“Belle!”
Nangilabot ako ng tawagin niya ako. Napalunok ako at tumigil sa paglalakad. Tumigil siya sa gilid ko kaya ko siya hinarap.
“Bakit?” mababang tanong ko sa kanya.
Hindi agad siya sumagot. Tiningnan niya pa muna ang suot ko bago umangat ng tinign sa akin at tinitigan ako.
“Uh. May pictorial kami ngayon kaya ganito ang suot ko.” paliwanag ko.
"You look different." He said in a low voice.
He didn't say I was beautiful but I feel like what he said was a compliment. Bigla ay uminit ang pisnge ko. Mabuti nalang at may blush-on ako kaya hindi iyon halata.
I smiled sparingly and did not reply back.
"Uh, a-ano palang ginagawa mo dito?" Instead, I asked.
"I got invited to be the guest speaker for this school years graduation." Aniya.
My lips parted at what he said. "R-really?" I asked in shocked. "You will be our guest speaker?"
Ngumisi siya at tumango. “Are we okay now?”
I blinked and averted my eyes. "Aren't we okay?" I asked back.
"I thought we weren't." He said slowly.
I sighed and smiled sparingly. "I'm sorry."
“You shouldn’t be. I should be the one to apologize for being too nosy.” Aniya pero umiling ako.
“I shouldn’t get affected anymore. I shouldn’t be.” Mahinang sambit ko pabalik pero iniwas ko ang mukha ko ng bahagya akong bumahing.
“I’m sorry.” Paumanhin ko pero muli akong napapikit ng bumahing muli ako. Tinakpan ko ng panyong hawak ang mukha ko.
“Are you okay?” tanong niya na tinanguan ko naman.
“Sige. I'll go first. I'll just buy something to eat.” Sambit ko.
“Samahan na kita. I want to eat too.” Pahabol niya ng ambang tatalikuran ko na siya.
Natawa ako ng may maisip. “Sigurado ka ba na kumakain ka ng mga pagkain dito?” Natatawang tanong ko.
“Hindi ako mapili sa pagkain.” Aniya na nginusuan ko naman.
“Okay.”
Tumungo kaming dalawa patungo sa simpleng canteen ng aming eskwelahan na gawa sa halong semento at kahoy. Pinagmamasdan ko siya habang tinitingnan iyon. May macaroni, bihon, at sinapot, at banana cue na duon.
Hindi ko manlang makitaan ng pandidiri ang mga mata niya. Siguro kung ibang mayaman na katulad niya ay pinandirihan na iyon dahil maliban sa hindi masyadong maayos ang construction ng canteen ay local na pagkain lamang ang naruon. Ni hindi ko nga alam kung nakakain na ba siya nun.
Niyuko niya ako ng makita na nakatingin ako sa kanya. Ngumisi ako. “Kumakain ka ba niyan?”
Tumango siya.
“Alin ang gusto mo?”
“Kung alin ang sa’yo, yun na nalang ang sa'kin.” Aniya.
Ngumuso ako at binalingan ang mga tinda ni Aling Nenita. There was a long wooden chair on the side and there were students sitting there staring straight at the man behind me.
Lumapit sa akin ang isang estudyante na kakatapos lang kumain. “Ate boyfriend mo?”
Umawang ang labi ko sa sinabi ng babae at natatawang umiling. “Hindi. Kaibigan.” Sagot ko.
“Ah, okay. Ang gwapo.” Kinikilig na sambit nila at nagtulakan pa ng umalis sa harapan namin. I turned to Ali behind me who was looking at me while biting his lower lip.
Ngumisi ako at binalingan si Aling Nenita. “Puwede po nitong dalawang banana cue at dalawang mineral water po?"
“Syempre naman, para sa’yo ganda.” Nakangiting sambit niya at binalingan ang nasa likod ko. “Kaibigan lang ba talaga?” Nangingising tanong niya na inilingan ko naman.
Bubunot na sana ako ng pera ng ilahad sa akin ni Aling Nenita ang supot kaya lang ay naunahan ako ni Ali ng magbigay siya ng isang libo.
Bumagsak ang panga ko sa ibinigay niya. Natawa naman si Aling Nenita. “Wala akong ipangsusukli diyan, hijo.”
I also laughed and took his hand away. "I'll pay for it."
“I don’t let the girl pay for me.” Sagot niya na nakapagpatawa sa akin.
“It’s okay. Let me. Next time ikaw naman ang magbayad.” Nakangiting sambit ko.
“Okay. N-next time then.” He said and seemed to be in a deep thought.
Umiling ako at nakangiti namang tinanggap ni Aling Nenita ang bayad ko at agad iyong sinuklian ng barya.
“Duon nalang tayo kumain sa may mini-garden. Makulimlim dun at may mga puno kaya presko.” Sambit ko na tinanguan naman niya.
We sat on one of the benches under the tree. Ali sat down next to me. There aren't many students outside because some of the junior students still have classes and the senior students are busy for the graduation pictorial.
Binuksan ko ang supot at binigay ang banana cue sa kanya. Tiningnan ko siya habang ginagawa iyon. Mabuti nalang at marunong siyang humawak. I took the bottle water and placed it between us and took my banana cue to eat.
Sinulyapan ko siya ng kinagatan niya ang banana cue. “Masarap ba?” Tanong ko na tinanguan niya naman.
“Ngayon ka lang nakakain niyan?” tanong ko ulit na tinanguan niya naman. Muli ay natawa ako.
Tinitigan niya ako kaya bigla akong nailang. Tumikhim ako at tumingin nalang sa unahan kung saan kita ang iilang halaman at puno.
"After your graduation, what do you plan to take up?" Bigla ay tanong niya.
"I want to be an architect, like my father." Sagot ko na tinanguan naman niya.
"Where will you study then?" he asked softly.
"I took the entrance exam at some of the universities here in Bicol though I'm not sure if I passed."
"Don't you want to study in Manila?" he asked.
“Puwede din, kung may pera.” Kibit balikat na sagot ko. “Mahirap mag-adjust dahil laking probinsyana ako, but I've been to a few cities and provinces here in the Philippines, kaya sa tingin ko kaya ko naman kahit baguhan ako.”
I looked at him and smiled sparingly. “I'm just scared to leave my family here. My father is getting old, my mother is in Manila, I have a little brother in here. If I leave, I don't know who will take care of them.”
"How old is Tito?" tanong niya.
“He’s 59 already. He looks young but he’s old.” Napapabuntong hiningang sambit ko.
"Don't you have any other relatives?" tanong niya ulit.
Umiling ako. “Almost all of my father’s relatives are outside of the country. Mama’s relatives are in some part of the provinces here in the Philippines. Kami lang ang natira dito sa Bicol, kaya hindi ko rin halos kilala ang lahat na kapamilya namin.” Sagot ko at kinuha ang bottle water para makainom.
I tried to open it but I noticed that the lid was sealed so it was difficult to open.
“Let me.” Aniya dahilan para ibigay ko sa kanya ang bottle ko. Namamangha ko siyang tiningnan ng mabilis niya lang iyong nabuksan. The sill on the bottle broke as he twisted the lid twice.
“Thank you.” Sambit ko ng ibalik niya iyon sa akin. Uminom ako duon samantalang tahimik naman siyang nakamasid sa akin kaya bahagya akong na-cuncious sa paraan ng pag-inom ko.
I turned to him and saw that he was staring at my lips. Tumikhim ako dahilan para umangat ang tingin niya sa akin.
“I-ikaw? Hindi ka ba uuwi sa inyo?” tanong ko ng maalala na ilang linggo na siya dito sa probinsya.
Tinitigan niya ako. “Why? Do you want me to leave?”
Napakurap ako ng ilang beses sa tanong niya. “Hindi naman sa ganun. Na-curious lang ako. Hindi ba nag-aalala sa’yo ang parents mo?” tanong ko.
“They’re not. Sila ang nagtulak sa akin dito.” Aniya. Nangunot naman ang noo ko duon. Magtatanong sana ako kung bakit pero dinagdagan niya ang sinabi niya. "And I'm starting to like this place, so I won't leave." He said and look at me intently.
Umiwas ako ng tingin at niyuko ang bottle na hawak ko. Hindi ko alam pero kakaiba ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi ko alam kung ganuon lang ba siya tumingin o sa akin lang ba siya ganun tumingin. Am I being paranoid or something?
"Are you going home after this or are you still going to the café?" Bigla ay tanong niya.
“Sa café.” Simpleng sagot ko.
“Kung ganun ihahatid na kita. Dun din ang punta ko.” Aniya.
“O-okay.” Sagot ko at muling napainom ng tubig.
Hindi na ako nag-alinlangan pa. Pagbalik ko ng classroom ay tapos na ang strand namin kaya ang kabilang strand naman. Kung nasaan sila Nate.
“Si Alisha?” tanong ko kay Seb na nag-aayos ng kanyang gamit.
“Ang alam ko umalis na, kanina pa.” Sagot ni Seb. Nangunot naman ang noo ko dahil hindi niya manlang ako hinintay o kahit man lang nagpaalam sa akin. “Uuuwi kana? Sabay na tayo.”
“Ah hindi na. I'm going to the café and… I have someone with me.” Sagot ko.
“Oh. Okay.” Aniya at tipid na ngumiti.
I went to the school ground and saw Ali waiting for me. His car was also there. I immediately approached him noticing that he was just standing there and leaning on his car while waiting for me. He immediately stood up straight when he saw me and opened the car door for me. I thanked him. He waited for me to adjust my seat belt before he closed the door.
Inayos niya pa muna ang stereo bago niya tuluyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Tahimik ang naging byahe namin at kita ko din ang paminsang minsang sulyap niya sa akin habang nakatingin naman ako sa labas at nakikinig ng musika.
“Are you alright?” tanong niya.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tinanong kung okay lang ba ako at kung ilang beses din akong tumango at sumagot ng oo. Ngayon na patungo na kami sa café ay mas dumagdag lang ang lungkot na nararamdaman ko at halos gusto ko nalang sabihin kay Ali na huwag na kaming tumuloy.
Napabuntong hininga ako at umiling. I heard his question but I did not answer him. My eyes stayed out the window as I thought about what I would say to our manager after I gave my resignation letter. After siguro nun ay maghihintay muna ako pagkatapos maaprubahan ang resignation letter bago makuha ang sweldo sa mga araw na pinagtrabahuhan ko.
Hindi ko na hinayaan si Ali na pagbuksan ako ng pinto. Agad ko na iyong binuksan. Hinintay ko pa muna siya na lumapit sa akin bago tuluyang pumasok para naman hindi ako magmukang walang respeto sa paghatid sa akin.
Even before I could get in, he already pulled me back. “What’s wrong?” he asked softly, but I just look at him sadly before I slowly pulled my hand and turned around to went straight into the café.
Hinanap ko agad ng mga mata ko si Manager na agad ko namang nakita na palabas ng counter. Narandaman ko naman si Ali sa likod ko.
“Manager…” Salubong ko sa kanya.
“Oh? Ang aga mo naman Belle, buti at nandito ka, we have a lot of customers today.” Aniya at sinulyapan ang likod ko. “Ali.” Aniya at tinanguan ang nasa likod ko.
“Uh, manager… ibibigay ko lang po sana ‘to.” Sambit ko at inilahad sa kanya ang isang papel.
Nangunot ang noo niya at tinanggap iyon. “Ano ‘to?” tanong niya at agad nangunot ang noo ng mabasa ang loob ng papel.
“Resignation letter po.” Sambit ko.
“Your resigning? Pero bakit?" She asked in surprise.
“Ayaw ko po sanang umalis kaya lang po…ayaw po ng daddy ko na nagtatrabaho ako.”
“Hindi mo sinabi sa Daddy mo na nagtatrabaho ka dito?” nakakunot na tanong niya na inilingan ko naman.
“Pero bakit naman?” tanong niya pero inilingan ko nalang. Napabuntong hininga siya at umiling. “Can't you talk to your father? He might change his mind. And you're already 18, Belle. I'm not saying that you should disobey him, I just want to say that you're of legal age. You can decide for yourself.”
Umiling ako. “His opinion is more important to me. I respect his decision. I also don't want us to fight.”
Napabuntong hininga siya. “Sigurado ka na ba dito? I can give you a day to think about this?”
Umiling ulit ako. “Hindi na po, manager. Magreresign na po ako.” Sagot ko.
Muli ay napabuntong hininga siya at umiling.
"But let me work on my last day here." Sambit ko na tinanguan niya kahit kita ang panghihinayang sa mga mata.
Pagkatapos niyang magpaalam para tumungo sa kanyang opisina ay tumalikod ako at dumeretso palabas ng café. Lumapit ako sa gilid kung saan naruon ang mga iilang bakanteng lamesa at upuan. Kusang tumulo ang luha ko pero ng maramdaman kong may nakasunod sa akin ay mabilis kong pinunasan ang luha ko lalo pa ng marinig ang boses niya.
“Are you okay?” Tanong ni Ali na tinanguan ko naman habang nakatalikod. I sighed before I faced him but I did not look at him.
"I'm going in, kaylangan ako sa loob.” Sambit ko at ambang dadaanan siya pero hinagilap ng kamay niya ang braso ko dahilan para matigilan ako.
“You’re not okay. How many times do you have to lie?” Aniya saka ako hinila paharap. Samantalang hindi ko naman siya matingnan. "When you’re with me, you don't have to pretend." He said as I looked down at our shoes. Tumulo ang luha ko at pumatak iyon sa sahig.
“Come here.” He whispered and pulled me closer to him. Tumama ako sa dibdib niya habang yakap niya ako. His hug wasn't tight but it was enough to comfort me.
“I’m sorry.” Paumanhin ko sa ginawang pag-iyak.
"Shh…You don’t have to apologize. Sometimes, it's okay not to be okay." Aniya.
Muling tumulo ang luha ko. Napahawak ako sa bewang niya. My grip tightened on his shirt as I felt him caress my back.