Kabanata 13

4096 Words
Friends Nanatili akong nakatayo sa baba ng hagdan habang hinihintay si Ali na bumaba. Napabuntong hininga ako at tumalikod saka naglakad lakad habang hinihintay siya sa baba. Naagaw ng atensyon ko ang isang bagay sa dingding ilang metro lang ang distansya mula sa grand staircase. There were a few picture frames on a small table carved in waves, and above it was a large family picture. Tinitigan ko ng mabuti ang malaking family picture na nakadikit sa dingding. May dalawang matanda ang naka-upo sa upuan and they look so intimidating. Behind them was Tito Alejandro wearing his big smile, next to him was a beautiful woman I had never seen before. Unlike Tito Alejandro, the woman beside him looks so serious but very beautiful even without the smile. I think it was an old family picture. Bumaba ang tingin ko sa maliliit na picture frame sa ibabaw ng maliit at pahabang lamesa. There was a small picture frame of Nate alone, but I was more curious with the four young men in one picture. One of them is Ali. Ali had a small smile but his eyes were serious. The one on his right side look so serious at hindi makitaan ng kahit anong ngiti sa labi, while the one on his left side had a mischievous smile, and the latter had the Ali vibes who had a small smile on his lips. They all have the same feature, pero magkakaiba lang nga sa laki ng katawan. At ang nakakamangha pa, ay puro gwapo at mukhang may mga lahi! I wonder if theyre brothers? "What are you looking at?" I jumped in shock after hearing Ali's voice. Unlike earlier, he was a few feet away from me and was getting closer to approached me. "Uhm... I'm just looking at the pictures." I smiled and turned to the frames. "Uh ... is this your brother's?" I asked curiously. "Yeah." Tipid na sambit niya at tiningnan din ang tinitingnan ko. "If you don't mind me asking. Who are your parents? And how many are your siblings?" Baling ko sa kanya. He stayed behind me while also looking at the pictures. "I’m the second born... and these are my parents." Aniya at kinuha ang isang picture frame kung saan may dalawang tao duon na nakatayo. Ang babae ay nasa unahan habang yakap ng isang gwapo at matiponong lalaki. It was only then that I realized that the woman in the family picture from above next to Tito Alejandro was his mother. "She's beautiful." Puri ko ng natitigan ang babae. Maliban sa unang larawan na nakita ko. Nakangiti siya dito, and she looks so happy and in love. "And your father is handsome." I praise his father. His father had all smiles on his face, so did his eyes. Like Ali and his brothers, he was also handsome and has a big physic. I heard him chuckled beside me. "Your beautiful too...and I'm handsome." Hindi ko inaasahan iyon kaya nanlalaki ang mga mata ko ng napaatras at binalingan siya. He laughed at my reaction. "I'm sorry. What?" Natatawang tanong ko. Is that even a joke? I still can't believe he said that. I feel like he suddenly became comfortable with me and I didn't know that he has that kind of playful side, yun nga lang, mukha din siyang arogante. He shook his head and grinned. "Why? You don't find me handsome?" Napapaos na tanong niya. Muli ay namangha ako duon pero sa huli ay nangiti nalang din. "No. It's just that ... I didn't expect you to say that ... uh ... well ..." Aniya ko at hindi malaman kung paano sasakyan ang sinabi niya. "Yeah. Kinda." Nanlaki ang mga mata ko sa nasabi. "I mean...yes! You are." Bawi ko. Kita ko ang pag-awang ng labi niya. "Kinda?" "No.no.no" I shook my head but he just laughed at me. Namangha naman ako sa tawa niya. "Your unbelievable." Aniya habang nakangisi. "Come. Let's go outside." Pagyaya niya. "Mabuti pa nga." I said and followed him as he walked ahead of me. I bit my lip and stared at his back. Bakit ko nga ba yun nasabi? Totoong gwapo siya sa paningin ko pero dahil siguro sa pagkataranta kaya wala sa sarili ko iyong nasabi. We finally got out of the mansion and the two of us reached the veranda. He slowly went on the banister and stared at the dark field in front of him. The night was quiet. There are lamp posts in the distance but the light couldn’t reach the whole field. Sinulyapan niya ako ng tumabi ako sa kanya. Umihip ang malamig na hangin dahilan para sumabog ang buhok ko. Hinawi ko iyon at nilagay ang iilang hibla sa likod ng aking tenga. Nahuli ko naman siyang nakatitig sa akin. "Are you cold?" He asked worriedly. “We can just go back inside if you are.” I smiled and shook my head. "Nah. It's a bit warm inside so… I feel a bit relieved by the cold air." He nodded slowly. He bent down and put his hands on the railing of the veranda then turned to me so our eyes would level. "Do you like my cousin?" He asked almost in a whispered. I smiled and stared at him. "I don't like him ..." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "I mean noon..." I added and averted my eyes from him. "So, you want him now?" He slowly asked. "Yeah." I nodded. He didn't speak so I turned to him. His lips parted and his eyes look at me darkly. He averted his eyes and bit his lip before nodding slowly. "Kaylan mo siya sasagutin?" He asked huskily. I can see the frown on his forehead. Natawa ako duon. "He's not courting me. And I like him only as a friend...not romantically." Mabilis siyang bumaling sa akin kahit nakakunot ang noo. "I was annoyed with him before, kasi makulit siya, and I dumped him many times, coz I don't see him that way. But then, mapilit siya. I saw he's sincerity and kindness, so I let him be my friend, just like what I want us to be." Nakangiting sambit ko. "My cousin… hopes for you." Nakakunot na aniya. I smiled and shook my head. Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin pero hindi katulad ng iniisip niya, ay iba ang nasa isip ko. "But I never give him false hope. I've been honest with him all along, and just like what I said ... I only want friendship for us, nothing more." He sighed and nodded eventually kahit nakakunot padin ang noo. "I'm sorry for asking that. I'm just...worried." aniya na pinagkunutan ko naman ng noo. “Youre worried? Why?” My eyes narrowed. "He's my cousin, I value our family so much, and I don't want him hurt, but" He said and shook his head before staring at me. Ngumiti ako at tumango sa kanya para magpatuloy siya, pero sa huli ay umiling lang siya. We remained silent for a few seconds and I noticed that he was thinking deeply. "Why? What's wrong?" Tanong ko. Napabuntong hininga siya at tinitigan ako. "I am just wondering if we could...be friends too?" I was moved by that and without thinking, I quickly nodded at him. "Of course, we can! No problem." I said happily. Napabuntong hininga siya at untin unting tumango. Nangunot nga lang ang noo ko ng mapansin na parang hindi siya masaya duon. "Bakit? Ayaw mo ba?" tanong ko at sinilip ang mukha niya. His jaw has tightened and his eyes turn dark again when he turned to me. "Are you sure you want to be friends with me? I'm kind of ... possessive." My lips parted and my forehead furrowed. Is there such a thing between friends? Being possessive? I shrugged because I didn't know what to say. Hindi ko alam kung ano iyon at kung mayroon bang ganun sa mga kaibigan. Paanong possessive ba? Alisha is not possessive of me, we’re best friends pero may kanya kanya din naman kaming mga kaibigan, hindi siya nagagalit sa akin kapag minsan ay may kasama akong iba at minsan hindi kami masyadong nakakapag-usap. "Are you fine with that?" He asked huskily. "I-I dont know… but ... okay ... maybe we can try." I said even though I wasn't sure about it. "Alright." He said softly and nodded. "Friends then--" "Belle!" I was startled when I heard the harsh call from Nate. Ali and I turned to him. Iritado siyang lumapit sa amin. "Where have you been? Kanina pa kita hinahanap!" Iritadong aniya. "She's with me, Nate." Ali said deeply. "I can see that." Nate replied and frowned at Ali. "I just panic because I couldn't find her. Akala ko kung ano nang nangyari sa kanya. Mapapagalitan ako ni Tito." "I'm fine, Nate. You don't have to worry. Si Alisha?" Tanong ko sa kaibigan. "She's inside and she's drunk. Kaya kita hinahanap para ihatid na kayo pauwi. I want you to stay for a while but your friend doesn’t look fine." Iritadong sambit niya. Nangunot ang noo ko duon at bigla ay nag-alala. "Kung ganun, uuwi na kami. Bumalik na tayo sa loob." Sambit ko at binalingan si Ali sa tabi ko. Tumayo naman siya ng tuwid at handa ng sumunod sa amin kaya nauna na akong naglakad papasok. Sumunod naman silang dalawa sa akin. Medyo nakabisado ko na ang daan kaya derederetso na ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa likod ng kanilang bahay. Kita ko na medyo magulo na duon. Iilan din ang nagsasayawan sa gitna. Samantalang natanaw ko si Alisha na may kausap na lalaki sa tabi ng kanyang upuan habang siya ay nakayuko na sa lamesa. Mabilis akong lumapit sa kanya ganuon din ang dalawa sa likod ko. Nangunot nga lang ang noo ko dahil may pahampas hampas pa siya sa balikat ng lalaki, samantalang nakangisi naman ang lalaki sa kanya. I think he's one of our batch mates but I don't remember his name. "Alisha!" Malakas na tawag ko dahilan para mapalingon sila sa amin. Mabilis na tumayo ang lalaki at mariin ko naman iyong tinitigan. "Belle!" Sambit ng lalaking katabi niya. Hindi ko alam na kilala niya pala ako samantalang hindi ko naman alam ang pangalan niya. I ignored him and attended to my friend who was very drunk. Halos mapamura ako duon. "What did you do? Mapapagalitan ka nito pag umuwi ka sa inyo." Pagalit na sambit ko sa kanya. "Sorry na Belle, huwag ka ng magalit. Minsan lang naman." Natatawa siyang bumaling sa akin habang pula ang mga mata. "Nakita kita! Uminom ka rin naman ah, akala mo hindi ko nakita. Isusumbong din kita sa daddy mo, kapag sinumbong mo ako." Parang batang aniya. “Kahit hindi kita isumbong, malalaman pa din nila. Look at you.” Iritadong sambit ko ng makita ang pagewang gewang niyang ulo. "Uminom ka?" Nate frowned at me. I groaned, instead of answering him, I turned to Alisha and help her stand. "Tumikim lang ako. Hindi uminom ng marami." Sambit ko. I cursed softly when I almost fell because of her weight! "Let me." Ali said next to me. "Hindi na, ako na." Aniya naman ni Nate. Bago pa ako makapag protesta ay naagaw niya na sa akin si Alisha. "Careful." Sambit ko. Nangunot ang noo ko ng maamoy ang alak sa hininga ni Nate. "Are you sure you can carry her? Nakainom ka, Nate." Nakakunot na sambit ko. Pero hindi niya ako pinansin, iritado niyang tiningnan ang kaibigan ko at binalingan si Ali. "Ali, can you get my car?" Aniya na tinanguan naman agad ni Ali. "Wait here, I'll get your car." Aniya at sinulyapan ako at lumabas na. Lumapit ako sa kanila pero halos mapamura din si Nate ng muntik niya ng mabitawan si Alisha. Nakabantay naman ako sa gilid ni Alisha para sumalo kung sakali mang bumagsak siya. "Ako na Nate, nakainom ka." Sambit ko. "Konti lang ininom ko, I'm not drunk." Sambit niya. My eyebrows rose. "Then just carry her." Utos ko. Binalingan niya ako gamit ang iritadong mga mata. My eyebrows rose. "It will be easy for you if you carry her." Suhestyon ko dahil totoo naman iyon. Kaysa sa nakaakbay sa kanya si Alisha at pagewang gewang sila habang naglalakad. My eyes rolled. "Bahala ka, ikaw lang din ang mahihirapan." Dagdag ko pa. He sighed before he finally lifted Alisha. Bumagsak ang mga kamay ni Alisha pero sa huli ay inangat niya ito at kumapit siya sa leeg ni Nate. I heard Nate mutter a cursed pero hindi ko iyon pinansin. Nauna silang maglakad papasok ng mansyon samantalang nakasunod naman ako sa kanila. “Bakit parang lumilipad ako.” Wala sa sariling bulong ni Alisha na narinig ko naman. Natawa ako sa kanya. "She's so heavy, Belle! Damn it!" Reklamo ni Nate sa unahan ko at nagmura pa! Saka mas lalong binilisan ang paglalakad. "Huwag ka diyang magreklamo, ikaw ang nagdala sa kanya dito." Aniya ko at inirapan siya. I heard him groaned. Ng tuluyan kaming makalabas ay ang siyang pagparada din ng sasakyan ni Nate sa harapan namin. Ali went out there and hurriedly opened the back door. Muling nagmura si Nate ng halos mauntog si Alisha sa pinto ng sasakyan. Nanatili naman ako sa labas at binabantayan sila. "Nate, I'm coming with you." Ali said beside me while holding the car door. "I’ll drive. Naka inom ka." Dagdag ni Ali. Lumabas si Nate ng pinto. "I'm not drunk, Ali. Uminom lang ako ng konti dahil napilitan, but I'm not drunk. I can still drive." "Huwag ng matigas ang ulo mo Nataniel!" Sabay kaming napalingon sa likod ng marinig ang boses ng kanyang Ama. Nakatayo siya roon habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanyang anak. "Magpahatid na kayo kay Ali. Gabi na. Baka kung mapaano pa kayo sa daan. Much better if you have someone with you when you went home." "But, Pa. Konti lang ang ininom ko. I can drive. I told you I'm fine." Iritadong aniya. "Nagmamagandang loob si Ali, anak, kaya hayaan mo na. Mas uunahin mo pa ba ang katigasan ng ulo mo kaysa sa kaligtasan niyo?" His Father said with a frown and I could see the disappointment in his eyes. Nate sighed. "I'm sorry, Pa." He said slowly and turned to Ali then nodded at him. Ali nodded and turned to Tito. "Be careful." Paalala ni Tito. Binuksan ko ang pinto sa back seat. "Dito na ako sa likod." Sambit ko at pumasok na duon. Hinayaan naman ako ni Nate. Napabuntong hininga siya at binuksan ang upuan sa front seat at duon siya umupo. I adjusted Alisha’s seat and leaned her head on my shoulder as she almost bumped on the window beside her when the car started to move. "Sorry for the inconvenience, Ali." Si Nate. "No problem. Mas panatag ako kung ihahatid ko kayo." He said and glanced at me in the rear-view mirror. Ngumiti naman ako sa kanya. Tipid naman niyang sinuklian ang ngiti ko. Habang nasa byahe kami ay Inisip ko pa tuloy kung ihahatid si Alisha sa bahay nila gayung alam ko naman na hindi maayos ang tungo sa kanya ng kanyang Ina at may pagnanasa ang kanyang Ama sa kanya. Kung ihahatid namin siya pauwi sa kanila ay hindi ako sigurado kung safe siya. Pwede ko naman siyang dalhin nalang sa bahay at duon patulugin kaysa sa umuwi siya sa kanila at magdamag akong mag-iisip sa kaligtasan niya. I sighed and closed my eyes tightly then decided to just let her sleep at our home. I picked up my phone inside my small shoulder bag then type a message to her mothers number. Mabuti nalang at may contact ako sa Mama niya lalo na’t minsan niya ng hiniram ang cellphone nito para makapag text sa akin noon. To: Auntie Imelda Tita, sa bahay na po natulog si Alisha. Overnight po siya dito sa amin. Uuwi din po siya bukas. I couldn't think of a good excuse. Kaya overnight nalang para hindi siya mapagalitan kung sinabi kong naka inom siya. After all, Alisha had spent her night at our house a few times before whenever she didn't want to go home. Tumaas ang leeg ko para kausapin si Ali. “Ali, sa bahay nalang tayo dumeretso. Sa bahay na matutulog si Alisha.” Nate turned to us. “Bakit, hindi nalang sa kanila? Baka mapagalitan siya kung hindi siya uuwi.” He said with a frown. “Trust me, Nate. Mas gugustuhin mong umuwi nalang siya sa amin kaysa sa bahay nila.” Seryosong sambit ko. Nangunot ang noo niya. “Bakit naman?” I dont think I have the right to tell it to you, Nate. Im sorry. Mas mabuti kung kay Alisha nalang galing mismo ang paliwanag.” Paumanhin ko. Even though he has been our friend, I am not comfortable telling it to him. Its a personal thing and a family matter, so I dont think its right for me to just tell it to him without asking permission to my best friend. Natanaw ko na ang bahay nila Alisha kaya binalingan ko na si Ali. “Ali, deretso tayo.” Utos ko. He glanced at Nate and looked at me in the rear-view mirror before he nodded. I could see the question in his eyes but he didn’t dare to ask. Nagpasalamat naman ako duon. Si Nate na ang nagturo kung saan ang bahay namin. Ng makarating ay tinanaw ko ang bahay namin sa labas. Madilim na ngunit may konting ilaw sa labas. I opened the door next to me. Nate held the door for me while I tried to pulled Alisha out but I heard her groaned and mutter something I couldn’t understand. “Ako na.” sambit ni Nate kaya tuluyan na akong lumabas at hinayaan siya. Nasulyapan ko naman si Ali sa gilid ng sasakyan at nakatanaw sa aming bahay. Malaki ang aming bahay, maganda, konkreto at pinturado. Lalo na’t ang aking Ama ang nagdesenyo. Malawak din ang lupain sa likod at sa harapan. May garden sa unahan ganun din sa likuran at may garahe sa gilid ngunit walang sasakyan doon dahil pinabenta ang sasakyan namin simula noong kinaylangan namin ng pera para sa pambayad ng hospital bill ng aking Ama nuong na-ospital siya, ganuon din sa maintenance niya ng inatake siya ng hypertension. “Ano ba! Natutulog yung tao eh!” Rinig kong reklamo ni Alisha, kaya muli ko silang binalingan. Binuhat na siya ni Nate kaya umikot na ako para dumeretso sa gate. Kita ko sa ilang distansya mula sa gate si Dad na binuksan ang pinto ng aming bahay. Narinig ko din ang pagtahol ang aming aso. My father probably heard the dog barking so he thought someone was outside. Nagmamadali siyang naglakad habang nakakunot ang noo ng matanaw ako sa gate. He is already wearing his pajama and I think he is waiting for me to come home. "Dad." I said when he finally opened the gate. “Mabuti at maaga kang umuwi. Kanina pa kita hinihintay.” He said and glanced at the two men behind me. “Uh, Dad. Dito muna matutulog si Alisha.” Makahulugang sambit ko. Hindi lingid sa kaalaman ng Ama ko ang tungkol sa issue ng kaibigan ko, dahil ilang beses na siyang nakitulog dito sa amin at ilang beses na din siyang natanong noon ni Mama sa kanyang problema. “Pumasok kayo.” Daddy said and stepped aside so we could finally get inside the gate. “Dito.” Sambit ko kay Nate ng tuluyan kaming makapasok sa bahay at ituro sa kanya ang hagdan pataas kung nasaan ang mga kwarto. Ng tuluyang makaakyat ay nauna akong naglakad at binuksan ang pinto ng isa sa mga guestroom. Nakaawang ang pinto at tiningnan ko siya ng ibinaba niya si Alisha sa kama. Nang magawa ay nakakunot ang noo niya ng bumaling sa akin saka naglakad palabas. Hindi sumunod sa amin si Ali. Sa tingin ko ay nanatili siya sa baba. Mabilis naman akong bumaba. Nahuli kong nag-uusap si Ali at ang aking Ama sa sala. Ali looked at me when he saw me. I quickly went down the staircase to approached them. “Dad.” Mabilis na sambit ko at lumapit sa kanila. “Uh, si Ali po, pinsan ni Nate.” Pakilala ko. “Alam ko, anak. He already introduced himself to me. Daddy said seriously after he turned to me. “Kilala ko ang mga Lorenzana. I know his parents too. I once worked for their company before, but I stopped when I moved abroad. Shocked from his revelation, I looked at my father in amazement. "Really?" Yes, but I didnt know their sons. Its nice to finally meet one of the Lorenzana’s siblings. Please send my regards to your parents. “Makakarating po.” Malalim na sambit ni Ali. Tumango naman si Dad at sinulyapan ako. “Salamat din sa paghatid sa anak ko.” He said and glanced at Nate after looking at Ali who was also looking at my Father. “Walang anuman po.” Sabay na sagot ni Ali at ni Nate. Nakagat ko ang labi. Ali at Nate looked at each other. Nate’s forehead furrowed, while Ali looks calmed. My father clicked his tongue while his forehead furrowed. Kalaunan ay binalingan si Nate. “Kumusta ang party? Si Alejandro?” “Maayos naman po, Papa is fine, he was busy entertaining our guest.” Sagot ni Nate. Tumango si Papa at sa huli ay nagpalipat lipat ang tingin sa dalawang lalaki sa harapan. “Kung ganun, umuwi na kayo, gabi na. Happy birthday nga pala, Nate. Thanks for inviting us. Though, I couldnt make it coz I need to look after my son.” “Thanks, tito and it’s okay po, I understand. Malaking bagay na po na pinayagan niyo si Belle na dumalo sa kaarawan ko.” Si Nate at sinulyapan ako. Unti unting tumango ang aking Ama habang nagpalipat lipat ang tingin kay Ali at Nate, sa huli ay binalingan ako. “Sige. Anak, ihatid mo na sila sa labas. Pagkatapos ay pumasok kana agad at magpahinga.” “Sige po, Dad.” Mahinang sambit ko. Nauna akong naglakad sa kanila at naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa akin. When I finally got out of our house, I turned to them. They both look intimidating. Ali because of his usual look and Nate because he looks a bit annoyed today. “Salamat sa paghatid.” Ulit ko. Tinitigan ako ni Ali ng sumulyap ako sa kanya at si Nate na masama ang timpla. “Nate, I’m sorry. You should be celebrating your birthday tonight with your friends and family, pero inabala ka pa namin.” Paumanhin ko. No, its okay, youre my responsibility. Dinala ko kayo sa bahay kaya ako dapat maghatid sa inyo pauwi. Pasensya na din. Nabadtrip lang ako sa ginawa ng kaibigan mo kanina at dahil bigla kang nawala sa party.” I nodded. Sorry. Happy birthday ulit. I said and glanced at Ali. “Ali, thank you sa paghatid.” Marahan na sambit ko sa kanya. “Youre welcome.” Napapaos na sambit niya. “Ali, umuwi na tayo.” Nakakunot na sambit ni Nate sa pinsan at binalingan ako. “I’ll text you later after we get home.” Aniya at tumalikod na. Ngumiti ako kay Ali na nanatiling nakatayo sa harapan ko. "Ali." Nate called again. "See you." Ali said softly after he backed away. “See you.” Nakangiting sambit ko at humakbang ng ilang beses paunahan para sundan sila ng tingin at makalapit ng konti sa kanilang sasakyan. “Ali, let’s go!” Malakas ng tawag muli ni Nate na nasa tapat ng ng pinto ng sasakyan. Nagtiimbagang si Ali bago sumunod sa kanyang pinsan, samanatalang nangunot naman ang noo ko sa iniasta ni Nate kay Ali. Padabog nitong binuksan ang pinto at pumasok, samantalang tumango pa muna si Ali sa akin bago tuluyan binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok duon. Ibinaba niya pa ang salamin. “You should get inside.” Marahan na sambit ni Ali habang nakatitig sa akin at hawak ang steering wheel. “Pumasok kana, saka kami aalis!” Si Nate sa tabi niya na nakakunot padin ang noo. Aligaga naman akong tumango saka umatras. They were still there and watching me intently. Nang tuluyan akong makapasok sa gate ay sinarado na ni Ali ang kanyang bintana bago ako sinulyapan ng isang beses at tinanguan, hanggang sa, umandar na ang kanilang sinasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD