Kabanata 6

2903 Words
Problema "Can you sing me a song, Babe, please. I miss your voice." Red said to me as he lay on my lap while I was sitting on a bamboo chair. We were in front of the lake. Actually, there were many nipa huts surrounding the terrain, but we chose to sit on a floating wooden bungalow. I could see the whole place, and only the chirping of the birds, the sound of the wind, and the quiet water could be heard around us. "Ikaw nalang. I haven't heard you sing yet." Sambit ko. "You go first, then I'll go after, so you can hear my voice." Nakangising aniya. "All right. Sabi mo yan ah." I smiled and stroked his hair before I began to sing the first lyric of the song. "There are times, when I just want to look at your face...with the stars and the night...there are times when I just want to feel your embrace on cold night..." This lake is the place where we usually go to if we don’t have a class. It is far from the school so we need a transportation. He has his own motor bike so that’s what we ride every time we go here. "Tulungan mo ako. Ikaw ang magaling dito." I said to Red while coloring the poster he made, which was one of the activities given by our subject teacher. "Sige lang. Kulayan mo lang. I'll give you the color you need." He said as he looked at what I was doing and put his arm at the back of my chair. "Bahala ka! Baka mali yung stroke ko. Tango ka lang ng tango diyan. Kaylangan pa naman na mixed yung color para mag compliments sa drawing." Sambit ko. My eyebrows met when I heard him laugh. "Tingnan mo na! Tinatawa tawa mo diyan! Ikaw na kasi neto!" I shouted irritably but he just pinched my cheek. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya lang talaga ako! Everytime na may project or activity na kaylangan ng kapares o kagrupo. We are always together. But between the two of us? he was the best when it comes to art. So, the work always goes to him, tumutulong naman ako sa kanya. But when it comes to quizzes and essays, the work was on me, minsan nagpaptulong siya sa akin pero madalas ako parin talaga ang gumagawa. My classmates even told me that I'm the reason why Red's grades are getting better when it comes to academics, dahil naiimpluwensyahan ko daw. I am actually happy to heard about it since natutulungan ko siya sa kanyang pag-aaral. "Kumusta? Anong sabi ni Daddy?" I asked him after we left the house. He picked me up at our house so we could go to class together. Of course, Daddy was there. I saw them talking on the balcony when I came out. "Okay lang." "Anong okay lang? Anong pinag-usapan niyo?" "Normal talk. Getting to know me. Just asking questions about me. That's all." Umirap ako. "Don't worry, he didn't say anything bad. Nag-iingat din naman ako para magkaroon ng good impression sa kanya." Tumaas ang kilay ko at ngumuso. "Let's go. Let's just eat an ice cream. Ang init pa naman." Aniya niya at hinila ako. My mother is not that strict but My father does. Ang kay mama lang naman ay wag masyadong dikit sa lalaki para walang kababalaghan na mangyari at baka madisgrasya pa at hindi kami makapag tapos ng pag-aaral. While my father never tells me his thoughts about my suitor or about my friends. Mahilig lang siyang magmasid sa mga nagiging kaibigan at manliligaw ko. Nung araw na sinabi ko sa kanya na boyfriend ko si Red, hindi siya nagreklamo or hindi niya ako pinagbawalan. Though, sapat na sa akin iyon basta ba wag akong pagbawalan sa lalaking nagugustuhan ko, after all we're not doing anything wrong and I always let my parents know where we are going, and lagi din naman akong ipinagpapaalam ni Red kaya wala naman naging problema sa parents ko. "Stop it! Wag kang malikot para mapicturan ko!" I scolded him as I lifted my cellphone to take a picture of the large aquarium displayed in front of us. Nandito ulit kami sa lake. No class this afternoon so we thought of going out today. We are on the outside of the entrance fee and next to the boats for kayaking, there is a large aquarium on display. Naingganyo ako na picturan iyon dahil kita ang anino namin ni Red sa salamin ng aquarium lalo pa't mababa na ang araw at nasisinagan ng araw ang aquarium. Lumipat siya sa likuran ko at yumuko bago hinawakan ng kamay niya ang kamay ko na nakahawak sa cellphone ko. "Ayusin mo." Bulong niya. "Oo na! Bitawan mo!" I scolded him again, and he obeyed even though I heard him laugh. I rolled my eyes and started to count. "One, two, three." Napasinghap ako ng hinawakan niya ang baywang ko at mabilis akong hinalikan sa pisnge kasabay ng pagpindot ko sa camera. My eyes widened at what he did. "Red!" I scolded him but he just laughed and backed away when I almost hit him. Natatawa at napapailing ko nalang siyang tiningnan ng makita ang tawa niya. Tiningnan ko ang kinuhanan ko na litrato at ganun nalang ang gulat ko ng nakuhanan iyon ng camera. Our silluihet in the glass of the aquarium was so beautiful! And I was even more surprised that it captured the exact time when he kissed me on the cheek! Muli Kong naramdaman ang paglapit niya sa likod ko. He grabbed my shoulder and glanced at the photo of the two of us in my phone. "See? Ang ganda!" natatawang sambit niya. Umikot ang mga mata ko. "Puro ka kalukuhan!" Nangingiting aniya ko. He pinched my cheek again while laughing. Unti-unting lumiwanag sa paningin ko ang picture frame namin ni Red na nakalagay sa study table ko, pagkatapos maalala ang nakaraan. Every time I need to think of a word or phrase for my poem, Red and I's memories always pop up on my head. I feel a mixture of joy and sadness. Nagmumukha na din akong tanga, dahil minsan nahuhuli ko ang sarili na nakangiti, pero sa tuwing bumabalik ako sa kasalukuyan ay nawawala ang ngiti sa labi ko. Nakakaramdam ako ng lungkot, panghihinayang at kirot. Bumuntong hininga ako at ibinaba ang picture frame sa ibabaw ng table para hindi ko iyon makita, saka ipinagpatuloy ang pagsusulat ng poem. While I was writing my poem, I heard a noise from outside of my room, I immediately stopped writing and went straight to the door and opened it so I can hear it clearly. "Percy kaylangan kong magtrabaho, hindi ako pwedeng manatili lang dito sa bahay at walang ginagawa habang umaasa lang tayo sa maibibigay ng mga magulang mo!" It was what I heard from my mother while talking to my father. "Paano si Lucky? Dalawang taon palang ang bata. Mas sanay siya sayo hindi sa’kin." Mahinahon na sambit ng aking Ama patungkol sa bunso kong kapatid. "Oh sige nga, pano natin bubuhayin ang pamilyang ito kung aasa lang tayo sa maibibigay ng magulang mo. Nagrereklamo ka nga na laging masakit ang katawan mo..." Minsan nakakaramdam ako ng awa para sa aking Ama kapag naririnig ko siyang sinisigawan ni mama. Si Daddy ay laging tahimik, I've never heard him shouted at my mom. Though, naiintindihan ko din ang pinanggagalingan ni Mama. She just wants to earn so we can at least provide for our needs. Hindi na kasi pwedeng magtrabaho ang aking Ama dahil nagkakasakit na ito at hindi na kinakayanan ng katawan niya ang magtrabaho. Though, ayaw din niyang pagtrabahuhin ang Mama ko. Siguro naiisip niya ang responsibilidad na dahil lalaki siya ay siya dapat ang bumubuhay sa amin. "Tapos anong ipangtutostos natin sa panganay mo eh college na yun, kahit na free tuition na ang mga universities and colleges, kaylangan pa din magbayad para sa rent ng boarding house, sa daily expenses nung bata especially sa mga school works niya. Kulang na kulang ang pera, ang dami nating ginagastusan, ano ka ba! Mag-isip ka nga! your daughter didn’t pursue her dreams to become a nurse just because we don’t have any money for her tuition fee and to sustain her needs!" Nangunot ako sa sigaw ng Ina, my sister is now studying Bachelor of Elementary Education at alam Kong iniyakan niya iyon. She wants to become a nurse but we don't have much money for that. She has no choice but to choose another course, since she run out of slots in the University she wanted to enroll, tapos late enrollee pa siya. Na late siya mag enroll ng ma-ospital ang daddy during summer vacation, kaya ang nangyari sa BEED ang bagsak niya. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ang awa para sa panganay na kapatid. "Maricel, please--" isinara ko ang pintuan ng aking kwarto nang marinig ang kaawa awang boses ng aking Ama. Iniligpit ko ang mga gamit sa study table ng mawalan ng gana para magsulat. Natulala ako at ayan na naman ang kagustuhan ko na maghanap ng trabaho para hindi laging umaasa sa kanila. Pakiramdam ko kasi pabigat lang ako gayong pwede naman na akong magtrabaho dahil 18 narin naman ako. My cellphone flashed on the study table. I picked it up and looked at the message. From: Unknown number Hey. What’s up? Gawa mo diyan? Busy? Napabuntong hininga ako. Sana pala hindi ko nalang ibinigay ang number ko sa lalaking iyon. Ever since I gave him my number, he has been texting me often. I reply but only once when I'm bored or if I feel like it. I don't really like texting. I only did that when Red and I were still together. Pinukpok ko ang ulo ko sa naisip. “Red ka na naman. Forget him, Belle. Ano ka ba!” I scolded to myself. Until when will I stop thinking about him? Hindi ko na nga masyadong binabanggit and pangalan niya pero siya naman lagi ang nasa isip ko, habang siya, ay may ibang babaeng iniisip! This is so unfair. Halos maiyak ako sa naisip. May problem na nga sa pamilya dahil sa problema sa pinansyal, tapos pati dito sa love life problema din? I lay down on my bed and thought about our family situation. Ilang gabi ko na silang naririnig na pinagtatalunan ito. We were used to living well and being able to provide our everyday needs because of my father's large income when he was still working abroad, but now he's back and does not have a very large income to provide fo us, everything suddenly became difficult for us. Living without money is already hard, it seems like money is everything to us especially for people like us. Pa’no pa kaya ang mga pamilya na mahirap na nga, magulo pa ang estado sa buhay, and how about those families who choose to commit a sin just to make a living than striving hard to succeed in life. I then thought of other people who have gone through the same thing and in a more difficult situation than us. How can they cope with such life? Ang hirap, sobrang hirap. Kasunod ng malakas na kulog at kidlat ay ang pagbuhos ng malakas na ulan dahilan para kunin ko ang kumot at yakapin ito. Naisip ko ang aking sarili, ano nalang kaya ang mangyayari sa akin kung sakaling matuloy ang pag-alis at pagtatrabaho ng aking Ina gayong wala ang panganay kong kapatid na babae dahil nag-aaral ito ng kolehiyo sa ibang lugar. Ako ang magsisilbing panganay sa aming magkakapatid at maiiwang babae sa aming tahanan. Pano ko pagsasabayin ang pag-aaral at obligasyon sa pamilya kapag umalis pa ang aking Ina. Nagising ako sa malamig na ihip ng hangin, walang gana akong bumangon para makapag ayos na para sa klase. When I finish fixing myself, I went straight to our dining area. My father was sitting in our dining area, having a coffee and reading a newspaper, while my mother was cooking a breakfast for us. Habang hinahalo ko ang kutsara sa coffee cup ko ay palihim kong pinagmamasdan ang mga magulang na tahimik at busy sa kani-kanilang mga ginagawa na para bang walang bangayan na nangyari kagabi. Lumapit si Mama sa mesa dala dala ang nilutong fried rice, sunny side up, at hotdog nang sulyapan ako nito, mabilis kong iniwas ang tingin at inangat ang coffee cup saka hinalo ulit ang gatas gamit ang kutsara. "Gisingin mo na ang kapatid mo at may pasok pa." I didn't ask any question about what happened last night, I just followed her orders. I woke up my 12-year-old brother first before I went to my parents' room to check on my baby brother's condition. I slowly approached the bed and stared at his cute face while sleeping soundly. Tears welled up in my eyes as I felt pity for him. Sa aming magkakapatid ay siya lang itong hindi nabigyan ng pagkakataon na maibigay ang lahat ng pangangailangan. Samantalang kami nuon ay naibibigay ang lahat ng gusto at luho sa buhay. Kung maisipan ni Mama na umalis para magtrabaho. Si Luckly lang ang maiiwan ng aking Ina sa murang edad nito. Lahat kami ay lumaki na si Mama ang nag-aalaga, kaya kung aalis siya para magtrabaho, ay si Lucky lamang ang hindi maalagaan ni Mama sa murang edad. Lumapit ako at marahang hinalikan ito sa noo, kumislot ito at lumipat ng posisyon mula sa kanyang pagkakahiga, napangisi pa ako ng kumibot ang labi nito. Holding the strap of my bag, I put my earphones on while walking down the road. Nagmamadali na ako dahil bukod sa nakalimutan ko na may practice kami ng mga ka-grupo ko para sa isang role play this morning ay naabala pa ako sa pagpapatahan sa kapatid ko na hindi magkamayaw sa kakaiyak habang hinahanda naman ng aking Ina ang kanyang gatas. The school is close from our home so I can just walk from here to my school. I remember that Red and I often go to school together and we usually walk on this roadway. Napabuntong hininga ako ng maalala na naman ang lalaking hindi deserving kahit maisip man lang. Nilingon ko ang magkabilang kalsada at nakita na may isang sasakyan na papalapit pero malayo pa ang distansya. Bago pa ito tuluyang makalapit ay nagmamadali na akong tumawid sa kalsada, pero nagulat ako ng may nag overtake na motor dahilan para tumili ako sa gulat at mapaatras. Tumilapon naman ang mga dala ko sa nangyari. Halos murahin ko ang rider na dumaan. Imbis na habulin ang dumaan at sigawan siya ay pinagpupulot ko ang nahulog na folder at isang libro sa gitna ng kalsada! Nilingon ko ang kabilang kalsada at mabuti nalang ay walang sasakyan pero ng lumingon ako sa kabila pagkatapos tumayo ay papalapit na ang kumikinang na sasakyan na nakita ko kanina, pero humina ang takbo nito. Siguro dahil nakita niya ako na nasa gitna padin ng kalsada. Umiwas ako ng tingin at nagmamdaling tumawid, saka naglakad takbo para makarating na sa school. Maayos naman ang naging takbo ng presentation namin hanggang sa dumating ang lunch break kaya nandito kami ngayon sa canteen ni Alisha. "Why are you spacing out? May problema ba? kanina ko pa napapansin, parang ang lalim ng iniisip mo, care to share it with me?" nakakunot ang noo ng magsalita si Alisha. I sighed. "Mama wants to work, actually hindi ko alam kung sino o anong nagtulak sa kanya para maisip yan. She never thinks about working, she just stays at home and does her role as our mother, pero ngayon..." napapailing pa ako ng hindi na naituloy ang sinasabi. "How 'bout your little brother? Who will take care of him if Tita leaves?" She asked. "Ako." napabuntong hiningang sagot ko. "Pa’no na ang studies mo kung ganyan pala?" "I don't know, I actually wanted to try to find a part time job to help at least." nalulungkot na sagot ko. “What if you work in one of the cafe's here. I know someone who can help us, actually the owner is close to me. Tito ng kaibigan ko. Balak ko din sana na pumasok. Part time. If you want.” “Baka hindi din kayanin ng schedule natin. Graduating tayo.” sagot ko. “The more we need money then! Madami tayong gagastusan. And don't worry about our schedule, pwede tayong pumili ng araw kung kaylan lang tayo available. Yung kaibigan ko na din ang nagsabi. Ano, G?” Ngumuso ako. “Sige na! try natin. You once said that you want to experience being a working student. Why don’t we grab the opportunity? Kikita pa tayo.” She added. Tinitigan ko din siya. Hindi tumutol, hindi din sumang-ayon. I close my eyes and cover my face with my palms as I rest my elbow on the table. Problemadong problemado. Naramdaman ko naman ang paghaplos ni Alisha sa likod ko, tila inaalo ako kahit hindi naman ako umiiyak. I looked up and sighed, only to saw Red in the distance standing as he watched me while holding his drink. I couldn’t help but show him how I really felt. I looked at him sadly. He then mirrored my expression, the concern in his eyes did not escape. Bumuntong hininga ako at muling yumuko. Ang hirap naman ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD