You're a Traitor
Chapter 1
Agatha's Pov
" Good morning, Miss Ganda " Masayang bati sa akin ng matalik kung kaibigan na si Hazel.
"Good morning, Miss Taray " sagot ko naman dito na may halong pang aasar.
Matalik na kaibigan ko si Hazel simula bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama at hindi mapaghiwalay, itinuturing ko na din siya bilang kapatid.
Nag-iisa lang akong anak dahil namatay ang aking ina nung ako'y pinanganak, kaya naman ang aking Lola Sisa ang nagpalaki sa akin dahil ang aking Ama ay busy palagi sa kanyang kompanya.
"Agatha gising na malalate ka na naman sa pagpasok" Sigaw ng aking Lola kaya naman agad akong tumayo at mabilis na naligo hindi ko na din naayos ang aking sarili sa pagmamadali.
"Kumain kana muna agatha"
"Hindi na po Lola malalate na po ako pag kumain pa ako" agad naman akong nagmano at ng aalis na ako ay pinabaunan na lang ako nito ng sandwich para makain ko sa daan papuntang school.
1st year college na ako at BS in Business Administration major in Financial Management ang kinuha kung kurso dahil sa Yun ang aking Ama na kunin ko, pero kung ako ang masusunod ang nais kung kurso ay Home Economics dahil sa hilig kung magluto at mag bake na namana ko sa namayapa kung ina.
"Miss Monteverde your late again" sigaw ni miss Gonzales ang aming napaka strikta at mataray na professor kaya naman madaming studyante ang may ayaw sa kanya, mabait lamang ito sa harap ng aking Ama dahil isa ito sa mga nag sponsor sa aming school. "Hindi porket anak ka ni mister Reynaldo eii p pwede ka na laging late" dagdag pa nito.
"Hay, naku! Bestie na sermonan ka na naman ng witch na yun" ang tinutukoy nito ay si Miss Gonzales. "Hayaan mo na bestie kasalanan ko din naman dahil na late ako hindi ko kasi narinig na tumunog ang alarm clock ko" Inis na pagkakasabi ko dito.
"Alam mo mabuti pa eii kumain na tayo, libre mo na din ako hehehe" mahinang tawa nito.
"Yan jan ka magaling ang mag pa libre"
"Mayaman ka naman bestie eii, kaya sige na libre muna ako" nagpapapungay pa ito ng mga mata para makumbinsi ako.
"Sige na nga bestie naman kita eii"
"Da best ka talaga bestie" sabay lingkis nito sa akin..
Habang kumakain kami ay biglang lumapit sa amin ang isang grupo ng mga kalalakihan pinapangunahan iyon ni Timothy na isa sa mga heart trob dito sa campus.
Matangkad, maputi, matangos ang ilong, at kahit papaano eii matalino din ito, galing din ito sa mayamang pamilya , isa din ito sa mga varsity basketball player dito sa campus at talaga namang madaming babae ang nagkakagusto dito, Maliban na lang sa akin Ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo ko sa lalaking ito kahit wala naman itong ginagawa sa akin.
"Bestie mukhang papalapit sila sa atin" kinikilig na sabi ni Hazel dahil pati ito ay may crush din kay Timothy "Bakit naman lalapit yang mga yan dito aber" pagsusungit na sabi ko
" Hi, Miss Agatha Monteverde by the way I am Timothy McVeigh" nakangising sabi nito
"Hi I'm Hazel nga pala" pabebeng sabi ng malandi kung kaibigan.
" Are you free tonight Agatha I just want to invite you to my party tonight "
"No! Hindi ako mahilig sa mga party party na yan" pagtataray ko dito.
" Well it's my birthday today and I just want to invite you here's my invitation you can come with your friends sana makapunta ka" inabot nito sa akin ang invitation card nito at umalis na din ang mga ito
" OMG! Bestie inimbitahan ka ni Timothy at pedi kang magsama na kahit na sino kaya isama mo ako bestie huh!!" kinikilig na sambit nito. " Sino bang may sabing pupunta ako aber? " pagtataray ko dito.
" Sige na Bestie pumunta na tayo minsan lang naman eii " pagmamakaawa nito. "Sige na nga basta hindi tayo magtatagal dun huh!! Alam mo naman ayaw kung pumupunta sa ganun eii " pumayag na ako dahil sa naawa din naman ako sa kaibigan ko.