Suot ang isang itim na leather jacket, itim na sumbrelo at makapal na shades ay pinagmasdan nang mabuti ni Kaiden ang sarili sa harapan ng salamin. Tila sinusuri niya nang mabuti ang sarili kung maayos na ba ang suot niya at kung sapat na ba ito para hindi siya makilala kaagad ng mga taong makakakita at makakasalamuha niya sa labas. Hindi naman kasi pwedeng magtago lamang siya at maghintay nang maghintay sa loob ng rest house ni Amiera, at hayaan na si Amiera palagi ang gumawa ng mga bagay na dapat ay siya ang gumagawa. Kailangan niyang kumilos upang makita si Rexter. Dito nakasalalay ang buhay at kinabukasan niya. Kaya kahit na anong mangyari, kinakailangan niyang makita si Rexter. Hindi siya makakapayag na habang buhay na pagbayaran at pagdusahan ang bagay na hindi naman niya ginawa. N

