Nagising si Kaiden nang tumama sa kanyang mukha ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwartong kinaroroonan niya. Marahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata ngunit agad ding napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag. Bahagya niyang iniiwas ang kanyang mga mata sa sinag ng araw saka siya mabagal na nagmulat ng kanyang mga mata. Ngunit kaagad din siyang natigilan nang bumungad sa kanyang tabi ang kanyang natutulog na asawa. Si Faye. Namilog ang kanyang mga mata at para bang tumigil bahagya sa pagtibok ang kanyang puso. Sunod-sunod siyang napalunok habang nananatiling titig na titig sa asawa. Saka niya marahan na iginalaw ang kamay at marahan na hinaplos ang mukha nito. Naramdaman ng kanyang balat ang balat nito at kasabay no’n ang mabilis na pag-init ng magkabilang sulok ng kanyang mga

