Sylestia
The sense of nostalgia rushing through my veins doubled as soon as we entered the familiar street. Para kong napanood iyong mga alaala namin ni Joaquin. Dati noong wala pa siyang motor ay nilalakad namin mula eskwelahan hanggang sa bahay dahil gusto niya akong ihatid. We would tease each other. Laugh at our silly jokes while sharing snacks he buys, then steal kisses whenever no one is around.
Napatingin ako kay Joaquin. Pinakikiramdaman kung naiisip niya rin ba ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
I inhaled a sharp breath and decided to shoot my shot. "Naalala mo noong unang beses mo kong ihinatid na naglakad tayo galing school? Ang bigat ng bag nating pareho pero binuhat mo sa magkabilang balikat. Tapos naghati tayo sa Nova at isang boteng coke." Basag akong napangiti. "Kilig na kilig ako no'n kasi hinalikan mo ko sa kamay."
I saw his grip on the steering wheel tightened. Hindi niya ako kinibo pero sapat na ang dumaang lungkot sa mga mata niya para malaman kong naalala niya ang araw na 'yon.
Imbes na tumahimik ay ininaggulo ko ang katawan ko paharap sa kanya bago ako ulit nagkwento.
"Noong umuulan tapos nakansela ang pasok kasi bumabaha na sa school, gusto akong ihatid ni Cedric kasi may motor na siya pero mas pinili nating maglakad sa ulanan. Sorry ka nang sorry kasi pati payong natin no'n sira. Nahihiya ka sa'kin samantalang isa 'yon sa pinakaimportanteng alaala sa'kin kasi ginawa mo lahat huwag lang akong mabasa kahit ikaw, pati bag mo basa na."
His jaw clenched. "Pinakaimportanteng alaala? Huwag na tayong maglokohan. You wouldn't leave me for money if things like that mattered to you."
Lumamlam ang mga mata ko. "Totoo ang sinasabi ko."
"Then why, hmm? Why did you leave Sta. Ana?" may bakas na ng galit niyang tanong.
Napatitig lamang ako. Hindi sa hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. I know my reason very well. Natakot lang ako na magkamali ako ng pagkakasabi. Baka lalo lamang siyang madiskurahe sa akin.
He sighed while shaking his head. Maya-maya ay iniliko niya na ang sasakyan sa pamilyar na kanto.
Napalitan ng kaba ang lungkot sa dibdib ko nang mapagtanto ko kung saan kami patungo.
"A-Akala ko ba . . . sa mansyon tayo?" hindi ko napigilang itanong.
"We'll visit your family first, then we'll go to our parents' graves," malamig niyang sagot.
Napalunok ako. Ang kaba sa dibdib ay lalo pang lumala. "Hindi mo sinabing . . . pupuntahan natin sila."
His jaw slightly clenched, hinting at his irritation. "I told you that people have to know that we're back together. Do I really have to articulate everything to you?"
"Sorry." I inhaled a sharp breath. "Akala ko kasi basta makita lang tayong magkasama."
Sinulyapan niya ako. "No. Everyone must know that you're with me again. Na akin ka ulit."
My eyes blinked. Akin ka ulit?
He sighed. Siguro ay napansing medyo iba ang naging dating sa akin ng huli niyang sinabi.
"You will tell them that you worked as a nanny in Manila before I found you. Hindi mo kailangang ipaalam na sa club kita natagpuan," he said. Tila gustong ibahin ang usapan.
Humugot na lang ako ng hininga't marahang tumango. "O-Okay."
Hindi na niya ako kinibo. Ihinanda ko na lang din ang sarili ko dahil malapit na kami sa bahay na pinili kong lisanin ilang taon na ang nakararaan.
I expected to come home to the same barely standing unfurnished home. Kaya nang matanaw ko ang magandang bungalow house na may kremang pintura at sliding window ay kaagad na nalukot ang noo ko.
"Pinaalis ang bahay namin sa kinatitirikan?" tanong ko nang iparada ni Joaquin ang sasakyan.
"No," he answered in a breathy way while he's unbuckling his seatbelt. Maya-maya ay pinakatitigan niya ako. "That's your family house."
Umawang ang aking mga labi. "A-Ano?" Tinitigan ko ang magandang bahay. "P-Paanong nangyari na bahay namin 'yan?"
Hindi na niya ako kinibo. Lumabas siya ng sasakyan saka dumiretso sa main door ng bahay. Kumatok siya roon at naghintay na pagbuksan.
I tried to peek the moment the door finally opened. Nakita ko kung paanong niyakap ni Mama si Joaquin. May sinabi si Joaquin sa kanya bago sila parehong tumingin sa sasakyan.
Nanikip ang dibdib ko nang makita kung paanong umagos ang luha ni Mama. Natutop pa niya ang bibig niya at tila muntik mabuwal kung hindi lang naalalayan ni Joaquin.
My eyes started to water. Natutuwa ba si Mama? O naalala niyang namatay si Papa dahil sa akin kaya siya umiiyak ngayon?
Suminghot ako't kinakabahang tinanggal ang suot na seatbelt. I gathered my strength to face my mother as soon as I saw Joaquin walk back towards the car.
Ipinagbukas niya ako ng pinto. He stared into my eyes as if warning me before he offered his hand. Tila ba sinasabi sa aking simula na ng pagpapanggap naming dalawa.
Nilunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko bago ko tinanggap ang kanyang kamay. He guided me out of the car then shut the door for me. Nagkatitigan kami ni Mama. Her shoulders quaked while watching me take my steps towards her.
"Diyos ko, Syl!" Napahagulgol si Mama. "Buong akala namin ay may masamang nangyari na sa'yo!"
Nanigas ang katawan ko nang tuluyan akong niyakap ni Mama. Her heart-wrecking cries made my tears fall heavily while I tried to process what was going on. Niyayakap ako ng nanay ko. Hindi niya ako minumura o sinisisi. Niyayakap niya ako ngayon kasi sa wakas ay umuwi na rin ako.
Oh, God. What did I do to my family?
Tuluyang nag-sink in sa isip ko ang nangyayari. I ended up bursting into tears as I hugged my mother back. Para bang sinampal ako ng katotohanang ilang taon ko silang pinatay sa pag-aalala.
Do I deserve this kind of welcome? Hindi ba dapat at kamuhian niya ako dahil pinili ko silang layasan? Dapat ay gumaya siya kay Joaquin na halos isumpa ako sa pag-abandona ko sa kanila!
My mother pulled away from our hug to wipe my tears and cup my face. Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng mga luha niya ngunit mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon.
"Ilang taon ka na naming hinahanap. Ang Papa mo . . ." Umalog ang mga balikat niya. "Ano ba ang nangyari, anak? Bakit ka umalis? May pumilit ba sa'yo?"
Imbes na sumagot ay pumatak ang mga luha ko. My lower lip quivered because I knew the reason why I left was because I got tired of the life she and Papa were giving me and my siblings.
Sinisi ko sila sa kahirapang ginusto kong takasan. Sinisi ko ang buhay na mayroon kami sa paglayas ko. I wasn't happy with our miserable life in Sta. Ana. I abandoned them because I wanted more in life.
Hindi ako nakakibo. Humagulgol lamang ako na parang batang nasampal ng katotohanan. Lumapit naman si Joaquin at hinagod ang likod ko na tila nais akong pakalmahin.
"Tita, mamaya na lang ho siguro ninyo pag-usapan. Baka hindi pa handang magkwento si Syl," pagsalo niya sa akin.
Tumango si Mama bago niya pinunasan ang mga luha ko. "Magpahinga muna kayo sa loob. Ang ganda na ng bahay natin, anak kaya hindi ka na maiinitan. Salamat kay Joaquin."
Napakurap ako. Tiningnan ko si Joaquin ngunit umiwas lang siya ng tingin.
"I brought you a little something, Tita. Ako na ho ang magpapasok sa loob," ani Joaquin.
May kinuha siyang kahon sa likod ng sasakyan. Pinanood ko lang siyang pumasok ng bahay habang naiwan kami ni Mama sa labas dahil hindi ko pa magawang kumilos. I am still overwhelmed by everything, especially with the way she accepted me.
Akmang magsasalita si Mama nang makarinig kami ng paparating na motorsiklo. A familiar man parked his motorbike beside Joaquin's car. Bumaba ang lalakeng dumating at kaagad naghubad ng suot na helmet.
Nalukot ang noo niya nang mapakatitigan ako. "Syl? Ikaw na ba 'yan?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "Lintik, ang ganda mo lalo!"
Cedric walked the length towards me. Sa sobrang tuwa ay gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya.
"Ced," bati ko matapos magpunas ng luha.
"Kumusta ka na? Sakto ang delivery ko rito, ah!"
I was about to answer him when Joaquin walked out of the house. Diretso sa tabi ko ang tungo at kaagad nilagay sa aking baywang ang palad. It was like he was trying to show Cedric who owns me. Who still owns me. Madilim din ang ekspresyong nakapinta sa gwapong mukha habang nakikipagtitigan sa dati kong kaklase.
"Uy, pare. Kayo pa rin pala?" tila biro ni Cedric.
I saw how Joaquin's eyes slightly squinted. "Bakit? Naghiwalay ba kami, hmm?"
Napalunok ako nang dumagundong ang aking dibdib. Well, that jealousy in his voice didn't sound fake?
Cedric laughed softly. "Seloso pa rin 'tong syota mo, Syl ah?" Umiling-iling siya.
I forced a smile. "Pagpasensyahan mo na. Alam mo naman, mahal na mahal ako nito," I joked.
Ngumisi si Cedric. "Oo naman. Kaya nga muntik tumalon sa tulay!"
The smile on my lips faded as my gaze slowly drifted towards Joaquin.
What did Cedric just say?