Kabanata 8

1178 Words
Syl "KUMAIN ka nang marami, anak ha?" Hinaplos ni Mama ang buhok ko habang malapad ang ngiti. "Paborito mo 'to kaya ito ang iniluto ko." I wanted to tell my mom to refrain from putting more food on my plate. Nasa mahabang mesa kami sa kusina para sa hapunan. I was seated next to Joaquin while my siblings were in front of me. Nakatingin lang at tila may iba't ibang opinyon tungkol sa pag-uwi ko. Tumikhim si Rhyz. Ang sumunod sa akin. We used to be very close. Ako ang nagtatali ng buhok niya noon tuwing papasok. Magkatabi rin kami kapag natutulog. We share clothes back then. Dahil hindi naman nalalayo ang edad naming dalawa. Sinubukan ko siyang ngitian ngunit irap lamang ang iginanti niya sa akin. Napababa tuloy ako ng tingin sa aking plato. This is not the Rhyz I used to know . . . She cleared her throat. "Ma, hindi baldado 'yang panganay mo. Kaya niyang ipagsandok ang sarili niya." "Rhyz," sita ni Mama. "Ano ka ba naman. Wala na ba talagang preno 'yang bibig mo?" "Ma," tawag ko saka ko hinawakan ang braso niya. "Ayos lang ho. Sige na, kumain na rin kayo." Umirap si Rhyz sa kawalan. "Akala mo talaga kung sinong mabuting anak," she murmured. Maya-maya ay padabog siyang tumayo. "Oh, saan ka pupunta? Hindi mo pa nauubos 'yang pagkain mo?" sita ulit ni Mama sa kanya. "Nawalan na ko ng gana," sagot ni Rhyz bago kami nilayasan. Napabuntonghininga ako. Mukhang hindi ang galit ni Mama ang dapat kong harapin kun'di ang sa mga kapatid ko. Even my other siblings, Athalia and Phillip, seemed upset that I was finally home. Tanging ang bunso kong kapatid na si Clemmie ang tanging ngumingiti sa akin tuwing dumadapo ang tingin ko sa kanya. Hinagod ni Mama ang likod ko. "Sige na, kumain ka na. Huwag mo nang intindihin 'yong kapatid mo. Talagang maldita 'yon." No, she's not. Napakalambing sa akin noon ni Rhyz. Hindi nga iyon kakain hangga't wala pa ako sa bahay, eh. Palagi pang nakangiti noon. Ni hindi ko rin nakikitang umiirap o nagtataray kahit kanino. Joaquin slightly leaned towards me. "Eat your food, Syl," he whispered. Tumango na lamang ako't sinimulan nang kumain. Naupo naman si Mama sa silyang katabi ni Clemmie. Panay pa rin ang sulyap niya sa akin. Ngumingiti nang matamis kapag nagtatagpo ang tingin namin. Para bang hindi pa siya makapaniwalang naririto na ako ulit. I forced a smile before I lowered my head. I should be happy, right? My mom doesn't hate me. Pero bakit parang . . . mas naninikip ang dibdib ko kasi hindi ko siya makitaan ng kahit katiting na bakas ng galit para sa akin? Maybe it would be better if she would show me some hate. Siguro kasi alam ko sa sarili kong deserve ko iyon. "Anak, Syl? Kung . . . kung magpaiwan ka muna kaya rito kahit ilang linggo lang?" tanong ni Mama sa kalagitnaan ng hapunan. Napaangat ako ng tingin. My lips parted but no words came out because I didn't know what to answer. Sa huli ay tumingin ako kay Joaquin. Tahimik na humingi ng saklolo dahil hindi ko alam ang dapat na sabihin. Joaquin held my thigh before he smiled at my mom. Napabaling naman sa kanyang palad ang tingin ko habang kausap niya si Mama. "Matagal-tagal din naman ho kaming mananatili rito bago uuwi ng Maynila. Babalik din ho kami kaagad. May aasikasuhin lang kami ro'n," he answered in a polite manner. Napalunok ako. Ano ang aasikasuhin niya? Iyong sa kasal ba nila ng totoong girlfriend niya? "Gano'n ba? Pero kung sakaling hindi naman gaanong kailangan si Syl sa Maynila, pauwiin mo muna rito, ha? Para makasama pa namin bago kayo magpakasal?" sabi ni Mama na nakapagpakabog sa dibdib ko. Napaangat din ako ng tingin dala ng gulat. Joaquin gently squeezed my thigh as if telling me to not act surprised. Ngumiti siyang muli kay Mama saka siya tumango. "Wala pong problema." Gusto ko siyang hatakin palabas ng bahay at kumprontahin. Pinaaasa niya ang pamilya ko! Alam naman naming pareho na may iba siyang pakakasalan! I tried to remain calm until we finished our dinner. Balak ko sanang kausapin si Joaquin tungkol sa mga pinag-usapan kanina habang naghahapunan kaya lang ay nakatanggap naman siya ng tawag at kinailangang umalis. "Susunduin kita mamaya," he said. Tatango sana ako ngunit bigla niya akong hinawakan sa batok saka ako pinatakan ng halik sa mga labi. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko't hindi kaagad nakapagsalita dahil masyadong nabigla sa ginawa niya. I almost forgot that he still hates me. That this is all an act to fool everyone around us. Bakit nga ba binibigyan ng sistema ko ng kahulugan iyong mga ginagawa ni Joaquin? I sighed. Binibigyan ko lang ang sarili ko ng iiyakan oras na matapos ang kontrata namin. Pumunta na lang ako sa kusina para sana magpresintang maghugas ng pinggan ngunit nasa harap na ng lababo si Rhyz. Napatingin siya sa direksyon ko nang narinig akong pumasok. Maya-maya ay umirap din kaagad at naging padabog ang kilos. Bumuntonghininga ako. "Rhyz? Tulungan na kita." "Kaya ko na 'to," asik niya. My eyes softened. "Pwede ba nating pag-usapan 'yong sama ng loob mo sa akin?" "Sama ng loob?" Rhyz scoffed. "Ang babaw naman ng term mo para sa nararamdaman ko?" "Rhyz . . ." Tumalim ang tingin niya sa akin. "Ano bang akala mo sa akin? Parang si Mama lang na aarteng miss na miss ka kahit na kung hindi dahil sa'yo, hindi mawawala si Papa? Hindi magtatangkang magpatiwakal si kuya Joaquin? Hindi ako-" She pursed her lips and looked away. "Lumayu-layo ka muna sa akin, ate. Baka kung ano ang magawa ko sa'yo." Nilunok ko ang namuong bara sa lalamunan ko. "Rhyz, nagawa ko lang naman 'yon kasi . . ." My chest tightened. "Kasi napagod ako, okay? Napagod ako sa buhay natin. Alam kong mababaw pakinggan-" "Talagang mababaw!" Her voice raised. "Putangina, ate mababaw! Ano, sarili mo lang ang naisip mo?! Nahirapan ka?! Noong nakaalis ka, guminhawa ba ang buhay namin?!" She scoffed. Namumula na rin ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. "Napakawalang kwenta mong tao. Nagtataka pa rin ako bakit mas pinili ni kuya Joaquin na hanapin ka eh hindi mo nga kami inisip lahat noong umalis ka. Bakit hindi ka na lang ulit umalis at huwag nang magpakita pa?" "Rhyz, huwag ka namang ganyan-" "Ano, nasasaktan ka? Dapat lang!" Pagalit siyang nagpunas ng luha. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako magkakaganito. Sana nga namatay ka na lang, eh. Sana ikaw na lang. Hindi si Papa dahil ikaw ang walang kwenta!" Para akong nanghina nang daanan niya ako't binangga sa balikat. I had no choice but to hold onto the kitchen counter as my tears rolled down my cheeks. Kahit na takpan ko ang aking mga labi ay talagang kumakawala ang mga hikbi ko. I couldn't help it. Ang sakit-sakit marinig mula sa sarili kong kapatid ang mga bagay na iyon. I sobbed. Diyos ko. Mukhang maling desisyon nga talagang sumama pa akong umuwi rito . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD