Chapter 3

1026 Words
‘Families are like branches on a tree. We grow in different directions yet our root remains as one.’ -Scarlett’s POV- “Tapos na bang magluto? Nagugutom na ako,” napatingin naman ako sa bagong dating lang na si Amber. Mukhang kanina pa sila gising. “Tapos na, ihahanda na lang ang pagkain,” sagot ko pero hindi na ito nagsalita pa at tinalikuran na kami. “Ako na magdadala ng mga pinggan manang.” Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at dumiretso na sa dining. Pagkatapos ayusin ang mga gagamitin nila ay sakto naman pagdating ni Manang Lourdes para ilapag ang mga ulam. Bukod kasi sa sinigang na niluto namin ay nagluto pa siya ng pritong manok at adobo. “Bakit tatlong pinggan lang nilagay mo? Hindi ka ba kakain?” tanong niya ng mapansin na tatlo lang ang pinggan na nasa mesa. Bago pa ako makasagot ay siya naman pagbaba ni Auntie Amanda sa hapag. Inayos ko na ang mga kutsara at mga baso. “Hindi ka kakain?” kaagad na tanong niya ng mapansin na kulang ang pinggan na nasa mesa. “Mamaya na po auntie, para po may kasabay si Manang Lourdes sa pagkain,” nakangiting sagot ko sa kanya. Kahit naman kasi na massungit si auntie at madalas akong pagalitan ay pinapakain naman nila ako ng maayos. Lagi rin akong sabay kumakain sa kanila pero nang magalit sa akin si Amber ay laging kina Manang Lourdes at Aika na ako sumasabay kumain. Mas komportable rin kasi kapag sila ang kasabay kong kumain. Kaya rin kasi nagalit sa akin si Amber ay dahil hindi ko na-perfect ‘yong exam na pinasagutan niya sa akin. Akala niya tuloy ay sinabotahe ko siya kahit hindi naman. Paano ba naman kasi may limang mali ‘yong exam niya. May pinuntahan kasi siya na birthday party no’n kaya sa akin niya pinasagutan ‘yong take home exam niya. May ilan kasi ro’n na hindi pa namin naaaral kaya naman hindi ko alam ang sagot, akala ko nga ay mas marami ang maling sagot. Ilang beses na akong nagsabi sa kanya pero ayaw niyang maniwala sa akin kaya hinayaan ko na lang. Ayoko rin naman nang makipagtalo dahil ang lalabas ako pa rin ang mali kaya hinayaan ko na lang. Nagsimula nang kumain sina auntie, nahuli pang bumaba si Aaron na halatang puyat pa. Lagi naman siyang puyat kalalaro nang kung anong video games. Ilang beses na siyang pinagalitan ng mama niya pero hindi rin naman siya sumusunod pa kaya hinahayaan na lang. Nang maayos ang lahat ay dumiretso na ako kusina upang linisin ang mga naiwan pa na kalat. Tanaw pa rin naman ang dining mula rito kaya kung sakali man na may iutos sila ay maririnig ko kaagad. Nando’n din naman si manang na nag-aasikaso pa. “Kumusta ‘yong sinigang, masarap ba?” narinig kong tanong ni manang kaya sumilip ako sa labas. Abala sila sa pagkain kaya naman hindi nila ako mapapansin sa pwesto ko ngayon. “Sakto lang,” as usual na sagot ni auntie. Kahit hindi niya sabihin ay mukha namang nasarapan siya sa niluto ko. Natuwa tuloy ako. Ako kasi talaga ang nagluto ng sinigang. Tinuruan at binantayan lang ako ni manang sa pagluluto. Magsasabi siya kung ano ang ilalagay at ano ang dapat gawin habang ako ang nag-asikaso ng lahat. Mabuti naman at nagustuhan nila ang unang putahe na niluto ko. “Uhm, masarap,” tumatangong wika pa ni Aaron nang matikman ang sinigang. Hindi naman nagsalita si Amber at patuloy lang sa pagkain. “Mabuti naman kung gano’n. Si Scarlett ang nagluto niyan,” imporma sa kanila ni manang. Mukhang nagulat pa si auntie habang si Amber naman ay walang reaksyon. “It’s good for a first timer,” wika ni Aaron sabay subo ulit ng ulam. Mukhang nagustuhan nga niya ang niluto ko. Hindi kami close ni Aaron pero hindi rin naman siya masungit sa akin. Naalala ko pa nga no’ng mga bata kami ay dinadalhan niya rin ako gn pasalubong kapag may dala siya kay Amber. Hindi rin naman siya pala-utos sa akin. May mga oras lang na nagpapatulong siya sa akin ng mga school works kapag hindi niya alam ang gagawin o kaya naman kapag may lakad sila ng barkada niya. Madalas kasi silang lumabas ng mga kaibigan niya kaya minsan ay hindi niya nagagawa ang mga dapat gawin. “Sabi ko sa’yo ay magugustuhan nila ang luto mo,” nakangiting wika ni manang pagbalik niya. Hindi ko rin napigilan na ngumiti. Ewan, masaya kasi talaga ako. Sobrang natutuwa ako dahil nagustuhan at nasarapan sila sa niluto ko. Mukhang madalas na akong magpapaturo kay manang na magluto. “Sayang wala si Aika, hindi niya tuloy matitikman ang niluto ko,” malungkot na wika ko ng maalala si Aika. Siya rin kasi ang madalas na nagsasabi sa akin na dapat ay matuto akong magluto lalo na at babae ako. May pasok na ako bukas kaya naman wala na rin akong oras para makapagluto. Mukhang tuwing weekends lang din pala ako makakapag-aral magluto. “Hayaan mo at sa susunod ay tuturuan naman kita ng ibang putahe,” napangiti tuloy ulit ako dahil sa sinabi ni manang. Pinagpatuloy ko na ang paglilinis dahil maya-maya lang ay matatapos na rin kumain sina auntie. Excited na rin ako mamaya dahil pagkatapos nang mga gawain ay makakapagbasa na ulit ako. No’ng nakaraang linggo kasi ay maraming pinagawa sa school kaya naman wala akong oras para magbasa. Katatapos lang din kasi ng mid-terms kaya naman puro pagre-review ang ginawa ko. Mabuti na lang at mapapahinga ko na rin ang utak ko. Excited na rin akong mag-Monday dahil makakahiram ulit akong libro. Last Friday kasi ay may nakita akong bagong libro at ‘yon ang gusto kong basahin. Nahihilig kasi ako ngayon sa mythology. Buti na lang at may mga gano’ng libro sa library namin. “Halika at kumain na tayo,” pagyayaya ni manang. Sumunod na ako sa kanya sa dining dahil tapos na rin palang kumain sina auntie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD