Third Person’s POV “You look happy, Kuya. New partnership?” Tanong ni Vanessa sa kapatid habang naghahanap ng movie na papanoorin sa netflix. Kakatapos lang nilang ipadala sa america si Caiden upang doon operahan at gumaling since nandoon ang mga makabagong kagamitan na wala sa bansa. Bukod doon ay malaki ang tiwala nilang mas maaalagaan at magagamot ang binata kapag nandoon lalo pa at iwas stress sa buhay. Ang tanging kasama niya ay si Maui na siyang nag-aasikaso ng papeles niya doon. Ang ina sana ni Caiden ang sasama ngunit sinabi nitong susunod na lamang siya at may kailangan pang asikasuhin para na din sa anak. Nandito ngayon ang magkapatid sa kanilang family house upang magpahinga sa nakakapagod na buhay sa siyudad. Ang hindi alam ng dalagang Lewis ay ang sikretong itinatago

