“SINONG kasama natin na pupunta sa beach?” tanong ko kay PJ nang papunta na kami sa sasakyan niya. Hinila niya ang kamay ko saka huminto sa paglalakad at hinarap ako kaya napilitan din akong huminto. “Tayong dalawa lang ang pupunta roon. Pero huwag kang mag-alala kasi malapit lang iyong beach dito,” nakangiting sabi niya. Gusto kong kabahan sa sinabi niya. Hindi kasi ako sigurado kung totoo ngang nagbago na siya. Pero kung may katotohanan man ang sinabi niya sa akin kanina, kailangan kong magtiwala sa kanya. “Okay. Tara na. Mainit na ang sikat ng araw,” reklamo ko. Napangisi si PJ. Pinisil niya ang tungki ng ilong ko saka dinampian ako ng halik sa labi. Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil kumabog na naman ang puso ko. Nagugulat talaga ako sa pinaggagawa ni PJ. Tulad na lang

