Chapter 6 - Loving You is Painful

2020 Words
“NABUSOG ka ba? Halo-halo lang naman kasi ang kinain mo,” puna ni PJ nang bumalik na kami sa sasakyan. “Busog na ako doon sa halo-halo. Hindi pa naman kasi ako gutom,” sagot ko saka itinuon ang tingin sa kalsada. “Okay. Pero kung makaramdam ka ng gutom, sabihin mo lang. Sa Pangasinan na tayo mag-stop over.” Nilingon ko siya saka ako tumango. Halos pareho lang naman kami ng kinain. Halo-halo din ang in-order niya. Pero nag-order pa siya ng dalawang burger na siya rin mismo ang umubos kasi busog na talaga ako. Ang alam ko kulang pa iyong kinain niya. Magana kasi siyang kumain. Kaya nasisiguro kong hihinto uli kami mamaya bago pa kami makarating sa aming pupuntahan. “Ilang oras pa ba tayong bibiyahe?” tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi malapit na kami sa dulo ng Tarlac kaya hindi na magtatagal papasok na kami sa probinsiyang pinagmulan ng mama niya. Sinilip ni PJ ang suot niyang relo. “More or less three hours na lang. Naiinip ka na ba?” Umiling ako. Hindi naman talaga ako naiinip. Mas namamayani ang takot sa puso ko. Mahaba pa kasi ang pagkakataon niya na gawan ako ng masama hanggang hindi kami nakakarating sa lugar kung saan kami pupunta. Nag-aalala rin ako kung totoo ngang namatay ang lola niya tulad ng kanyang sinabi. Hindi ako sigurado na may lamay nga kaming pupuntahan. Baka dahilan lang niya iyon para madala ako sa lugar na walang makakakita sa amin at magawa niya ang lahat ng gusto niya. Shit! Bakit hindi ko naisip iyon agad bago ako pumayag na sumama sa kanya? Dapat sana tinawagan ko muna ang mama niya para siguruhing tama ang sinabi niya. “Nasaan nga pala ang mama mo? Bakit hindi natin siya kasama?” bigla kong naitanong na dapat sana kanina ko pa ginawa. “Nauna na sila ni daddy na pumunta roon. Kaya hinihintay na nila tayo,” sagot niya nang hindi ako nililingon. Napabuga ako ng hangin. Madali lang na sabihing naroon na ang mama niya. Pero hindi ako siguradong nagsasabi siya ng totoo. Dapat sana nakausap ko mismo ang mama niya para masiguro kong totoo ang lahat nang sinasabi niya. Paano na lang kung kasinungalingan lahat ng sinabi niya sa akin? Paano ko mapoprotektahan ang sarili ko? Ang layo pa naman ng lugar na pupuntahan namin. Wala pa akong kakilala roon. Kung sakaling matakasan ko siya, paano ako babalik ng Manila gayong wala akong pera? May dala man akong wallet, wala namang lamang pera. Ni hindi ko sigurado kung may laman pa ang atm card ko na nakatago sa aking wallet. Malay ko ba naman kung pinakialaman niya ito noong panahong nasa ospital pa ako. Ni hindi ko na kasi magawang i-check pa dahil hindi na ako nakalabas ng bahay mula noong ma-discharge ako. Wala rin naman akong cellphone dahil nasira ito noong mahulog ako sa bangin. Wasak daw ang cellphone ko noong matagpuan nila ako sa bangin sabi ni PJ. “Matulog ka ulit para makapagpahinga ka,” suhestiyon ni PJ. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Gusto niya talaga akong matulog para walang sagabal sa plano niya. “Hindi naman ako inaantok. Magbabasa na lang ako.” Binuksan ko ang aking shoulder bag at inilabas roon ang pocketbook na dala ko. Hindi na umimik si PJ kaya itinuon ko lang ang atensyon ko sa librong hawak ko. Tahimik na kaming bumibiyahe at wala na akong narinig mula sa kanya. Kinain na rin ng librong binabasa ko ang aking buong atensyon. Nasa kalagitnaan na ako sa aking binabasa nang mag-angat ako ng tingin. Madilim na ang buong paligid. “Nasaan na tayo?” usisa ko. “Nasa Pangasinan na tayo. Dalawang oras na lang ang biyahe natin.” Tumango lang ako saka muling ipinagpatuloy ang aking binabasa. One fourth na lang ang natitira sa binabasa ko nang bigla akong maghikab. Inaantok na naman ako. Heto ang problema kapag dire-diretso akong nagbabasa ng libro, inaantok ako. Kung nasa cellphone lang sana ang binabasa ko, hindi ako aantukin. Ilang minuto pa ang lumipas, sunod-sunod na ang paghikab ko. Ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang aking binabasa. Hanggang sa maramdaman kong bumibigat na ang aking mga mata. Pipikit lang ako sandali bago ko tapusin ang aking binabasa. Ngunit hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakaangat ang aking katawan. Pagmulat ko nabungaran ko si PJ. Karga pala niya ako. Nakasubsob ako sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Mukhang umaakyat kami. Nang luminga ako sa paligid napansin kong nasa loob kami ng isang bahay. “PJ, ibaba mo ako,” utos ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa akin. “Gising ka na pala. Doon na kita sa kuwarto ibaba,” nakangiting sagot niya. Napakunot ang noo ko. Kaninong bahay ito? Nakarating na ba kami sa sinasabi niyang pupuntahan namin? Nasagot lang ang tanong ko nang maingat niya akong maibaba sa malapad na kama. “Dito ka lang muna. Pupuntahan ko lang sina mama at daddy sa baba. Hahanapin nila ako,” paalam niya. Bigla akong napabangon. “Ano bang mayroon sa baba? Bakit ka pupunta roon?” “Nandoon iyong lamay ni Lola Elena. Nagpaalam lang ako kanina na ihahatid muna kita dito sa kuwarto saka ako babalik doon,” paliwanag ni PJ. Napakurap ako ng ilang beses. “Kanino ka ba nagpaalam?” naguguluhang tanong ko. “Kina mama at daddy at sa mga kamag-anak naming nakikilamay,” kunot-noong sagot niya. Napatakip ako ng aking bibig. Ibig bang sabihin dumaan kami mismo sa lugar kung saan nakalagak ang labi ng lola niya? Kaya ba kami nakita ng mga kamag-anak niya? “Sige na, magpahinga ka muna rito. Balikan kita mamaya. Kakausapin ko lang ang mga pinsan ko. Gusto mo bang magpahatid ako ng pagkain mo rito?” Marahas akong umiling. “Okay lang ba na maiwan ako rito? Hindi mo ba ako isasama?” nagtatakang tanong ko. Hindi ko siya maintindihan kung bakit iiwan lang niya ako rito gayong dapat ay nasa lamay din ako. “It’s okay. Dito ka na lang. Alam ko namang pagod ka sa biyahe natin. Hindi mo naman kailangang magpuyat. Mas kailangan mong magpahinga dahil kagagaling mo lang ng ospital. Makikilala ka naman ng mga kamag-anak ko bukas dahil makikipaglibing tayo.” Pagkasabi nito’y binuhat ako ni PJ at maayos na inihiga sa kama. Hinalikan pa niya ako sa noo bago siya lumabas ng kuwarto. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame bago ako nagpasyang bumangon. Nilinga ko ang buong kuwarto. Napansin ko ang sliding door sa sulok. Agad ko itong nilapitan. Nang mabuksan ko ito, tumambad sa aking paningin ang maluwang na balcony. Dinig ko mula sa aking kinaroroonan ang ingay na nagmumula sa baba. Lumabas ako at sumilip. Nakita ko ang mga kumpulan ng mga tao sa harapan mismo ng bahay. Mukha ngang may lamay sa baba base sa mga koronang bulaklak na naka-display at sa dami ng monobloc chair kung saan nakaupo ang mga bisitang naroon. Nahihiyang umatras ako at bumalik sa loob ng kuwarto. Akala ko nagsisinungaling lang si PJ sa sinabi niyang namatay ang lola niya. Ako pala itong nag-iisip nang masama at hindi siya. Napapailing na isinara ko ang sliding door saka bumalik sa kama. Nang mahagip ng aking tingin ang maleta ko, agad ko itong nilapitan. Naglabas ako ng toothbrush, tuwalya, at pajama set saka ako tumuloy sa banyo. Nagsepilyo muna ako bago ko pinaliguan ang aking katawan. Hindi ko na binasa ang ulo ko. Hanggang baywang kasi ang buhok ko at mahirap patuyuin dahil hindi ko dinala ang aking blower. Itinuloy ko ang binabasa kong pocketbook pagbalik ko ng kama. Pero hindi ko pa rin natapos dahil muli na naman akong nakatulog. Nagising na lang ako ng may maramdaman akong humahalik sa aking mukha. Nang magmulat ako nabungaran ko ang nakangiting mukha ni PJ. “Good morning, sweetheart!” bati niya saka niya ako dinampian ng halik sa bibig. Bigla akong napabangon sa ginawa niya. Nagtayuan kasi ang mga mumunting buhok sa katawan ko. “Anong oras na? Hindi ba ngayon ang libing ng lola mo?” “Mamayang alas-siyete pa iyon. Quarter to six pa lang ngayon. Payakap muna maaga pa naman.” Bago pa ako makapagprotesta, hinawakan niya ako sa baywang at ibinaba sa kandungan niya. Akmang tatayo ako ngunit hindi ko na nagawa dahil bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit saka hinalikan sa ibabaw ng aking ulo. “I miss you so much, sweetheart,” malambing niyang sabi. Rumagasa ang magkahalong kiliti at kuryente sa buong katawan ko. Sa pakiwari ko uminit ang buong paligid. Lalo pa akong kinabahan sa sumunod na sinabi ni PJ. “Sweetheart, can I make love to you?” anas niya saka dinilaan ang tainga ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na nagpumiglas. “No!” mariing sagot ko saka ako tumayo. Napansin ko na sumeryoso ang mukha niya. Bahagyang namula ang mukha niya pati ang kanyang leeg. Nang mapatitig ako sa mga mata niya, nabasa ko roon ang matinding pagnanasa na bumabalot sa kanya. Kagat-labing napayuko ako para lang muling magulat nang matuon ang mga mata ko sa pagitan ng hita niya. Kapansin-pansin ang bumubukol niyang p*********i na para bang gustong kumawala sa suot niyang pantalon. Dalawang kamay ang naitakip ko sa aking bibig. Paano ako makakatakas sa kanya ngayon? Kilala ko kasi siya na kapag gusto niyang makipag-s*x, hindi mo siya puwedeng tanggihan. Kapag tumatanggi ako noon, lalo siyang nagagalit at nasasaktan niya ako. Nanginig ang mga tuhod ko habang hindi ko mapigilang kumurap. Nang tumayo siya, wala sa sariling napaatras ako. Ngunit bago pa ako makalayo sa kanya, mabilis siyang lumapit at niyakap niya ako. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. “Hey! Don’t worry, hindi naman kita pipilitin kong ayaw mo. Yayakapin na lang muna kita para naman mabawasan ang pangungulila ko sa iyo. I really miss you. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap para sa akin na kontrolin ang sarili ko. Gusto kong angkinin ka nang paulit-ulit para lang masigurong pagmamay-ari ko pa ang katawan at puso mo. Pero sa tuwing mababasa ko sa mga mata mo ang takot, nanghihina ako at nawawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko ang layo mo na sa akin kahit nandito ka lang sa tabi ko. Kung maari lang akong bumalik sa nakaraan, babaguhin ko ang lahat ng pagkakamali ko para sana hindi tayo umabot sa ganito. Natatakot ako na isa mga araw na ito, bigla ka na lang mawala sa buhay ko. Kapag nangyari iyon, baka tuluyan akong mabaliw. Kaya pakiusap, kung sakaling bumalik ang alaala mo at magdesisyon kang iwan ako, puwede ba akong humiling? Ilibing mo muna ako bago mo ako iwan dahil hindi ko na kayang mabuhay pa kapag mawawala ka sa akin. Hindi kita gustong ipamigay kahit kanino. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa makita kang angkinin ng ibang lalaki. Mahal na mahal kita, Jenezel.” Nanikip ang dibdib ko nang marinig ang mahabang litanya ni PJ. Hindi ako dapat maapektuhan sa mga sinasabi niya. Baka niloloko lang niya ako. Kahit kailan naman wala siyang sinabing mahal niya ako mula pa noong ikinasal kami. Bakit niya sinasabi ito ngayon? Anong gusto niyang mangyari? Bilugin pa ang ulo ko para magawa niya ang lahat ng kalokohan niya sa akin? Agad kong pinahid ang luhang nagsisimulang tumulo sa aking mga mata. Pero kahit anong pigil ko kusang umaagos ang luha ko. Peste naman ito! Bakit gano’n? Nag-drama lang si PJ, lumalambot na naman ang puso ko. Puwede ba iyon? Galit na galit ka sa isang tao pero mahal mo pa rin siya. s**t lang! Dukutin ko na lang kaya ang puso ko at itapon na lang sa dagat para wala na akong maramdaman pa. Sana nga puwede kong gawin iyon. Pero imposible, eh. Kung wala na akong mararamdaman pa, hindi na rin ako puwedeng gumanti sa kanya. Kasabay kasi ng pagmamahal ko sa kanya ang sakit din na nararamdaman ko sa mga ginawa. Kaya kung mawawala ang pag-ibig na nararamdaman ko, mawawala din ang galit ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD