MAY ngiti sa labi akong bumangon kinaumagahan. Wala na siya sa tabi ko at panigurado pumasok na siya sa trabaho. Bumaba ako para magtimpla ng kape. Wala rin si Jayda marahil tanghali na 'yon gigising. After maubos ang kape naligo ako. Sa pagbukas ko ng cabinet literal kunot noo kong pinagmasdan ang loob.
Wala ang damit ni Roselle. Tanging naiwan lang ay ang damit at gamit ko. Binuksan ko ang kabilang pintuan ng cabinet pero wala rito ang ibang sapatos at bag. Hinanap ko ang maleta na madalas gamitin niya sa pag-travel. Pero wala at tanging cellphone lang niya ang nandito na naiwan.
Kumatok ako sa kabilang pinto. Nagtatakang pinagbuksan ako ni Jayda.
"Dito ba natulog si Roselle??"
"Hindi ba nagpaalam sayo kagabi?"
"Bakit saan siya nagpunta?"
"May dala siyang maleta pero hindi niya sinabi kung saan ang flight niya."
"Buwisit!"
"Baka tinext ka."
"Iniwan ang cellphone. Ewan kung sinasadya ba niya o ano."
"Ibig sabihin...lumayas si Roselle??"
Hindi ko sinagot ang nakakabuwisit na tanong. Tinawagan ko sina Cedric na baka sakaling may alam sila kung saan nagpunta ang asawa ko. Bigo ako. Wala silang alam pero nangakong magtatanong-tanong sa kanilala nila.
Hindi na ako naligo. Importanteng mapuntahan ko ang isang common friends namin ni Roselle na nagtratrabaho sa airport.
"Pasensiya na ha ngayong umaga lang kasi ako naka-duty pero...base rito sa record umalis siya ng alas diyes ng gabi." Kinuha ko ang isang book nakalagay ang schedule ni Roselle papuntang guam.
Napahawak ako sa batok. Hindi ko alam kung susunod ba ako dahil wala man lang ako kadala-dalang gamit at tanging passport lang meron ako. Tumawag ako sa opisina niya. Ayon sa sekretarya walang business trip sa guam ang asawa ko at isa pang inaalala nila ay may tatlong meeting ngayong araw na dapat puntahan niya. Lalo akong na buwisit at the same nag-alala.
"Zayn!" Reign kasama ang tatlo kong kaibigan.
"Sa guam ba talaga siya nagpunta?" Di makapaniwalang usisa ni Peps.
"Iyon ang naka-record dito. Kagabi pa siya umalis. Sinakto niyang tulog ako saka siya lumayas." Napaupo ako sa sahig sabay yuko at yakap sa tubod.
"Zayn, kaya mo 'yan. Marahil kailangan lang niya mapag-isip-isip. Sa sitwasyon kasi ninyo parang siya itong hirap na hirap." Patong ni Reign sa balikat ko.
"Hayaan mo muna siya, Zayn. Babalik din 'yon." Pagpapalakas nang loob sa akin ni Erdem.
"Kung susundan mo siya alam mo ba kung saan siya pupuntahan? Wala akong kilala na kamag-anak nila na taga-Guam." Ani Cedric.
Maski ako ay wala rin kilala. Talagang sinadya niya magpunta sa lugar na walang nakakakilala sa kanya. Nang sa ganoon hindi ko ito masundan kung maisipan kong hanapin siya. Mautak si Roselle kung sa mautak. Nagpla-plano 'yon ng maigi at walang palpak.
"Tumayo kana riyan." Angat sa akin nila Peps at Erdem.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." Tumulo ang luha ko. Hindi inaasahan yayakapin ako ni Reign na may luha rin sa mata.
"Kaya mo 'yan, Zayn. Malalagpasan din ninyo mag-asawa ang pagsubok. Basta nandito lang kami mga kaibigan mo. Handa ka namin samahan kung kailangan mo ng kausap." Pansin kong nakatingin sina Erdem at Peps kay Cedric pero wala naman akong nakikitang kakaiba sa mukha niya na pagseselos.
"Salamat, kahit paano gumaan ang bigat sa dibdib ko. Masakit kasi 'yong bigla ka niyang iiwan na walang pasabi. Feeling ko mababaliw ako." Si Cedric na ang yumakap sa akin, sabay yakap na rin ng dalawa.
"Babalik din si Roselle. Hayaan mo muna siyang mag-isip ng kung ano ang ikabubuti para sa pamilya niyo." Sabi pa ni Reign na palapit sa akin pero pinigilan ni Cedric.
"Please, I beg you to come back." Tanging lumalabas sa bibig ko.
Hinatid nila ako sa condo para makapag-isip at huwag isipin ang kalagayan ni Roselle. Binuksan ko ang cellphone niya na punong-puno ng larawan namin simula noon at ngayon. Siniyasat ko rin ang phonebook nagbabakasaling may matawagan pero sinadya nitong burahin ang mga numbers. Inopen ko ang message nito may isang number na ka-text niya noong gabing umalis ito.
From: +63917893****
Buong-buo na ba ang desisyon mo na iwan siya?
Sent to : +63917893****
Oo, matagal ko na itong plano pero sana pag-okay na ang lahat matanggap pa niya ang tulad kong walang kuwenta.
From: +63917893****
Huwag ka magsalita ng ganyan. May misyon kapa kung bakit naka-survive ka sa sakit mo. Maybe kailangan mo lang talaga makapag-isip-isip. Lalo ngayon nahihirapan ka makitang masaya siya kay Jayda. Alam ko 'yong feeling na nasasaktan. Kaya sana magpakatatag ka lang. Nandito lang ako. Mag-iingat ka and see you soon.
Iyon lamang ang response ni Roselle at wala na akong nabasa ibang message.
Nasasaktan ko na pala ang damdamin niya. Ang akala ko kahit busy siya sa trabaho bale-wala sa kanya ang mga nangyayari. Ako dapat sisihin dito dahil hindi ako naging maingat sa ikinikilos ko. Masakit para sa kanya na mawalan ng pag-asang magka-anak pero mas masakit na makita ang asawa niya magkaka-anak sa ibang babae. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang lahat. Kung kailan wala na siya sa feeling ko.
LUMIPAS pa ang mga araw. Ang alam nila Mommy at Daddy ay nagdadalang-tao na si Roselle at naka-leave ito para mapangalagaan ang baby namin. Sinabi ko pa sa kanila na nasa ibang bansa ito kasama ng ilang kamag- anak para hindi ma-stress sa bahay. Kung anu-ano nang pagsisinungaling ang ginawa ko para lang pagtakpan ang ginawa namin mag-asawa.
Dumating sa puntong hindi na ako umuuwi sa bahay at dumidiretso ng condo para doon matulog. Gabi-gabi ko rin inaaya si Erdem sa bar para uminom at sa huli aalalayan niya ako pauwi ng unit. Paulit-ulit lang ang rota ng buhay ko. Kung minsan nakakasawa na pero kailangan magpakatatag. Palagi ko siyang naiisip. Kapag kailangan ko ng kayakap, halik na mula sa kanya ay wala akong magawa. Para na akong nababawasan ng p*********i sa pinaggagawa kong ito.
"Jayda! Jayda!" Isang gabi. Napag-isip ko umuwi rito kahit nakainom ako.
"Zayn, bakit ngayon ka lang umuwi?"
"Imasahe mo nga ako." Tapik ko sa balikat.
"Alam mo ba nag-alala ako sayo?" Sabi habang minamasahe ang balikat ko. Nakapikit lang ako habang nakikinig sa kanya.
"Namimiss ko na si Roselle. Medyo nahihirapan na rin ako dahil next month kabuwanan ko na." Hindi ko namalayan sa sobrang kalasingan nakatulog ako sa sofa. Nagising na lang may kumot sa katawan ko.
Bumalikwas ako para ituloy ang tulog sa kuwarto. Hindi ko alam kung ano na nangyari basta namalayan ko sa buong buwan ganito at ganito pa rin ang ikot ng buhay ko. Minsan nagtatanong si Jayda kung saan ba ako tumutuloy pero sinasabi ko lang na kina Cedric ako nakikitulog.
LUMIPAS pa ang isang buwan. Nanganak siya na hindi ko sinamahan sa hospital. Si Thania, Reign ang pinakiusapan kong mag-asikaso rito. Until lumipas ang isang buwan, dalawa, tatlo, apat at limang buwan. Napansin kong lumalaki na ang anak namin ni Jayda. Nagkaroon ako ng oras sa dalawa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kung bakit na palapit ako sa dalawang 'yon.
"Nakatulog na si Zee." Nag-nod lang ako matapos kong silipin ang kuwarto ng bata. "Ah, Zayn wala kapa ba balita kay Roselle?"
"Ikaw ba meron na?"
"Wala pa rin."
"Mukhang isang taon niya akong pahihirapan." Nakapamulsa akong sumandal sa pader.
"Baka masakit pa rin para sa kanya ang nangyari."
"Napakatagal naman. Naisip ko may iba na nga ba siyang mahal doon at bakit natiis niya kong iwan dito."
"Di ba nga may dahilan siya. Huwag mo isipin ang kalagayan niya. Ang alalahanin mo ang sarili mo." Lumapit sa akin bago ayusin ang kuwelyo ng damit ko.
"Hindi kana nag-aahit ng balbas. Hindi kana rin nagpupunta sa barbershop para magpagupit." Tinapik ko ang kamay dahil panay haplos sa mukha ko.
"Do not attract me Jayda because I am not exhausted by what you do."
She smirked, "Hanggang ngayon ba naman tatanggihan mo pa rin ako?"
"Shut up!"
"Aba, burong-buro kana Zayn. Hindi mo man lang ba namimiss makipag-s*x? Lalaki ka, alam ko sa mga lalaki kailangan ng s*x para kahit paano lumigaya."
"Huwag mo na dagdagan ang mga kasalanan natin sa asawa ko."
"Nasaan ba siya? Wala. Ni hindi mo nga alam kung babalik pa siya. Remember may anak ka sa akin at tandaan mo na pagka-isang taon niya ibibigay na sayo ang mana ng Lola mo. Huwag mo kakalimutan ang anak natin ang tagapagmana." Ngisi niya bago pumasok sa kuwarto nila.
KINAUSAP ako ng attorney ni Lola. Nalaman kasi nito na may anak na kami ni Roselle. Natuwa at hindi makapaghintay na mag-isang tao ang bata para ibigay ang kalahating mana.
"Bakit hindi ko nakikita si Roselle?" Nakatingin sa bata at kay Jayda.
"Abala sa trabaho kaya pinagkatiwala namin si Zee sa kasambahay namin." Nagulat man si Jayda ay hindi ito kumibo matapos ngumiti ng Attorney.
"Kamukhang-kamukha mo si Zee. Tiyak magiging habulin ng babae pagkalaki."
"Ganoon na nga po ang mangyayari. Wala naman iba pa pagkukuhaan hindi ba?"
"Tama ka. Oh siya. Mauna na ako sa inyo. Basta balitaan na lang sa isang taon ng bata." Paalam nito sa amin.
"Kasambahay pala,wah." Parinig ni Jayda.
"What do you think? Kasambahay ka naman talaga hindi ba?" Iniwan ko silang mag-isa. Pumasyal kami sa park. Marami ngayon mga bata rito na naka-stroller. Naupo kami sa bakanteng upuan na mahaba.
"Bibili lang ako nang makakain natin bantayan mo si Zee." Utos nito na kaagad umalis sa puwesto namin.
"Zee, zee, zee, zee..." Laro ko sa kanya. Tawa nang tawa. Nakakagaan ng pakiramdam habang tumatawa ang anak ko.
"Zee, malapit nang umuwi si Mommy Roselle. Huwag kang mag-alala aampunin ka namin ng mommy." Kausap ko rito.
"Zayn?" Natigilan ako dahil sa boses ng babae. Papalapit si Bebsie sa puwesto namin. "Heto na ba ang anak ninyo ni Jayda?" Pinisil ang pisngi.
"Oo,"
"Kumusta na pala si Roselle? Ang balita ko hindi pa siya umuuwi. Totoo ba sa guam siya nagpunta?"
"Oo pero hindi pa siya umuuwi."
"Alam mo sakto, aalis kasi ako next month. So sa guam ang next travel ko."
"Talaga?" Nag-nod. "Nakakahiya pero..."
"Hahanapin ko siya para sayo." Suggests nito.
"Talaga?"
"Oo naman. Sus, kaibigan ka ni Erdem kaya kaibigan na rin kita. Basta babalitaan ko kayong lahat kapag nahanap ko siya."
"Salamat ah?"
"Wala 'yon." Tumingin sa relo. "So paano alis na ako."
"Magkikita kayo ni Erdem?"
"Ah hindi. Isang kaibigan. Paano, aalis na ako ha?"
"Salamat, balitaan na lang tayo." Masayang umalis ito. Sa hindi kalayuan nakita ko siya may kasamang lalaki. Medyo may edad sa kanya. Inakbayan siya nito at umalis sa lugar na kinatatayuan kanina.
Ayoko mag-isip na may iba si Bebsie. Baka isang kaibigan nga lang talaga. Ayoko mapagmulan ng issue.
"Zayn," inabot ang pagkain sa akin ni Jayda.
"Okay." Tahimik kami kumakain ng dumating si Erdem.
"Nandito pala kayo." Wika niya.
"Pinasyal lang namin si Zee." Hindi ito nakatingin sa amin bagkus sa puwesto na pinanggalingan Ni Bebsie.
"Si Bebsie ba hinahanap mo?"
"Ha? Hindi. Bakit nakita mo ba siya rito dumaan?"
"Oo, kaya lang kaaalis lang. Ewan ko kung saan sila pupunta ng kasama niya."
"Ganoon ba?" Yumuko at tila may namumuong itim na ulap sa ulo.
"May problema ba?"
"Wala naman. Mauna na ako sa inyo." Bumalik ito sa direksyon niya kanina pero sa direksyon ni Bebsie nakatingin.
Mukhang may iba akong nararamdaman sa dalawang ito.
***
"ERDEM, wala pa rin ba balita si Bebsie tungkol kay Roselle?"
"Ay, shocks. Halos dalawang linggo pa lang siya sa guam. Malamang wala pa balita lalo kung ayaw magpahanap ng taong ayaw pahanap."
"Naiinip na ako."
"Kaysa mainip ka bakit hindi mo subukan mag-ayos ng sarili? Nakakatakot kung babalik siya ganyan ang ayos mo."
"Huwag ka mainip."
"Sus, baka mamaya biglain kana lang ni Roselle tapos maaabutan kang ganyan." Napaisip ako roon kaya naman dumaan ako sa barbershop para magpagupit sa dating hairstyle. Pinaahit ko na rin ang balbas.
"Wow, mukha ang aliwalas ng mukha natin ngayon ah?" Pansin ni Jayda.
"Tigilan mo ako. Intindihin mo ang pag-aalaga sa anak ako."
"Anak natin."
"Bakit binigyan na ba kita ng permission para angkinin ang anak ko?"
"Sa mata ng batas ako pa rin ang may karapatan sa bata hanggang wala ito sa pitong taon gulang pataas."
"Ang dami mo sinasabi. Sa mata ng batas ni Zayn walang edad o kahit anong sitwasyon ang importante sa akin mapupunta ang bata."
"Wow, talaga? Paano kung sabihin kong ayokong ibigay sayo ang bata hanggat hindi pa niya nakukuha ang mana?"
"Mukhang pera."
"Desperdo."
"Makasarili."
"Parehas lang tayo."
"Malayong-malayo ako sa ugali mo. Kung ikaw binebenta ang katawan sa iba para magkapera puwes lubay-lubayan mo ako." Inirapan ako bago pumasok sa kwarto nila.
Tumawag sa akin si Erdem may ibinigay daw na sa kanya si Bebsie na telephone number. Iyon daw ang bahay na tinutuluyan ni Roselle. Minadali kong patayin ang kabilang linya para tawagan ang numerong ibigay niya. Noong umpisa ay matagal pero hindi rin nagtagal boses ng lalaki ang sumagot. Sa palagay ko Filipino ito.
"Puwede ba makausap si Roselle Bangelio?"
"Roselle Bangelio? Ahh-- si Rose. Kaya lang kanina pa umalis. May trabaho siya. Ah puwede ba malaman kung ano pangalan mo?"
"Pakisabi ako si Cedric." Pagsisinungaling ko.
"Okay, sabihin ko pagkabalik niya mamayang gabi." Kaagad nawala ang kabilang linya.
BUONG maghapon hanggang gabi ako nakaupo lang sa sofa katabi ng telephone. Saktong alas otso dinayal ko ang numero. Mga alas diyes ng gabi na sa kanila. Sumagot muli ang lalaki sinabi kong ako si Cedric.
"Hello?" Namiss ko ang boses niya.
"Hello? Cedric? Paano mo nalaman ang number ko rito sa guam??" Kaya ko ba siyang kausapin? Ano ba sasabihin ko?
"Cedric, ibababa ko na ito kung hindi ka magsasalita."
"Huwag!" Sigaw ko. Dinig ko ang malalim niyang paghinga.
"Zayn...."
"Mabuti naman kilala mo boses ko." Tila nagtatampo kong sabi.
"Anong kailangan mo?" Maangas niyang tanong.
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan?" Nagsimula nang tumulo mga luha ko.
"Napakatagal kitang hinintay. Umasa akong babalik. Pero bakit naman ganoon Honey bakit mo ko iniwan?"
"I-im sorry..."
"Tingin mo ba sapat na ang sorry mo para mawala itong sakit na nararamdaman ko? Ni hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka. Parang ibinasura mo lang nang basta ang lahat ng pinagsamahan natin."
"Patawarin mo ako...." Sunod-sunod nitong pakawalan ng hininga.
"Ang gusto ko lang iyong umuwi kana. Malapit na kong mapagod. Malapit na kong sumuko sa buhay kong ito. Hindi ba nangako tayo sa isa't-isa na magsasama tayo sa hirap at ginhawa? Pero bakit ako lang naghihirap dito?"
"Hindi totoo 'yan."
"Kung hindi totoo. Bakit, bakit nandiyan ka at nandito ako? Nahihirapan ka ba magpaalam sa akin kaya wala ka man lang pasabi kahit na ano? Wala man lang ba 'good bye?' ganoon."
"Kung pagod kana at gusto mo nang sumuko. Sige, hindi naman kita pipigilan sa gusto mo. Kung ano naman pala ang dahilan ng paghihirapan mo binibigyan na kita ng permission para sumuko." Lalo lumakas ang iyak ko.
Napakahirap pala lumaban kahit alam mong ikaw na lang ang lumalaban sa relasyon ninyo. Nagawa kong babaan siya ng telephone saka kinuha sa fridge ang beer. Inubos ko ang lahat ng alak. Gusto ko magpalunod hanggang sa hindi na makahinga at tuluyang mawala.
Para saan pa ba kung ako na lang lumalaban. Para saan pa kung iyong taong pinaglalaban ko ay sumuko na. Para saan pa na patuloy akong kakapit kahit 'yong isa pilit ng bumibitaw.
"SERYOSO inubos mo talaga ang mga alak sa fridge???" Naabutan ako ng tatlong kaibigan ko sa bahay na makalat ang mga bote sa sahig at lamesa. Tirik na rin ang araw.
"Gusto ko pa uminom. Bigyan ninyo pa ako ng maraming alak." Muli na naman nanumbalik ang sakit.
"Zayn, maawa ka sa sarili mo." Nag-aalala si Cedric.
"Best friend tara rito dali...." Lumapit naman. "Alam mo ba kung paano sinaktan ni Roselle ang puso ko ha? Mas malala pa sa ginawa ng asawa mo. Nakakatawa. Samantalang sa atin lahat bukod tanging ako lang ang malas sa pag-ibig. Noong una namatay si Cristina, sunod ikaw ang minahal ni Reign tapos kay Roselle...ahhh....hindi ko alam kung anong sumpa ang bumalot sa katawan ko." Wala pa akong tulog. Gusto ko kasi makita nila na ang isang kaibigan nila ay nagluluksa.
"Erdem, Peps, ligpitin ninyo ang mga kalat." Bossy talaga kahit kailan si Cedric.
"Inutusan niya akong sumuko kung pagod na?! Napakalaking kalokohan kita LK. Sana ganoon lang kadali ang lahat. Sana sa isang iglap mawala na ang nararamdaman ko para sa kanya."
"Sino gusto ng suntukan ha?" Tumayo ako na pasuray-suray. Inalalayan ako ni Erdem pero itinulak ko ito sa di kalayuan. Siguro na pikon si Cedric kaya binigyan niya ako ng isang suntok. Bumuwal ako sa sahig. Tutulungan sana ako ng dalawa pero pinigilan ni Cedric.
"Akala mo ba ikaw lang nahihirapan kapag nagkakaganyan ka?! Isipin mo naman Zayn nasisira na buhay mo!" Humagalpak ako ng tawa saka naupo.
"Sira? Sira ang buhay? Tama ka, sirang-sira na buhay ko simula nang dumating si Jayda!" Sakto lumabas ng kwarto si Jayda bitbit ang anak ko.
"Siya! Sinira niya buhay."
"SIRANG-SIRA NA BUHAY KOO!!!!" Nagsisigaw ako. Kahit na anong awat ng tatlo ay hindi niya magawang mapatigil ang bunganga ko hanggang sa na pagod ang katawan ko at nahiga sa sahig.
Ilang laman pa ba ng botelya ang uubusin ko bago mamanhid ang puso ko? Ilang sigaw pa ba ang kailangan isigaw para mawala itong kirot. Siguro ang prisensiya lang ni Roselle ang makakapagbigay ng tunay na kasagutan sa mga tanong ko. Kasi siya rin ang dahilan kung bakit milyon-milyong kutsilyo ang bumabaon sa puso ko.