Kabanata 5

2930 Words
"Honey, pansinin mo naman ako. Ilang araw mo na akong dinededma." Suyo ko nang dalhan ko siya ng bulaklak sa opisina nito. "Miss Secretary," tawag nito sa kanyang sekretarya. "Yes, Ma'am?" "Okay na ba conference room para sa meeting?" "Opo, isa-isa na rin dumarating ang mga special guest natin." "Okay, tara na." Pinigilan ko sa braso. "Please," pagmamakaawa ko. Inirapan ako pagkaraan ay walang iniwan na salita bago lumabas ng kanyang opisina. NAGHINTAY ako ng mahigit dalawang oras. Nagtatawanan sila ng kanyang sekretarya ng pumasok sa loob ng office. Dahan-dahan umatras ang sekretarya niya palabas habang siya naupo sa kanyanh upuan. "Kumain na tayo, Hon." Ngunit abala itong pinagpatong-patong ang mga folder. "Honey, please. Talk to me. Have we always been this way?" "Palagi ka naman talaga kontra sa gusto ko kaya hindi tayo magkasundo sa huli?" Sarkastikong wika. "Because you don't want me to listen to my decisions for our family." Katwiran ko. Totoo naman ah? "Family? Really, family?" "Roselle, huwag mo ako kausapin ng ganyan na akala mo kaibigan mo lang ako o manliligaw na puwedeng-puwede mo bastusin. Ano ba sa akala mo sa pamilya natin hindi pamilya?" "Ang pamilya binubuo ng Ama, Ina, At Anak kaya tingin ko hindi tayo Pamilya." "Exactly! Ama, Ina, At Anak dahil anak lang naman ang kulang sa atin hindi ba? So parang sinabi mo na rin hindi tayo pamilya." Natahimik siya. Medyo pahiya siya sa point na 'yon. "Umalis kana. May isang meeting pa kami gagawin." "Hihintayin kita hanggang sa makauwi. Kailangan natin mag-usap ng masinsinan." "Ano ba 'yong tanggapin mo si Jayda hindi ba?" Kinabahan ako sa sinabi nito. "BAKIT MO TINATAKASAN ANG RESPONSIBILIDAD MO?" "A-anong ibig mong sabihin?" Tumayo ito nang dahan-dahan saka ibinaba ang reading glass. "Pinipilit kong kumalma, Zayn. Dahil ayokong masira ang pamilya natin. Ilang araw kong inisip ito kung paano mo nagawa sa akin ito. Tama ka, hindi tayo pamilya." Lumuluha itong humarap sa akin. Napatayo ako at nilapitan siya pero kaagad umiwas. "Anong sinabi sayo ni Jayda?" Inis kong usisa. "Sinabi?" Kunwari natatawa pero punong-puno ng luha sa mukha. "Marami. Marami siyang sinabi." Lumapit sa table nito saka ibinaba ang wedding ring namin. "Bakit mo hinubad?" Kinakabahan ako. Parang alam ko na ang ibig sabihin nito. "Dapat yata siguro itigil na natin ito." Hindi makatingin sa akin. Bagkus ay nakatalikod siya. "Nang ganoon kadali para sayo na talikuran lahat nang pinagsamahan natin?" Hinarap ko siya hawak ang magkabilang balikat. "Tell me, mahal mo pa ba ako? Kasi kung mahal mo ako hindi mo gagawin ang bagay na ito. Napakahirap naman 'yang desisyon mo na ikaw lang ang may gusto." "Alang-alang sa bata." Yumugyog ang magkabilang balikat sa pag-iyak. "Iyong pills na nakita mo sa bag ko. Palusot ko lang 'yon para hindi ka manghinala sa akin." "Ano?" Gulong-gulo ako sa mga sinasabi niya. "HINDI KITA MABIBIGYAN NG ANAK ZAYN. HINDI DAHIL AYOKO KUNDI HINDI KITA MABIBIGYAN. MAY SAKIT AKO. MATAGAL KO NANG INIINDA ITONG SAKIT NA 'TO. LAHAT NA GINAWA KO PARA MAITAGO LANG SAYO PERO NANGYARI NA. NANGYARI NA ANG KINATATAKUTAN KO NA BAKA HANAPIN MO SA IBANG BABAE ANG PAGKUKULANG KO SAYO." Hirap na hirap ang kalooban niya. Ramdam ko 'yon. Dahil sa buong buhay niya hinangad niyang magka-anak pero hindi maaari. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang totoo? Matatanggap ko pa kung iyon naman pala ang dahilan mo." "Natakot ako. Natakot ako na iwan mo ako. Baka bumalik ka sa dati. Baka iwan mo rin ako tulad ng mga naka-relasyon mo." "Asawa kita. Simula nang pakasalan kita pinanghawakan kong ASAWA na kita. Pero bakit sinarili mo lang ang problema? Bakit hinayaan mo dumating tayo point na ikaw lang ang nag-su-suffer sa problema." "Hindi ko alam, Zayn." Humiwalay sa akin. "Hindi ko alam. Kaya nang mapaamin ko si Jayda natuwa ako kasi natupad mo na 'yong pangarap mo magka-anak. Kaya lang may konting sakit dito sa dibdib na hindi sa akin galing ang bata. Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong tao sa mundo. Biruin mo, hindi kita mabigyan ng Anak pero asawa mo ako tapos samantalang kung sinong babae nabigyan ka ng anak." "Mahalaga ka sa akin. Kahit hindi mo ako mabigyan ng anak ayos lang. Ang mahalaga kasama kita. Ang mahalaga gumaling ka." "Wala na akong pag-asa gumaling pa. Wala na akong matres. Hinding-hindi na kita mabibigyan ng anak." Muling pumalahaw ng iyak. Maski ako ay hindi napigilan maiyak habang yakap siya. "Kumapit kapa. Sa sitwasyong ito kailangan natin magpakatatag. Hindi na mahalaga sa akin ang bata. Basta kumapit kapa, ayokong mawala ka sa akin. Ikamamatay ko kung iiwan mo lang ako dahil sa hindi mo ako mabigyan ng anak." "Panagutan mo si Jayda." Humiwalay ako. "Hindi ko kaya." "Pakiusap. Maawa ka sa bata." "Magpakalayo-layo na lang tayo, Roselle. Pipiliin ko na lang mawala ang lahat sa akin huwag ka lang." "Kawawa si Jayda at ang bata. Sa bahay natin sila patuluyin. Kupkupin natin sila na parang pamilya. Gustong-gusto ko magka-anak." Napapikit ako sa sobrang pag-aalala. Labis ang mga inisip ko sa kanya. Kung anu-ano na sabi ko sa kanya iyon namam pala ay gustong-gusto niya magka-anak pero hindi na maaari. Naaawa ako sa Asawa ko. Pinagdaraanan niya ang problema na ganito. Kung bakit siya pa, kung bakit kami pa mag-Asawa ang pinagkaitan ng Anak. SA BAHAY na nakatira si Jayda. Sinabi ko na rin sa LK ang buong pangyayari sa amin mag-Asawa. Ang totoo, iyak nang iyak si Reign dahil wala siyang kamalay-malay na may problemang kinakaharap si Roselle. Kahit sino sa amin naawa sa kanya pero wala kami pinakita sa kanya na motibong dapat kaawaan ang tulad niya. Hangad niya magka-anak kaya kahit sa ibang babae ang sanggol na bubuhayin niya ay okay lang. Ganoon siya ka-desperda magka-anak. "Zayn, Ijo, may balita kana ba sa amin?" Bungad ni Mommy ng dumalaw ako sa bahay nila. "Ako dapat makibalita sa inyo. Kumusta ang kompanya?" Malungkot itong naupo sa sofa. "May problema po ba?" "Ang kapatid mo," "Oh bakit?" "Gusto niyang kunin ang kompaniya hanggat hindi kapa nagkaka-anak." "Hindi maaari 'yon. Kayo ni Daddy ang naghirap magpalago sa kompanya kaya wala siyang karapatan manghimasok sa trabaho ninyo." "Ayaw niyang makinig. Hihintayin na lang daw niya magka-anak kayo bago ibalik ang pamamalakad. Anak, pursigihin mo. Ayokong mawala na lang nang ganoon ang kompanya na iningat-ingatan namin ng Daddy mo." Nakakasama ng loob marinig mula sa magulang na bigyan sila ng Apo alang-alang sa kompanya nila. "Gagawin po namin ang lahat Mom para magka-Baby." Huling sabi ko rito. UMUWI ako ng bahay. Kasalukuyan nakaupo si Jayda sa sofa nanunuod ng TV. Biglang lumaki  ang tiyan niya na parang kailan lang. "Nandiyan kana pala, Zayn. Gusto mo ba kumain?" "No thanks," "Gusto mo ihanda ko pampaligo mo?" "Huwag na." Masamang tingin ko. Kaagad sumilip ako sa orasan. Tanghali na pero wala pa rin si Roselle. "Wala pa rin si Roselle?" "Nasa grocery." "Bakit?" "Wala na stock sa bahay na pagkain." "Bakit hindi mo sinamahan?" "Eh kasi," "Anong balak mo? Pumunta kana sundan mo!" "O-oo, oo." Nagmamadaling lumabas ng  bahay. Buwisit. Kung hindi lang dahil kay Roselle matagal kana pinalayas sa bahay ko. Magkaroon lang ng pagkakataon palalayasin kita. Mayamaya dunarating si Roselle. Tinulungan ko ito magbuhat ng mga pinamili. Lilinga-linga sa paligid. "Nasaan siya?" "Sino?" Taas kilay ko. "Si Jayda." "Pinasunod ko sayo. Hindi ba kayo nagkita?" "Zayn, bakit mo hinayaan lumabas 'yong tao?!" "May masama ba lumabas? Isa pa, palagi siya nandito sa bahay." "Paano kung mawala 'yon." "Malaki na 'yon. Marunong naman yata magbasa kaya makakauwi rin 'yon." Niyakap ko pero umiwas. "Kapag may nangyari na masama sa bata humanda ka sa akin." Banta niya. Mabilis kong ikinainis 'yon. Para ba mas mahal na mahal niya ang bata kaysa sa akin. "Roselle! Nandito kana pala!" Sabay namin lingon sa pintuan. "See? Ligtas ang bata. Hindi naman 'yan tanga na hindi makakauwi ng bahay!" Sa buwisit lumasok ako sa kwarto para mahiga. Mayamaya pumasok si Roselle sabay yakap. "Hon, sorry." Yapos sa braso ko. "Honey, bumaba kana nagluto ako ng pagkain." "Pinakain ako ni Mommy sa bahay." "Mas masaya kung sabay-sabay tayo." Humarap ako sabay halik sa labi. "Pero mas masaya kung iba pagsasaluhan natin." Ngisi ko. Ang tagal na namin hindi ginagawa ang bagay na 'yon kaya oras na para gawin ito na kami lang. "Pagkatapos natin kumain." "Gusto ko ngayon na." Sabay hubad ko sa suot kong T-shirt. Hinalikan kong muli until matanggal ko ang suot niyang damit. "Honey...." "Hmmm?" "Huwag mo masyado isipin kung hindi tayo magka-anak ha?" "Wala naman din akong choice." "Pangako, araw-araw kitang paliligayahin. Hinding-hindi kita pababayaan at iiwan." Muling naglapat ang mga labi namin nang bigla pumasok si Jayda. "Goddammit! Hindi ka ba marunong kumatok!!" Pabulyaw ko pero pigil ni Roselle ang dibdib ko. "P-pasensiya na..." Kaagad lumabas. "Okay lang 'yon. Mamayang gabi na lang." Napahilamos ako sa inis nang lumabas sa kwarto ang Asawa. Iyon na oh. Gagawa na nang milagro tapos may asungot! “Alam mo masyado ako naiintriga sa set-up ninyo ni Roselle. Biruin mo, hinayaan niyang tumira si Jayda sa bahay dahil anak mo raw ang nasa babaeng 'yon. Feeling ko nasasaktan din 'yon. Kaya kung ako sayo gagawin ko ang lahat huwag lang maramdaman ng asawa ko na wala akong oras sa kanya.” sabi ni Erdem nang magkita kaming apat. "Dapat huwag ka magkulang sa kanya." Sabi pa ni Peps. "Huwag na huwag mahuhulog loob mo sa Jayda na 'yon kahit pa maganda at makinis ang balat." Nakakaloko nitong ngisi. "Eh kung sumbong kaya kita kay Reign?!" Hamon ko. "Subukan mo kundi magkakagulo tayo." "Kunwari ka pa, Ced. Samantalang pinagpapantasyahan mo si Jayda!" Napalakas ang boses ni Erdem dahilan para lumapit sa amin si Reign. "Talaga ba? Pinapapantasiyahan niya ang kasambahay ninyo?" Mataray niyang tingin sa akin. "Mahal, huwag ka makikinig sa mga panget na 'yan. Sayo lang naman ako nahuhumaling." Parang bata kung makapulupot sa Asawa. "Siguraduhin mo lang, Cedric. Dahil once marinig ko mula sayo na may ibang babae ka na kinatutuwaan." Sumenyas ang daliri na hugis gunting. "PUTOL ANG KALIGAYAHAN MO.NAUUNAWAAN MO?" "Heto naman, syempre magagawa ko ba sa babaeng mahal ko?" "Huwag mo ako artehan, Cedric. Seryoso ako. Baka ngayon pa lang putulin ko na ang dapat putulin, ano?" "T@ng@&#:#%#,  hindi ko nga gagawin 'yon. Hoy, Reign, Reign sandali nga!" Bago sundan ang asawa sumenyas sa amin nang nakatiklop na kamao. "Reign! Huwag mo ako pahabulin." Tawang-tawa kaming tatlo sa ginagawa ng dalawa. Mukhang mag-uumpisa na naman mag-away ang dalawa. GABI na pero wala si Roselle. Sabi pa ni Jayda may pinuntahan daw itong ka-meeting at sa labas na maghahapunan. Nakapagluto na ito ng makakain namin. Pinasabay ko na siya dahil kanina pa raw ito gutom. "Uhm, Zayn..." "Oh?" "Puwede ba humingi ng pabor?" "Ano?" "Gusto ko kasi ng mangga." "Mangga?" Tumango, "Kung gusto mo naman pala bakit sa akin mo pa sinasabi?" "Wala kasi ako mautusan kanina pa. Nahihiya ako magsalita kay Roselle." "Pero sa akin hindi ka nahiya?" Sarkastikong tanong ko. "Anak mo naman ito." Katwiran na naman wala sa ayos. "Bukas ibibili kita." Irap ko. "Gusto ko na talaga ngayon,eh." "Seriously? Saan mo ako paghahanapin ng mangga?!" "Ewan," pout nito. Nakakabanas ginagawa niya. "Basta gusto na ngayon. Sumasakit talaga tiyan ko kapag hindi ko nakakain ang hinahanap nang sikmura ko." Padabog akong tumayo. Nagsuot ako ng jacket saka sumakay ng kotse. Susubukan kong maghanap sa ibang palengke pero wala akong mahanap. Dumaan ako sa grocery malapit sa amin may mangga akong nakita. Kaagad kong binili saka umuwi. "Oh ayan!" Hagis ko sa lamesa saka hinubad ang jacket. "Nasaan ang bagoong?? Saka ayoko nito. Ang gusto ko 'yong medyo pahinog na." "Jayda naman!" Kita ko ang paglungkot ng mukha. Insensitive masyado. Buwisit na babae. "Gusto ko talaga 'nun." Bubulong-bulong nito. Napapikit ako sa inis. Sinuot kong muli ang jacket pagkaraan naghanap ng manggang medyo pahinog na at bangoong. Mabuti hindi ako nahirapan makahanap kaya dali akong umuwi para maibigay sa kanya ang gusto. "Salamat!" Ngingiti-ngiting itinago ang mangga sa loob ng fridge. "Akala ko ba gusto mo kumain niyan ha?!" "Matutulog na ako bukas na lang." Buwisit. Hindi naman pala kakainin pinahirapan pa akong bumili. Kung minsan sarap sapalin. Sa pagod ko nakatulog ako na hindi hinintay ang pagdating ni Roselle. Until nakaramdam ako na may gumigising sa akin. Pagmulat mukha ni Jayda. "Istorbo ka!" "Nagugutom ako." "Dala ko ba ang kalan at kaldero?!" Buwelta ko. "Hanapan mo ako ng pinya." "Ano?! May binili akong mangga kagabi hindi ba?" "Pero ayoko na kumain ng mangga. Gusto ko 'yong pinya na maliit." "Pinya na maliit?!" "Oo, meron 'nun." "Jayda, parang sumusobra naman yata ang arte mo? Gigisingin mo ako para lang magpabili ng kung anong kaartehan?!" "Sorry, pero iyon talaga gusto kong kainin." "Badtrip ka alam mo 'yon? Nasaan ang Asawa ko?" "Kanina pa umalis." "Hindi man lang ako hinintay magising?" "Kanina kapa ginigising pero masarap daw tulog mo. Gisingin na lang daw kita kapag may gusto akong kainin." Napasinghap ako sa inis. Ang aga-aga nasisira ang araw ko sa babaeng ito. Tinawagan ko si Erdem na magdala sa bahay ng pinya na maliit lamang. Pagkatapos natulog muli ako. Mayamaya ginigising na naman ako ni Jayda may hawak na pinya. "Thank you, Zayn! Thank you, thank you!" Pinaghahalikan ang pisngi at noo ko. Wala akong nagawa kundi matulala nang makalabas ito sa kwarto. Sa inis ko sinundan ko siya. Nasa living room ito kausap ni Erdem. "Good afternoon po Mr.Zayn Bangelio." Pormal na bati ng kaibigan ko. "Anong ginagawa mo rito?" "Limot mo na? Tinawagan mo ako para magdala ng pinya na maliit. Pinahirapan mo ako maghanap." Ismid kong tiningnan si Jayda, "Masaya kana?" May halong pangbubuwisit kong tanong. "Oo, Thank you talaga at sayo rin Erdem." Niyakap. Sumenyas ako sa kaibigan kong iwasan na kaagad lumayo. "Mauuna na ako. Zayn, magkita na lang tayo mamaya." Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pag-alis ni Erdem. "Anong niluto mo?" "Wala pa akong niluluto. Nasusuka kasi ako kapag naaamoy ko ang sinaing." Arte lang ba niya 'yon o ganoon talaga ang mga naglilihi? Nakakabanas,eh. "Okay, aalis ako ngayon bahala kana sa pagkain mo." Pero tumatakbo itong yumakap sa likuran ko. "Salamat, Zayn. Napakabuti mo lalong-lalo si Roselle. Tinanggap niya lahat nang pagkakamali natin dalawa." "Kung ako lang naman ang tatanungin hindi ko gustong magkakasama tayo rito." Padabog kong binagsak ang bawat hakbang sa hagdanan bago makapasok ng kwarto. "KUMUSTA ang pagiging Tatay?" Nandito kami ngayon sa isang bowling room. "Ito nakaka badtrip. Kung anu-ano hinahanap tapos ang demanding pa. Gusto niya ganito at ganyan." "Haha, ganyan si Reign noong naglilihi siya sa mga anak namin. Unawain mo na lang." Natatawang sabi ni Ced. "Kahit na kailan hindi ko siya inunawa dahil hindi siya importante. Nagkakataon lang hindi pa kami nagkikita ni Roselle." "Abalang-abala nga sa trabaho. Minsan nakita ko ang dami ka-meeting sa isang restaurant." Pahayag ni Erdem. "Workaholic 'yon,eh." Depensa ko. "Ibinabaling na lang niya ang lungkot sa pagtratrabaho." Ani Cedric. LUMIPAS ang araw at buwan. Malaki na tiyan ni Jayda. Hirap na itong gumalaw-galaw at gumawa sa bahay. Wala na akong choice na pati siya alagaan ko kahit si Roselle lang. May mga araw na ako nagluluto ng agahan, tanghalian, at hapunan namin. Minsan lang kasi umuwi ng maaga si Roselle minsan pa nga wala nang uwian. Until nasanay ako sa ginagawa araw-araw. Kahit pamamasyal si Jayda kasama ko. "Kumain ka lang nang kumain para healthy si Baby." Abot ko sa plato matapos ko hiwain ang gulay. Medyo na excite ako dahil pitong huwan nang buntis siya. Sa tuwing nakikita ko ang mga gamit ni Baby nakaka-excite. "Kumain kana rin pasado alas dose na nang tanghali." "Tama ka, gutom na rin ako. Nakakapagod ayusin ang kuwarto ni Baby." Inumpisahan ko na kasi gawin ang crib at iba pang kasangkapan para sa safety ni Baby at Jayda. "Bakit ako lang kumakain ng gulay?" Nguso nito. "Para sayo lang naman 'yan." Inaangat ko ang litsong manok. "Heto naman ang para sa akin." "Ang daya! Gusto ko rin niyan!" "Ngunit hindi maaari." Mapang-asar ko. "Isusumbong kita sa Asawa mo!" "Eh di isumbong mo. I'm sure sasabihin 'nun dapat healthy food kainin mo." Natatawa kong kagat sa manok. Dahil trip ko siyang buwisitin ay lumapit ako nang husto para maamoy ang manok. "Kahit konti lang naman,oh?" "Aba, maki-usap ka." Nandidilat mata ko. "Paki-usap, please." "Iyan lang ba sasabihin mo?" "Eh ano pa ba?" Naiinis itong tumayo saka inagaw ang manok. Nakuha ko muli pero nakipag-agawan pa. "Jayda, huwag ka masyado magulo. Hindi puwede sayo ang ganito. Ang sabi nang doctor minsan lang kumain ng unhealthy food." Bigla siyang napakagat sa manok. Binatukan ko dahilan para maiyak siya. Sa bigla at pag-aalala niyakap ko saka pinatahan. "Sorry na, ang kulit mo kasi." "Tama ba batukan ako?!" "Kung sayo hindi pero sa akin Oo." "Napakasama mo!" Hinigpitan ko ang yakap. "Iyong baby naiipit mo!" "Ay, sorry." Haplos ko sa tiyan nito. "Hi." Sabay kami lumingon ni Jayda sa pintuan ng kusina. Matamlay itong nagsalita. Maski sa pagbaba ng bag sa ibabaw ng upuan. Tahimik itong naupo para kumain. "Honey, maaga ka yata?" Lapit ko sabay yakap at halik. "Masama pakiramdam ko." "Gusto mo dalhin kita sa hospital?" "Ipapahinga ko na lang ito." Tutulungan ko sana tumayo pero tumanggi ito. "Ituloy na lang ninyo ang paghaharutan." Bakas sa mukha nito ang matinding selos. Alam ko 'yon at ramdam ko. Niligpit ko muna ang pinagkainan bago sundan siya sa loob ng kuwarto. Dahan-dahan akong naupo saka nahiga sa tabi niya. "Roselle, kung nalulungkot ka sabihin mo lang sa akin." Pero hindi humaharap. "Ayokong nakikita kitang ganyan." "At ayoko rin nakikita kitang napapalapit sa kanya." Malungkot nitong baling sa akin. "Sa tuwing nakikita ko kayo masaya na magkasama parang na iitsupuwera na ako." "Ano ba iniisip mo? Huwag ka nga mag-isip ng kung anu-ano." "Mukhang hindi mo na yata ako kailangan sa buhay mo." Sinabayan ko siya sa pagbangon. "May anak kana at may chance na rin makuha mo ang kalahating maya mula kay Lola. Mukhang hindi mo na talaga ako kailangan." "Honey, kahit na kailan hindi ko naisip 'yon. Huwag mo rin isipin na hindi kana kasama sa mga plano ko sa buhay." Haplos ko sa pisngi. "Zayn," umiiyak. "Sagutin mo nga ako. Natutunan mo na ba siyang mahalin?" Nataranta ako sa tanong nito. "Ano ka ba? Kahit na kailan hindi ka nawala sa isip ko, lalong-lalo rito sa puso ko. Hindi ko kailanman gagawin na ipagpalit ka kahit kanino man." Lumapit ako sa pintuan saka ni-lock ang doorknob. "Hindi na yata ako ang nagpapasaya sa buhay mo." Hinatak ko siya at dinampihan ng mapusok na halik. Pareho kami naghahabol ng hininga sabay hubad ng mga damit. "Hindi kita basta-basta ipagpapalit sa kahit kanino man." Huling sabi ko bago namin pagsaluhan ang mainit at may sabik na pagkakataon. Lahat nang sinabi ko sa kanya ay totoo. Never kong babaliin. Never kong hahayaan masayang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD