Kabanata 4

3340 Words
"Honey, Honey how are you?" Nag-back hug sa akin. "Yes honey? Maaga yata uwi ngayon?" Pareho kami tumanaw sa wall clock. It's a seven in the evening at kapag ganitong oras nagluluto ako ng hapunan pero wala pa siya. What a miracle. "Maaga na tapos meeting at pirmahan ng papeles. Anong niluluto mo?" sinilip ang hinahalo habang nakasalang sa kalan. "Bulalo with love." "Wow, for the first time nagluto ka nang hindi gaano niluluto. Ano ba'ng meron ngayon?" Humarap ako, "Wala naman. Napag-isip-isip kong magluto ng masarap at masabaw para kahit gaano ka pagod sa trabaho may nagpapainit sa sikmura mo." She rubbed both my cheeks, "Kahit walang bulalo sa hapag-kainan basta may Zayn Bangelio sa higaan sigurado mag-iinit talaga sikmura ko with matching kumukulo-kulo pa." Ugh, hindi ko talaga malaman kung minsan bumabanat siya ng ganoon tapos hindi ko mapigilan kiligin. Natural ba 'to sa isang lalaki na kiligin at ipakitang ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman siguro kabawasan ito sa pagiging lalaki ko, ano? "Ah kumbaga, ako ang nagpapa-init ng gabi mo?" "Kahit umaga, tanghali." Dugtong niya. "So, ibig sabihin ngayong gabi magkakaroon ng bulalo segment sa higaan?" Taas-baba itong kilay ko sabay pa-cute. "Well, hindi ako gaano pagod puwede naman." Kusang hinalikan ako sa labi. Gaya nang dati hindi pa rin nagbabago ang mga halik niya. May fashinate pa rin hanggang dulo. "Wait, tapusin ko lang itong niluluto." Kumalas ako sa yakapan upang pagtuunan ng pansin ang ginagawa. Pareho kami nagkatinginan ng tumunog ang doorbell. "May inaasahan ka ba'ng bisita?" Unang sabi nito. Umiling ako. "Wala rin akong inaasahan pero ako na magbubukas baka ang mga LK lang 'yan." Pinakulo ko saglit saka pinatay ang kalan. Sinundan ko si Roselle sa living room. Pagkaraan ay nakita kong may kayakap ang asawa ko na babae. Pamilyar siya, at tiyak na hindi ko gustong makita pa siya. Ano naman kaya ginagawa niya rito. May usapan kami. Binigyan ko na siya ng sapat na pera para makapagsimula at magpagamot sa magulang. "Honey, bumalik si Jayda." Lumapit sa akin ang asawa ko hawak kamay ng babaeng ito. "Nakikiusap sa akin na bumalik dito sa bahay para mag-trabaho." Hindi mawala ngiti ng asawa ko. Ewan ko kung bakit ganoon na lang kagaan ang pakiramdam niya sa babaeng minsan pinagtaksilan siya. "Anong ginagawa mo rito?" Pilit kong itinago ang inis. "Pumasok kana muna galing ka kamo sa probinsiya ninyo. Tara, Honey magtimpla ka ng juice for her." Nag-nod ako bago titigan si Jayda na may ngiti sa labi. "Dalawang buwan na nakalipas simula ng mamatay si Tatay sa kanyang sakit dahil sa pagkawala niya nalungkot ang Nanay kaya binawian din ng buhay." Kuwento ni Jayda ng ilapag ko sa center table ang juice na para lamang sa kanya. "Ikinalulungkot ko ang pagkawala nila. Ikaw na lang pala ang nag-iisa sa buhay." Tumingin sa akin, "Honey, sumadya talaga rito si Jayda para bumalik bilang kasambahay. Tanggapin natin siyang muli. Kawawa naman, wala siyang mauuwian pa." Sinasabi ko na nga ba. "Kayang-kaya ko na gumawa rito sa bahay." Katwiran ko pero tingin ko ay hindi uubra sa aking asawa. "For her safety na lang Honey. Isa pa, madalas wala ka sa bahay para samahan ang LK kaya hayaan na natin bumalik siya rito." Hindi maganda kutob ko sa Jayda na ito. Parang may ibang plato. "Hahanap ako ng ibang mapapasukan niya huwag lang dito sa bahay. Ayoko talaga ng kasambahay." "But hon...." Tumayo saka ako hinatak papasok ng kusina. "Honey, please. Hindi ka ba naaawa?" "Naaawa." Pigil ang galit ko. "See? So anong dahilan bakit ayaw mo ipasok dito?" "Dahil ayoko. Kayang-kaya na natin ito. Wala pa naman tayong anak na puwede niyang alagaan. Saka hindi marumi ang bahay." "Taga-pagluto at taga-paglaba hindi ba natin kailangan??" Roselle, kung alam mo lang. Ayoko nang balikan ang mga nangyari matapos ang dalawang buwan na pananahimik ko. Masisira na naman tayo dahil sa babaeng 'yan. "Hon, I know naaawa ka sa kanya. Parang tulong na lang natin ito sa kanya." Buntong hininga akong tumitig sa di kalayuan. Wala akong laban kapag siya nag-desisyon. "Fine, pero sa iba mo siya patirahin huwag dito." "Bakit??" "Dahil gusto ko tayong dalawa lang nasa loob ng bahay. Pupunta-punta lang siya kapag magluluto at maglalaba." "Saan natin siya patitirahin? Kaya ko nga siya ipinasok dahil walang matutuluyan." "May maliit na kuwarto sa kalapit ng bahay natin doon na lang siya. Pakikiusapan ko ang dating nakatira 'ron. Please,  I need privacy." "Pumapayag na ako. Kakausapin ko siya at tutulungan pero sa ngayon dito muna siya matutulog. Huwag kana kumontra pakiusap." "Bahala ka, kumain na tayo." Masama pa rin loob ko. Hanggat nakikita ko si Jayda hindi magiging maganda ang araw ko. Simula noon tinulungan siya ng asawa ko mag-ayos sa kabilang bahay. Palagi rin umuuwi si Roselle ng maaga para mamili sila ng ibang gamit. Napaka bait ng asawa ko at hindi niya alam ang isang Jayda ay taksil at minsan na siyang trinaydor dahil sa akin. "ZAYN," galing ako sa basketball court ng subdivision namin. Pawis na pawis at ginugutom na ako. Hindi pa naman madilim pero nakita kong nakapagluto na si Jayda ng panghapunan. "Oh?" Inis kong tanaw dito. "Nakapagluto na ako." "Mabuti. Puwede kana lumabas ayoko ng may ibang tao rito." Padabog akong pumasok sa kwarto. Nagpahinga at pagkatapos naligo bago bumaba ng kusina. Nag-text si Roselle na gagabihin siya ng uwi. Kakain na ako pagkatapos pupuntang bar. Paglabas ng bahay dinig kong napakalakas ng tugtog sa tinutuluyan ni Jayda. Sa inis, pinuntahan ko para pagbawalan. Nakangiti itong nagbukas ng pinto. "Bawal 'yan." "Ang alin?" "Bawal sa subdivision ng malakas na tugtugin. Patayin mo kung ayaw mong ireklamo ka ng mga kapit-bahay mo." "Pasensiya na. Ito lang naman ang tanging kailangan ko para maibsan ang kalungkutan." "So? Kapag ba sinabi mo sa kanila ang invalid reason mo maaawa na sila tulad ng asawa ko? Pwes, patayin mo na 'yan kung hindi ako mismo pupunta sa president ng subdivision para mag-reklamo." Tahimik itong pumasok muli sa loob ng bahay bago mamatay ang ingay. "Pasensiya." Inirapan ko bago talikuran. "Zayn. Zayn sandali." Habol nito. "What?" "Bukod sa kailangan ko ng matutuluyan ang totoo niyan dalawang buwan na rin akong hindi dinadatnan." Kumalabog ang dibdib ko pero ayoko ipahalata na apektado sa mga posibleng mangyari. "So? Bakit hindi mo puntahan ang naka-buntis sayo?!" Iritado kong bulyaw. "Kasi ano," nakayuko lang. "Huwag mo sabihin ginastos mo ang perang binigay ko sayo sa mga walang kwentang bagay? Tell me, ubos na ba? Bibigyan ulit kita para bumalik ka lang sa pinanggalingan mo!" Pasampal niyang idinikit sa dibdib ko ang isang cheke. Nalaglag ito sa lapag pero hindi ako nagpatinag. "Ibinabalik ko na ang perang binigay mo. Hindi ko 'yan kailangan. Ang kailangan ko ng isang ama na tatawagin ng magiging anak ko." Lumuluhang sabi nito. "Sa palagay mo maniniwala akong sa akin nga 'yang ipinagbubuntis mo? Bayarang babae ka, Jayda. Baka nakakalimutan mo may asawa ako." "Sabi ko naman kasi sayo na handa ako maging kabet!!" "Goddammit, Jayda! Napakabait ng asawa ko sayo tapos ganito lang igaganti mo sa kanya?!" "Bakit ikaw. Hindi ka ba nakokonsensiya sa ginawa mo? May nangyari sa atin at nabuo ang pagmamahalan natin. Ikaw ang Ama ng magiging anak ko!" Humalakhak ako na may halong inis. "Nabuo dahil sa pagmamahalan natin? Okay ka lang? Hindi ka ba nahihiya o natatakot sa mga pinagsasabi mo? May nangyari sa atin tama ka pero ang sabihin mahal kita? Damn, pipiliin ko na lang mamatay kaysa mapunta sayo." "Walanghiya ka!" Pinagsusuntok dibdib at mukha ko pero umiiwas lamang ako sa ginagawa niya. "Ikaw ang nakauna sa akin! Kinuha mo p********e ko! Binuntis mo ako!" "Tapos kana? Sige para manahimik ka lang bibigyan kita ng panibagong cheke. Gagawin ko nang sampung milyon. Siguro naman sa sampung milyon mananahik 'yang bunganga mo. Buhayin mo mag-isa ang bata malaking tulong 'yan. At sana lang huwag kana magpapakita sa asawa ko. Ipapadala ko sa sekretarya ko ang cheke." Iniwan ko itong nag-iisa. Galit na galit akong nakarating sa bar. Sakto nakita ko si Peps kasama ni Cedric. Kinuha ko ang hawak na bote ni Peps pagkaraan tinagay ko ng diretso. Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos kong maupo sa stool chair. "May problema ka ba?" Usisa ni Peps. "Pinilit na naman niya siguro si Roselle na magka-Baby." Manghuhula lang si Ced mali-mali pa. Pero kung sa bagay isa rin 'yan sa problema ko. Nakakainis, gusto kong magsabi sa kanila pero naduduwag ako. "Nandiyan na si Erdem." Malakas na sabi ni Peps. Nakipag-apir sa amin ito bago maupo sa tabi ko. "Anong nangyari rito?" Turo ng hinlalaki matapos uminom ng beer. "Inaway ng asawa." Natatawang sabi ni Peps. "Naku, dinadalas-dalasan mo yata makipag-away. Huwag mo sabihin nagpipilitan pa rin kayo hanggang ngayon?" Kung alam mo lang Erdem. Tahimik na nakamasid sa akin si Cedric. Sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko. Kilala ko siya, at kilala rin niya ako. Kung sa pagiging matalino para lamang siyang nakatingin sa utak ko na transparent. Naririnig ko silang nagtatawanan at kuwentuhan. Sinubukan kong manahimik para mag-isip. Ayokong magpadalos-dalos sa bawat desisyon dahil baka sa huli maging palpak pa. "May problema ako." Sunod-sunod kong tungga sa bote. At sa huli. Hindi ko napigilan magsalita sa harap ng tatlo. Kailangan ko ang payo nila at higit nang tulong ng bawat isa. "Kanina ka pa namin hinihintay magsalita. What it is?" Interesadong dikit ni Erdem. "Ang kailangan ko ng payo huwag ninyo ako husgahan base sa ipapahayag ko." Nagkatinginan ang tatlo at handang makinig. "Peps, naalala mo 'yong kinuwento ko 2 months ago?" Tumango ito, "Bumalik siya...ah, hindi sila pala ng magiging anak daw namin." Kunot noo ang dalawa samantalang natulala si Peps. "Problema nga 'yan. Anong sinabi mo? Naniwala ka naman ba? Akala ko binigyan mo ng limang milyon 'yong babae?" "Teka, teka, teka, ano 'yang pinag-uusapan ninyo?" Kita ko naiinis si Cedric. "Iyong kasambahay namin dati may nangyari sa amin. Alam kasi niyang kailangan ko ng anak para sa manang makukuha ko kay Lola. Ngayon bumalik siya at sinasabing may nabuong bata sa tiyan niya." "ANO?!" ngayon lang nag-react si Erdem. Masama ang titig sa akin ni Cedric sabay hatak sa kuwelyo ko. Kung kaya't pareho kami nakatayo. Ngayon pa lang nagsisisi ako kung bakit nagawa kong magsalita. "Easy lang Cedric. Makinig ka na muna sa paliwanag niya. Huwag natin idaan sa marahas na pag-uusap ang lahat. Kalma lang." Pagpapakalma sa kanya ni Peps na ngayon nakatayo na rin. "Ano na naman ba 'yang pinasok mo, Zayn." Nanggigil nitong dabog nang makaupo muli. Sumenyas si Peps na maupo akong muli. "Sige magpaliwanag ka. Siguraduhin mo lang na matutulungan ka namin ha? Dahil sa totoo lang sawang-sawa na ako sa ugali mo. Hindi ba gawain mo manloko ng babae? Kailan ka ba magbabago ha?!" Pigil na pigil ang galit ni Ced. "Noon pa man gusto ko na magka-anak. Masisisi ninyo ba ako kung maghangad ako ng baby mula kay Roselle? Natural asawa ko siya pero kahit man lang iyon hindi niya maibigay sa akin. Iniisip niya habol ko lang ang kalahating mana ni Lola pero gusto ko na talaga magka-anak. Sa kaso ni Jayda inabuso niya kahinaan ko. Naging marupok ako noong oras na 'yon." "Kaya pinatulan mo siya? Kaya hindi mo inisip ang magiging kahihinatnan ng lahat?" "Ganoon na nga. Akala ko kasi kapag binigyan ko siya ng pera mananahimik siya. Napakalaking tulong 'yon para sa magulang niyang may sakit iyon nga lang namatay din makalaunan." "Tapos ngayon bumalik siya para panagutan mo ang nasa tiyan niya?" "Tama ka. Napaka bait pa naman sa kanya ni Roselle. Binigyan ng matitirhan at pinapasok bilang kasambahay sa amin. Hindi ko alam gagawin ko. Anytime maaari siyang magsalita kay Roselle." "Ikaw naman kasi bakit nagpatalo ka sa tukso?!" Naiinis na sisi ni Erdem. "Huwag na tayo magsisihan. Ang dapat natin gawin ay kausapin si Jayda. Baka sakaling makinig siya kung kakausapin natin ng maayos." Pagbibigay ng pag-asa ni Peps. "Dispatsiyahin na natin!" Seryosong utos ni Cedric. "No way! Nangako tayo hindi na natin gagawin ang mga bagay na dati nating ginagawa. Isipin niyo na lang din ang pamilya ninyo." Tutol ni Peps dito. "Kahit tapalan mo ng malaking halaga ang bibig ng babae magsasalita pa rin 'yon lalo ngayon buntis siya natural pupuntahan niya ang naka-buntis sa kanya!" "Pero Ced, baka may ibang option pa. Subukan muna natin kausapin ang babae." Komento ni Erdem. Iiling-iling si Cedric. Ramdam namin naiinis na ito. Kung siya lang naman ang magde-desisyon talagang papatayin niya si Jayda. KINAUMAGAHAN, hinintay ko ang buong Lucifer Kingdom. Nandito pa rin si Roselle naghahanda ng gamit bago pumasok sa opisina. Kasalukuyan naglalaba si Jayda. "Honey, anong oras nga pala punta ng Lucifer Kingdom sa bahay baka maabutan ko." "Mayamaya nandito na mga 'yon." Sakto pagsabi ko nagsipasok ang tatlo. "Hi Cedric, Erdem and Peps!" Yakap isa-isa sa mga kaibigan ko. "Nag-breakfast na ba kayo?" "Hindi pa." Natural na tugon ni Cedric. "Dito na kayo kumain. Kaya lang paalis na rin ako kaya si Zayn na bahala sa inyo ha?" "Walang problema. Madali lang naman kumain lalo kung maraming kakainin." Natatawang sabi ni Peps. "Don't worry marami akong pinaluto kay Jayda." Hindi  mawala ang ngiti sa labi ng asawa ko. Pinandilatan ako ng mata nina Erdem at Peps. "Sinong Jayda? Kasambahay ninyo?" Waring usisa ni Cedric. "Oo, naglalaba ngayon pero mayamaya uuwi rin sa kabilang bahay. So, paano guys mauna na ako sa inyo ha?" Nagtanguan ang mga kaibigan ko bago ihatid namin ng tanaw palabas ng bahay. "Kumain na muna tayo bago natin kausapin si Jayda." Aya ko sa kusina sa tatlo. Habang kumakain kami ng tahimik sakto pumapasok si Jayda na naka-short na maiksi at sando lamang. Mababanayad dito ang makinis na pangangatawan. "Ayy, sorry po! Pasensiya na mamaya na lang po ako iinom." Hingi nang hingi ng pasensiya sa amin. "Okay lang." Sabi ni Erdem. "Po?" "Kumuha kana nang inumin at huwag na magtagal dito." Pagsusuplado ko. Nakayuko itong kumuha ng sa fridge ng malamig na tubig pagkaraan ay inawat ni Cedric gamit sa pagpigil ng braso nito. "M-may kailangan po ba kayo?" Natatakot na usisa nito. "Puwede ka ba namin makausap?" "Para saan po?" "Sa kaibigan namin." Tanaw nilang lahat sa akin. Hindi pa man tapos kumain ay nagpunta kami sa living room. Nagpalit ng maayos na damit si Jayda bago humarap sa aming apat. "Totoo ba buntis ka at si Zayn ang Ama??" Diretsahan usisa ni Cedric dito. "O-opo, may nangyari sa amin ni Zayn." "So ano plano mo? Guguluhin mo ang tahimik na buhay ng mag-asawa?" Nabigla ito at halos manlaki ang mata. "Hindi ko gustong mangulo." "Hindi mo gusto pero bakit pinipilit mo ang kaibigan ko na panagutan ka niya? Hindi mo ba naisip na kapag nalaman ni Roselle ang tungkol dito ay masisira sila nang dahil sayo?" "Bakit parang ako lang may kasalanan dito? Pareho kami ni Zayn. Binuntis niya ako at karapatan naman talaga niyang panagutan ang batang nasa sinapupunan ko." He smirked, "How come? Ano ba karapatan mo sa kanya? dahil ba sa na buntis ka niya, ganoon ba?" Hindi nakasagot. "May asawa siya at kasal pa nga 'di ba? Hindi mo ba na isip na maaaring pagkakamali ang nangyari sa inyo? O baka may ibang dahilan pa kaya gusto mo panagutan ka niya." "W-wala. Ayoko lang lumaki ang bata na walang ama." "Kung ipagpipilitan mo ang bagay na 'yan pipilitin din kitang ipalaglag ang batang 'yan." "Cedric!" Bulyaw ni Peps. "Wala sa usapan natin 'yan ha!" Buwelta ni Erdem. "Iyon lang ang dapat. Ayaw niya manggulo ng pamilya pero gusto niya panagutan siya. Eh di ipalaglag niya ang bata ganoon lang. Magkakaroon pa siya ng sampung milyon para lang sa pananahimik niya." "Kasalanan sa Dios ang abortion,  Cedric. Hindi ka ba nag-iisip?" Naiinis na sabi ni Peps. "Ke kasalanan o hindi iyon ang dapat." "Naloloko kana." Si Erdem hindi mapigilan mag-mura. "Ano sa tingin mo, Zayn?" Usisa ni Cedric. "Kung saan mas okay doon ako." Lingid man sa kaalaman nila ay hindi ako kumbinsido sa naisip ni Ced pero kung ito lang ang paraan kakagatin ko na lang ito. "Pareho na kayong nababaliw! Isipin ninyo pamilyado kayo. Paano kung sa iyo Cedric mangyari ang kalagayan ni Zayn ganoon din ba iisipin mo?!" Napapaupo sa inis itong si Peps. "Ano Jayda?" Hindi nakikinig si Ced kahit na kanino. "Ayoko, ayokong ipalaglag ang nasa tiyan ko. Ayoko, ayoko talaga!" "Pera o abortion??" Hamon niya. Nagsimula nang umiyak si Jayda sa harap namin apat. "Sige na, sige na. Tatanggapin ko na lang 'yong pera kaysa patayin ko ang batang wala naman kasalanan namin." Humihikbi nitong pagsang-ayon. "Nagkakaliwanagan tayo. Tanggapin mo ang pera at magpakalayo-layo kana." "O-oo..." Sumenyas sa akin si Cedric na wala na kaming problema pero kinukutuban pa rin ako. Ayoko umasa sa usapang ito. NAPASUNTOK si Peps sa braso ni Cedric. Nakauwi na sa kabilang bahay si Jayda para mag-impake ng damit. "Sira-ulo ka Cedric akala ko talaga totoong ipapalaglag mo 'yong bata!" "Sira-ulo ka rin! Bakit ko naman gagawin 'yon? Isa pa, tama kayo kasalanan 'yon sa Dios pero ito lang ang naisip kong ipanakot sa kanya para lang lumayo siya." Natatawang paliwanag nito. Tumingin sa akin saka nawala ang ngiti. "Oh ano Zayn? Bilid kana ba sa akin? Ngumiti ka naman diyan tapos na problema mo." "Hindi pa rin ako ngingiti hanggat nandito siya." Katwiran ko. "Jusko naman. Tara sa bahay nandoon si Reign kasama mga bata. Basta huwag na huwag ninyo ipapaalam sa Viper ang tungkol dito." Huling sabi niya bago kami magtungo sa bahay nila Cedric. **** "Hoy! Tulala? May iniisip? Huwag ka mag-alala pauwi na rin 'yon sa bahay ninyo!" "Sana nga huwag na siyang bumalik." "Ano kamo?" "A-ang sabi ko sana umuwi na kaagad siya kasi miss na miss ko na." "Sus, maaga pa naman. Nasa alas otso nasa bahay na 'yon." "Siguro uuwi na ako, Reign." Nanginginig ang kamay ko nang tingnan ang oras sa cellphone. "Uy, may problema ba??" Silip sa mukha ko. "Wala  naman. Medyo sumama kasi pakiramdam ko." "May gamot ako rito." "Huwag na sa bahay na lang. Hindi na ako magpapaalam kina Cedric pakisabi na lang ha?" "Nagmamadali ka naman masyado. Pero sige sasabihin ko na lang sa kanila. Bumalik ka rito bukas isama mo si Roselle hindi ba day-off niya?" "Oo." "Sige na umalis kana. Atat na atat sa asawa. Byeeee." Ngumiti lang ako pagkaraan ay sumakay ng kotse. Malakas ang kalabog ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Palagay ko may mangyayari na hindi magugustuhan. NANDITO na sa labas ang kotse ni Roselle. Sana nakaalis na si Jayda bago dumatin ang asawa ko. Literal nahinto ako sa tapat ng pintuan. Dinig kong may umiiyak sa loob ng bahay. Lumapit pa ako ng husto at dinig nagsalita si Roselle. "Sabihin mo sa akin sino nakabuntis sayo? Hindi puwedeng wala dahil karapatan niyang panagutan ang ipinagbubuntis mo." Taena naloko na. Baka magsalita si Jayda. Mukhang nagkamali kami ng desisyon. "Roselle!!!" Bulyaw ko matapos bumukas ang pintuan. Hawak ni Roselle ang kamay ni Jayda habang umiiyak. May mga bag sa ibabaw ng sofa. "Honey,  tulungan mo nga ako paaminin si Jayda. Umiiyak siya ang buntis niya buntis siya at hindi niya alam ang gagawin. Tingnan mo ang gamit, kung hindi kaagad ako umuwi malamang aabutan natin wala na siy ulit dito sa bahay." Tulala akong nakatingin kay Jayda. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata ko. "Bakit kasi paaaminin mo pa. Natural dapat umalis siya dahil nagbitbit siya ng panibagong palamunin!" "Zayn! Ano ba naman 'yang lumalabas sa bibig mo? Hindi mo ba nakikita? Nasstress siya at masama 'yon sa sanggol na ipinagbubuntis niya." "In the first place wala tayong pakialam sa buhay niya." Iritado kong satsat. "Pero wala na siyang magulang o kahit kamag-anak." "Oh tapos dito siya manggugulo? Idadamay niya tayo sa problema niya?!" "Zayn naman! Malasakit ang kailangan ibigay natin sa kanya." "Malasakit?" Ismid ko. "Baka kamo pasakit. Hoy,  ikaw Jayda, umuwi kana sa probinsiya mo hanapin mo ang nakabuntis sayo huwag mo kami idadamay sa problemang dinadala mo!" Isang sampal ang tumama sa pisngi ko. "Anong klase kang tao, Zayn? Paano mo nasasabi ang bagay na 'yan? Coming from you ha? Akala ko ba gustong-gusto mo magka-anak? Tapos ngayon may isang tao nagkaka-problema dahil sa sanggol ipagtatabuyan mo?!" Galit na galit na sumbat sa akin ng asawa ko. "Bakit ako ba ang AMA niyan ha?!!!" Pabulyaw kong harap sa kanya. "Wala akong sinabing ganoon. Ang gusto ko lang tulungan siya." Napahilamos ako sa mukha, "Puwede ba kahit ngayon lang tanggalin mo ang pagiging maawain mo?!" "Aalis na ako, Ma'am Roselle. Pasensiya na kung pati kayo nadadamay sa problema ko." "Ayan! Tama 'yan!!" Bulyaw ko rito. Dinampot niya ang mga bag saka lalabas ng pinto pero pinigilan ni Roselle. "Walang aalis ngayong gabi." Matigas ka talaga Roselle. Ginagalit mo ako. "Roselle hayaan mo siyang umalis." Kalmado ngunit may halo pa rin galit sa tono ko. "Ma'am pasensiya na po talaga ayokong makasira ng pamilya." "Hindi. Walang aalis." Walang tinag ang titig sa akin ni Asawa ko. "Kung pagpipilitan mo ang gusto mo sasamahan ko si Jayda sa kabilang bahay. Mag-isa ka riyan matulog sa bahay." Padabog niyang sinara ang pintuan kasama lumabas si Jayda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD