KADAX’s POV Matutuwa ba ako pagkatapos ng nangyari kanina, na para bang aatakehin ako pagpunta ko sa bahay ni Via? Akala ko talaga, alam niya ang nangyari kagabi. Hindi ko maipangako na hindi ko na iyon uulitin kapag may pagkakataon dahil ang totoo, lagi iyong nasa isipan ko. Siya ang laging laman nitong puso at dahil sa kaniya, natuto ako kung paano humalik. Dahil sa nangyari sa aming dalawa, hindi puwedeng may ibang lalaki pang hahalik sa kaniya. Kahit babae, parang hindi ko na matatanggap. Kailangan ko yata siyang bantayan palagi para malaman ko kung may prospect na naman siyang babae. Ang daming naglalaro sa isipan ko kanina. Pakiramdam ko, kinakarma na ako dahil sa mga ginagawa ko kapag wala sa tamang pag-iisip si Via. Kailangan lang pala niya ng boyfriend. At malaking opportuni

