DAX’s POV “Baby, sa Laguna tayo tutuloy. Message mo na lang si Tiya Mila na hindi tayo matutuloy sa kanila.” Alam na naman ng baby Kassy ko ang dahilan. Narinig niya ang anak naming si Kadax. “Daddy, bigla akong kinabahan, natuwa, at nalungkot.” Emosyonal na sabi ng aking asawa. Tumingin pa siya sa akin bago hinarap ang kaniyang phone. Kahit nasa kalsada ang aking mga mata, nakikita ko naman sa sulok ng isang mata ko ang aking kabiyak. Pangalawa si Kadax sa aming mga anak. Mauuna pa siyang mag-aasawa kaysa kay Junior. Nasa tamang edad na rin si Kadax. “Baby, lahat ng anak natin, darating ang araw na magkakaroon sila ng kanilang sariling pamilya. Ito na ang umpisa kaya masanay ka na.” Nakanguso ang asawa ko. Alam ko naman kung gaano siya ka-close sa mga anak namin. Pero ito ang ka

