Chapter 35

1304 Words

NAKAILANG pindot ng doorbell si Cat bago may nagbukas ng pinto ng malaking bahay. Kabado siya kahit may kasama dahil baka makarinig na naman siya ng mga hindi magagandang salita mula sa nanay ni Harry. Gayunpaman, she composed herself. Ito ang main purpose nila ng pag-uwi rito ni Brix kaya hindi dapat siya mabigo. Si Aling Cedes ang nagbukas at unang kita pa lang nito sa kaniya ay hindi na maipinta ang mukha nito. May mga nakasabit pang pangkulot sa buhok nito at parang naantala pa yata ang pagme-make up. Nakasuot din ito ng ginintuang hikaw at kuwintas. Nakapang-alis na damit. "At ano'ng ginagawa mo ritong malanding babae ka, ha?" pagalit na bungad nito sa kaniya. Parang susugod ito sa giyera habang palapit sa kaniyang gawi. "Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito. Matapos ng kawal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD