Chapter 18 : Escape

1464 Words

PAGKABUKAS na pagkabukas ng pinto ay itinulak agad ni Catalina ang sarili papasok. "Por Dios Por Santo kang babae ka! Nanggugulat ka naman!" malakas na sigaw ni Manda nang makilala siya ng baklang kaibigan. Humahangos siya at sapo pa ang dibdib na taas baba dahil sa pangangapos niya ng hininga. "Pasensya na, Sissy. Nagmamadali kasi ako. Puwede bang maki-sleep over muna rito sa bahay mo?" deretsahan niyang tanong. Buti na lang at hindi pa ito lumilipat ng inuupahan kaya natunton niya kaagad. Wala na siyang ibang maisip na paraan. Wala na siyang ka-close na malalapitan maliban dito. "At bakit? May LQ ba kayo ng Fafa mong super yaman at guwapo?" Gulantang siya sa sinabi nito. "A-Anong Fafa? Wala akong Fafa," kaila niya. "Asus! 'Yong super tangkad, guwapo at naka-sports car na lalaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD