“Why are you here—” “Is this what you’ve wanted?” tanong niya sa akin na nagpatigil sa akin. Ito nga ba ang gusto ko? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nagpadala nga lang ba ako sa takot na pumalag sa mga magulang ko dahil alam kong may kaya si Daddy na kontrolin ang lahat. Kaya nga hindi ko tinanggap ang kaniyang tulong dahil bukod sa koneksyon na mayroon si Daddy, hindi ko rin alam kung anong klaseng tao ba siya. Alam ko naman na matagal ko na siyang kakilala at ama ko nga pero hindi naman kasi ibig sabihin no’n ay may alam na ako kay Daddy. Sa katunayan nga, marami akong hindi alam sa mga magulang ko. Nagsasama nga kami sa iisang bahay pero madalas naman silang wala dahil busy silang parehas sa pagtatrabaho. Hindi ko alam kung tama bang mag-isip ako nang kung ano pero nasa puso ko n

