“MARISSA! Honey, huwag kang bumitiw, please!” garalgal ang tinig na pakiusap ni Vicente kay Marissa habang isinusugod ito sa emergency room. Takot na takot siya na hindi iniinda kung nalulunod na ang mukha niya sa mga luha. He was trembling. Wala nang malay ang dalaga nang makarating sila sa ospital. Pakiramdam niya ay unti-unti na rin siyang pinapatay dahil doon. Lumalakas lamang ang loob niya dahil may pintig pa ang puso nito. Kahit napakahina niyon. “Issa, please, hold on! Hold on…” “Sir, hanggang dito na lang po kayo. Hindi na po kayo puwedeng sumama sa loob,” anang isang nurse na umawat sa kanya nang maipasok na sa emergency room ang stretcher na kinahihigaan ng dalaga. “No, please payagan n’yo akong sumama sa loob. Hindi ako manggugulo just let me

