Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos ng nangyari sa amin ni Ryder at kung tutuusin ay tinutulungan na rin niya ako sa ngayon. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na siya mismo ang mag-aalok ng tulong sa akin dahil ang alam ko ay ayaw niya talaga sa plano ko itong. Gayunpaman ay mas mabuti na rin ito dahil mas marami ring alam si Ryder sa kasong iyon.
“Ehh? Hindi mo na kailangan ang tulong ko Alexia?” hindi makapaniwala na tanong sa akin ni JM.
“Huh? Eh, hindi naman sa hindi ko kailangan… a-ano kasi, tinutulungan na rin ako ni Ryder eh,” awkward na sagot ko rito. Nagulat na lamang ako nang bigla nitong hinawakan ang dalawang kamay ko ay ikinulong sa kaniyang mga palad.
“No way! Akala ko ba ayaw ka niyang tulungan? Hindi pwede Alexia, oo alam ko. Hindi ko dapat sinabi kay Ryder ang tungkol sa impormasyon na hinahanap mo, pero wag mo naman sana akong ipagpalit, wag sa isang katulad ni Ryder,” mangiyak ngiyak na sambit nito.
Napalingon na lamang ako sa kabilang direksyon habang hawak pa rin nito ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung totoo ba na umiiyak ito o sadyang paraan niya lamang ito ng pagbibiro. Hindi ko rin kasi siya maintindihan dahil kaunti na lamang ay nakayakap na rin ito sa mga binti ko sa pagkakaluhod niya sa harapan ko.
Mabuti na lamang dahil naka-pajama ako kaya hindi rin masyadong awkward.
“Umayos ka nga dyan, JM” biglang sabat ni Ryder na kakalabas lamang sa kwarto nito.
“Tumahimik ka! Palibhasa hindi ko alam ang nararamdaman ko eh, bakit kasi sa dami ng ipagpapalit mo sa akin ay iyang pangit na iyan pa?” sambit ni JM , hindi ko alam kung nanlalait ba ito o nagtatampo pa rin.
“Sabi ko nga ‘di ba, wala akong ipagpapalit sa inyo. Atsaka, abala rin ako sa oras mo kung sa’yo pa ako magtatanong,” pampalubag loob ko rito ngunit mukhang mas naging agresibo ito at bigla na lamang lumapit sa akin na maging ang mukha namin ay magdidikit na.
“Eh? Kailan ka naman naging abala sa akin huh? Hindi kaya! Never!” malakas na sigaw nito sa harapan ng mukha ko dahilan para tumalsik sa akin ang ilang laway nito. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko naman magawang lumayo sa kaniya dahil hawak niya pa rin ang kamay ko.
Sheesh! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa taong ito. Pagdating na pagdating niya kasi dito kanina sa bahay ay hinanap agad ako para itanong ang tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi ko nga alam kung bakit parang big deal sa kaniya kung kanino ako magtatanong ng impormasyon eh parehas lang din naman sila ng pinagtatrabahuan ni Ryder.
Maya-maya ay napayuko ulit ito at halos nakadapa na sa sahig. Hindi na ito nakahawak sa kamay ko bagkus ay sa kanang binti ko na ito nakahawak na mas lalong ikinagulat ko.
EH?
“U-umiiyak ka ba?” takang tanong ko rito.
“Aray!! Kanina pa ako umiiyak, Alexia. Ngayon mo lang napansin?” Mas lalo siyang napahagulhol dahil dito.
Eh malay ko ba kung nagbibiro lang siya o umiiyak talaga.
“Haist, halika na nga,” biglang sambit ni Ryder saka hinablot ang kaibigan at inilayo sa akin.
Hay, salamat naman. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung mas magtatagal pa ito sa pagkakakapit sa paahan ko.
“Ehh? Ryder naman eh! Kontrabida ka talaga sa amin ni Alexia eh,” sambit ni JM na para bang bata na nagtatampo.
Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa paraan ng pagkilos nito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko sa paraan ng pagtrato niya sa akin. Minsan kasi ay malinaw sa akin na may gusto ito sa akin lalo pa dahil sa mga banat nito sa akin minsan, gayunpaman ay hindi niya rin naman sinasabi sa akin ng diretso kaya hindi ko rin alam kung meron nga ba talaga siyang nararamdaman sa akin.
“Manahimik ka na nga lang dyan, ‘di mo ba nakikita na nandidiri na siya sayo,” biglang sambit naman ni Ryder ngunit mas lalo lamang na-trigger si JM na parang bulkan na sasabog.
“Nandidiri? Sa akin? Never noh! Di ba Alexia?” tanong nito sa akin.
“Huh? Ah eh oo…” gulat na sagot ko rito.
“See? Psh! Inggit ka lang sa closeness namin eh. Kahit na hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang pinili niya eh di hamak na mas gwapo ako kaysa sayo,” lakas loob na sambit ni JM habang na-cross arm pa.
Napatawa na lamang ako ng palihim dahil rito.
“Ayan, mahilig ka kasi manood ng mga drama kaya kung ano ano na ang ini-imagine mo. Mas gwapo ako sa’yo pasensya na,” banat naman ni Ryder sa kaniya ngunit sa halip na mainis ang isa ay mas lalong lumawak ang ngiti nito sa kaibigan na para bang may balak na kakaiba.
“Ah, kaya pala hindi pa rin nagiging kayo kahit ilang taon ka na may gusto sa kaniya, hahahaha,” tukso sa kaniya ni JM na ikinatulala ko naman. Napatingin ako kay Ryder at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng makita ang namumulang tainga nito na para bang nahihiya.
Panay lamang sa pagtawa si JM habang hindi magkamayaw si Ryder sa hiya. Sandali itong napatingin sa akin at nagkagulatan pa kami nang magtagpo ang paningin naming dalawa.
“A- ano-”
“Aish! Ano bang pinagsasabi mo dyan, J. tara na nga! Baka mahuli pa tayo!” biglang sambuit na lamang nito at aad a hinila ang kasama palabas ng pinto.
“Yiee, nahihiya ka ba kay Alexia? HAHAHA, nahuli ka na buang! ” tukso pa sa kaniya nito.
“Shut up!”
“Yiee, namumula ka ‘pre! Para ka tuloy kamatis. HAHAHA Alexia, I love you daw sabi ni Ryder!!” palayo ng palayo na sigaw ni JM.
“Shut up!!” saway sa kaniya ni Ryder.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kaya naman nanatili lamang akong nakatayo sa pwesto ko. Ni hindi ko nga magawang makatingin sa pinto at nakatingin lamang ako sa sahig habang pinoproseso ang narinig. Totoo kaya yun?
I-I mean, matagal ko ng kaibigan si Ryder at para na kaming magkapatid ngunit hindi ko rin siya masisisi kung magkagusto sa akin. Ilang beses na rin kasi niya sa akin ipinaramdam na espesyal ako sa kaniya. Isa pa ay hindi na mabilang na kalokohan ang ginawa namin noong highschool kaya naman ang iba ay talagang pinagkakamalan kaming mag nobyo.
Maya-maya pa ay bigla akong nakarinig ng yabag sa pinto kaya naman napalingon ako doon at nakita si Ryder na nakasilip roon habang hingal na hingal.
“By the way, hindi totoo ang sinabi ni JM ah, hehehe. A-alam mo na, madami talaga ‘yang kalokohan eh, hahaha. ‘Yun lang, ba-bye!” sigaw nito sa akin saka mabilis na umalis.
“Huh? Te-Teka-” sambit ko pa rito ngunit hindi ko na siya naabutan pa kaya napahinto na lang rin ako habang nakatingin sa pinto. Sa hindi malamang dahilan ay unti-unting kumurba ang ngiti sa aking labi.
“I thought so…”
****
Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang mahinang tapik sa hita ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan ko at tiningnan ang taong iyon.
“Wala ka bang pasok ngayon? Akala ko ba ay balak mong mag-apply sa isang resto-bar?” tanong sa akin ni Ryder.
Napahikab ako saka kinumos ang mata ko.
Ang aga aga pa eh! Abala talaga sa pagtulog eh.
“Mamaya na, tanghali pa naman ang interview nun eh,” sagot ko rito.
“Ah ganun? Pero kailangan mo pa ring gumisin dyan, dalian mo,” sambit ni Ryder saka binuksan ang kurtina sa tabi ng kama ko dahilan para pumasok ang liwanag ng sikat ng araw sa loob ng kwarto ko.
Agad akong napabangon sa liwanag saka tinakpan ang mata ko. Saktong nakayuko ako nang lumingon sa akin si Ryder.
“Sabi ko na-AHHHH, bakit ka na naman nakahubad??!” gulat na sigaw nito sa akin dahilan para matauhan ako at napatakip ng kumot sa katawan.
“Ba-bakit ka kasi bigla bigla na lang papasok!” sigaw ko sa kanya.
Shemay! Nakalimutan ko! Mahilig kasi akong maghubad ng damit sa gabi bago matulog at tanging bra lamang ang suot sa pang-itaas habang naka-shorts naman ako sa pambaba.
Napaiwas rin ng tingin sa akin si Ryder habang namumula ang pisngi saka naglakad palapit sa pinto.
“Ilang beses ko nang sinabi sa’yo na wag kang maghubad pag matutulog eh! Malamig na nga wala ka pang damit!” sermon nito sa akin. “ Sumunod ka na lang sa kusina at kakain na rin,” pahabol pa nito saka padabog na isinara ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko habang pilit ang sarili na pakalmahin dahil sa kahihiyan na inabot ko. Geez, hindi naman ito ang unang beses na makita niya akong ganun, sa totoo lang ay mas malala pa noon dahil sabay rin kaming naliligo noong mga bata pa kami at pareho kaming walang saplot.
Arghh!! Pero bata pa kayo noon, Alexia! Wala ka pang bukol sa dibdib! Atsaka, wala pang malisya, s**t! Nakakahiya yun ah!
Nag-iinit ang buong mukha ko dahilan para tuluyan ng magising ang diwa ko. Tsk!
Pagkatapos ko maghilamos ay dumiretso na ako sa kusina at naabutan doon si Ryder na mag-isang kumakain.
“Nasaan si Tito?” tanong ko rito. Saglit lamang itong tumingin sa akin at muling ibinalik ang paningin sa kinakain.
“May check-up siya ngayon sa doktor niya, hindi na siya nagpasama dahil magmumukha daw siyang matanda,” sagot naman nito habang nasa kinakain ang atensyon.
Napatango na lamang ako dito at ibinaling na lamang ang paningin sa pagkain saka umupo sa tabi nito. Tahimik lamang kaming kumakain at wala na isa sa amin ang naglakas loob na magsalita. Marahil ay dahil naiilang pa rin kami dahil sa nangyari kanina.
Maya-maya pa ay may kinuha na envelope si Ryder sa kaniyang tabi at nilagay sa mesa. Dahan-dahan niya itong inilapit sa akin habang nananatili ang paningin sa pagkain.
“Nandyan na lahat ng kailangan mo para mamaya,” sambit nito. Napangiti ko nang makita ito saka mabilis na kinuha ang envelope at tiningnan ang nasa loob nito. Tumambad sa akin ang sariling mukha sa isang dokumento ngunit iba ang pangalan na nakalagay rito.
“You are now Lyanne Rios” sambit ni Ryder saka nagpatuloy muli sa pagkain.