Sabay kaming natigilan ni JM nang marinig ang boses na iyon. Kitang kita ko ang pagkagulat ko sa mga mata ni JM habang pasimpleng sumusulyap sa akin at sinasabi na nasa likuran ko ang taong iyon. Hindi muna ako lumingon rito bagkus ay pinakiramdaman ko muna ito. Napataas na lamang ang balikat ko nang may naramdaman akong humawak rito.
Maya-maya ay mas lumapit ito sa akin at kahit hindi ko ito nakikita ay ramdam ko na palapit sa pisngi ko dahil mas naaamoy ko na ang natural na amoy ng katawan nito.
“Ang sabi ko, anong impormasyon?” malalim na boses na sambit nito kasabay ng paglingon ko.
Hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap sa kanya.
Ryder…
“Ah, a-ano… wa-wala ah! Nagkape lang kami, wala kaming anumang pinag-uusapan,” pagsisinungaling ko rito.
Shit! Maniwala ka please…
Napataas ang kilay nito.
“Ang aga niyo naman magkape. At kailangang kasama pa talaga si JM ah,” sambit nito na para bang isa akong suspek sa isang krimen. Oo nga pala.
Napasapo na lang ako ng noo nang maalala na isa na nga rin pa lang police inspector ang kausap ko. Malamang malalaman niya rin na nagsisinungaling ako.
“Ah, ano kasi… may- may date kami ni Alexia,” biglang sabat ni JM kasabay ng pagtayo nito.
Huh?
Sabay kaming napatingin rito ni Ryder at pareho kaming nagtataka. Mukhang nagulat rin bigla si JM nang lumingon sa akin at humihingi ng tulong.
Ginawa niya ba iyon para pagtakpan ang nangyayari? Pero bakit kailangang sabihin niya na nasa date kami?
Napayuko ako. s**t! Nakakahiya kaya lalo pa at nakatingin na rin ang ibang customer sa amin.
“Date? Tama ba ang narinig ko Alexia?” tanong sa akin nito at hindi ko man tingnan ay ramdam ko ang napakatalas na tingin nito sa akin. s**t! Lagot ako nito kay Tito.
Akma na akong haharap kay Ryder nang bigla na lamang nataranta si JM at mabilis na tumakbo palabas.
“A-aalis na ako! BYE!!!” malakas na sigaw nito at kumaripas na ng takbo.
Napanganga na lang ako dito dahil para bang hiyang hiya ito sa hindi malamang dahilan. Napatingin ulit ako kay Ryder ngunit katulad ko kanina ay nagtataka rin ito sa inasta ng kaibigan at agad itong sinundan.
Eh?
Sa huli ay napatungo na lamang ako sa mesa dahil tiningnan na rin ako ng mga tao sa loob ng cafe na ito.
Geez, iniwan naman nila ako ngayon!
****
Hindi na rin ako nagtagal doon at umuwi na rin muna. Sa kabutihang palad ay wala pa si Ryder doon at tanging si Tito Kio lamang ang sumalubong sa akin.
“Oh, ang aga niyong umalis ni Ryder ah. Saan ba kayo nagpunta dalawa?” nagtatakang tanong nito saka umupo sa katabing couch kung saan ako nakaupo.
“Ah, hi-hindi po. Magkasama po ata sila ng kaibigan niya,” sagot ko na lamang rito.
“Ah, ganoon ba. Oh siya sige, maiwan muna kita dahil may bibilhin lang ako,” paalam nito sa akin.
“Tito, ako na po bibili,”suhestiyon nito.
“Parang ito lang, hindi ko na kailangan ng tulong, Alexia. Anong tingin mo sa akin, weak?” tanong nito sa akin na sinundan ng kindat.
Napangiti na lang kami sa isa’t isa saka nagpatuloy na ito palabas ng bahay habang ako naman ay agad nang pumasok sa loob ng kwarto ko. Napatingin ako sa dala na envelope. Nasa loob nito lahat ng mga impormasyon tungkol sa namayapa na lalaki sa naganap na barilan kamakailan. Dito ay nadawit ang pangalan ng pamilyang Pascal kaya naman hindi na ako makapaghintay pa at agad na tingnan ang mga ito.
Hindi ako makapaniwala sa dami ng mga impormasyon na nakasulat rito. May ebidensya sila na ang pamilyang Pascal ang may pakana ng lahat ng ito at sapat na ang mga ito upang magpatunay sa nasabing krimen.Maya-maya pa ay nakaramdam na lamang ako ng gutom. Sandali lang akong pumunta sa kusina saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nagulat na lamang ako nang may kumatok sa pinto. “Oo, teka lang,” sagot ko rito saka lumapit sa pintuan. Agad na tumambad sa akin ang mukha ni Ryder habang seryosong nakatingin sa akin.
Eh? Bakit hindi ko man lang namalayan na nakauwi na pala siya?! s**t!
“H-hi?” bati ko rito habang nakataas pa ang kanang kamay ngunit hindi man lang nito nagawang magpalit ng ekspresyon sa mukha.
Napaatras na lamang ako ng seryoso pa rin itong nakatingin sa akin at humahakbang palapit sa akin.
‘H-hoy, R-ryder… b-bakit ba? Ka-kakauwi mo lang? Hehe, si JM ba, na-nakauwi na rin?” pautal utal na tanong ko rito habang paatras pa rin ako ng paatras. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ni Ryder habang nakatingin sa mga mata nito.
Napakalalim, gayunpaman ay ramdam ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Ito ng pangalawang beses na makita ko ang mga mata na ito kay Ryder.
Noong una ay sampung taong gulang ako at naglalaro sa labas. Nang mga oras na iyon ay hindi agad ako umuwi noon hanggang sa magdilim ay hindi na nila ako nakita dahil sa naglibot libot ako at naligaw. Halos alas nuwebe na nang makita ako ni Ryder sa isang eskinita at katulad ngayon ay punong puno pa rin ng pag-aalala ang mga mata niya.
Naramdaman ko na lang maya-maya ang dulong bahagi ng silid at tanging pader na lang ang nasa likuran ko kaya bago pa man ako mapasandal dito ay naglakas loob ako na huminto at harapin siya. Wala pa rin itong tigil sa paglalakad na mas lalong nagpakaba sa akin. Nasa bandang leeg lang ako ni Ryder dahil di hamak na mas matangkad ito sa akin ng ilang sentimetro.
Napapikit na lamang ako nang maramdaman ang katawan ni Ryder na saktong napahinto sa harapan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga ito at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng binata. Ilang pulgada lamang ang agwat nito sa akin na mas lalong nagpakaba sa akin.
Magsasalita na sana ako nang biglang marinig ang tinig mula sa pinto.
“Hoy, kayong dalawa. Ano pang ginagawa niyo dyan? Kakain na, bilis. Baka lumamig ang sabaw sige kayo,” sambit ni Tito Kio na bigla na lamang sumilip sa pinto ko sabay alis pagkatapos niyon sabihin.
“Ah, o-opo!” sagot ko rito at muling ibinalik ang tingin kay Ryder ngunit mukhang pati ito ay wala nang magawa kundi ang sumunod sa ama.
Bago ito tumayo ng maayos ay inilapit niya muna ang ulo niya sa bandang tainga ko sabay bumulong, “ We will talk later.”
Ramdam ko ang hininga nito sa bandang leeg ko kaya hindi ko maiwasang pantaasan ng balahibo. Napatingin na lang ulit ako rito nang tumayo na ito at naglakad palabas.
Napahawak ako sa dibdib. s**t! Hindi ko alam na lahat ng itinatago kong plano ay mawawalan ng saysay dahil lang sa nalaman ni Ryder ang tungkol dito. Pero kahit anumang gawin niya, hindi ako makikinig sa kaniya. Hindi pwedeng palagpasin ko ang pagkakataon na ito at hindi makapaghiganti sa pamilyang iyon.
Napatango na lamang ako saka sumunod na rin palabas. Pagpunta ko sa kusina ay agad na akong inaya ni Tito at saktong nakahain na rin ang lahat kaya naman umupo na lamang ako sa harap ni Ryder at nag-umpisa na kumain. Tanging ang tunog lamang ng telebisyon na pinapanood ni Tito ang naririnig namin habang tahimik kaming kumakain. Kung minsan ay nagkakatinginan kami ni Ryder pero mabilis rin akong nag-iiwas ng tingin dahil ramdam ko ang inis at panenermon nito sa kaniyang mga mata.
Pagkatapos namin kumain at mag-ayos ay dumiretso na ako sa sala ng maabutan ko siya roon na nagpapahinga habang nilalasap ang malamig na hangin mula sa bintana. Nakataas pa ang paa nito habang nakatanaw sa malayo. Tahimik akong naglakad palapit rito hanggang sa makatabi na ako dito. Kasabay ng pag ihip ng hangin ang pagtangay sa ere ng ilang hibla ng buhok ko kaya naman pasimple ko itong inipit sa kaliwang tainga ko.
“JM told me,” paunang sambit ni Ryder.
Nanatili kaming nakatingin sa labas habang tahimik na naghihintay sa sasabihin ng isa’t isa.
“Are you stupid?” biglang tanong nito dahilan para mapayuko ako.
“You know that you’ll achieve nothing even if you take revenge right? Hindi maibabalik ang buhay ng parents mo, ng mga kamag-anak mo. In fact, you’ll endanger yourself once again,” sambit nito hanggang sa mapalingon ito sa akin.
“I know, that’s why I’m stupid,” malakas na sagot ko rito dahilan para manlaki ang mga mata nito sa gulat.
“Alexia…”
“And I don’t care.I don’t care if I fail. I don’t care if revenge will not take my parents back but atleast, I can stop them from doing things over again to other people. To their new victims.I- I just want them to realize and make them remember that… that the family they killed decades ago, will burn them to ashes today…” matapang na sagot ko rito.
I don’t need to cry that’s why I keep myself calm as much as possible kahit na sa loob loob ko ay gusto ko ng umiyak sa kaliwa’t kanang ala-ala na dumadaan sa isip ko.
Napatingin ako kay Ryder nang bigla ako nitong hinawakan sa kamay.
“What if you die? I mean, I don’t want you to die, Alexia pero kung ang pamilyang Pascal ang pag-uusapan ay hindi imposible sa kanila ang bagay na iyon!”
Natigilan ako roon saka dahan-dahang ngumiti.
“I won’t die,” sagot ko rito.
Napakunot noo ito habang nakatingin sa akin.
“How sure are you?” tanong nito sa akin.
“Cause I know you’ll protect me,” sagot ko rito saka mas lumawak ang pag ngiti sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ni Ryder na para ang gulat na gulat sa narinig. Ilang minuto pa itong nakatingin lang sa akin hanggang sa siya na rin mismo ang nagsawa at napakamot na lang sa ulo.
“Arghh!” inis na sambit nito habang frustrated na ginugulo ang buhok.
“You’ll protect me, right?” tanong ko rito.
“Of course, I’ll protect you!” biglang sigaw nito sa akin dahilan para mapatawa ako sa kaniya.
“Then I have nothing to worry about,” sagot ko rito.
“But… but I can’t protect you all of the time. I’m not that great… or strong,” mahinang sambit nito habang nakayuko.
“Then I will be the one protecting you at that time. I know for sure that when that moment comes, you already taught me how to become strong, so I’ll protect you like how you protect me,” nakangiting sambit ko rito. “ I’m no longer a girl, Ryder. I’m a grown woman now,” dagdag ko pa rito.
Kitang kita ko ang hindi makapaniwala na reaksyon nito na sinundan na lamang ng biglang ngiti nito.
“Hahaha, yeah. A beautiful woman you are,” nakangiting sambit nito saka muli naming pinagpatuloy ang pagtitig sa tanawin na nasa harapan namin.
I know I can never win an argument against Ryder but he must know that I’m not the weak Alexia he knew before and I know that I will do this no matter what, to stop the cycle of hatred and shred of blood caused by the Pascal family.